CHAPTER 3

2715 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tampal ako ng noo ng malaman ko mula kay Tita Danica ang dahilan bakit pinalayas si Damon sa kanila. “Pasensya kana Flame ha? Naku dyan pa talaga nag tungo ang bata na ‘yan..” wika ni tita habang kausap ko ito sa tawag. “Okay lang tita, wala naman problema doon..” maikli at malamig kong sagot. “Anyway anak, pwede ba namin madalaw ang mga bata?” Tanong nito kaya naman napa lingon ako sa mag aama ko. “Kakausapin ko po muna ang asawa ko..” sagot ko dahil hindi pa alam ng asawa ko. “Honey? Tungkol ba yan sa pag punta sa kanila ng mga bata?” Tanong ng asawa ko kaya tumango ako ng hindi nililingon ito. “Payag ako, andun naman si Jimmy kasama ng mga bata..” nilingon ko ito habang naka ngiti pa ito. Ngumiti lang din ako at nag salita na rin. “Salamat Love, sige po Tita papuntahin na lang namin dyan pumayag po si Blake..” pag payag ko. Narinig ko pa ang sinabi nito kay Tito Dethroide. “Hay naku, nakaka excite naman sige bibili kami ngayon ng kailangan nila. Sa weekend ha? Kasi may pasok na sila dapat pumunta din kayo ng asawa mo..” pag aaya ni tita. Umiling ako kahit hindi ako nito nakikita, nagulat pa ako ng tumung-tung ang anak kong babae sa upuan sa harap ko at hinawakan ang kamay ko na hawak din ang telepono. “May gagawin kasi ako niyan Tita, maybe ang asawa ko na lang kakausapin ko o hahabol po ako..” magalang kong sagot. “Tita Danica!” Masayang tawag ng anak kong babae. Hinawakan ko ang damit nito para hindi ito mahulog. “Oh hi Sweetie Aithne, okay sige mukhang busy na naman kayo. Mag iingat ka palagi ang mga kuya mo din..” paalala ni Tita. “Thank you po, we will sa weekend na lang po..” maikli kong sagot. Matapos nito binaba ko na ang tawag ko. “Pyrrhos?! Baba dito napaka kulit ng batang ito.” Narinig ko na nag taas ng boses ng asawa ko. Binuhat ko si Aithe ang anak ko, mahaba ang pangalan ng mga anak ko hindi ko alam bakit ito ang ginawa nila ng nawalan ako ng malay ng ipanganak sila. Mga pinsan ko ang may kasalanan ng pagkakaroon ng mahabang panglan ng anak ko. “Mama, Pyr-pyr is so kulit kulit po,” bulong ng anak kong babae. Natawa naman ako at hinalikan ang pisngi nito. “I know, like your tito Damon right?” Tanong ko dito. Mabilis itong tumango kaya naman natawa na lang ako. I remember na si Damon ang pinag lihian ko noon, kasi asar na asar ako at natutuwa ako kapag inuutusan ko ito at ito naman ay nababanas. We already knew na ayaw nitong nauutusan. “Hon, Pyrrhos napaka kulit sinabi ko na huwag na mag padulas sa hagdan sige parin.” Frustrated na sumbong ng asawa ko. Inayos ko ang buhok nito at ngumiti. “Eh paano masyado ka kasing mabait sa bata.. look..” sagot ko dito. Takot itong napapagalitan ang bata which is okay lang sa akin. Napapalo din naman niya ang mga bata kapag sobra na, pero ako kasi i don’t lay my hands on my child para saktan sila i just want to do it some other called, cold stare.. “What??” Hindi makapaniwala nitong tanong. Pinasa ko ang anak kong babae sa asawa ko, ang mga pinsan ko at kapatid wala pa dito. “Pyrrhos Faolan Ezio Lavistre - Dela Vega..” pag tawag ko ng buo sa anak kong napaka kulit. “Hindi na po uulitin mama,” narinig kong sagot nito, nilingon ko ang asawa ko na natatawa lang. “Tiklop talaga siya pag mama ang usapan..” narinig kong wika nito na kina hagikhik ng kambal ni Pyrrhos. Narinig kong ang mahinang yapak pababa ng lumingon ako nakita ko ang anak ko na nangingilid ang mata nito sa luha. Napa tingin naman ako sa itaas nakita ko ang panganay ko na naka tingin sa amin. Ang mata nito ay parehong-pareho sa akin kung tumingin, malalim at malamig. Sa daang panahon naisipan ko na tuluyan na papalitan ang pangalan ng anak ko. Ang Cloud ay naging nickname na lang nito, lahat sila na anak ko ay malalim ang meaning ng pangalan nila. Ang Pyrrhos ay ibig sabihin ay Flame o ang pangalan ko mismo apoy ang ibig sabihin ng unang pangalan ng anak kong si Pyrrhos. Ang Faolan naman ay Moaning Warrior. Ang Ezio naman ay Eagle. Habang si Aithne naman ay ang buong pangalan nito ay Aithne Séduisante Svea Sylvainne Lavistre - Dela Vega. Si Crystal at Winter ang nagbigay ng pangalan sa kanila, sa totoo lang sumasakit ang ulo ko sa haba ng pangalan nila. Ang gusto ko lang ay 2 name pero lumagpas sila doon wala na ako nagawa dahil yun na ang nilagay ng doctor at mga nurse. Ayaw na rin papalitan ng asawa ko at kahit silang lahat. Ano magagawa ko marami sila at isa lang ako na tumututol. Pakiramdam ko pinag tripan nila mga anak ko. At ang ibig sabihin ng pangalan ng babae kong anak ay Aithne (fire) Séduisante (attractive) Svea (spear) at ang huli ay Sylvainne na (from the forest) naman ang ibig sabihin nito. Sumisimbolo ito sa katahimikan at gulo din. Lahat nakuha sa akin ngunit sa anak kong lalaki at panganay ko sa ama na nito nakuha. Hindi ko na hinayaan na ang dalawang dalaga ang mag decide sa pangalan. Ang bago nitong pangalan ay Morrigan Eryx Akira Shinavi Alastor Lavistre - Dela Vega. Gusto ng asawa ko na naiiba ang panganay namin dahil siya ang unang anak ko din no bias pero yun ang gusto ni Blake. Ang Morrigan ay stand for ( War and Fate ) Eryx (A powerful ruler)Akira (Bright and Clear) Shivani (Life and Death), Alastor ( Vengeance) “Mama, are you mad?” Tanong ng anak kong si Pyrrhos. Ngumiti ako at binuhat ko ito. “Cloud baba ka dito, nag iisa ka dyan..” tawag ko sa panganay ko. “Mama, why my name is too long??” Tanong ng anak kong babae. Natawa naman ang ama nito. “Ang tita Winter mo kasi at Tita Crystal ang nag bigay niyan..” mahinahon na sagot ng asawa ko at kinuha sa akin si Pyrrhos. Hinintay ko na maka baba ang panganay ko, “Bakit napaka seryoso ng mukha mo? May problema ba?” Tanong ko sa anak kong sy Morrigan o Cloud. Hindi parin naalis ang seryoso nitong mukha. “Kasi po mama, nabasa ko po ito..” ipinakita sa akin ang isang papel na kinuha ko naman agad. “Sino nag bigay sayo nito? O saan mo nakuha?” Tanong ko dito. Nakita ko ang nakasulat dito isa itong death threat. “Someone gave that to me, kahapon po..” sagot nito. Ngumiti ako at niyakap ko ito. “Don’t mind this okay? Ako na ang bahala dito..” sagot ko dito at binuhat ko ito. Yumakap ito sa akin at sumunod kami sa likod dahil ang iihaw ni Nanay Fely ng karne upang makakain kami at mga bata. NANG LUMIPAS ANG MAG HAPON ng mag gabi umalis ako at iniwan ko ang asawa ko. Alam naman niya na aalis ako at siya ang maiwan sa mga bata. Habang mabilis ang takbo ko gamit ang sasakyan ko nakaramdam ako ng may sumusunod sa akin. Napa tingin ako sa rare view at side mirror ng sasakyan kong McLaren. Ngumisi ako at nilagay ko ang earpiece ko sa tainga ko. “Kumilos na sila agad..” bulong ko at mas binilisan ko pa hanggang makarating ako sa mga maraming tao. Tiningnan ko ang paligid at doon ko napagtanto na aatake sila kahit maraming tao. “Then lalaban tayo..” bulong ko at kinuha ko ang bag ko at kinuha ko ang gun holster ko o ang lagayan ng baril ko at mga armas na kailangan ko. Kinabit ko ito sa katawan ko at pinailalim ko ito sa suot kong black leather jacket. Lumingon ako sa likod, “Apat na sasakyan, dalawang motor. Sa buong kalkusyon? Higit sa sampung tao ang sakay..” pag kalkula ko. Napa lingon ako sa harapan ko at magkabilang gilid, “Huwag kang kampante, Flame gigil silang tapusin ka ngayon..” bulong ko sa sarili ko at dinagdagan ko ang armas na meron ako. Huminga ako ng malalim at nag mask ako upang bawas sa sobrang exposure sa mga inosenteng tao. Bumaba na ako at nakita ko na biglang naging malinis ang paligid. Ibig sabihin.. “Planado ito..” bulong ko at pinindot ko ang earpiece sa kaliwang tenga ko ulit. “Attention all DCN members, mag bantay kayo aatake ang kalaban! Kuya Thunder at Vladimir kayo ang mamuno!” Utos ko at nag lakad pa ako hanggang mapansin ko ang mga lalaking naka normal ang attire Kasama sila. Malaking hostage ang mga taong ito mahihirapan ako sa laban na ito, “Pero kaya ko ito..” napa tigil ako sa pag iisip ng mag salita ang isang babae sa likod ko. “Mag isa ka lang ata? Kakayanin mo ba kami?” Tanong nito kaya humarap na ako at tiningnan ito ng malamig. “Manood ka para malaman mo..” sagot ko dito hanggang naramdaman ko na may tao sa likod sa itaas na parte. “Lance! 6 o’clock sa likod ko!” Wika ko at nakita ko ang sniper doon, planado ito yun ang tama kong masasabi dito. “Malayo pa ako!” Narinig kong sagot nito, kaya wala akong magagawa kundi umiwas muna. “Hindi na ba kaya? O rumurupok na ang pinaka malakas na mafia sa kasay-say——” hindi ko na ito pinatapos mag salita ng barilin ko ang lalaki sa kaliwa ko diretso sa ulo. “Kayong lahat! Huwag kayong kikilos hindi kayo masasaktan!” Utos ko sa mga taong nandito, iba dito at nag aabang na tumigil ang stoplight. “Ikaw ang gusto makuha namin walang madadamay dito..” wika ng babae tinutukan ako nito ng 45 caliber kaya naman tumayo ako ng maayos. “Ganun ba?” Mahinahon kong tanong, Ngumisi ito at sinensyahan ang mga kasama nito na lapitan ako ng mga lalaki. “Kunin niyo siya!” Utos ng babae. Nakita ko ang tattoo sa braso ng babae, ngumisi ako at umiling. “Napaka dali mo pala makuha?” Tanong na naman nito.. “Talaga ba? O wala ka lang sapat na knowledge para makilala ako?” Tanong ko dito na kina guhit ng pagtataka sa mga mata nito. “A-ano sinasab——” hindi ko pinatapos ito ng makalapit ang apat na lalaki, agad kong hinawakan ang ulo ng isang lalaki. At walang pasabi ko itong inikot hanggang mukha nito ay nasa likod na. Tiningnan ko ang babae sa harapan ko, diretso at sinakal ko ang isang lalaki sa kanan ko at binaon ko ang mahaba kong kuko sa balat nito ng maayos na walang awa ko itong hinatak ng malakas na naging dahilan na mag tunugan ang buto nito. Hinatak ko pa ito hanggang makuha ko ang vocal cord at kasama ang dila nito. Bumagsak ang lalaki sa harap ko hahang hawak ang isa sa parte ng katawan nito. Lumingon ako sa mga ito ng may malamig ang tingin. “Pakisabi sa amo na kung gusto niya ako labanan paki handa ang sarili niya..” pag bibigay ko ng babala dito. Nakita ko itong na ngangatog sa takot, tiningnan ko ang kamay ko na punong puno ng dugo ng tinapos ko. “Wala kang puso! Barilin siya!” Utos nito kaya binato ko sa kung saan ang hawak ko at binunot ko ang dalawang baril ko. “Okay! Nasa taas na ako tapos na yung sniper dahil kay Jenny!” Narinig kong wika ni Lance kaya ngumiti ako. “Namiss ko ito!” Wika ko at binaril ko ang lalaki sa mukha nito sunod sunod ko silang pinatamaan. “Lance! Wag ako ang bantayan mo! Bantayan mo ang mga tao! Gagamitin sila ng kalaban para hindi ako maka atake!” Utos ko kay Lance. “Okay boss!” Sagot nito ng may maramdaman akong aatake sa likod ko. Binaba ko ng kanan kong kamay at binaliktad ko ang hawak ko sa baril ko. Ang nguso nito ay nasa likod ko at ang hinlalaki kong darili ang gagamitin kong pang kalabit sa gatilyo. Nang maka lapit ito binaril ko ito ng tatlong sunod sunod. Napa buntong hininga ako dahil butas na naman ang jacket ko. Tumayo na ako ng maayos at hinarap ko ang babae na ngayon naka upo na sa semento o kalsada. Rinig na rinig ko ang serena ng mga police na parating. Nilapitan ko ito at nag salita ako ng alisin ko ang earpiece ko dahil ayoko maririnig ng mga kasama ko ang sasabihin ko. “Pakisabi sa amo mo, humarap siya sa akin at huwag siyang duwag at bahag ang buntot. Hindi kita tatapusin para mai-pahatid mo ang sasabihin ko..” putol ko at tiningnan ko ito ng malamig. “Isa pa. Huwag niya idaan sa anak ko, dahil mas lalo akong nang gigil kapag may nadadamay na ibang tao mas lalo walang kinalaman..” wika ko at tumalikod na ako at nag lakad na ako patungo sa sasakyan. Kung tutuusin hindi ko sila tinapos lahat, may hindi bumaba ng sasakyan. Mas mabuti na yan dahil ayoko muna ng kahit anong madugong labanan dito. Pahawak na ako sa pinto ng sasakyan ko ng may nag salita sa likod ko. “Hindi ka makaka alis! Kailangan muna namin ikaw mapuruhan! At hindi natatakot ang amo ko sayo! Wala kang alam hindi mo siya kilala!” Panlalaban ng babaeng ito. Ngumisi ako at nag salita. “Marami kayo na hindi alam sa akin, sa kilos, pananalita at sa marka niyo. Kilala ko na kung sino kayo..” wika ko at nilingon ko ito. Napa tingin ito sa kanyang braso. “Kung gusto niyo talaga maging anonymous na grupo huwag kayo gagamit ng kahit anong tattoo na ginamit na ng iba..” putol ko at binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko. “Sa mundo ng mafia walang nagkataon lang at walang nag kapareho pa lang dahil aksidente, lahat sadya at lahat ay may basehan. Pakisabi yan sa amo mo..” wika ko at sumakay na ako at mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko. Nagulungan ko pang lalaki kanina na pinatay ko din. Napa higpit ang hawak ko sa manibela ko ng mapag tanto ko na ang laban na ‘yun ay hindi pa tapos. Ngunit wala akong pakialam tatapusin ko sino ang gusto kong tapusin. HINDI NAGTAGAL NAKARATING AKO sa underground. “Boss! Hindi kilala kung sino ang pinuno nila pero sinasabi na lalaki ito at may Fiancé na ito.” Bungad ni Mika sa akin ng makapasok ako. Nandito na rin ang lahat. Binato sa akin ni Damon ang lagayan ng alcohol na siyang sinalo ko naman. “Yung mga napatay mo kanina ay tauhan din..” sagot ni Kuya Thunder. “Pero ang kanang kamay ay hindi namin alam wala siyang information..” segunda ni kuya Vladimir. “Pwede nating puntahan ang mga lugar na pinupuntahan nila..” wika ni Demitri, nag lakad ako at pinunasan ko ang kamay ko. Binasa ko muna ang info na inabot sakin. “Mas mabuti na huwag muna kayong kumilos, huwag kayo mag madali. Sila mismo kikilos para lumapit sa atin..” wika ko at hinarap sila at pinakita sa kanila ang isa sa mga pinupuntahan nila. Sinilip nila ito isa isa hanggang manlaki ang mata ni Damon. “Teka bar ko yan!” Hiyaw nito. “Oo tama ka, kung kikilos kayo ngayon. Maaari nilang gamitin ang bar ni Damon bilang pugad at ituro si Damon sa iligal na palitan. Damon! Limitahan mo pauti unti ang pag pasok ng mga mayayaman sa bar mo.” Utos ko dito. “Pero kapag ginawa mo yan, mas mahahalata nila..” wika ni kuya Thunder. Kaya nanahimik ako at nag isip muli. Tama si Kuya Thunder. Kung ganun kailangan may mabago ng kaunti.. - To be continued po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD