CHAPTER 2

2650 Words
THUNDER LAVISTRE “Hindi mo kasama si Flame, bayaw?” Tanong ni Storm kay Blake. Nilingon ko ang dalawang ito saglit bago ko pinanood muli ang kilos bagong kaaway namin, nakita ko ang mga tauhan nito. “Ako lang ba o pamilyar ang kilos nila?” Tanong ko sa kanila na kina tahimik naman ng dalawa. “Totoo?” Tanong ni Storm sa akin tumabi sa akin ito. Bago pa ako makasagot napa lingon ako ng may motor na pumasok, alam ko ang nakaka batang kapatid ko ang ingay na yan. Hinintay ko ito maka baba ng motor nito hanggang mag lakad na ito. “Akala ko ako lang nakakapansin, kamukha ng kilos nila ang pagkilos ng Señora Vipers..” wika ni Flame nagawa nitong lagpasan ang asawa niya. Hindi na ito bago sa amin dahil ito ang gusto niya upang hindi mahaluan ng kahit ano ang trabaho nito. She’s the boss and we need to agree to whatever she says, infact tama naman ito. “Paano mangyayari yun kung patay na ang huling pinuno? Pinatay na ito si Ava diba?” Tanong ni Azi, nakita ko ang kapatid ko na nakatingin pa rin sa pinapanood ko. “Gumawa ka ng paraan Mika, para maka kuha ka ng information tungkol sa grupo na ito. Ang boss nila gusto ko din malaman..” utos ng nakaka bata kong kapatid. Nakita kong naikuyom nito ang kamao niya kaya naman napa tingin ako sa screen. “Kung ganun sino ang nagpapagalaw sa kanila?” Tanong ko naman. “Hindi kaya si Britney Madden? Yung anak ni Elrod?” Tanong ni Damon sa amin. Nilingon ko si Flame ganun parin ito naka tingin pa rin ito sa screen, hanggang mag salita ito. “Hintayin na lang natin na sila ang lumapit sa atin. Tawagan niyo si Earl madaliin ang training ng tauhan ni Ava at si Ava mismo tapusin na ang pag sasanay nito upang bumalik na sila..” utos nito at umalis na ito. “Kahit kailan talaga ang hirap niya basahin..” bulong ni Storm. “Hindi mahirap basahin ang asawa ko, sigurado ako na iniisip niya ang posibilidad na si Britney ang may pakana ng pag kilos nito. Ang hindi ko lang maintindihan diba dapat kumilos na ito para tapusin ang kalaban?” Tanong at paliwanag ni Blake. Napa lingon ako dito. “Ibig sabihin lang nun kaya hindi siya kumukilos pa o nag uutos pa. Kung totoo na sila yan ang dating Señora Vipers, sila mismo ang lalapit. Malaki ang kargadong galit nila kay Flame dahil sa pangingialam nito sa huling laban, nangialam si Flame sa laban ni Ava hindi ito bago sa kanya tutulong siya kung kailangan..” napa lingon kami sa nag salitang si Vlad kararating lang nito. “Tama, ang kailangan lang natin gawin ay mag handa. Ang mga bata kailangan ligtas sila at marami silang kasama.” Pag sang ayon ko. Tumango si Vlad at nag salita muli ito. “Hindi naman ito ang unang beses na sumali si Flame sa gulo ng iba. Natatandaan niyo ba ang nangyaring labanan ng isang secret agent sa dati nitong asawa?” Tanong ni Vlad sa amin. Tumango lang ako at ang iba din. Tama siya hindi naman ito bago sa amin ang ayaw lang namin ay nagiging continuation ang laban at kaaway. Napa buntong hininga ako at binalingan ang mga babae. “Gawin ninyong ASAP ito, we need that..” mahinahon kong wika sa mga ito. “Opo boss Thunder..” sagot ni Jennica sa akin, tumango ako at nag lakad na ako para makabalik sa kumpanya. Hindi naman kami nag usap ng matagal kanina dahil ang usapan ay sa underground mag uusap. Nang umalis si Flame sumunod na rin kami, “Oo nga pala hindi mo pa tinatanggap na maging kanang kamay si Ava!” Wika ni Damon na kina tigil ko. Nilingon ko ito at bumuntong hininga ako. “Ayoko ng kanang kamay, sasabihin ko din ito kay Flame..” sagot ko at tinalikuran ko na sila. “Edi asawahin mo na lang, ganda kaya nun bagay kayo..” natawa na ako sa sinabi nito at lumingon ako dito. Lagi kasi nito sinasabi na asawahin ko na lang at hindi bagay maging kanang kamay ko. Kahit kay Flame sinabi na nito ang bagay na ito, hindi lang ako umiimik. Nag tawanan naman ang kasama ko. “Gusto mo talaga ano? Gusto mo iutos ko kay Flame na ipakasal ka sa kanya? Susunod ang kapatid ko..” tanong ko dito na kina tigil naman nito sa pag tawa. “Huwag naman, ayoko pa mag asawa!” Bigla itong naging mahinahon, dahil alam niya kaya ko mapapayag ang kapatid ko. “Kaya tigilan mo ako..” ngumisi ako at umiling at iniwan ko na sila. DAMON VALENCIA LAVISTRE Nakahiga lang ako habang iniisip ko ang gagawin ko sa araw na ito. “Oy Damon, pinapauwi ka ni Tita sa inyo..” narinig kong wika ni Storm. Nilingon ko ito at nag kamot ako ng ulo ko. “Hatid mo ako brad..” sagot ko dito na kina lingon nito sa akin na salubong pa ang kilay.. “At bakit? Hindi ka naman baldado..” sagot nito. Ngumiti ako ng alangin at sumagot. “Tinatamad kasi ako mag maneho..” sagot ko na, nakita ko na dumampot ito ng magazine ng 45 caliber kaya agad akong tumayo at tumakbo. “Tarantado ka! Pati ba naman pag da-drive kinatamaran mo na!” Sigaw nito narinig kong tumawa ang mga babae na kasama namin. “Kasalanan ko ba na nakaramdam ako ng katamaran?!” Tanong ko dito at sumandal ako sa pinto. “Ay tol, anong kailangan sa akin ng magulang ko?” Tanong ko dito ulit. “Wala akong ideya nag text lang naman si Tita..” sagot nito, kaya lalo akong sumimangot at umiling na lang. “Bye!” Paalam ko at nag lakad na ako patungo sa sasakyan ko na naka parada sa labas. Sumakay ako dito at mabilis kong nilisan ang Underground. Hindi nagtagal nakarating na ako at bumaba ako ng sasakyan ko ng makapasok ako sa pribadong village kung saan ako nakatira talaga. “Young Master..” wika ni Battler Rudolf ang Combat Battler ng pamilya ko, si Daddy mismo ang nag hire sa kanya para laging ma protektahan ang mommy ko. “Andyan ba sila Battler?” Tanong ko dito at nag lakad na ako papasok ng mansion. “Opo,” sagot nito kaya tinapik ko ang braso nito at nag tungo na ako sa loob ng bahay. Pag pasok ko nakita ko ang mga maleta sa gilid ng pinto ng bahay. “Sinong lalayas??” Takang tanong ko at nakita ko si Mom at Dad pababa sila. Sila si Danica at Dethroid Valencia Lavistre at sila ang magulang ko, sino ba ang Valencia at Lavistre? Si Daddy ang Lavistre pero si Mommy ay Harper ang totoong apelyido nito. Sa pamilya lang namin ay hindi pwede gamitin ang middle o ang surname ng asawa kailangan Valencia parin at Lavistre. Kung ang ama o ina mo ay Lavistre ito ang dadalhin mo pero kung Valencia tulad pa rin sa nauna kong nasabi. Inshort walang karapatan ang asawa na ipagamit ang kanyang apelyido sa kanyang magiging anak. Tradition na ito na hindi na mabali pero mukhang babaliin na ni Flame ito dahil ang mga anak niya ay tama na ang mga pangalan nito. Gamit na nila ang Lavistre na apelyido ni Flame at Dela Vega sa anak niya. “Hindi na kina-kaya ng mga katulong ang ginagawa mo, kapag hindi masarap ang luto nila walang preno ang bibig mo..” wika ni Daddy na kina asim ng mukha ko. “Ang O.A dad ah?! Dahil lang don palalayasin niyo ako?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Si mommy naman ay tumatawa lang pati si Manang, “Manang. Palalayasin ako? Kasalanan ko ba na kumuha kayo ng Chef tapos hindi masarap mag luto?” Tanong ko ulit. “Anak nasasaktan kasi ang Chef natin sa sinasabi mo..” mahinahon na sagot ni Mom at tumabi ito sa akin. Kaya humiga ako sa lap ng mommy ko, ako lang nag iisang anak nila kung spoiled ako? Oo naman “Bakit ako mag aadjust?” Tanong ko ulit. “Tumigil ka Damon, matanda kana kaya pwede ka na mag bukod.” Suway ni Dad sa akin. “Ayoko!” Sagot ko na kina singhap ni Dad. “Still stubborn.. Danica, gumawa ka ng paraan para makahanap ka ng mapapangasawa ng anak mo!” Utos ni Dad na kina bangon ko. “Yan na naman kayo sa asawa na yan?! Ayoko nga mag asawa saka matatalo ako sa pusta—” napa talon ako sa likod ng upuan ng tumayo si Dad. “Tigilan mo ako sa pustahan na yan! Mag te-trenta kana! Bigyan mo na kami ng apo!” Gigil na sagot ni Dad. Si mommy naman tawa lang ng tawa. Nag kamot na ako ng ulo dahil sa frustration. “Ah alam ko na dadalhin ko mga anak ni Flame dito,” sagot ko at ngumiti ako ng malawak. Napa tampal si Daddy sa noo niya, “Damon, anak. May ipapakilala kami sayo gusto ko puntahan mo siya sa address na ito magugustuhan mo siya..” mahinahon na wika ni Mommy at inabot sa akin ang isang papel. “Langya! Na blind date pa ako? Mommy naman? Nanahimik buhay ko eh, ayoko ng ganito.” Huminahon na ako at binasa ang nakalagay dito. “You should try lang naman anak, malay mo magustuhan mo siya mahinhin yan at maganda din..” sagot ni mommy. Napa ngiwi ako lalo at umiling. “Bahala na, pag sinipag na lang ako mom,” nginitian ko ito at ito naman ay napa tampal ng noo. “Kanino ka ba talaga nag mana,” narinig kong bulong ni Mommy. “Sundin mo ang mommy mo Damon, hindi kana bumabata! Wala sa pamilya natin ang matandang binata at dalaga!” Ma-owtoridad na utos ni Dad. “Edi ako ang kauna unahan dad..” ngumiti ako at agad akong tumakbo dahil babatuhin na naman ako ng ashtray nito. “Lumayas kana! Mag bukod ka may trabaho ka may pera ka kaya, kaya mo na buhayin sarili mo!” Utos ni Dad. Umupo naman ako sa maleta ko. “Pero hindi ako marunong mag luto at maglinis ng bahay. Hindi rin ako marunong mag laba..” sagot ko. “You’re really pain in my ass.. mag aral ka!” May gigil na sa boses ni Daddy pero I don’t mind it. “In a short period of time? Ngayon agad? Dad tinatamad nga ako pumunta dito sabi ko kay Storm ihatid niya ako dito dahil tamad ako mag maneho eh!” Angil ko na naman. Kahit ang Battler namin ay tumatawa lang. “Young Master, pwede kayo mag paturo kay Highest Master Flame..” mungkahi nito. “Edi doon na lang ako titira? Saka dad, doon din ako natutulog eh..” pagpapaalam ko sa kanila. “Talino mo Rudolf! Bye mom, dad!” Paalam ko at humalik ako sa pisngi ng mommy ko. “Daddy gusto mo din ikiss kita?” Tanong ko dito pero pina-ningkitan lang ako nito ng mata kaya lumayo na ako. “Mag iingat po kayo Young Master..” paalala sa akin ni Rudolf. Lumapit ako dito habang buhat ko ang maleta ko, “Sila ang mag ingat sa akin! Tawagan mo ako kapag may nangyari dito dahil may bago kaming kalaban..” mahigpit kong bilin ito. “Masusunod po.” Sagot nito at yumuko sa harap ko. Nag lakad na ako at bago pa ako makasakay sa sasakyan ko nag salita si daddy. “Pakisabi kay Flame, minsan gusto namin makasama ang mga bata kahit isang araw lang..” wika ni Daddy. Ngumisi ako at nag salita. “Kulang ang isang araw dad, maikli lang yun. I will dad, please take care of mommy and yourself too. Tumawag kayo kapag may nararamdaman kayong pagbabanta sa paligid..” palala ko at kumaway na ako at nag sumakay na ako sa kotse ko. Pag sakay ko napa buntong hininga ako dahil sigurado malakas na batok aabutin ko kay Flamie nito. “Bahala na..” bulong ko at mabilis akong nag maneho patungo sa mansion ni Flame. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tingin ako sa dala-dalang apat na maleta ni Damon, “Saan ka pupunta? Lalabas ka ba ng bansa?” Tanong ko dito. Umiling ito. “Tito D, dito ka na po titira sa amin?” Tanong ni Cloud sa pinsan ko. Hindi ko maiwasan hindi mapa iling. “May isa pang kwarto sa taas katabi ng kwarto ni Ken, pero sa dulo ka..” pag bibigay ko ng direksyon dito. “Okay lang sayo? Hindi ka galit?” Tanong ni Damon Nilingon ko ito at nag salita. “I’m not, malaki ang bahay na ito para sa amin na dalawang pamilya. Bukod na sila kuya Thunder at Storm.” Sagot ko dito. Nakita ko ang malawak na ngiti nito. Tumalikod ako at ngumiti lang. “Mga bata samahan niyo ako bilis! Tulungan niyo ako..” narinig kong pag aaya nito sa mga bata. “Opo!” Magiliw na sagot ng mga bata. Napa tingin na lang ako sa hagdan habang paakyat sila. Kahit papaano naging magaan at masaya ang bahay na ito dahil sa mga bata. Yun ang dahilan kaya ayaw ko din na umalis sila, pakiramdam ko malaking pagsubok sa akin ang pagiging ina at asawa kasama na ang pagiging Tita. Malaki na ang pagkakaiba noon sa ngayon, dati kasi kaunti lang kami wala pa akong anak na iisip oras oras. Ngayon? Dumami kami, mas lumaki ang pamilya at dumami ang responsibilidad. Nag lakad ako patungo sa likod ng bahay napa lingon ako sa mga gumagawa ng bahay nila ate Sky at kuya Harold. Ang naging personal engineer nila at architect nila ay si Clyde ang pinsan ko na nadawit sa isang isyu noon. At ang kapatid ni Ezekiel na si Ezekiela, dalawa ang course na kinuha ng dalawang batang ito. Parehong may kinalaman sa mga gusto nila. Lumapit ako at nag salita. “Kamusta?” Tanong ko sa dalawang ito. Lumingon ito at yumuko sa harapan ko. “Ginagawa na lang po nila ang magiging kwarto ng mga bata, ginawa po naming Adult size na para sa pag laki nila. Yun din kasi ang gusto nila kuya Harold..” sagot sa akin ni Ezekiela. Tumango naman ako at ngumiti ako sa kanila. “Matapos ng project niyo sa kanila paki naman din ang kwarto ng mga anak ko, mas lalo si Cloud ayaw na nito ang kulay blue na room,” sagot ko. Natawa naman ito at tumango. “Opo ate, ako na po bahala. Kailan po pala babalik mula sa bakasyon sila Winter at Crystal? Pasukan na nila..” tanong ni Clyde sa akin. “Hindi ko alam, nag eenjoy pa ang dalawang yun..” sagot ko lang sa kanila. “Pumapasok naman sila via online kaya sigurado ako na hindi sila nahuhuli..” dagdag ko pa. Ngumiti ang dalawa sa akin kaya naman ngumiti ako. Totoong wala sila sa bansa dahil nag bakasyon sila sa tunay na magulang ni Winter, hinayaan ko na dahil may kasama naman sila ang mga Dela Vega. Hindi ako natatakot sa mangyayari sa kanila dahil alam ko na ligtas sila sa kamay ng royal family. Hindi ako nangangamba, tumalikod na ako at nag lakad patungo sa loob ng bahay. Nakatanggap ako ng text message kaya agad kong binuksan ito. “MAGKIKITA PA TAYO ULIT..” Basa ko dito, ngumisi ako at umiling. “Oo alam ko magkikita pa tayo..” bulong ko at nag tungo ako sa kusina upang mag luto ng hapunan namin ng buong pamilya. - Something I learned about people.. if they do it once, they will do it again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD