THUNDER LAVISTRE
“Hawak na ng mga Agent si Flame,” wika ko halos kababa lang ng tawag sa akin ni Onze.
“Hindi ba siya sasaktan doon?” Tanong ni Hanz na kararating lang nito halos kinse minutos na ang lumipas.
Tumayo lang ako at pinanood ang first senate hearing. “Hindi, matatakot silang galawin si Flame kung noon si Flame ang takot kumilos dahil buntis si Flame. Ayaw niyang malagay sa kapahamakan ang anak nila ni Blake ngayon wala siyang kargo sa katawan. Alam nilang hindi ito mapipigilan..”paliwanag ko.
“Napag tatagpi ko na kung bakit hindi lumaban si Flame noon, bakit mas pinili nito na iasa sa atin ang laban at iwan tayo noon. Kung bakit niya pinili na mag pakulong na lang kesa lumaban..” wika ni Azi.
“Yun ay para protektahan ang bata sa loob ng t’yan niya na unti unting nabubuo..” wika nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Ngayon alam ko na kung gaano kahalaga sa kanya ang anak niya walang duda nanay na talaga ng bunso kong kapatid. “Kaya gagawin natin ang lahat para matapos ito ng maayos at huwag natin biguin si Flame hanggat nasa loob pa siya at hawak siya ng mga taong ‘yan..” wika ni Vladimir.
“Tama si Kuya, kailangan natin mag kaisa. Tulad sa nangyari sigurado na hindi pupunta sa atin si Flame para kausapin tayo ng personal. Ayaw niya tayo madawit dito hindi pa ngayon..” pang sang-ayon ni Demitri sa kuya nito.
Huminga ako ng malalim at nag salita ako. “Pero kung kailangan at tawag ng kagipitan kailangan natin lumabas na sa pinagtataguan natin. Hindi pwede na iwan natin si Flame sa laban na ‘yan..” sagot ko sa kanila.
“Sang ayon ako dyan..” sagot ni Ezekiel. Tumango ako at hindi na ako kumibo ng marinig kong pababa ang mga bata.
“Tito Thunder? Nabuksan po yung malaking window, I don’t know how to close again..” sumbong sa akin si Pyrrhos.
“Where’s Kuya Cloud?” Tanong ko dito.
“He’s studying po I don’t want to disturb kuya po..” sagot nito.
“Teka lang..” paalam ko sa kanila, tumango ang mga ito at umakyat na ako.
“Kapag binuksan mo ‘yung window, just command Alexa to close it, okay?” Mahinahon kong utos dito at sinara ko ng maayos ang bintana at kurtina.
“Okay tito, thank you po..” sagot nito. Ngumiti ako at binuhat ko ito.
“Where’s Ai?” Tanong ko dito at sinara ko ang pinto ng kwarto ng mag asawa.
“She’s with kuya Cloud..” sagot nito kaya naman nag tungo kami doon.
Pag pasok dahil naka bukas naman ang pinto nakita ko si Aithne na nagkukulay ng coloring book nito. Si Cloud naman nag aaral. “Cloud? Mag pahinga ka muna mamaya na ‘yan wala naman kayong pasok bukas..” utos ko dito.
“Tito? Can you help to do my school project tomorrow? Kasi I can’t po na mag isa..” pakiusap nito.
“Sure, o kahit mamayang gabi wala naman akong pupuntahan. Gawin na natin..” sagot ko dito at inayos ko ang buhok ng pamangkin.
“Me too po..” wika ni Aithne. Tumango ako at sinabihan sila na gagawin namin ito mamayang gabi matapos namin kumain ng hapunan.
Usually, ang tumutulong na gumawa ng assignment o project ay si Flame at Blake pero wala si Flame kaya kami na lang. Nandito din naman ang dalawang dalaga na pwedeng makatulong sa mga bata..
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Naka upo lang ako sa pinag kulungan nila sa akin, isa itong sound proof glass kung saan makikita ko ang mga tao sa labas sila din nakikita ang kilos ko.
Operated ng computer o system nila ang pinag kulungan ko. Kaya kung mag tatangka akong tumakas sigurado mamatay ako dito ng on the spot. Syempre hindi ko hahayaan ‘yun.
“Ano ba talaga kaso ko? Para ikulong niyo ako?” Tanong ko sa kanila. “Alam ko kasi hindi niyo ako pwede ikulong kung walang kaso..” wika ko ulit.
Binigyan nila ako ng pagkain kaya nakaupo lang ako habang kumakain. “Pinatili ka dito upang hindi ka makapag utos sa mga tauhan mo na galawin ang mga senador..” sagot ng lalaking Agent.
“Ikaw si Peterson tama?” Tanong ko dito. Nanlaki ang mata nito. “Sabagay tama naman kayo kaso nga lang paano kung inadvance ko na ang utos?” Tanong ko sa Agent na ito.
“Wala kaming magagawa kailangan namin sundun ang utos ni Agent Willis. Kung inaakala mo na tutulungan ka ng mga Agent nagkakamali ka dahil ikaw ang pinaka tinaguriang notorious na Mafia ng bansa..” mahabang sagot nito.
Nagkibit balikat ako at kinain ko ang tinapay na binigay nila sa akin. “Hindi ko naman talaga kailangan ng tulong ng mga katulad niyo sa totoo lang. Ginawa ko lang ang ginawa ko sa mga Clemenza dahil kilala ni Clinton ang mga tao ko. That’s why i need some help from the other, saka forte niyo ang pagpapanggap na mga katulong o kahit ano pa sa amin kasi puro kami direkta..” paliwanag ko dito at uminom ako ng tubig.
Paano kami nag kaka rinigan? Dahil sa speaker na nakadikit sa glass may mic din na maliit kaya naririnig nila ako. Pero kung mag uusap sila ng walang mic hindi ko ‘yun maririnig.
Pero mababasa ako ang buka ng labi nila. Hindi na ito naka sagot sakin ng may dumating, ito si Agent Willis ang kanilang leader bilang Agent kasama nito si Agent Freyah at Bishop.
Akalain mo ‘yun kaaway ko sila this time? Sino kaya ang matitirang matibay?
“Ngayon lang kita nakita ng personal hindi ka pala malaking babae.. normal lang ang katawan mo para sa isang babae..” wika ni Willis.
“Ito talaga kasi ang goal. Ang pagmukha-ing normal lang ako at walang laban..” sagot ko dito at tumayo na ako para mag unat ng katawan ko.
“Alam niyo? Ang boring dito..” pagpapaalam ko sa kanila, hinubad ako ang jacket ko at inipit ko na ang buhok ko.
Doon na nila nakita ang tattoo ko sa likod ko, dahil sando lang ang suot ko. “Pwede niyo ba ako bilhan ng komportableng damit? Alangan naman ito ang suotin ko ulit sa hearing bukas?” Tanong ko sa kanila.
“Ito kasya ito sayo maliit lang naman ang katawan mo kumpara sa akin..” wika ni Freyah.
Nang ipasok nila ito sa butas kinuha ko ito hanggang mag salita si Willis. “Hindi ako naniniwala na hindi ka nag utos na ipapatay ang dating pangulo. Alam namin na hindi sila kikilos ng walang utos.” Wika nito.
Tumayo ako ng maayos at nag pamulsa ako, nilingon ko sila. “Wala naman akong pakialam kung sino o ano ang paniniwalaan niyo. Dahil ang totoo ay wala na magagawa ‘yan dahil matagal ng patay ang taong tinutukoy niyo. Anim na taon na ang lumipas tingin niyo ba babangon ang bangkay niya para sabihin na hindi ako ang nagpapatay sa kanya? Mag isip ka naman..” pang iinsulto ko ito at tinalikuran ko na ito.
“Saka sa tagal ng panahon ngayon niyo lang binuksan ang usapin na ‘yan? Matatapos na ang termino ng bagong nakaupo ngayon tapos ganyan ang ipapakita niyo?” Hindi makapaniwala kong tanong sa kanila.
“Watch your words Miss Lavistre! Tandaan mo nasa kamay ka ngayon ng mga well-trained na agent ng bans———” hindi ko ito pinatapos ng suntukin ko ng malakas ang glass and soundproof na wall na ito.
Nag karoon ito ng lamat na cracked mula sa sinuntok ko paakyat hanggat ibaba. “Cut the f**k! Kung well trained sila mas bihasa ako dahil sila ay sinanay lang sa tamang edad! Ako sinanay ako mula bata pa ako! Kaya ko kayong tapusin kahit kailan ko gusto ko! Pero bakit hindi ko ginagawa?!” Galit kong tanong.
Agad nilang tinaas ang baril nila at tinutok sa akin. Doon na kasi nasira ang weapons ng pinag kululungan ko. “Huwag kang lalabas d’yan!” Banta ni Freyah.
“Dahil gusto ko ito gawin ng maayos at tahimik ng wala akong nasasaktan na parte ng gobyerno! Pero kung iinisin niyo pa ako lalo! Aalis ako dito at gagawin ko ang mga paraan ko para durugin ng bansang ito!” Galit kong sagot.
Hindi ako umaalis sa pwesto ko. “Bakit nga ba?” Tanong ni Trevor sa akin.
Tinapunan ko ito ng malamig na tingin at huminahon na ako. “Dahil sa info na ilalabas ko bukas..” sagot ko at umupo na ako muli at tumalikod ako sa kanila.
Hindi ko naman kailangan mag tagal dito para lang tumambay. Bukas ko ilalapag lahat ng alam ko at bahala na sila sa magiging kilos nila wala na akong pakialam doon.
Pero kung magiging taliwas sila sa kilos ko mapipilitan ako na galawin sila. Kikilos kami sa paraan namin na ikakadurog ng bawat isa.
AGENT. FREYAH KNOXVILLE
Hindi ko maiwasan hindi mapa lingon sa sira ng kagagawa lang na kulungan para sa kanya. “Ibang klase ang lakas ng kamay niya..” wika ng asawa kong si Trevor.
Matagal na simula ng ikasal kami at nagka anak ulit ng kambal. Yeah kambal ulit ang anak namin this boy and girl naman.
“Kaya hindi tayo pwede makampante, tama siya well-trained tayo pero mas higit siyang well-trained dahil sa bata pa lang ito sinanay na siya..” sagot ko sa asawa ko.
“Pero hindi natin siya pwede saktan o patayin dito, ito ang bilin ng pangulo.” Sagot ni Agent Viper.
Tama ito, malinaw ang utos sa amin protektahan ang taong ito laban sa mga senador na pilit itong babanggain. Dahil naniniwala ang pangulo na hindi kaaway ang grupo nito sadyang ito lang ang paraan nila upang mapigilan ang mga nangyayaring bentahan ng mga dr*ga, armas at tao sa bansa.
Kung totoo ang sinabi ng pangulo na nasa taas ang mga promotor nito. Ilalabas ni Flame ang katotohanan sa mga ito. Hawak ito ni Flame walang duda hindi nag dudu-da ang pangulo sa kanyang kilos ngayon.
Unti-unti ng nagiging bukas ang mata ng pangulo matapos nito mabasa ang ibinigay ni Flame sa kanya noong nasa Palacio ito.
Pinabasa niya ito sa amin noon, at ako mismo nag sabi na nangyayari ito sa pagsapit ng dilim at tanging ang mga Mafia na ito ang pumipigil sa mga ito.
Nilingon ko si Flame naka upo ito sa sahig nag lalaro ito mag isa ng chess. Nagtataka ako dahil imbes na siya ang white queen, ang hawak nito ay itim na reyna.
“Kung totoo na hawak talaga niya ang katotohanan na gusto ipalabas ng Presidente? Kailangan talaga natin siya protektahan muna ngayon..” wika ni Shantel.
“Oo dahil, alam ng mga nasa taas na kakampi sa kanila ang pangulo kaya hindi sila magdadalawang isip na mag isip na kalaban tayo at against tayo sa plano nila..” wika ni Peterson nasa likod ko ito.
Nakatingin lang ako dito. “Tama ka, hindi nila magagalaw si Flame, tsaka ang senate president. Kapag hinayaan natin na nakalaya si Flame at hindi natin siya kinulong mapipilitan si Flame na lumaban sa mga tauhan ng gobyerno. Dadanak ang dugo kapag nangyari ito..” wila ko.
Tumango sila. Lahat ito ginawa ng pangulo dahil nakikita niya na ito ang gagawin ni Flame ang babaeng hawak namin ngayon.
Ang tinaguriang Destroyer, tama lang na hawak namin siya ngayon.
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE
Ito ang ikalawang beses na papasok si Flame sa senado para sa hearing. Inaasahan namin na ngayon niya ilalabas ang lahat ng hawak niya para tumahimik na ang mga senador sa bintang nila.
“Luther, napa rito ka?” Tanong ko dito ng makita ko itong pumasok sa opisina ko.
“Nothing, gusto ko lang sabihin na alam ng pangulo ang plano ni Flame. Kaya niya inutos na hawakan at protektahan ng mga Agent si Flame hindi ko alam kung nakikita na ito ni Flame..” wika nito at pinarinig sa akin ang audio.
Kaya nakinig naman ako muna. “Protektahan niyo si Miss Lavistre kung totoo ang sinasabi niya na nasa loob ang totoong nag ta-traydor sa bansa. Kailangan niyo siya ikulong muna upang maiwasan ang pagkakaroon ng gulo at pagkamatay ng mga tao ng gobyerno..” paliwanag ng pangulo.
Hindi ko alam kung sino ang kausap nito. “Ang mga secret agent ang kausap niya dito. Naka kuha ako ng audio record dahil sakto silang nag kita sa mismong hotel na pag mamayari ko.” Paliwanag nito.
“Ibig sabihin wala silang intensyon na saktan o masaktan si Flame dito. Gusto lang nila mahulog sa bitag ang mga totoong may sala..” wika ko umupo ito at tumango.
“Alam na ito ng mga pinsan mo, ngayon kailangan niyo din protektahan ang pangulo. Dahil kapag nag kainitan mamaya sigurado ako na gigitna siya sa gulong ito..” putol nito.
“Hawak na ni Flame ang lahat ng ebidensya na mag lalaglag sa lahat! Magiging malaking gulo ito kaya tipunin niyo ang mga tauhan at pumuwesto na kayo sa Congress at ang iba sa pangulo..” utos ni Luther sa akin.
Tumayo na ako at nakipag kamay dito. “Salamat, malaking tulong ito..” sagot ko at pasasalamat ko.
“Nasa likod niyo lang kami..” sagot nito at nakipag kamayan sa akin. Sabay kaming umalis ng opisina ko.
Uuwi muna ito at ako diretso sa Underground. Kinuha ko ang earpiece ko at binuksan ko ito. “All DCN boss, Leaders, right hand and under the boss! Lahat kayo pumunta sa underground ngayon na!” Utos ko at mabilis kong minaneho ang sasakyan kong Bentley.
HINDI NAG TAGAL NAKARATING na ako lahat ng pinsan ko nandito na rin. Bumaba ako, “Alam niyo na ang plano ng pangulo tama?” Tanong ko sa kanila at pumasok na kami sa loob.
“Oo pinoprotektahan nito si Apoy kaya po-protektahan din natin siya!” Wika ni Azi.
Tumango ako at nang makapasok kami nakita ko na handa na sila sa mangyayari. “Hindi natin sigurado kung may mag aamok pero maganda na ang handa. Dahil hindi kaya ni Flame ang mag hold back pag gusto nito papatay ito talaga..” wika ni Thunder.
“Ava, Sammy at Wendy kasama ka Barbara! Kayo ang mag babantay sa pangulo. Kami na kay Flame! Storm at Azi maiwan kayo dito sa Underground!” Utos ko sa kanila.
“Alright..” sagot ni Storm.
“Areglado boss, mauna na kami..” paalam ni Barbara.
Hindi na ako kumibo. “Tara na Thunder..” utos ko at kinuha ko ang gamit ko at mask ko.
“L.A kailangan ka namin!” Utos ko kay Lance.
“Yes boss, susunod ako..” sagot nito tumango ako at sumakay ako sa isa pang sasakyan ko at mabilis kami nagsi alisan.
Kailangan namin mag hintay doon upang magawa din namin protektahan si Flame at ang mga agent. Damay na sila dito kapag nalaman ng mga kaaway ni Flame ang naging plano ng pangulo.
Alam ko na may alam na si Flame, at aasahan niya kami na gawin ito para sa kanya dahil hindi niya kami pwede utusan ngayon kundi masisira ang plano niya.
Kailangan namin siyang suportahan dito dahil gusto ni Flame ipamukha o ipakita sa mga tao na hindi na nila maloloko pa ang mga tao.
Dahil malalaman na ng mga tao ang mga ginagawa ng sarili nilang Gobyerno. Ito na ang oras para mabuksan ang mata ng mga tao sa paligid mapa loob at labas ng bansa man..
-
Destroy what destroys you..