CHAPTER 4

2644 Words
Continuation - FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nang maisip ko na ang pwede kong gawin, ngunit hindi papayag si Damon matagal niyang pinag ipunan ang pagpapagawa dito. Ngunit kapag hindi ko pinigilan ito makukulong si Damon. Humarap ako at nag salita ako. “Gibain natin ang bar ni Damon!” Utos ko na kina singhap nila. Bago sila maka pag salita. “Mika kailangan ko ng report ng bar ni Damon!” Utos ko dito. “Ano pong klaseng report?” Tanong nito. “Ang mga pumapasok dito bilisan mo..” utos ko dito. “Flame! Bakit naman ganun ang gagawin mo?!” Tanong ni Damon sakin. Hinarap ko ito na kina atras nito. “Ilang beses ka ba naging patay malisya?! Alam ko na nag papasok ka ng mga mayayaman doon at nag papalitan ng dr*ga! Damon alam mo na ayaw ko ng ganun! Ngayon kapag nalaman ng kaaway natin yan alam mo ba ikaw ang makukulong! Paano kita palalabasin doon ha?!” Tanong ko dito. “Baka naman tinamin nila ito kay Damon dahil alam nilang walang paki ang isang ‘to?” Tanong ni Kuya Vlad. “Posible na ‘yun ang ginawa nila, hindi naman ito malabo dahil lahat gagawin nila mahila lang tayong lahat pababa!” Sagot ko at nakita ko ang mga pangalan na pinapahanap ko kay Mika. “Augusto Rianzalles. Nasa millionaires top ito at alam ko na may hawak itong ilegal na factory kung saan nag bebenta ito at gumagawa ng mga ilegal na baril, pulbura at dr*ga!” Paliwanag ko at nilingon ko si Damon. Naka yuko lang ito alam ko na masakit ito para sa kanya. “Gawin niyo kung anong gusto niyo..” walang gana nitong sagot at nag lakad na ito. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko. “Damon..” tawag ko dito. Matagal ko na ito pinag handaan ang araw na ito alam ko kung gaano kahalaga kay Damon ang bar na yun. “Ano?” Tanong nito at nilingon ako at pinakita ko sa kanya ang susi. “Natatandaan mo na ba noong mga taon na hindi kita pina-sasahod sa kumpanya ni kuya Thunder?” Tanong ko dito. “Pinaalala pa eh! Oo naman! Sabi ko mag tatayo ako ng business ko.. ayaw mo ako bigyan hindi naman sapat pera ko.” Mahaba ang nguso nito habang nagpapaliwanag. “Kasi gusto ko mag patayo ng mas malaking bar para sayo, gamit ang sahod mo dahil kilala ka namin wala ka talagang pakialam sa mundo at ikot nito kaya gumawa ako ng alibi para lang magawa ito..” paliwanag ko at nilapitan ko ito. Nanlaki ang mata nito, nakita ko sila kuya Thunder at ang iba pa na naka ngiti lang. “Alam namin na wala kang palag kay Flame kapag ito na ang nag desisyon.” Wika ni kuya Thunder si Kuya Storm naman ay nilabas ang pinatago kong box na may susi din. Isa pa sa pangarap ni Damon ang makapag patayo ng Gym ayaw nito ng malaking business, ang gusto lang nito ay small business. “Oo nga masyado kasing tampo agad..” wika ni kuya Storm at kinuha ko ang kamay ni Damon at inilapag ko sa palad ang susi na matagal ko ng tinago. “Nakapangalan na sayo lahat, pansamantalang si Wendy at Sam ang nag aasikaso nito hindi pa ito bukas pero dahil tapos na ikaw na ang bahala mag bukas nito.. ikaw lahat mag de-desisyon mula ngayon..” paliwanag ko at umatras ako. “Oh may Gym kana at Bar ulit!” Inabot ni Kuya Storm ang box. Nakita ko na umiyak naman ang isang ito kaya natawa na kami, “Lahat ng sahod mo buwan buwan inipon ko para maipatayo ang lahat ng gusto mo. Nag dagdag lang ako mula sa bulsa namin ng asawa ko at nila kuya ng kaunti.. bigla ka kasing nag resign ano ipapasahod nila?” Tanong ko at paliwanag ko dito. “‘Yun lang naman naging problema..” natatawang wika ni kuya Thunder. Si Demitri naman napa iling na lang. “Huwag ka mag alala hindi ako maniningil, iyo na ‘yan. Kaya ipa tumba na natin ang dati mong bar, ayoko na babahiran kayo ng tungkol sa dr*ga..” seryoso kong wika. Nagulat ako ng niyakap ako ni Damon ng mahigpit kaya naman ngumiti ako. “Thank you! Akala ko mawawalan na ako pagkaka-abalahan..” bulong nito. Tinapik ko ang likod nito. “Sana ngayon maging maingat kana. ‘Yun lang naman ang gusto ko..” sagot ko dito tumango ito at ito ang unang kumalas sa pagkaka yakap sa akin. “Okay back to work!” Utos ko at nag lakad na ko patungo sa harapan. “Boss Flame, diba sinara na ang Navotas Fishport para sa mga pag dadaungan?” Tanong ni Divine sa akin. Napa lingon ako ng sumagot si Damon. “Oo 2 years ago sinara na ito ng pangulo at pinasara na rin..” sagot nito. “Anong problema?” Tanong ni kuya Vladimir. “May nagaganap pong transaksyon at kasama po ang ilan sa mga police Maynila..” wika nito at pinakita sa amin ang video. “Gawin niyo itong live at ikalat sa buong bansa, Blue! Kaya mo ba palinawan ito lalo?” Tanong ko at utos ko sa kanila. “Yes boss!” Sagot ni Blue, tumango ako at tiningnan ito ng malamig. “Nag uumpisa na naman sila sa dati na nilang gawain..” bulong ko. “Oo nga pala Flame, guys! Nakatanggap ako ng invitation mula kay Mr. Ferguson punta ba tayo?” Tanong ni Damon, naka titig ito sa susi na binigay ko halata naman dito na masaya ito. “Oo, sa linggo na ‘yun. Bukas pupunta ako kay Francince para mag sukat nasabi ko na rin..” sagot ko. “Yeah alam na namin din..” sagot ng tingin ko ay si Demitri. Tumahimik na lang ako at pinag aralan ang info na hawak namin tungkol sa Los Trados. Kung tama ako ng hula ko dito sa info na ito sa at sa markang nakita ko sa babae. Posible na bumalik sila para tapusin ang sinumulan nila, ngunit ang tanong paano siya nabuhay ulit? Nilipat ko sa ibang pahina gamit ang hawak kong remote, binasa ko ang lahat mg information na kasunod. Bukod sa marami silang ilegal na ginawa may isang bagay na hindi katulad. Wala sa listahan nila at record nila na ang bebenta ito ng babae. Yun ang isang bagay na hindi ko maidikit pa sa kanila pero sigurado ako siya ito. “Mika at Alice. Alamin niyo kung may record ang bansa sa nakaraang anim na buwan, pa-tungkol sa mga babae at bata na binebenta sa black market..” utos ko sa dalawang babae. Nakita ko na nag taas ng salamin si Mika at tumango. “Gagawin po agad namin, pero pwede po ba kumain muna kami? Gutom na po kasi ako..” magalang at mahinahon nitong tanong. “Kumain na muna kayong lahat..” utos ko at tumalikod na ako. Nagtungo ako sa nagsisilbing silid ko dito at dito muna ako nag kulong. VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “May gumugulo sa isip niya, sigurado ako doon..” basag ko sa katahimikan. “Napansin ko din kuya, na kanina pa niya binabasa ang information na ito, may hinahanap siya..” wika ng nakaka bata kong kapatid. Pasagot na ako ng biglang tumawa si Damon na kina lingon ko dito. “Ano ba at bigla ka lang tumatawa?!” Tanong ko dito. Tiningnan ako nito at hawak nito ang cellphone nita. “Tol may social media account ako, tingnan mo yung video matatawa ka..” sagot nito at tumayo agad ito saka lumapit sa akin. “Nilagay mo ang totoo mong pangalan? Babantayan ka ng mga awtoridad niyan!” Tanong ko dito, ito ang palagi talagang nag dadala ng gulo samin. “Hindi ah? Iba nga pangalan ko, ito panoorin mo na kasi!” Sagot nito, bumuntong hininga na lang ako at pinagbigyan ang isang ito. Habang pinapanood ko ito naman ay naririnig kong mag pipigil ng tawa, pati si Azi, Ezekiel at Demitri ay nakiki nood na narin. May dalawang binatang nakaupo sa harap ng tindahan at kumakain ito hanggang. Napa taas ang kilay ko ng may kulay yellow na lumabas mula sa pang upo ng lalaki. “Ano ‘yung lumabas?!” Tanong ko sa kanila, si Azi tawa nang tawa at si Damon, ngunit ako at ang kapatid ko ay clueless parin. “Hindi pa kayo nakapag withdraw ng ganun ano?” Tanong ni Ezekiel sa amin na lalong kina salubong ng kilay ko. “What do you mean ba??” Tanong ni Demitri dito. Yung dalawa tawa na ng tawa si Ezekiel naman ay nag uumpisa na. “Gago basang ta* yun! Umutot siya tapos yung ta* niya lumabas!” Paliwanag ni Damon na lalong kina tawa ng tatlong ito. Napa lingon ako sa pababa ang tatlong magkakapatid. “Tapos nagulat pa siya sa nangyari! Flamie panoorin mo bilis ikaw na lang Storm!” Panay parin tawa ang isang ito. Napa iling na lang ako. “Puro kagaguhan ‘yan huwag niyo na panoorin!” Babalala ko pero pinanood parin ng magkakapatid. “Ang baboy mo Damon!” Hiyaw ni Storm na kina tawa ko. Umiling na lang ako at nag salita. “Wala ng bago kay Damon..” sagot ko habang naka ngiti. Marami nag bago, pero ang isang ito ganun parin ang tinutukoy ko ay si Damon. Naikwento na sa amin ni Tita ang nangyari at napalayas ito, ang tanging gusto lang naman ni Tita at ni Tito ay tumayo na ito sa sariling paa nito. Pero mukhang matatagalan pa ito, dahil isip bata pa rin ang isang ito. Mas nauna pang nag matured si Flame na hindi hamak ng mas bata sa kanya ng ilang taon. Napa lingon ako ng biglang umilaw ang buong paligid. “Maghanda kayo, Mika tawagan mo si Ken at Lance!” Utos ni Flame agad akong tumayo at kinuha ko ang baril ko na nakatago sa ilalim ng billiards table. “Masusunod po!” Sagot ni Mika kay Flame. Napa lingon ako ng bukas ang screen. “Hon! Sumugod sila sa mansion! Tinago ko ang mga bata sa underground ng mansion..” narinig kong wika ni Blake. “Okay protektahan mo ang mga bata at lahat ng tao dyan!” Utos ni Flame at agad itong nag tungo sa table na malapit sa screen. “Alexa, put the mansion's protection on level four now! Safe na kayo, Mika doon po paderetsuhin si Ken!” Utos ni Flame kay Mika. Tumango lang ito at ako naman ay lumabas na, sa pinto pa lang agad na kami pinaulanan ng bala. “Tago!” Utos ko at nag tago ako sa likod ng malamig na pader. “May tama ako..” wika ni Damon at pinakita nito ang binti niya. “Maliit lang yan..” sagot ko, ngumiti naman ito at agad kong naramdaman ang pag yanig ng sementadong pader ng underground. “Ilalabas na naman niya..” wika ni Demitri. “Mga duwag na Lavistre!” Sigaw ng tao sa labas. Nang lumingon ako kay Flame naka ngisi ito at nagulat ako ng sunod sunod ang putok ang pinakatawan nito. “Tago!” Sigaw ng mga kalaban sa labas. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Lumabas na ako matapos ko paulanan ng bala ang kalaban sa laban. Kasama ko ang mga pinsan ko na lumabas, naiwan lang si Kuya Thunder at Storm sa loob upang siguraduhin na okay lang ang mga bata at ang asawa ko sa mansion. “Damon umuwi ka muna tulungan mo si Ken..” bulong ko kay Damon tumango ito at patakbo na ito. Nang tumigil ito naikuyom ko ang kamao ko. “Mahirap kumilos kapag may pamilya na kailangan isipin?” Naka ngising aso na tanong ng lalaki. “Hindi naman, alam ko anong obligasyon ko at alam ko paano ito gagampanan. Kayo ba alam niyo ba paano protektahan ang pamilya niyo?” Tanong ko na kina wala ng ngisi nito. Napa tingin ako sa wrist watch ko, hanggang. “Ligtas na sila, Boss!” Narinig kong wika ni Jennica. “Ngayon na!” Pag bibigay ko ng hudyat at agad kaming sumugod hinawakan ako ang mukha ng dalawang lalaki sa harapan ko at sabay sabay kong tinulak pahiga sa sementadong kalsada. “Ang daan na ito ay marami ng sinipsip na dugo ng totoong tao! Kaya kasama na kayo doon!” Wika ko at ng bumagsak ang likod ng ulo ng dalawang ito. Paulit ulit ko itong hinampas sa semento hanggang unti unti ng nawalan ng lakas ang dalawa. Binitawan ko ito at nakita ko na naka dilat ang dalawang mata nito at tila gulat na gulat. “Tapusin ang leader ng DCN!” Sigaw ng lalaki, bago pa ito maka lapit sa akin. Hinugot ko ang baril ko sa tagiliran ko at binaril ko ang mukha nito ng apat na beses. Ito na ang naging dahilan bakit ito bumagsak ng wala ng buhay. Napa lingon ako ng malakas na hiyaw ang narinig ko mula sa isang babae. Doon ko nakita na binalian ng braso ni Demitri ang isang babae, nakita ko pa na lumabas ang buto nito. Bago hinugot ni Demitri ang baril niyo at pinaputukan ang mukha nito. Nilingon ko ang ibang tauhan na hindi magawang lumaban. “Hindi kayo ta-tao lumaban.. mga wala kayong awa at puso..” wika ng isang lalaki na nakaupo sa sahig. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin at umayos ako ng tayo. “Sino ang nag utos sa inyo na sugurin kami?” Tanong ni Kuya Thunder. “Si-si Boss Hi-hiroshi Toshiba..” sagot ng lalaki na kina taas ng kilay ko. Nilingon ako ni Kuya na nag tatanong. “Kilala ko siya, anak niya ang hinampas ko sa mesa noong nasa casino tayo..” sagot ko. Natatandaan ko yun, bago kami sa Japan nag punta lang kami doon para sana samahan ang mga pinsan ng asawa ko sa Casino pero nagkainitan. Para mag tigil ang yabangan pumagitna ako at ganun ang ginawa ko. “I-ikaw ang gusto balikan ni Boss..” nauutal na wika ng lalaking ito. Niluhod ko ang kaliwa kong tuhod at yumuko ako, “Paki sabi sa kanya mag pakita siya sakin, hindi kayo ang haharap sa akin, dahil ako na nagsasabi sa inyo. Ubos kayo sa amin mas lalo kung gagalawin niyo ang mga bata. Tatapusin ko bawat isa sainyo..” pag bibigay ko ng mensahe dito. Tumayo na ako at nag tungo na ako sa loob ng Underground. Kung ganun dalawa ang posible naming kalaban ngayon, ang Los Trados at ang Toshiba na ‘yun? Kilala sila bilang ika lima sa mayaman na pamilya sa Japan yun ang sabi ng asawa ko. Dahil ang business nila ay naka hanay sa oil at mga cargo ships. Wala lang sinabi kung anong klase pero wala na akong pakialam doon ang importante sakin kaya nila lumaban at mag utos na ipapatay ako at ang pamilya ko. “Ano ngayon ang gagawin mo Flame?” Tanong ni Kuya Storm sa akin. “Sa ngayon wala pa..” sagot ko lang, dahil sa ngayon ayoko muna kumilos. Gigil sila sa pag ganti gagamitin ko ito para labanan din sila. Pero ang nasa isip ko ang Los Trados Leader. Alam ko na kilala ko siya, wala kay Toshiba ang isip ko ngayon. Pero kung potential lang ang usapan may potential na maging kaaway ko ito sa hinaharap. Hindi ko ito naitatanggi at hindi ko naman talaga ito itatanggi. Dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat ng ito, kaya alam ko na soon or later lalabas ang lahat ng kaaway ko. - May God have mercy on my enemy ‘cause I won’t..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD