FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Nang makabalik ako ng bansa natulog muna ako ng halos mag hapon. Dahil pakiramdam ko nagka jet lagged ako ng wala sa oras.
Pag gising ko ay gabi naman na, naka tanggap din ako ng email mula kay Ezekiel na early tomorrow darating na sila sa bansa bukas. Hindi ko na ito sinagot pa ang importante umuwi sila.
Lumabas ako ng bahay at nilagay ko ang alert sa level 4 para hindi naman matatakot ang mga tao sa mansion. Nag tungo ako sa labas ng gate dito ko inutos kay Jimmy na iparada na ang sasakyan ko. Ang motor ko ay naiwan naman sa Underground.
Sumakay ako dito at mabilis itong pinaandar paalis. Mas binilisan ko pa ng makarating ako sa patag na kalsada.
HINDI NAG TAGAL NAKARATING ako sa Maynila nasa tinatawag akong Jones Bridge ngayon. Natatandaan ko ang lugar na ito, naging tourist attraction ito ng bansa dahil sa maka luma nitong anyo.
Sinasabi sa balita na ito ay replika ng nakaraan pareho ito sa dating Jones Bridge hindi lang ito ang orihinal. Ito din ang lugar kung saan ko unang nakalaban si Tanda o ang lolo namin ng buhay pa ito. Ilang laban din ang naganap sa tulay na ito noon.
Lahat maduguan, dito din ako idinaan ng ikulong at iparada ako sa buong Maynila. Ngumisi ako ng naalala ko ang nangyari anim na taon na ang lumipas.
Hindi ko akalain sa anim na taon na ‘yun, maalala ko pa ang nangyari. Panahon na buntis na ako sa kambal natatandaan ko ito, natatakot din ako gumalaw ng sobra at mapagod baka malaglag ang pinagbubuntis ko.
Ngunit nagawa ko parin lumaban kahit alam ko na pwede ako makunan sa gagawin ko. Ang mag dalang tao sa kalagitnaan ng labanan ay hindi biro, hindi ko alam paano ako gagalaw at hindi ko alam paano ko iingatan ang sarili ko. Tila nangangapa ako noon mabuti nandyan sila Kuya Thunder at ang iba pa mas lalo ang asawa ko. Nagawa nila akong tulungan kahit hindi ko pa hingin.
Nang makalagpas ako sa tulay binilisan ko ang takbo at agad akong kumanan dahil dito ako dadaan para makarating ng Underground.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA AKO bumaba ako ng sasakyan ko at tahimik akong pumasok sa loob. Saktong pag pasok ko nakita ko ang pinapanood ng mga babae.
Hindi ko sinabi na nakabalik na rin ako dahil magugulat sila dahil hindi pa uminit ang pwet ko sa Spain. Nakabalik na ako mas mahaba ang flight ko kesa sa pag stay ko mismo sa bansang ‘yun..
Pinapanood nila ang video na kuha galing sa news noon ‘yung laban ko kasama ang mga assassin ko. “Hindi ba kayo nagsasawa na panoorin ‘yan?” Tanong ko at umakyat ako sa hagdan bago ka makarating sa mismong pwesto nila may tatlong baitang para makarating ka.
Binago na ang disenyo ng Underground kung noon lahat ay pantay lang ang daan ngayon hindi na. Inangat kayo ang daan.
“Boss? Teka bakit po kayo andito hindi po kayo tumuloy?” Tanong ni Alice sa akin, kagat kagat pa nito ang hita ng manok.
Well kumakain kasi sila ng hapunan nila. Nilapag ko ang pagkain na binalot ko para sa kanila, simula ng nakapag asawa ako at nagka anak lagi ako nag luluto at dinadalhan ko sila kasi sabi nila masarap ako mag luto.
And I don’t really agree,
Why? Simple kapag nilalasahan ko kasi hindi ako nasasarapan.
“Ah.. nakarating ako pero hindi ako welcome kaya bumalik na lang ako..” sagot ko at umupo ako sa mataas na upuan.
“Ano po ito? Ano po niluto niyo?” Tanong naman ni Divine at isa isa binuksan ang dala ko.
“Kare-kare, hindi ko alam kung masarap. Ang bagoong nito pa lang ang ikalawang beses ko na gagawa ng ganyan. Pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin.
Nilingon ko si Onze. “Gawin mo na ang ikalawang atake matapos mo kumain..” utos ko dito tumango lang ito dahil may laman ang bibig nito.
“Wow! Ang sarap at ang bango. Kakain ako ulit!” Narinig kong wika ni Jennica.
Hinayaan ko na lang sila na kainin ang dala ko dahil para sa kanila naman talaga ito. “Ang galing niyo po d’yan boss. Para po kayong hindi nag buntis d’yan..” natatawang wika ni Alice.
Nag angat ako ng tingin dahil may hawak akong papel ito ang binabasa ko. Hindi ako umimik dahil wala naman akong sasabihin pero ngumisi lang ako. “Paano kaya kung maulit ang nangyari noon?” Tanong ni Mika.
“Maulit man o hindi, hindi parin ako mag papatalo at para sakin hindi ko kalaban ang gobyerno. Hindi magbabago ang pananaw ko..” malamig ko lang na sagot.
“Paano kung ‘yun lang pala ang nasa isip mo pero ang totoo. Sila naman talaga ang kalaban mo?” Napa lingon ako sa bagong dating.
Walang iba kundi si.. “Boss Drake..” yumuko ang mga tao ko sa ikatlong pinuno ng La Cosa Nostra ang Boss ng Dark Organization si Drake Montelivano.
“Hindi ko nakikita na kalaban sila..” sagot ko lang at umayos ako ng upo.
Nag kibit balikat ito at umupo sa harapan ko. “Ngayon pa lang isipin mo na ilang beses na ba nila kayo hinarang at kinalaban? Marami na Flame, hindi ’yun biro. Ang ipakulong ka at marami pang iba.” Sagot nito.
Hindi ako kumibo saglit sa sinabi nito at sumandal ako, tiningnan ko ito ng malamig. “Natural na haharang sila, Drake una kriminal tayo lahat ng gagawin natin mali sa paningin nila. Sino ba kasi nag sabi na tama ang ginagawa natin? Kung may umiiral naman na batas sa bansa?” Tanong ko dito.
“Walang tama sa ginagawa natin, maaari sa ibang tao nakikita nila ang halaga at tama sa ginagawa natin. Pero ako? Wala akong nakikita doon ang ginagawa ko na lang ay upang manatili tayong buhay lahat..” putol ko,
Ang mata nito ay nagulat sa sinabi ko. “Dahil kilala na tayo sa larangan natin, ngayon ka pa susuko at aatras? Ngayon pa ba na nakarating na tayo sa yugto ng buhay natin na ito?” Tanong ko dito.
Ngumisi ako at muling nag salita. “Ang ibig ko lang sabihin. Lumaban ka na lang na naaayon sa nangyayari at manatiling buhay..” sagot ko dito.
“Inuubos mo ang tauhan mo sa maling prinsipyo mo.. alam mo na kapag pinag patuloy mo ang ganyang kaisipan alam mo malalagay sa alanganin ang lahat pati ang tao mo. Mas lalo ngayon hayuk ang Presidente na gipitin ang katulad natin na salot sa lipunan..” mahabang sagot nito.
“Edi tapusin ang pangulo, kung hindi naman kaya gumawa ng kwento at wasakin ang dapat wasakin. Ano pa at isa akong Destroyer?” Tanong ko dito.
Tumayo ako at nag pamulsa. “Huwag mo muna problemahin ang isang bagay na wala pa. Sa ngayon trabahuin muna natin ang Los Trados..” mahina kong sagot dito sapat na para marinig lang nito.
Pag baba ko saktong umilaw ang buong paligid ng kulay pula. “Boss! Nasa labas ang ilan sa tauhan ng Los Trados..” wika ni Mika.
“Onze gawin mo ang utos ko, mag kalat ka pa ng info tungkol sa mga opisyal! Mika, Jennica at Alice sabihin niyo sa akin ilan ang kalaban at siguraduhin ninyong itaas ang security ng Underground!” Utos ko sa kanilang lahat.
“Opo Boss!” Sabay sabay na sagot nito.
“Boss may Media!” Wika ni Divine, ngumisi ako at nilagay ko ang dalawang transparent earpiece ko sa aking tainga.
“Hayaan mo lang sila.. Drake? Sasali ka?” Tanong ko dito.
Tamad lang itong tumayo at bumaba. “Alangan naman pabayaan kita? Kapag pumanaw ka dito malalagot pa ako sa mga kuya mo mas lalo sa asawa mo..” patanong nitong sagot.
Ngumisi ako at nag lakad ako hinugot ko ang buong gun holster ko sa gilid ng malaking pinto. Puno na ito ng laman at agad kong sinuot ito ng hindi nag susuot din ng jacket.
Tinali ko ang buhok ko kahit magulo pa ito. Upang makita ko ng malinaw ang buong paligid.
THIRD PERSON POV
“Anong lalaban si Flame at Drake! Bwiset! Mag tawag kayo ng ibang tauhan natin para tumulong sa dalawa!” Utos ni Thunder kay Mika ng tumawag ang binata sa Underground upang mag tanong kung nakabalik na ba si Flame.
“Hindi na daw po nila kailangan kaya na nila itong dalawa..” sagot ni Mika sa binatang amo.
“Anong meron Thunder?” Tanong ni Blake dito.
Binaba na nito ang tawag at humarap sa asawa ng kanyang nakaka batang kapatid. “Lumalaban si Flame sa mga Los Trados kasama si Drake Montelivano..” sagot nito na kina singhap ni Blake at ng ibang nasa loob ng kwarto.
“Kaya ba nila?!” Tanong ni Azi..
Ngunit hindi sumagot si Thunder, wala siyang duda sa kakayahan ni Flame ngunit matagal na itong namahinga. Dito ito nag dududa ngayon.
SA KABILANG BANDA isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Flame sa kalaban nitong babae. Lumuhod ito at binaril naman nito ang lalaki sa likod nito na pasugod kay Flame mismo.
“Bakit yata wala kayong tauhan? Tumiwalag na ba?” Mayabang na tanong ni Alexiõ ang bagong kanang kamay ng Leader ng Los Trados.
“Bakit ko naman kakailanganin ng marami kung kaya naman ng dalawang leader?” Tanong ni Flame at tumayo ito ng tuwid.
Kahit natatakot dahil kilala nila paano lumaban ang isang Flame Morjiana Lavistre. Nanatili silang matatag para mapatunayan ang sarili sa kanilang amo.
“Ikaw si Alexiõ, tama? Isang Portuguese Mafia Right hand ngunit namatay ang dating niyong amo at nag palit ng tauhan. Kasama ka sa inalis..” wika ni Flame na kina atras ng lalaki.
Matanda ang lalaki kay Flame ng halos dalawampung taon, may balbas ito tulad nga mga portuguese. “Paano mo ako nakilala?! Ngayon pa lang kami lumitaw sa bansang ito!” Tanong nito.
“Dahil ’yun ang trabaho ng tauhan ko ang alamin ang tungkol sa kalaban ko..” sagot ni Flame.
Agad tinutukan ng lalaking nag ngangalang Alexiõ ng baril si Flame ngunit hindi natinag si Flame pag kakatayo. Hanggang tumabi si Drake at tinutukan din ang lalaki ng parehong klase ng baril.
“Put it down..” utos ni Drake.
“Maging alerto ka meron sa likod natin. Nasa harapan ang mga Media, handa ka ba mag pakitang gilas?” Tanong ni Flame dito ng hindi ito nililingon kahit isang segundo.
“Tinatanong pa ba ‘yan?” Tanong ni Drake at pinagbabaril ang apat na lalaki sa likod ng walang pag aalingan.
“MATE-OS!!” (K*ll them in Portuguese) Utos ng lalaking nagngangalang Alexiõ.
Agad sumugod ang mga kasama nitong tauhan, ngunit hinanda lang nito ang kanyang sarili na walang kahit anong hawak na baril.
“Hindi siya gagamit ng baril?” Tanong ng isang lalaking Reporter.
“Oo nga wala siyang hawak na kahit ano..” pag sang ayon ng isang babae na reporter din.
HABANG SA BAHAY NG MGA Young kitang kita nila sa balita paano tumayo si Flame ng parang wala itong nararamdaman na takot.
“Ang lakas ng isang Leader ay nasa mga tauhan at naniniwala sa kanya..” wika ni Agent Freyah Knoxville na dating tinulungan ni Flame.
“Ang astig niyang Mafia Boss!” Wika ng anak na kambal na babae ng mag asawang Young.
Tumayo si Agent Freyah o mas kilala bilang si Cierra sa likod ng upuan ng kanyang mag aama at ngumiti. “Kahit kailan hindi niya binigo ang mga tao na mapahanga sa kanya. Walang papalit sa taong ito..” naka ngiting wika ni Mrs. Young.
“Mommy? Alam mo namumukhaan ko po siya, para po siyang ’yung babae po na lagi po nakasimangot ‘yung walang emosyon po sa mukha?” Tanong ni Tilly sa kanyang mommy.
“Yes baby, siya yun ang name niya ay Flame nag punta na rin siya sa ilan sa party natin noon..” sagot ni Cierra kanyang anak.
Tumango lang ito at na nag desisyon ang mag asawa na palitan ang pinapanood.
SA KABILANG BANSA napa tigil sa pagpirma ng papeles si Mr. Hayes Ferguson ng mag tilian ang mga reporter na media ng walang pag dadalawang isip ni Flame dinukot ang puso ng isa sa mga tauhan ng Los Trados.
Natanggal na ang ipit nito sa buhok tanging ang kulay na pula nito sa buhok ang nakikita. “Red hair like blood..” bulong ni Mr. Ferguson.
Napa tigil si Drake sa pagpatay sa kalaban nito ng makita niya ang mukha ni Flame, wala na itong mabasa na kahit anong awa sa mukha nito. Hawak nito ang puso ng taong dinukot nito.
Napa lunok ito sa nakita nito sa kanyang kasama. “Kung ako sa mga reporter na ito? Aalis na ako..” bulong ng binata ngunit nakatutok pa rin ang camera ng mga ito sa dalawang Mafia Boss na ito.
Nang hawiin ni Flame ang buhok niya at nag lakad patungo sa harap nangangatog ang isang lalaki sa takot. “Pa-paano mo nagawang dukutin ng puso ng isang tao?! Hindi kana ta——” hindi natuloy ang sasabihin nito ng hawakan ni Flame ang buong mukha nito.
Until unting diniin ni Flame ang pag hawak hanggang unti unti itong dumaing. “Tama na! Tulong!” Hiyaw ng lalaki ngunit walang may gustong lumapit hanggang.
Buong lakas na itinaas ito ni Flame sa ere gamit ang isang kamay lang at walang pag dadalawang isip na ibinagsak ito at dinurog nito ang mukha ng kawawang lalaki. Paulit ulit nito hinampas ang ulo ng lalaki sa mismong kalsada.
Nagkalat ang dugo at ang mata ng lalaki at lumabas na sa mismong bungo nito. Naka sabit lang ito dahil sa ugat sa mata nito.
Napa iling si Drake sa nakikita niya. Habang ang mga taga Media ay naka nganga lang at nanginginig ang mga kamay sa takot.
“Gusto niyo pa ba mapanood paano ako pumatay? Noon pa man sinusundan niyo na ako diba?” Malamig na tanong ni Flame dito.
Agad nagising sa pag kaka tulala ang mga ito at umiling. “Ibibigay ko..” mahina pero sapat para marinig nila ang sagot ni Flame.
Hanggang tumalikod ito, si Alexiõ naman ay nag umpisa na ng tumayo at tumakbo. Binitawan ni Flame ang lalaking pinatay niya at dinampot nito ang isang Pulang Baseball bat na may matalas at malaking patalim na nakalagay sa dulo nito.
Napa atras ang mga tao dahil sa pagawi ang takbo ng lalaki sa kanila, bago ito maka layo, tinakbo ni Flame ito hanggang dalawang hakbang layo nito ng ipalo ni Flame ang baseball na may kasamang blade sa lalaki. Mismong ang talim nito ang tumama sa leeg ng lalaki na kina putol ng ulo nito.
Ito ang naging dahilan bakit nawalan ng buhay ang bagong kanang kamay ng Los Trados. Bumagsak ang ulo ng lalaki sa harapan ng mga reporter.
Hanggang “AAAAAAAAAHH!!!!” Malalaki na tili at sigawan ang bumalot hanggang mag takbuhan ang mga ito.
“Siguro naman ngayon, hindi niyo na ako gugustuhin sundan pa?” Malamig na bulong ni Flame na alam niyang naririnig siya ng kanyang tauhan.
Napa lunok naman si Onze at ang mga babae sa nakita nila. Napanood nila paano umaktras ng isang hakbang ang kanilang amo at humarap ito agad pinatong pa nito ang baseball bat sa balikat nito at prenteng naglalakad ito pabalik ng Underground.
“Mika, utusan mo ang iba nating boys, linisin ito at subungin ang bangkay..” utos nito at nilingon pa nito si Drake na umiiling.
“Hindi ka man lang nag paawat. Kung tutuusin hindi mo naman kailangan gawin ‘yun..” wika ni Drake dito at sumunod ito.
“Para tumigil at matakot silang sumunod sa ating lahat..” malamig na sagot nito.
Ang mga manonood naman kahit commercial na ay tila tumigil ang oras dahil sa napanood nila. “Napa nood ba ng anak natin ang nangyari?” Tanong ni Maxine sa kanyang asawang si Gideon.
“Hindi ko sigurado nasa kwarto sila ngayon..” sagot ni Gideon.
Ubo naman ng ubo ang sikat na Attorney ng bansa na si Attorney Elizalde sa nakita niya. “Hindi ba siya pwede kasuhan sa ganyan na ginagawa niya?” Tanong ng asawa nitong lalaki.
“Pwede pero hindi sila mananalo, marami pwedeng ibatong kaso din ang kampo nitong si Flame sa bansa tandaan mo hawak nila ang baho ng mga pulitiko dito..” sa sagot na ito kinabahan naman ang asawa nitong si Lynch at napa tingin sa screen ng tv.
-
Omnes Sumus Peccatores
- We are all Sinners..