CHAPTER 9

2841 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BUMABA AKO ng sasakyan ko ng makarating ako sa mansion. Pag hakbang ko pa lang ng hagdan mula sa front door, napansin ko na ang likido sa tiles yumuko ako at pinahid ito gamit ang daliri ko. Napansin ko na bago ito at dahil malapot din ito ibig sabihin ay bago pa, ang inamoy ko ito doon ko napansin na dugo ito ng isang tao. Saktong bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang liwanag mula sa loob ng mansion. “Mabuti naman naka balik ka na? Ang dali na—” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng sinalubong ko ng malakas na upper cut ito na kina bulagta nito sa sahig. Nag lakad na ako papasok nakita ko na hawak nila ang anak ko ang panganay ko at ang kambal. Ang asawa ko naman ay naka tali ng tingin ko ay lubid. “Sino kayo para pumasok dito?” Malamig kong tanong. “Bakit ikaw lang ba ang may karapatan pumasok sa ibang bahay at pumatay?” Tanong ng isang babae habang pababa ito sa hagdan. Hindi ko kilala ang isang ito. “Hindi ba at pinasok mo din ang huling bahay na pinasukan mo? Buhay sila dahil niligtas mo..” tanong nito. “Tauhan ka ng mga Clemenza?” Tanong ko dito na kina singhap nito sa hangin. “Sila lang ang huling naalala ko na parte ako ng kalabanin sila ng tauhan kong si Ava may anim na buwan na ang lumipas..” paliwanag ko. “Kaninong tauhan ka? Kay Britney?” Tanong ko dito muli. “Hon kay ———” hindi nito natuloy ang sasabihin ng asawa ko ng tutukan ito ng baril sa ulo. Kahit hindi sabihin kilala ko ang tinutukoy niya. “Buhay pa pala siya? Sino tumulong? Si Britney? Kung oo paki sabi huwag siya sakin mag papakita kundi dudukutin ko ang puso niya at iluluto ko saka ko ipapakain sa pinakamamahal niyang lalaki..” malamig kong sagot at tanong dito. May halong pagbabanta din ang aking tono. “Tarantado ka! Napaka-walang puso mo! Daig mo pa hindi tao!” Dumagundong ang sigaw nito sa akin. Ngumisi ako at umatras ako ng hakbang, agad kong pinindot ang tenga ko upang makapasok sa linya ng mga kasama ko. “Guys! Huwag kayong papasok pinasok ang mansion ako na bahala dito! Tapusin niyo ang mga nakakalat na kalaban!” Utos ko at binaba ko ang switch upang mag lock ang pinto at bumaba ang bakal na rehas sa buong loob ng mansion. Nilingon ko ang mga anak ko at mga pamangkin, wala si Knives dito mukhang kasama ng mommy nitong si Wendy. Nakita ko ang mga bata na relax lang sila habang naka kulong sa kwarto kung saan nakalagay ang wine collection ni kuya Thunder at Storm kasama ang mga kalaban. “Kids, ang bilin ni Tita Mommy..” yun lang sapat na para gawin nila ang tinuro ko sa kanila. Nakita ko ang asawa ko na naka ngiti sa akin, “Tama na ang pagkukunwari, Love. Parang hindi ka dating assassin.” Makahulugan kong pag kausap sa asawa ko. Narinig ko pa na tumawa ang asawa ko, hindi ito makakasagot, dahil kahit anong sabihin natin bala parin ng baril ang laman ng nakatutok dito. Umupo ako habang hinihintay na matapos ang pagkilos ng mga bata. Nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang pagkilos ni Cloud ng kunin nito ang laptop ng kanyang Ninong Ken. “Bitaw! I’m gonna pee!” Malditang utos ng pamangkin kong si Hermione. Nang bitawan ito ng lalaki isa isa ng naka kawala ang mga bata sa bantay nila. “A-ano ba ang ibig ninyong sabihin?!” Takot na tanong nito. “Simple lang, kahit ang mga bata sa mansion na ito ay hindi niyo basta basta magagalaw. They know how to destroy each of you using their ability..” simpleng paliwanag ko.. Tumayo ang asawa ko at walang pakundangan nitong hinawakan ang ulo ng lalaki at binali ang leeg nito na kina hulog nito mula sa ikalawang palapag ng mansion. Napa nga-nga ang babaeng naka tayo sa hagdan. “Mama i’m done na po!” Narinig kong wika ng anak ko, nilingon ko ito at nginitian. “Good job..” papuri ko dito. Until unti ng sumasara ang pinto kung saan nasa loob ang mga bata. Safe sila dito kahit granada hindi ito masisira. Ito ang ginawa nila Ezekiel at Brent ng wala kami sa bansa sa loob ng maraming taon. Ang gawan ng ganitong klaseng harang ang mansion dahil may mga bata na. Ang mga bata ang pinagtuunan namin ng pansin dahil kami kaya namin ang sarili namin. Marunong ang mga bata sa kaya ng matatanda, but nanatili silang bata minsan natatakot at umiiyak kapag natatakot. Kailangan pa rin nila kami, nag uumpisa pa lang silang matuto na depensahan ang sarili nila. “Malalaman ito ni Ma’am ——” tinutok ko ang baril ko at pinapatamaan ang cellphone ng babae na kina bitaw nito. Napa lingon ako ng mag sigawan ang mga lalaki na bumihag sa mga bata. “Palabasin niyo kami dito!” Hiyaw ng mga ito sa loob. Ngumisi ako ng tumakbo ang babae pababa ng hagdan. “Hoy anong nangyari d’yan?!” Nag aalalang tanong nito sa mga kasama niya na nasa loob. Ang apat na lalaki naman na nasa kusina namin nag uumpisa ng mag hanap ng lalabasan. Pero wala silang magagawa kundi manatili dito at makipaglaro sa akin. “Anong ginawa niyo sa mga kasama ko?!” Umiiyak na tanong nito. Tinapat ko ang maliit na mic sa bibig ko at nag salita. “Palabasin niyo na sila huwag na masyadong pahirapan..” ma-otoridad kong utos sa mga bata. “Hai!” (Yes in japanese) kids yelled. “Napaka bait talaga ng mga batang ‘yan, but i hope hindi nila pinakain sa mga alaga nilang si Boomslang at Black Viper, dahil napaka dali nilang mamatay sa mga ahas na ito..” naka ngising wika ng asawa ko. “Pinapa-alagaan niyo ang mga bata sa pamilya niyo ng venomous snake?! Nababaliw na ba kayong mag asawa?!” Tanong ng babae sa amin. Bago ako makasagit napa lingon kami sa kusina ng may sumigaw. “Ang bahay na ito ay isang impyerno!” Sigaw ng isang lalaki. “Tu-tulong!” Hirap na sigaw ng lalaki at doon namin ito nilingon ulit. May naka tali sa leeg nitong chains na may matutulis na metal spikes. “Ngayon, huwag na huwag kayong papasok sa teritoryo ko..” wika ko at nilingon ko ang babae. Bumukas ang pinto sa likod ng babae na ito at doon inuluwa ang mga nang hostage sa mga bata. Hindi sila pinakagat sa mga ahas ng mga bata na siyang alaga din nila. Nakita ko si Cloud ang panganay ko at ang panganays a quadro ni Ate Sky na si Helliot. Hawak nila ang alaga nilang dalawa pang black python. “Mama, inipit po sila..” tumakbo ang dalaga ko sa akin at agad nag pabuhat. Napa luhod ang babae ng makita nitong bali na ang buto ng kasama niya at wala ng buhay. Ang isa sa kanila putok ang ulo dahil sa pag kakaipit ng mga Python. “Kids go upstairs sumama kayo kay Tito Ninong Blake..” utos ko at pinasa ako ang anak ko sa asawa ko. Tiningnan ako ng makahulugan, tumango ito ng hindi suma-sagot at umalis na kasama ang mga bata. Napa lingon ako sa babae at natitirang kasama nito nakatutok na sa akin ang mga baril nila. “Palabasin mo kami dito k-kung ayaw mo tapusin ka namin!” Utos ng lalaking may brown ang buhok sa akin. Umupo ako sa pang isahang upuan at.. “Pakawalan mo sila kami na bahala..” utos ni kuya Thunder sa akin. “Payag ako, nakaka awa kasi kayo..” sagot ko at inalis ko agad ang bakal na rehas sa buong mansion. Binuhat nila ang mga kasama nila palabas. “Tsk, duwag madali ka lang pa lang isahan..” mayabang na wika ng isang lalaki. Tumayo ako at ngumusi, nag lakad ako paakyat hanggang marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril mula sa labas ng mansion. “Sino bang mag sabi sa inyo na madali akong isahan? Hindi pa lang ito ang tamang oras para pumatay ako ng daan-daan ulit..” bulong ko at pumasok na ako sa kwarto namin ng asawa ko. VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Napapansin niyo ba ang kilos ni Apoy?” Tanong ni Azi. Matapos namin malinis ang kalat lahat kami nag tungo sa Underground para lang mag usap. “Oo napapansin ko. Mas lalo ng banggitin niya ang dating kalaban ni Ava.” Sagot ni Storm. “Oo nga pala tol? Tatanggapin mo ba na maging kanang kamay ‘yun? Hindi mo pa kasi nasagot si Apoy..” tanong naman ni Damon kay Thunder. Dumukot ako sa pagkain ni Damon dahil kanina pa ito kumakain ng popcorn. “Isa na rin yan sa iniisip ko, ayoko ng may kanang kamay. Lahat naman tayo inaasahan ang isa’t isa..” sagot ni Thunder. “Ikaw na lang kaya Vlad? Kailangan mo ‘yun, mas lalo ikaw ang ikalawa sa bloodline..” pag pasa naman ni Damon sa akin. Naka higa pa ito sa ibabaw ng billiards table. “Ayoko din ng kahit anong kanang kamay..” sagot ko at pagtanggi ko. “Mas lalo si Earl pinaka ayaw niya na may lumalapit sa kanya, kung ako nga tatanungin ayaw din niyang turuan mga ‘yun eh.” Natatawang wika ni Azi. Hindi ito bago dahil kilala namin si Earl ayaw niya sa mga babae, kay Flame 50/50 pa. “s**t! Hindi kaya mga bakla tayong lahat? Ayaw kasi natin sa mga babae!” Tanong ni Damon. Kinuha ko ang 8 ball at binato ko pagawi sa kanya kaso naka iwas ito. “Oy! Napaka mo ah?!” Hiyaw nito. “Paano naman wala kasing matinong lalabas dyan sa bibig mo!” Hiyaw ni Azi dito. Humiga ulit ito at tila gusto nito abutin yung ilaw. “Pero, pansin ko lang alam ni Apoy na buhay ang dating kalaban ni Ava..” wika nito na kina lingon ko ng marahas. “Sino? Si Clemenza?!” Tanong ni Thunder. Tumango ito. “Gula na gulat? Yun kasi ang nababasa ko sa mga mata niya. Pansin niyo din ba na hindi siya lumalaban ng husto, kasi may hinihintay siya..” paliwanag na naman nito kay Thunder. Nilingon ko ang ibang kasama namin. “Kung ganun paano mabubuhay ang taong ‘yun? Eh lahat tayo nakita na nasunog ang isang ‘yun?” Tanong ni Brent na bagong dating. Kasama nito si Ken at Lance. “Hindi ‘yun malabo kung may tumutulong, hindi malabo ilang linggo din bago umalis ang pamilya Clemenza ng bansa. Kung natatandaan niyo nandito pa sila hindi malabo na tulungan siya..” paliwanag ni Brent at pumasok na ito. “Tama si Brent, napapansin ko din wala na tayong alam noon ang alam lang natin ay pina cremate sila ‘yun lang.. kaya nga ganun na lang din ang sinabi ni Apoy kay Ava diba?” Tanong ni Damon at pagsang ayon nito kay Brent. Napa hawak ako sa baba ko at iniisip ang lahat ng nangyari anim na buwan na ang nakaka lipas. “Kung ganun sino sa mga Clemenza ang buhay pa?” Tanong ko sa kanilang lahat. “Impossible na si Don Martino o Don Amir. Patay na talaga ito, imposible si Madden..” wika ni Ezekiel. “Kung ganun?” Tanong ni Storm. “Si Clinton Clemenza..” sabay sabay naming sagot. “Tama siya ang posible na buhay pa!” Wika ni Azi. “Pero bakit kailangan itago ni Apoy sa atin?” Tanong ni Damon. “Maaari dahil hindi pa kumpirmado alam kasi niya na magiging maingay tayo at hindi natin kayang manahimik muna at mag sa-walang bahala..” paliwanag ko sa kanilang lahat.. Tumango si Thunder. “Hindi natin kaya ang mag lihim, ngayon na alam na natin huwag kayo mag sasalita ng kahit ano. Hayaan na natin si Flame, sumunod tayo sa gusto niyang ipalabas..” utos ni Thunder. Tumango ako at tumayo. “Mas mabuti na huwag natin basagin ang plano ni Flame, let’s trust her.. hindi tayo binibigo ng pananahimik ni Flame..” sagot ko at nag lakad na ako palabas kasunod ang kapatid ko. “We need to trust her, she need us to trust her doon siya lumalakas..” wika ni Demitri habang palabas kami. “You’re right, she need us to trust her badly. Hindi man siya diretso na nagsasabi sa atin pero ito ang pinapakita niya noon pa..” sagot ko at sumakay na ako sa sasakyan ko. Sumakay na rin ito at sabay na kaming umuwi ng bahay naming mag kapatid. BLAKE SHIN DELA VEGA “Ibig sabihin maaaring buhay si Clinton Clemenza?!” Tanong ko sa asawa ko. Buhat nito ang aming bunso habang pinapatulog nito. “Maaari lang pero hindi pa ako sigurado..” sagot sa akin nito. “Bakit hindi mo sabihin sa mga kuya mo?” Tanong ko dito at kinuha ko ang bunso namin, dahan dahan kong hiniga ito sa pink nitong kama. Ngumiti ako at hinalikan ko ng marahan ang noo ng bunso ko. She look like her mama, kapag tulog napaka payapa ng mukha. “Hindi ko pa magawang masabi dahil hindi pa ako makakakuha ng sapat na sagot..” narinig kong sagot ng asawa ko. Tumayo ako matapos ko kumutan ang mga bata. “Hindi ba sila magagalit? Baka maramdaman nila na wala kang tiwala sa kanila? Like before..” tanong ko sa asawa ko at nilapitan ko ito. Lumingon ito sa bintana at ngumiti yung totoong ngiti. “Hindi na Love, alam ko na alam na nila ngayon. Wala ng mas dadal-dal pa kay Damon alam ko na sasabihin niya ang mga narinig niya. Alam ko din na iisa-isahin na nila ang lahat..” sagot nito at tiningnan ako. Alam na talaga niya ang lahat. “Masaya ako sana tuloy tuloy na kayong maging ganito at na may pagkakaunawaan..” hinawakan ko ang kamay nito at inaya ko itong tumayo. Niyakap ko ito ng mahigpit. “Yun din ang gusto ko, pero alam ko na susubukin pa rin kami ng pagtitiwala sa bawat isa. Alam ko ‘yun nararamdaman ko yun..” Maka hulugan nitong sagot na kina tango ko. KINAUMAGAHAN MAAGA AKO NAGISING DAHIL may pasok ako sa kumpanya. Nag tayo ako ng sarili kong kumpanya sa Pilipinas upang tustusan ang pamilya ko sa sarili kong pera at pagsisikap. Kahit binigyan ako ng asawa ko ng puhunan binalik ko ito bilang future saving nga mga anak namin. Dahil napakabilis ng panahon. Malapit na mag high school ang panganay naming si Cloud. Ayaw naman namin mag madali pero wala ganun talaga ang panahon. Matapos ko mag ayos ng damit ko, kinuha ko na ang mga gamit bata sa school. Alam ko inasikaso na sila ng asawa ko. Dahil naka labas na kanina ang susuotin kong pang trabaho. Lumabas na ako at bumaba, “Good morning Blake,” napa lingon ako ng batiin ako ni Ate Sky. Ngumiti wko at bumati kinuha ko din ang gamit ng isa sa mga anak nito. “Good morning din ate, ako na po ang mag hahatid sa kanila sa school..” bati ko at bumaba na kami ng sabay. “Ay mabuti naman, make sure mo na hindi sila ibubully doon, kasi nagsusumbong sila..” pakiusap ni ate. “I will,” sagot ko at nginitian ko ito. “Daddy kain na po gutom na ako..” narinig kong wika ng bunso ko. “You look like your Tito damon, always hungry..” pang aasar ko dito, ngumuso naman ito at nag lakad palayo sakin. My daughter doesn't like when I tease her with her uncle Damon, well kahawig din sila mas lalo sa mga gesture. “Mama, daddy always teasing me..” narinig kong sumbong ng bunso ko sa asawa ko. “Why? Gwapo naman si Tito Damon mo ah? Ayaw mo sakin?” Tanong ni Damon na kina tawa ko. Umupo ako at ang asawa ko naman ay binigyan ako ng pagkain. “No Tito, not like that. Kasi po big girl na ako!” Sagot ng bunso ko. “No! You’re not a big girl, huwag muna hindi pa ready si Daddy na magkaroon ka ng manliligaw at marami pang iba. No I won’t allow it!” Pagtanggi ko at umiling ako habang kumakain. “But daddy when we are in London one of my classmates has a crush..” panlalaban na naman nito. “Still no! You’re only 6 years old.. just six.” Diin kong sagot. Natatawa naman ang mag ina ko at lahat kasama namin sa mansion. Lagi nila akong inaasar sa ganitong bagay. Bumuntong hininga lang ako at sinabihan sila na mag madali na.. - A true enemy stabs you in the front..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD