CHAPTER 10

2657 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos maka alis ng mag aama ko nag tungo naman ako sa underground upang maki balita. “Miss Flame, nakakuha po ako ng unang information tungkol sa mga tauhan ng Los Trados..” wika ni Onze. Bago ko pa makuha ito agad itong nawala sa paningin ko. “Pabasa ako..” narinig kong wika ni Damon. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na ito. “Oh natatandaan ko ang isang ‘to!” Napa lingon ako ng mag salita si Damon. “Sino?” Tanong ko dito. Lumapit ito at tinuro ang litrato. “Kanang kamay siya ni Don Martino! Nakita ko siya na kasama ng matandang ‘yun! Kung tama ako wala siya ng laban..” paliwanag nito at tiningnan ko ng maigi. “Hindi ko sila kilalang lahat, wala naman akong paki kung tauhan sila o hindi..” sagot ko at binalik ko ito sa kanya. Nilingon ko ang mga mukhang naka plastar sa screen sila ang mga tauhan ng dating Señora Vipers. Ang kalaban ni Ava, tumingin ako ng matalim sa mga ito at inalis ko ang tingin ko dito. “Boss Flame? May tawag po kayo galing sa eskwela ng mga bata..” lumingon ako kay Mika at kinuha ko ang telepono sa kanya. “Tawagan mo ang mga kasama ng dalawang dalaga bumalik na sila ng pilipinas sa lalong madaling panahon..” utos ko kay Mika. “Opo..” sagot nito. “Hello? Ito na po ba si Mrs. Dela Vega?” Tanong ng babaeng guro sa kabilang linya sa akin. “Ako nga may problema ba sa mga bata?” Tanong ko dito pabalik. “Pumunta na lang po kayo dito para dito na lang po namin ipaliwanag..” sagot nito. Napa taas ang kilay ko sa sagot nito. “Okay..” malamig kong sagot at binaba ko na ang tawag. “Kapag hinanap ako nila Kuya nasa school ako ng mga bata..” paalam ko ng hindi ako lumilingon. “Sama ako!” Narinig kong wika ni Damon, hindi ako sumagot mas gusto ko na lang tumahimik. Sumakay ako sa sasakyan ko na kulay pula ito ang ginagamit ko noon pa. Si Damon naman nakita ko na sumakay ito sa motor nito nasa likod ko ito kaya mauuna akong lumabas. Mabilis akong nag maneho palabas ng Underground kasunod ang isang ito. Sinuot ko ang earpiece ko sa kaliwang teinga ko, narinig ko na kumakanta si Damon sa kabilang linya. “Ano na naman ‘yang kanta na ‘yan?!” Hindi ko na napigilan mag tanong dahil sa ingay nito at talagang sinasabayan nito. Tumawa lang ito at narinig kong pinatay nito ang music. “Ah Paparazzi ‘yun kaso hindi ko matandaan sino ang kumanta. Tungkol sa stalker..” paliwanag nito. Dahil sa salita na ‘Stalker’ napa tapak ako sa preno at agad kong naiharang ang kamay ko sa mukha ko. “Hoy hoy! Ano nangyayari sayo? Buti malayo ako kundi sumalpok ako!” Narinig kong tanong ni Damon. Stalker Kinuha ko ang ilan sa mga naging death threat ko after matapos ang gulo 6 months ago. Binuksan ko ito at doon ko nabasa ang mga salitang. “I am behind watching your moves..” “Next be careful..” Ngumisi ako at umiling, ibig sabihin pinapanood niya ako sa mga kilos ko. Kung ganun either si Britney ang inutusan nito, “Ibibigay ko ang gusto ninyong laro..” mahinang bulong ko. Mabilis kong pinaandar muli ang sasakyan at nagpadala ako ng mensahe kay Onze na alamin kung naka balik na ng Pilipinas si Britney. Kapag tumama ako ngayon, meaning dalawang posibleng ginagawa nila. Si Britney ang kumukilos at nag uutos at ang ikalawa inuutos lang din ito sa kanya. HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA kami sa paaralan ng mga bata. Dumeretso ako sa office ng school, hindi na ako kumatok at diretso na ako pumasok sa loob. Isa pa akin pa rin ang opisina na ito dahil, Nanatili pa rin akong president buong council dahil ayaw nilang palitan. Hindi ako sang-ayon dito pero wala akong magawa dahil ayaw gumawa ng botohan. “A-andito kana pala maupo kayo..” wika ng Dean. “Hindi na sabihin niyo anong problema diretso ng maka alis ako..” pagtanggi ko at utos ko. “Napaka arrogante talaga, well yung anak mo sinapak ang anak ko!” Wika ng nanay na nasa kanan ko. “Mama kasi po sinabi po ni Ran na anak po niya, ampon daw po ako tapos pinipitik po yung tenga ko. Masakit po, tapos pinalo ko po siya ng vase ni Teacher tapos tinulak niya ako tapos nauntog po ako kaya po sinuntok ko po siya..” kumpletong pagsusumbong at paliwanag ng panganay ko na nagtago pa sa likod ko ito. “Bayolente masyado! Sabagay hindi na ako nagtataka nasa lahi niyo na yan ang nanay krimi——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng tutukan ko ito ng dagger sa leeg baliktad ang talim nito hindi naka tutok sa balat niya. “Oo kriminal ako at kaya kitang tapusin dito mismo kapag hindi ka tumigil mag salita..” sagot ko dito at pagsang-ayon ko. “Woy! Easy! Young man, sino ang nauna?” Narinig kong tanong ni Damon sa panganay ko, binaba ko ang hawak ko. “Si Ran po..” nag umpisa na itong humikbi. Bumaling ako sa batang masama ang tingin sa anak ko. “Bata. Sino ang nauna at saan mo nakuha ang ideya na ampon ang anak ko?” Pabalang kong tanong dito. Wala akong pakialam kung bata ito, matagal ko ng inalis ang pakialam ko sa ibang tao mas lalo pag pamilya ko pinupuntirya. “Ako! Totoo naman diba? Anak mo sa pagka dalaga ang batang ‘yan. Alam ng lahat ‘yan!” Sagot ng nanay nito. Namulsa ako at sinenyasan si Damon na ilabas si Morrigan. “Gusto ko maging mabait dahil para sa’kin ordinaryong tao lang kayo. Pero inuubos niyo pasensya ko,” makahulugan kong wika. “Ano gusto mo mangyari?” Tanong ko sa babaeng ito. “Palayasin yang anak mo! Hindi yan nababagay dito mamatay t——” bago nito matapos ang sasabihin niya isang malakas na back slap at sinundan ko pa ito ng dalawa pang sampal na kina upo nito sa malamig na sahig. Tiningnan ko ito habang naka taas din ang noo ko. “Mamatay tao ako oo, huwag mo ako bwisitin pa dahil kayang kaya ko paulanan ng bala ang bahay mo sa oras ng nag papahinga na kayo. Kaya din kitang utusan na ikaw mismo ang papatay sa pamilya mo..” banta ko dito. “Wala akong balak makipag ayos sa inyo ang ginawa at sinabi ng anak mo sa anak ko ay out of your f*****g business. Hindi ako nangingialam sa ibang pamilya pero once na ang pamilya ko ang pinaki-alamanan ng kahit sino, pasensyahan na lang tayo hindi ako marunong maawa..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang Dean. “Power ba ang usapan, gusto ko alisin mo ang anak niya dito at huwag niyo hahayaan na maka pasok pa sa ibang paaralan ‘yan! Kahit kailan kung hindi mo gagawin ang utos ko, tatapusin kita..” banta ko sa Dean na ito. Nakita ko na nanginig ito sa takot. “O-oo susundin ko agad..” sagot nito tumalikod na ako at nag lakad palabas. Nakita ko si Damon na nakikipaglaro ng jack en poy sa anak ko na tumatawa naman kahit mugto ang mata. “Mrs. Dela Vega! Please nakikiusap ako, ‘wag kailangan mag aral ng anak ko!” Napa lingon ako sa tumawag sa akin. Naramdaman ko na may nag lakad sa likuran ko palapit sa akin. “Bakit naman ako makikinig sayo?” Malamig kong tanong dito. “Oo kasalanan ko inutusan ko anak ko ibully ang anak mo dahil ayoko na makikita na kasama ng anak ko ang anak mo na..” hindi na nito tinuloy ang salita na yun habang nagpapaliwanag. “And then?” Tanong ko muli dito, naramdaman ko na may humawak sa binti ko hinawakan ko naman ang ulo ng anak ko. “Please ayoko masira ang kinabukasan ng anak ko,kahit ano gagawin ko basta mapatawad mo lang ako..” pakiusap nito. Luluhod na sana ito ng mag salita ako. “Gasgas na ang paglakad na yan, masyado ng maraming naloko niyan..” napa tigil ito at tiningnan ako. Narinig kong tumawa si Damon na naka tayo sa likod ko. “Alam mo maganda gawin? Mag public apology ka on national tv sabihin mo na ang anak mo ay inutusan mo maging bully. ‘Yun kasi nakikita ko sa panahon ngayon gusto ko lang subukan..” paliwanag kong sagot. Natatandaan ko noon na nasa London kami, lagi kami nakakakuha ng balita tungkol sa Pilipinas na ginagawang laro ang public apology so i think i should try that one. “Gusto ko kasi makita kung kasama kayo sa mga taong nag public apology tapos peke naman. Halata kasi nababasa ko sila base sa mga mata nila..” ngumisi ako at tiningnan ko ito. “Yun ang gusto ko gawin mo, at huwag kana luluhod ulit peke kasi ‘yan sa paningin ko. And next time matuto kayo huwag manghimasok sa ibang tao mas lalo kung hindi naman ninyo buong kilala..” seryoso kong wika. Tiningnan ko silang lahat at binalik ko ang tingin ko sa babae. “Kilala niyo lang ako bilang Mafia pero hindi bilang asawa at ina. Ganyan ‘yung ibang linyahan na napapanood ko kaya ginamit ko,” putol ko at muli akong nag salita. “Ulitin niyo pa ang ginawa niyo sa mga bata sa pamilya namin bala ko na ang susunod na tutugon sa inyo..” huling wika ko at umalis na ako. “Hihintayin ko ang public apology mo!” Palala ko habang buhat ko ang anak ko. Napa tingin ako sa wrist watch ko doon ko nakiya na halos 30 minutes na lang uwian na ng mga bata. “Hintayin ko na lang sila at pupunta kami sa opisina ni Blake..” nilingon ko si Damon na naghihikab lang. “Alam mo ba yung nangyari sa party ni Mr. Ferguson pinag uusapan? Hindi niyo kasi binuksan yung tv kanina..” wika nito. “Bakit hindi mo binuksan? Kunin mo gamit ni Cloud sa room nila hintayin ka namin dito..” utos ko dito. Ngumuso lang ito at inirapan ako. Umiling na lang ako at hinayaan na ito. Binaba ko si Cloud dahil gusto nito mag laro sa maliit na playground dito. Kinuha ko ang cellphone ko at dumeretso ako sa isang online platform doon ko hinanap ang balita tungkol sa nangyari kagabi. Nakita ko dito ang balita at agad kong pinanood ito, “Diba tama ako? Dapat silang ituring na terorista? Hindi naman dapat sila nandito sa bansa pero naka pasok sila..” wika ng lalaking anchor hindi ko alam ano ang pangalan nito. “Dapat ang taong bayan at tayo ay mag protesta na paalisin na sila sa bansa upang maging tahimik na ulit ang ating bansa..” wika ng babaeng anchor. Binasa ko ang mga comment. Comment 1: dapat lang sila paalisin na! Comment 2: kung wala sila sigurado na matagal na tayong burado sa mapa sila lang ang kayang makipag laban sa mga walang puso at halang ang kaluluwa. Comment 3: mga salot sila marami ng nasira na mahahalagang gusali at kilala sa bansa dahil sa kanila. Comment 4: gising pilipinas! Hahayaan na lang ba natin na mapalibutan tayo ng mga kriminal? Pinatay ko ang cellphone ko at tinago ko ito, ito na pala ang tingin sa amin. Malaki na ang nagawa kong damage na miski ang mga tao ay apektado na hindi ko masisi na ito ang sabihin nila. Pero hindi sa ganito ako titigil, hangga’t may mga pulitiko na naka upo sa kanilang pwesto para lang sa sariling kapakanan nila hindi ako titigil. Dahil mas higit na naghihirap ang mga mahihirap na tao. Hindi ito ramdamn ng mga nasa taas dahil sila ay humihiga sa salapi at kaban ng bayan. “Kaban ng bayan?” Pag uulit ko. Ngumisi ako ng maisip ko na pwede ito ang gamitin ko para wasakin ang dapat wasakin. Tinawagan ko si Onze at agad itong sumagot. “Onze may iiutos ako sayo, gusto ko gawin mo ito..” bungad ko dito. “Gagawin ko po sabihin niyo lang boss..” sagot nito. Ngumisi ako at tinitigan ko ang anak ko na masayang naglalaro mag isa, kumaway pa ito sa akin kaya nginitan ko ito. “Alamin mo sino ang mga mayayaman dito sa bansa na pulitiko, alamin mo ang assets nila o pera nila..” panimula ko. “Matapos nito, kapag lumampas ng 1.5 million ang asset nila nakawin mo ang isang million at itago mo sa ibang account ..” utos ko dito. “Po? Para saan boss?” Tanong nito sa akin.. “Ibibigay natin sa mahihirap na mamamayan ng palihim.. palalabasin namin na sa atin ang pera pero ang totoo galing ito sa mga curraption ng bansa, para ito talaga sa mamamayan ng bansa na kinubra at binulsa..” utos ko dito. Narinig kong umubo ito dahil sa pag kasamid. “O-opo gagawin ko po agad.” Sagot nito. Ngumisi ako at binaba ko na ang tawag ko, “Ngayon sino ang iiyak sa harap ng mga tao at sino pa ang mag yayabang?” Tanong ko ng pabulong. Nag padala ako ng mensahe kay Onze na kapag lumagpas ng 2 million ang assets ng bawat makukuha niya ay kumuha ng at least double ng asset nito. Ipaparanas ko sa kanila paano ang buhay ng pagiging mahirap. Nagkibit balikat ako at nag salita. “Minsan mo lang naman din mararanasan maging mahirap. Maganda din na experience ito..” nag lakad ako palapit sa anak ko at umupo ako sa duyan na yari sa gulong ng sasakyan. “Mama totoo po ba na hindi po ninyo ako anak ni daddy?” Tanong ng panganay ko. Huminga ako ng malalim, lumalaki na talaga ang anak ko. “Halika..” utos ko dito at agad itong tumakbo sakin at niyakap ako ng mahigpit. “Anak man o hindi ang importante mahal ka namin, lagi mo ‘yan ilagay sa isip mo. Kasi kahit hindi tunay na kadugo mahal ko anak, tulad ng Tita Winter mo she’s not my sister in blood but i love her so much. like you i love you okay?” Sagot ko sa anak ko. “Hindi importante ang dugo anak sa pamilya, as long you are willing to accept them..” dagdag ko pa at niyakap ko ito ng mahigpit. Tatanungin ko muna ang asawa ko at sila Kuya tungkol dito oras na para malaman ng anak ko ang totoo. Karapatan niya ‘yun alam ko bata pa siya pero matalino si Cloud, madali itong nakakaintindi. “I know mama, and mama parin po kita at daddy ko si Daddy Blake. Lumaki po ako sa inyo..” hindi ko mapigilan hindi maluha sa sinabi ng anak ko. Agad kong pinunasan ang mata ko at niyakap ko ito. Like i said madali itong makaintindi. “I’m sorry, but mama always loves you and prioritizes you and the twins. You are more than anything anak, hindi ka man galing sakin anak kita at walang batas at salita ang nakakapag pabago n’yan..” bulong ko dito. Naramdaman ko na tumango ito at niyakap ko ito ng mahigit. Nang mag bell ang buong campus meaning uwian na , buhat ko pa rin ang anak ko hinintay namin ang mga pamangkin ko. Binaba ko ang anak ko ng makita nito ang twins. Ngumiti ako ng kunin nito ang bag ni Ai ang bunso, “Kuyang kuya talaga..” bulong ko at kinuhaan ko sila ng litrato lahat sila. Matapos nito nag tungo kami sa opisina ng asawa ko. - Parenthood requires LOVE, not DNA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD