BLAKE SHIN DELA VEGA
“Sigurado ka na ba dito, hon?” Tanong ko sa asawa ko matapos nito ipaliwanag sa akin na gusto na niya sabihin kay Cloud ang totoo.
Matapos ang nangyari sa school ng mga bata, gusto din niya sabihin sa lahat ng bata ang sitwasyon. “Hindi ba masyadong bata pa sila? Kay Cloud na muna saka na natin sabihin sa iba..” napa lingon ako kay Thunder ng mag salita ito.
“Balak ko sabihin na matapos namin kausapin si Cloud pwede kayo sumama kung gusto ninyo..” wika ng asawa ko.
Nilingon ko ang anak ko na nag lalaro sa table ko, wala naman siyang masisira sa mga document sa ibabaw dahil naka ayos ito bago dumating ang mag iina ko.
“Kung buo na ang desisyon mo, kausapin mo muna si Cloud ikaw lang muna dahil ikaw ang legally guardian niya hindi pa nalilipat ang apelyido ni Blake sa kanya. Sunod ka naman Blake, if you want Cloud to use your last name, it’s up to you. If you want to stand as the child’s father..” mahabang paliwanag ni Thunder sa akin.
“Salamat, I will do that and i am willing to be his father. Cloud is my first baby nothing can’t change that. ” pasasalamat ko at nakipag fist bump ako dito.
“Sa bahay na natin gawin, ipaalam niyo ito sa lahat ng pinsan at tauhan natin para hindi sila nahuhuli at nagugulat.” Utos ng asawa ko at pumasok na ito sa loob.
Napa buntong hininga ako sa attitude ng asawa ko. “Kung hindi ko lang mahal ang asawa ko, iisipin ko nanliligaw pa rin ako..” bulong ko..
Narinig kong tumawa ang dalawang bayaw ko mas lalo si Storm. “You can deal with her, that’s your wife we are done with her cold as f**k attitude!” Sagot nito at tinaas pa nito ang kamay niya na parang sumusuko na.
Tumatawa lang ito at nag lakad palayo. “I know..” sagot ko na lang at tinapik naman ni Thunder ang balikat ko at umalis na rin.
Actually ang kumpanya nila ay dikit lang sakin pinagawan ko ito ng daan para mabilis kami maka tagos sa bawat isang kumpanya.
Ideya ito ng architect na si Clyde ang pinsan din ng asawa ko. Suportado ito ni Flame sa lahat pati financial habang nag aaral lahat sila. Kaya hindi ko na gusto na pati ang asawa ko ay susuportahan din ang gusto kong kumpanya.
But she gave a full support kahit pa pera pero binabalik ko ito. Tulad ng sabi ko sa mga bata ko inilalagay.
Pumasok na ako sa loob nakita ko silang nag lalaro. “Saan niyo gusto kumain? Italian, Filipino cuisine or?” Tanong ko ng maka pasok ako.
“Chinese!!” Sabay sabay nilang sagot natawa naman ako.
“Daddy gusto ko po doon sa Bubuyog!” Kalabit ng anak kong si Alastor..
“And then? Ask them and convince them anak, kasi mahirap naman na mag doble tayo..” utos ko sa anak ko.
Tumango ito at lumapit naman sa mga pinsan. Nilapitan ko ang asawa ko na naka titig lang sa laptop ko. “What’s wrong?” Tanong ko dito at humalik ko sa balikat ng asawa ko.
“Someone send you this..”turo nito at napanganga ako ng makita kong isa itong hubad na babae.
“What the — sino gagawa nito?!” Hindi ko makapaniwalang tanong.
Nilingon ko ang asawa ko na ngumisi ito. “Someone wants to ruined our marriage..” bulong nito.
“Hayaan mo lang na mag send sayo ng mag send. Hindi magtatagal lalabas din yan at wawasakin ko siya..” naka ngiting wika ng asawa ko at kinindatan pa ako nito.
Natawa na lang ako at umiling, naging ganito siya wala akong ibang babae alam nilang lahat ‘yun dahil wala naman ako maitatago sa asawa ko. “Kids naka pag decide na kayo?” Tanong ng asawa ko sa mga bata.
“Chinese!!” Sabay sabay nilang sagot. Sapat na ang sagot na ito para doon kami kakain.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
KAHIT HINDI AKO palagay sa mga public place na gusto puntahan ng mga bata. Gusto ko parin sila samahan kahit alam ko na mapapa-away ako. I’m tired of this kind of treatment na parang hindi kami tao.
Alam ko naman na malaking kasalanan ko. Pero..
Bakit ngayon naapektuhan ako? Ano ba ang nangyayari? Nagkaroon na ba ako ng pakiramdam sa ibang tao? Is this the good sign or bad? “Mama? Can i eat that shanghai?” Tanong ng panganay ko.
Nginitian ko ito at binigay ko ito sa kanya. Hati silang tatlo dahil tatlo ang natira sa akin. “Are you happy na kumain tayo dito?” Tanong ko sa kanila.
“Opo! We should take out tita mommy? Because mommy Sky, ninang Wendy and baby Knives did not eat like this..” tanong sa akin ni Tres.
“Yeah sure mag order ulit tayo para i-take out.. Love, wag mo sila iiwan okay? Ako na ang mag order..” bulong ko sa asawa ko na nasa kabilang side.
Ganito kami palagi magkahiwalay kami ng upuan kapag kakain mas lalo kapag kami lang ang matanda. Para ma-protektahan ang mga bata just incase na may humablot sa kanila.
“Okay, extra Shanghai Honey at siopao please?” Pakiusap ng asawa ko. Tumango lang ako at nag tungo ako sa counter mabuti wala na gaanong mahabang pila hindi tulad kanina.
Sinabi ko ang gusto namin itake out, habang ‘yung ibang leftover ite-take out na rin dahil sayang ito makakain pa namin ito o maibibigay sa mga mga alaga namin.
“Mama gusto ko po ng halo-halo..” napa lingon ako sa batang nakikiusap sa mama nito.
“Anak hindi pwede kasi kulang tayo sa budget, kaya nga ikaw lang kakain diba? Kasi very good ka sa klase..” narinig kong paliwanag ng nanay ng batang babae.
Tiningnan ko ang mag ina hanggang gumawi ang tingin sa akin ng bata at ngumiti sa akin. “Ikaw yung nasa tv diba po? Yung magaling makipag laban sa mga bad!” Turo nito sa akin na agad kong kina taas ng suot kong mask.
Yumuko ako bahagya at sinuot ko ang baseball cap na nakatali sa sinturera ng jeans kong suot. “Sssh huwag ka maingay, baka mag ka gulo..” sagot ko dito.
Nag takip ito ng bibig na kina ngisi ko ng palihim. “Ang astig po niyo..” bulong nito at nag thumbs up pa ito.
“But huwag mo gagayahin okay? That's wrong doing it’s just for adult only..” paalala ko dito.
Tumango ito ng paulit ulit. Halata naman sa nanay nito ang takot ng tumingin ako. “Ano ba gusto mo? Libre ko na, ako na mag babayad..” tanong sa bata. Inalis ko ang pagiging malamig ng boses ko para makasabay sa energy ng batang ito.
Ito ang nag bago din sa akin kaya ko sumabay sa energy ng mga bata kahit nakakapagod talaga sila sabayan. “A-ah wag na miss..” pagtanggap ng nanay.
“Nah, para hindi na kayo mahirapan pa. Ako na mag bayad..” sagot ko at sinenyasan ko ang bata na tuwang tuwa naman. Agad itong namili ng gusto niya.
Inabot ko sa cashier ang black card ko at nagulat pa ito dahil sa klase ng card na ito. May ginto kasi ito at limitless ang laman nito.
Matapos nito nag paalam na ako sa mag ina na hinihintay ang order nila. Narinig ko pa na uuwian daw nila ng pagkain na binili nila ang iba pang miyembro na nasa bahay ng mag ina.
Family first ika nga nila.
Palihim ako nag iwan ng pera sa bag ng magulang kanina ng busy itong makipag usap. Bago ako nag paalam, binaba ko ang mask ko at nilapitan ko ang mag aama ko na naka tayo na.
“Hintayin lang natin ‘yung natira sayang ’yun..” wika ng asawa ko tumango ako at hinawakan ko ang uniform ni Tres at Uno mga anak ng ate ko ito.
“Hey! Don’t run nasa dining kayo..” ma-autoridad kong utos sa mga bata na agad naman gumilid.
Nang dumating ang hinihintay namin ay lumabas na kami, saktong nakita ko si kuya Thunder at Vladimir paano ko hindi sila makikita una, dahil ang tangkad nila.
“Sila Tito niyo oh..” turo ng asawa ko. Binitawan ko na ang anak ko at nag pamulsa ako.
“Tito!” Excited na tawag ng mga bata at nag takbuhan pa ito. Hindi lang pala sila dahil kasama sila Azi, Ezekiel at Damon na kumakain na naman ng kung ano.
“Sarap ng tokneneng don..” bungad ni Damon nakita ko na marami itong binili.
Umiling na lang ako. “Tito ako din po subo, Aaah..” wika ng kambal kong anak. Natawa naman ang asawa ko dahil mahilig ang mga bata sa street food dahil parin sa Tito Damon nila.
“Oh amoy kayo Chaw-fan! Kumain kayo tapos hindi kayo nag aya?!” Tanong ni Damon sa mga bata. Naka nganga parin ang kambal pero sinubuan naman nito.
“Hindi ka kasama sa budget..” simpleng sagot ko at nag lakad na ako patungo sa clothes department. Para mamili sana ng damit ng mga bata at ng asawa ko.
Ang mga sinusuot nito na pang trabaho ay si Francine ang gumagawa dahil ’yun ang gusto ko. Pero sa ibang bagay naman ay binibili lang namin, pero karamihan iisang brand name lang.
Sensitive ang balat ng asawa ko katulad sa kapatid nitong si Crystal. “Uy Blake, pabalik na sila Winter pero may request ang magulang ni Winter..” narinig kong pag kausap ni Damon kay Blake.
Agad naman namili ang mga bata ng gusto nilang damit. Ako naman inuna ko ang asawa ko, dahil importante na mahawakan ko ang damit bago ko ito bilhin.
“Ano naman ‘yun?” Narinig kong tanong ng asawa ko, nilingon ko ang bunso ko na ginawang upuan ang paa ng mannequin. Kinalabit ko ito.
“Don’t do that, she might fall on you and hurt you..” mahinahon kong suway dito.
Tumayo ito at humawak sa kamay ko. “Mama, if you buy me a new clothes please I don’t like dress again..” pakiusap ng anak ko.
“Aithne! Here oh pink dress and baby blue dress is so gorgeous!” Nagulat ako ng mag salita ang panganay ko at tumalon pa ito.
“Oh lagot! Nagulat si Tita mommy!” Narinig kong wika ng mga pamangkin ko.
“Gusto nila pumunta tayo doon para personal na makipag usap tayo. The queen’s personal request..” napa lingon ako sa sinabi ni Damon.
“Pumili na kayo ng damit niyo mga bata..” utos ko.
“Hai!” (Yes in japanese) nakikita ko naman sila kahit papaano.
“Kailan nila tayo gusto pumunta?” Tanong ko na dahil nag ka interest na ako sa pag uusapan.
“Sa sunod na ikatlong araw..” sagot ni Damon.
“Kuya Storm at Azi, prepare niyo ang private plane natin isasama natin ang mga bata mauuna kayo mahuhuli ako para kapag may nangyari hindi tayo sabay sabay mamatay..” paliwanag ko.
“Okay. Kikilusin na namin..” sagot ni Azi.
Tumango ako at iniwan sila. Ito ang dahilan bakit kailangan bukod ako sa kanila dahil kapag may nag pasabog ng eroplano at least may isang buhay para hanapin ang mga namatay.
Alam na rin nila na hindi sila pwede sa iisang eroplano. Meaning may mauuna na aalis ako ang pinaka huli.
MATAPOS NAMIN MAMILI umuwi na kami ang mga bata ay kanya kanya naman sila dahil sa mga toys na binili sa kanila ng asawa ko at mga kuya ko.
Nayayamot ako dahil lagi nilang binibilhan halos araw araw, ni hindi ko alam saan ko pa ilalagay ang mga ito. “Pitong plastic container ang meron na sa play room nila. Dahil d’yan madadag-dagan pa hindi ba kayo napapagod bumili?” Tanong ko sa kanila dahil na momoblema na ako.
Noon okay lang dahil para sa mga bata, ngayon habang tumatagal pati matanda nag lalaro na. “Mama! Yung mga alaga ko po nag papalit na po sila ng balat..” wika ng anak kong panganay kinalabit pa ako nito.
“Ilagay mo sila sa maayos, Damon paki tulungan si Cloud don’t forget to use some gloves na gaggles..” bilin ko.
Alam ko naman susunod ang asawa ko doon kaya hindi ako natatakot na may mangyari sa anak ko. Alam ni Cloud ang gagawin sa mga alaga niya, mahilig ito mag alaga ng mga ahas pero ayoko ng may mga venom hindi ko pa siya pinapayagan.
NANG MATAPOS ANG HAPUNAN NAMIN binuhat ko ang anak kong panganay at kinausap ko ito. “Anak alam ko na pwede ka magalit sakin..” panimula ko at nakaupo kami sa sahig hawak ko ang mga kamay nito.
“Baby ka pa noong nangyari ‘yun, nakuha kita nabigo ako protektahan ang totoo mong magulang. Binigyan niya ako ng sulat. Pinaubaya ka niya sa akin..” paliwanag ko at binigay ko sa kanya ang sulat ng magulang niya.
Kinuha niya ito expected ko na iiyak siya pero ngumiti siya at nag salita ito. “Nakita ko na po ito, accidentally mama. Kaya po alam ko po na hindi po ako galing sayo. Pero naiintindihan ko po saka big boy na po ako..” nanlaki ang mata ko at hindi ko maiwasan hindi tumulo ang luha ko.
Yung takot ko bilang ina na ang anak ko magalit sakin, unti unti lumuwag ang dibdib ko na parang may humugot ng kung ano dito na matagal ng nakabaon.
“Saka po mama, hindi po ako galit sayo o kahit sino po sainyo. Mahal ko po kayo kasi po kayo po ang nagpalaki sakin..” muling wika ng anak ko at pinaunasan nito ang luha ko.
“Mama ’wag na po ikaw iiyak, love ko po kayo ni Daddy nila tito ko po lahat po kayo,” ngumiti ito ng matamis sa akin kaya niyakap ko ang anak ko ng mahigpit.
“Ibig sabihin alam mo na pala? Why didn’t you ask Mama Flame?” Tanong ni kuya Thunder.
“Kasi po ayaw ko po maka ramdam si mama ng discomfort saka po, kaka recover lang ni mama sa panganganak sa Twins po..” magalang na sagot ng anak ko.
“Big boy kana talaga, even your speak hindi na bata pero ayaw na muna ni mama na lumaki ka..” hindi ko mapigilan hindi maluha ulit. Kasi hindi pa ako handa na isang araw mag dala na ang anak kong crush niya dito.
Narinig kong tumawa si Damon. “Well you’re mama is so f*****g afraid na isang araw may dadalhin ka ng babae dito tapos ipapakila na girl friend mo. Hindi kaya nabuntis mo..” sinamaan ko ng tingin si Damon.
“Oops..” agad itong nagtago sa likod ni kuya Thunder.
“Mama dadating po talaga ako doon..” pag sakay ng anak ko sa uncle niya na lalong kina pikon ko.
“Let me out of here.. ayoko madamay sa Apoy..” narinig kong wika ni Thunder at agad itong nagsi labasan.
“Ah ganun?” Tanong ko sa anak ko at agad nanlaki ang mata ng anak ko, kaya bago ito maka takbo agad kong inikot ang hita ko sa katawan ng panganay ko.
Walang humpay kong kiniliti ang buong katawan nito na kina tawa ko. “Ano magmamadali ka lumaki o hindi? Mama is not ready pa!” Hamon ko dito.
“Ma-mama no! I don’t na! Hahaha stop it! Daddy!” Sagot nito kaya natawa naman ako ngunit napalitan ng may umiyak sa pinto.
Pag angat ko ng ulo ko. Nakita ko ang kambal nag iiyakan na. “Wait.. why are you both crying??” Takang tanong ko.
“Daddy, mama hurt kuya Cloud!” Sumbong ng dalaga ko na kina tawa ng mga tao sa labas ng kwarto.
“Ano na naman sinabi niyo sa kambal?!” Hiyaw ko agad kong marinig ang mabibilis na takbuhan nila pababa.
“Mama! Si Tito Damon told us you hurting kuya Cloud why mama?” Umiiyak na tanong ng anak kong lalaki.
Napa tampal ako ng noo dahil sa ginawa ng isang ’yun.
“No, honey, nag lalaro lang kami ni kuya, kilitian ganun..” paliwanag ko, tumingin pa ang kambal sa kuya nila kaya napa buntong hininga na lang ako.
Fuck this life..
-
Small minded people will always jump to conclusions without facts.