BLAKE SHIN DELA VEGA
NANG MAKA LAPAG KAMI NG Pilipinas, agad naman kami naka uwi. Alam ko nasa bahay na ang asawa ko ngayon, dahil sabi ni Mika ng tawagan ko ito madaling araw umuwi si Flame sa bahay.
PAGDATING NAMIN SA mansion nag hiwa-hiwalay na kami, ang magkapatid na lalaki ng asawa ko ay nag tungo na sa kanila. Kasama ko si Ate Sky at mga anak nito, kasama ko ang magulang ko at si Crystal at Winter.
“Mama!” Tawag ng mga anak ko sa Mama nila, umaga naman ngayon pwede na sila mag ingay.
“Andito ako sa kitchen..” narinig kong sagot ng asawa ko binaba ko muna ang mga dala namin at nilapitan ko ang asawa ko. Nakatalikod ito habang nagluluto.
Niyakap ko ito mula sa likod nito at hinalikan ko ang leeg nito. “Good morning, Honey..” bati ko dito.
Lumingon ito sa akin at nginitan ako. “Good morning, mag palit kana at mga bata para sabay sabay tayo mag agahan..” humalik ito sa labi ko na kina ngiti.
“I will, hon may pasalubong pala ang mga bata para sayo. Hindi ka talaga nila nakalimutan kahit saglit..” natatawa kong paliwanag dito.
Tumawa lang ito pero mahina lang. “Mamaya ko na ’yun titingnan, unahin muna natin kumain..” humarap na ito sa akin.
Humalik ako sa labi nito at nginitan ito. “I love you so much..” hinalikan ko ang noo nito.
“I love you too, sige na ayain mo ang mga anak natin para maka pag bihis o makapag linis ng katawan mga ’yun.” Utos nito kaya tumango ako at tahimik akong lumabas ng kitchen.
“Cloud, Pyrrhos at Ai, let’s go maligo muna kayo then mag breakfast na..” utos ko sa mga anak ko. Agad naman naman nag takbuhan paakyat ang mga anak ko.
“Daddy, ako po maligo mag isa ha? Gusto ko po ako..” wika ng anak kong si Ai nasa itaas na ito.
Ngumiti ako at nilapitan ko ito. “No, paano kung madulas ka sa loob? Mama will hurt too and also me..” tanong ko dito at binuhat ko ito.
“But, i want too daddy..” humaba na naman ang nguso nito.
“Okay, but i will watch you no but, agree?” Pag payag ko sa gusto nito.
Tumango ito at agad yumakap sa batok ko. Ngumiti naman ako at pumasok na kami sa loob ng kwarto. “You, both young man mauna kayo maligo mahuli na si Ai..” utos ko sa dalawang lalaki.
“Daddy, gusto ko sa likod pwede po? Dadala ako towel ko saka pamalit po.. kasi doon po kami maliligo nila Helliot!” Tanong ng panganay ko.
Bumuntong hininga na lang ako at tumango. “Okay fine, but make it quick. Huwag na muna kayo mag babad at sobrang aga pa.” Mahigpit kong bilin dito.
“Yes daddy! Thank you po!” Pasasalamat nito at humalik pa ito sa pisngi ko. Ngumiti lang ako at hinayaan na itong lumabas.
Pumasok naman sa loob ang anak kong si Pyrrhos sa bathroom.
Binaba ko si Ai sa kama at kinuha ko ang towel at binuksan ko ang pinto, “You always forgot your towel..” wika ko na kina lingon ng anak ko sa akin.
Sinabit ko ito sa gilid at lumabas ako pero iniwan ko ito naka bukas ng kaunti. Upang kapag may nangyari marinig ko.
“Daddy, can i wear this po?” Tanong ng dalaga ko at pinakita sa akin ang terno na may brand name na Dior. Pantulog ito pero sinusuot parin nila as pambahay.
“Yes sweetie, you can.” Sagot ko at nag hubad na ako ng nakatalikod sa anak ko.
“And Pyrrhos too daddy, ito na lang po. Bili mo po ito sa kanya po. How about kuya Morrigan?” Tanong nito natatawa naman ako dahil.
Kahit kailan gusto talaga nito ang pakialamanan ang damit ng mga kuya niya. Siya ang mag de-desisyon nito. “Anak, pwede na sila kuya d’yan hayaan mo na sila big boy na sila diba?” Tanong ko dito at umupo ako sa tabi.
Lumingon ito sa akin, everytime na nakikita ko ang mga anak ko mas lalo ang bunso ko. Ang Mama nila ang nakikita ko, mata palang nila. “Okay po daddy..” ngumiti na naging dahilan para pisilin ko ang ilong nito.
HINDI NAG TAGAL NATAPOS NA KAMI MALIGO LAHAT at kumain. Ang asawa ko naman nasa baba para maglinis ng kusina.
Naka upo ako sa lapag habang inaayos ko ang magulong lagayan ng mga stuffs ng mga bata. Nang may makita ako.
Kinuha ko ang nasa itim na box at nang buksan ko ito napa ngiti ako ng kunin ko ito lahat.
College Graduation picture ng asawa ko. Natatandaan ko na kinumbinse ko ito na bumalik mag aral at tapusin ang college. Una ayaw niya sabi ko naman sa kanya mag aral siya pero sa London na para malayo sa mga nakakakilala sa kanya.
Para maranasan ng asawa ko ang normal college life, and she did it, pumayag ito kaya kami natagalan dahil nag aaral ang asawa ko. 2 years matapos niyang manganak at maka recover sa kanyang postpartum depression.
Naka ngiti lang ako habang isa isa ko itong binubuksan. May mga class picture din sila sa mas lalo sa year end. Hindi man naka ngiti ang asawa ko pero alam ko na masaya ito.
Ang kinalimutan na niya noon na mag aral ay muli niyang hinarap. Proud ako na naka pag tapos si Flame sa college sa mataas na antas.
Siya ang Summa c*m-Laude ng kanilang batch, ito ang may pinakamataas na rango dahil sa grade nito na parang hindi naman pinaghirapan.
Matalino kasi ang asawa ko, naririnig ko din sa mga pinsan o bayaw ko na noong nasa elementarya at high school si Flame lagi itong na accelerated sa ibang grade.
Kung anong course? She’s now a licensed Medical Doctor, chef and business administration ito lang naman ang tinapos niya.
Ang pagiging doctor ay hindi niya gusto pero nag kainterest ito pero ayaw niya mag trabaho sa kahit anong hospital. Gusto lang nito mag ka lisensya, sa business para ito sa pamilya nila. Ang Chef naman para din sa pansarili.
Ayaw nito sa kahit ano kaya hindi ko ito mapipilit.
“Kaya ayaw ko mag trabaho dito sa pilipinas dahil masyadong mahilig mang criticized ang mga tao dito. Mas lalo sa estado ng buhay ko dito at kilala ako bilang Mafia Boss lahat ng inaral ko at para na lang sa pamilya..” napa angat ako ng ulo ng marinig ko ang asawa ko.
Umupo ito sa harap ko at naki halungkat din. “Gusto ko idisplay ito..” nginitian ako nito.
“May bakanteng wall sa hagdan pwede doon..” suhestyon ko. Sang-ayon ako sa asawa ko mahihirapan siya kapag dito siya nag hanap ng trabaho kahit pa mag tayo pa ng kahit ano.
Maraming masamang masasabi sa kanya, naiintindihan ko ang pinupunto niya. Kahit pa sabihin natin na wala na dapat tayong pakialam sa iisipin ng ibang tao.
Hindi birong tao si Flame.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
NANG MAG GABI nakatanggap ako ng threat. Ang pino-front nila ay ang mga bata. Kumalat na rin ang tungkol sa pagka aresto ni Caztigo dahil may mga lumitaw na biktima.
Wala ito sa info na nakuha namin. Habang si Benson ang anak ng presidente ang target namin ngayon. Lumabas ang video nito na pang aabuso sa kanyang asawa.
“Aalis muna ako Love, andito si Wendy siya ang bahala sainyo.” Paalam ko at humalik ako sa labi nito.
“Mag iingat ka,” paalala nito tumango ako.
Lumabas ako at nakita ko si Samantha at Wendy. Hindi pa nakaka balik ang iba kong tauhan dahil sumama sila kay Earl kaya kami kami lang muna. “Ingat!” Sigaw ni Sam nag thumbs up lang ako.
Sumakay ako sa motor ko at mabilis akong umalis ng mansion. Sa baba pa lang hindi pa ako nakaka lapit may nakita na akong mga sasakyan. “Hindi kayo maka pag hintay..” bulong ko.
Agad kong tinigil ang motor ko at tinawagan ko si Samantha. “Oh may nakalimutan ka?” Tanong nito ng sagutin ni Sam ang tawag ko.
“Nasa baba ang kalaban, liliko ako kayo na ang bahala..” bilin ko at binaba ko na ang tawag. Mabilis akong kumabig sa kanan at dito ako dumaan.
Hindi ang tagal nakarating ako sa patag. Mas binilisan ko pa ang takbo ng motor ko hanggang makarating ako ng Cubao. Napatigil ako ng makita ko na lahat ng sasakyan ay naka tigil.
“Ayaw tayo padainin ng mga tao ng presidente!” Narinig kong wika ng tingin ko mag asawa na naka motor dito.
Kaya agad akong umatras mabuti may maatrasan pa ako, pinindot ko ang earpiece ko at nag salita. “Mika, icheck mo ang daloy ng daan sa Cubao bilisan mo. Dahil hinaharangan ng mga tao ng presidente ang daan..” utos ko dito.
Umikot ako ng daan patungo sa mga bus at nang makalusot lahat naka balikada. “Nakatanggap po sila na d‘yan ka dadaan gusto ka po nila hulihin dahil sa ginawa mo kahapon. Ngayon lang lumabas ito!” Sagot nito sa akin.
“Tawagan mo ang lahat at sabihin mo ang sitwasyon..” utos ko dito at bumaba ako ng motor ko ng maitago ko ang motor sa likod ng malaking poste para sa riles sa itaas ko. Dahil may riles ng tren sa ibabaw ko.
Bumaba ako ng motor ko kinuha ko ang baril at kinargahan ko ito ng bala. Napatalon ako sa gulat ng may nag babaan mula sa taas ng riles. “Sssh wag ka maingay, Apoy mainit ka sa kanila! Kaya nga hindi rin ako maka daan!” Agad akong hinila ni Damon patungo sa likod ng poste.
“Pwede ba sa susunod mag sabi ka? Akala ko bumagsak ang Riles! Ano ba nangyayari?” Tanong ko dito.
Tumawa lang ito at nag peace sign sa akin. “Oh well gusto ka nila hulihin at ikulong ulit, hindi kami papayag ano..” sagot nito.
“Hindi talaga sila natuto,” inis kong bulong at tinanaw ko ang mga ito.
“Boss malapit na sila Boss Lance at ang iba pa!” Narinig kong wika ni Alice.
“Let’s get it on!” Agad lumabas si Damon at nag lakad na ito patungo sa mga PSG may mga pulis din itong mga kasama.
Nag lakad na rin ako hanggang napa tigil ako ng may pumapalibot na sa amin na mga pulis. “Kung ganun naka tago pala sila..” bulong ni Damon.
“Ito lang naman kaya nila.” Bulong ko at nilingon ko ang mga parak na ito.
“Lahat ng armas niyo ibaba niyo! Kundi babarilin namin kayo! Matapos itaas niyo ang kamay niyo!” Utos ng isang pulis hindi ko alam kung sino sa kanila.
“Gusto ka maka usap ng personal ng presidente! Upang itigil mo ang lahat ng ito..” wika ng PSG na babae.
Ngumisi ako at nag salita. “Bakit hindi niyo kausapin ang mga Dr*g lord at mga human trafficker at ang iba pa? Bakit kayo naka tuon sa akin? May pinasok ba akong ilegal na bagay o ano man sa bansa? Ako ba talaga ang sumisira ng imahe ng bansa o tayong lahat?” Tanong ko.
“Bakit ako ang gusto niyong gipiin kung may mas malaki kayong problema? Pikit ba ang mga mata niyo sa katotoohanan?” Tanong ko sa kanila na kina tigil nila.
“Ibaba——” hindi ko pinatapos magsalita ang isang pulis, hindi ko ito pinatapos ng barilin ko ito deretso sa ulo nito na kina bagsak nito.
Matapos ang ginawa ko bumaling na ako sa lahat. “Iputok niyo! Pasasabugin ko ang gas tank na ’yan para pati ang mga inosente madamay!” Banta ko at tinuro ko ang isang truck ng tangke ng gas. Alam ko gas ang laman ng truck na tinutukoy ko.
“Napaka hayop mo! Balak mo patayin lahat ng tao na nandito?!” Tanong ng PSG na lalaki sa akin.
“Naku naman mukhang palalabasin pa nila plano mo ito..” natatawang wika ni Damon, tama ito ang plano nito para sa akin ang sisi.
“Onze.. nasa sayo pa ang info?” Tanong ko kay Onze.
“Opo boss..” sagot nito.
“Ilabas mo na ngayon..” utos ko dito. “Damon, umpisahan mo na..” utos ko kay Damon.
Ngumisi ito at nilabas niyo ang dalawang baril nito. “Masusunod mahal kong pinsan!” Sagot nito at walang pakundangan na pinagbabaril ang PSG ng Presidente, nakita ko ang mga tao na naka video agad.
Hinarap ko ang mga parak na kitang kita ko ang pag guhit ng takot sa mukha nila hanggang..
Sa isang iglap nawalan ng ulo ang apat na pulis sa harapan ko, ng bumagsak ito doon ko nakita kung sino ang may gawa.
“Masyado silang mga epal..” bulong ni Violet ang kanang kamay ni Ace. Umayos ito ng tayo habang hawak nito ang M48 Tsunami Dagger nito.
Yumuko ito sa harapan ko. “Pasensya na po kababalik lang namin Lord Flame..” paghingi nito ng paumanhin.
“Okay lang sakto lang kayo..” sagot ko at tumalikod na ako dito. Nakita ko na may tatlo pang PSG na natira.
Nag lakad ako na kina atras ng mga pulis, “Pakisabi sa amo niyo, siya ang nag bukas ng impyerno niya. Simula ngayon huwag niyo siyang hahayaan mag isa dahil baka ang bala ko ang tatama sa kanya..” bilin ko sa mga PSG at tumalikod na ako.
“Naging mabait ka pa? Bakit hindi mo sila tinuluyan na lang?” Tanong ni Damon sa akin at sumunod ito.
“Para ihatid nila ang mensahe ko,” sagot ko hanggang humarap ako at hinawi ko si Damon sa akin tumama ang bala na para kay Damon.
Tumama ito sa ibabang balikat ko. “FLAME!!” Sigaw ni Damon agad kong nakita na tumakbo si Violet.
Napa upo ako ng sa sakit ng tama sakin. Kitang kita ko paano ipulupot ni Violet ang kadena sa leeg ng bumaril sa akin at walang awa itong awa na ginilitan ang lalaki gamit ang kadena niton hawak.
Nakita ko pa paano gawing harang ni Violet ang katawan ng pinatay nito sa bala. Mabilis itong umatras at tumakbo palayo.
“Umalis na tayo..” ulos ko at nag lakad na kami habang hawak ko ang tinamaan sa akin.
“Ikaw na gumamit ng sasakyan ko, ako na motor mo..” inabot nito sakit ang susi ng sasakyan niya.
“Nasa motor ang susi..” sagot ko at tinuro nito ang sasakyan niya.
Lamborghini Aventador na kulay itim ito pure black. Sumakay ako dito at mabilis kong pinaandar ito patungo sa Underground.
HINDI NAGTAGAL, pagdating ko agad kong ginamot ang sarili kong sugat. Isa na akong licensed medical doctor pero hindi ako nag ta-trabaho. Dahil ayoko period.
NANG MATAPOS AKO lumabas na ako at nag palit ng damit. “Kalat na sa bansa ang ginawa ng anak ng Presidente sa kanyang asawa. Ano next?” Tanong ni Damon.
“Huwag muna kayo kumilos..” utos ko pero mali ako dahil..
“Boss may pumasok pong balita..” wika ni Alice agad nito binuksan ang tv at doon namin nakita na sinunog ng mga taong nakatira sa isang pribadong village ang bahay ni Caztigo.
Isa itong r*pist marami itong nabiktima mas lalo ang mga estudyante na ito ang nag paaral o scholars niya.
“Naku, kawawa ka sa kulungan kapag nagkataon na nalaman ng mga mayor doon ang ginawa mo, dahil kung ano ginawa mo sa labas yan din gagawin sayo..” wika ni Damon.
“Lalabas kang bakla na!” Segunda ni Azi at nag tawanan naman ang dalawa.
Naka titig lang ako dito ng hindi umiimik.
-
The world is full of monster with friendly faces and angels full of scars..