THUNDER LAVISTRE
“Ang ganda naman dito? Mukhang tahimik dito ano?” Tanong ko kay Vlad habang ang kapatid ko naman ay kasama ang asawa niya at si Storm.
“Oo pero, bakit mabaho?” Tanong nito sa akin. Nag kibit balikat ako hanggang makadaan kami sa isang daan na sa gilid may kulungan.
Nang daanan ko ito pag sadya, nakita ko na may naka higang baboy dito. “Uy guys, may baboy dito na tulog ata ito..” tawag ko sa kanila agad naman sila lumapit.
“Woah! Hi oink oink!” Bati ni Damon na kina simangot ko tiningnan ko pa ito ng masama.
“What? Masama ba? Uy huwag tayo dito she’s resting..” tanong ni Damon nagulat kami ng tumayo ang baboy at nag ingay din.
“Huwag ka manulak!” Hiyaw ni Earl kay Damon.
“Nagulat ako tang*na ka!” Mura ni Damon kay Earl na kina tawa ko.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI sa sinabi nilang bahay ng presidente dito. “Tao po?” Tawag ni Flame sa labas ng gate ng isang bahay.
“Oy palaro mga boss..” napa lingon ako kay Damon at umakyat ito sa maliit na half court.
“Sino sila?” Tanong ng babaeng lumabas.
“Miss Lavistre po..” sagot ni Flame.
“Oh my god! Ikaw po ang tumawag kanina diba? Saglit lang bubuksan ko ang gate..” nagmamadali itong kumilos.
“Hon, iiwan ko na muna kayo dahil hindi naman ako kasali sa usapan na ‘yan..” paalam ni Blake.
“Sumama ka Blake ikaw ang asawa..” sagot ko na dahil tama naman din na nasa tabi siya ni Flame.
Tumango na lang ito. “Hindi ka ha komportable? Kung oo sige okay lang kami na lang muna dito, sa bahay ko na lang iku-kwento.” Narinig kong pagka usap ng kapatid ko sa asawa niya.
“Sama na lang muna ako..” sagot ni Blake.
Hindi na naka sagot si Flame ng papasukin na kami. “Halika kayo gising na ang mister ko. Pasok pasok,” nakangiting pa-anyaya ng babae.
“Salamat po..” pasasalamat ni Storm at pumasok na rin kami sa loob.
“Maupo kayo, mag hahanda ako ng juice..”sagot ng babae kaya umupo kami sa sofa.
May lumabas na matangkad na lalaki at agad kami nilapitan nito. Tumayo si Flame at nakipag kamay.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Kung ganun ito pala ang pinunta niyo dito? Sige personal ko kayong sasamahan sa mga taong nag benta ng lupa ng hindi dumaan sa inyo..” wika ng Presidente dito.
Naipaliwanag ko na ang dahilan bakit kami nag tungo dito. “Pero gusto ko isama natin ang caretaker na inutusan ko na pangalagaan ang lugar na ito..” utos ko at hindi ‘yun pakiusap.
“Sige ipapatawag naman si Mang Tan sa taas, bunso tawagin mo sabihin mo andito si Madam niya Lavistre kamo..” utos nito sa lalaking kapapasok lang.
Lumabas kami kasunod ng presidente. “May dala ba kayong armas? Dahil kilala ang mga Villaruiz at Dantes na mga armadong tao. Saka isa pa si Tan din ganun din ito..” tanong sa akin nito pero hindi ako umimik.
“Meron kaming dala..” sagot ni Kuya Vlad. Nang makita ko si Tan agad itong tumakbo kahit matanda na ito.
“Kayo pala, biglaan po ang pag dating niyo?” Halata ang takot nito sa mga mata niya.
“Tapatin mo ako, pinag bebenta mo ang property ng wala akong pahintulot?” Diretso kong tanong.
Pero umiling agad ito. “Siguraduhin mo lang dahil kaya ko paikliin ang pasensya ko..” sagot ko at tumalikod na ako nag lakad kami pabalik kung saan kami dumaan kanina ng may mahagip ang mata ko.
“Sino ang may ari ng Cafe na ‘yan?” Tanong ko at nag lakad na kung saan galing ang caretaker ko. Pag dating sa unahan mas maraming bahay dito.
Nilingon ko si Tan. “Ang usapan diba? Sampu hanggang bente lang na bahay ang pwede dito?! Bakit paunti-unti na ito nagiging subdivision?!” Hindi ko na maiwasan hindi magalit.
“Ano ba ang karapatan mo magbenta ng lupa ng hindi sayo?! Buhay pa ako! Wala kang karapatan gawin ‘yan! Alam mo ang usapan niyo ni Lola!” Sermon ko dito.
“Hoy wala kang karapatan sigawan ang asaw——” tinapunan ko ng masamang tingin ang asawa nito.
“May karapatan ako! Misis lahat ng nakikita ninyong lupa hanggang doon ay akin ‘yun! Pag mamayari ko ‘yon! Tapos mag bebenta ang asawa mo ng walang pahintulot ng totoong may ari! May karapatan ba siya?!” Galit kong tanong dito na kina atras nito.
“Hon, calm down..” awat ng asawa ko sa akin.
“Fix this ibalik mo sa dati ang lahat kapag hindi mo ‘yan nagawa? Alam mo masamang mangyayari sa’yo..” bulong ko kay Tan.
“Madam hindi ko na po maibibigay ang pera dahil nagamit ko na..” naka yuko nitong sagot.
“Then ibenta mo lahat ng sasakyan na meron ka kung ayaw mo kasuhan kita ng pagnanakaw ng hindi sayo! Marami akong hawak na ebidensya ‘wag ako ang kalabanin mo..” sagot ko dito at nag lakad na ako patungo sa sinasabi nilang daan pataaas.
“Flame.. kung palasin na lang natin sila?” Tanong ni kuya Storm.
“Kapag ginawa natin ‘yan lalong mag kaka-gulo iniiwasan ko ‘yun kaya hangga’t pwede ko pa ito maayos aayusin ko ng walang masasaktan..” sagot ko dito.
“Iyang bahay na malaki na ‘yan, d’yan nakatira ang nakapag benta ng maraming lupa sabi nila sila ang may ari..” wika ng Presidente.
Nang mag doorbell sila agad may lumabas na lalaking matangkad din at malaki ang tiyan. “Oh ikaw pala Pres? Napa dalaw ka?” Tanong ng lalaki.
“Sadya ka nila, sila ang mga Lavistre at Valencia ang mayari ng lugar na ito..” sagot ng Presidente.
Napa tingin sa amin ang lalaki, “Saglit nagbibihis lang ako..” paalam nito at agad itong pumasok.
“Buksan niyo ang gate..” utos ko.
“Flame.. hindi pwede ‘yan..” sagot ni kuya Thunder.
“May permit ba sila o pinag hahawakan na kanilang ang lupa na ito?” Binaliwa ko ang sinabi ni Kuya at tinanong ko si Tan.
Umiling ito. “Napaka galing mong hayop ka! Gusto ko pasabugin ‘yang bungo mo sa totoo lang talagang bibigyan mo kami ng malaking problema ano?!” Gigil na tanong ko dito.
“Subukan mo itong takasan? Bala ko tatagos sa bungo mo at sa mga taong umaangkin ng lupa dito! Tandaan mo sa’yo ko ipapasa ang lahat ng sisi para ikaw ang mabulok sa kulungan..” banta ko dito at pumasok ako sa loob.
“D’yan lang kayo ako na makikipag usap..” pag pigil ko sa iba at diretso ako sa pinaka loob.
“Trespassing ka! Hindi ka dapat pumapasok sa property ng iba!” Sigaw ng lalaki.
“Tumawag na kayo ng barangay!” Utos nito.
“Sige gawin mo! Para mas maraming madamay!” Hamon ko ng tutukan ko ng baril ang tingin ko ay anak nito na ang didilig ng halaman.
“Gusto ko lang sagutin niyo ang tanong ko..” panimula ko. “Bakit kayo nag bebenta sino ang nag utos at nag bigay sa inyo ng karapatan para gawin ang bagay na ito?!” Tanong ko.
“Si Tan! Binili ko ang lupa na ito sa kanya ng 100 thousand pesos at ang iba ay nakipag usap siya sakin kung pwede ko hanapan ng buyer ang lupa niya. Dahil ipapagawa niya ang bahay niya!” Sagot nito.
“Sabihin mo sa akin sino sino ang pinag bentahan niyo! Ibalik niyo ang pera sa kanila at umalis sila sa lupa ko kung ayaw niyo palayasin ko kayo!” Utos ko.
“Ang kapal naman——” hindi ko ito pinatapos ng barilin ko ang alaga nitong manok.
“Gagawin niyo o uubusin ko ang alaga mo? Huwag mo ako asarin dahil kaunti na lang natitirang pasensya ko..” sagot ko.
“Sige, bigyan mo kami ng ilang buwan kahit anim na buwan na palugid para maibalik ang pera kanilang lahat..” kabado nitong sagot.
Ngumisi ako, “Hindi ba at madali niyo lang nakuha ang pera?” Tanong ko ng tumango ito. “Gusto ko ganun din, sa loob ng isang buwan tapos na ang issue na ito dahil kung hindi pa? Hindi ko maipapangako saan kayo mapupunta..” sagot ko at tumalikod na ako.
“Hindi yan pwede may titulo na sila!” Sagot nito.
“Base sa batas natin wala silang karapatan at hindi ito kikilanin dahil walang pinirmahan si Miss Lavistre na kahit anong kontrata na nagsasabi na nakatanggap siya ng pera o ano man..” sagot ni Attorney Chiu.
Lumabas na ako at nag salita ako muli. “Umapela pa kayo sa gusto ko baba ng isang linggo ang palugid niyo..” banta ko at nag lakad na ako pababa.
“Madam, hindi ko po kayayanin ang isang buwan parang awa niyo na hindi ko po kaya ‘yan..” pagmamakaawa ni Tan.
“Kung lumapit ka sa akin na may problema ka baka napagbigyan pa kita, o binigyan kita ng pera na hindi mo na kailangan bayaran. Alam mo sa sarili mo na kahit isang beses hindi ka hinindian ng pamilya ko..” baling ko dito.
“Pinaaral ng yumao kong Lola ang ama mo bilang pulis at kayo din na mga anak niya, pero bakit niyo ginawa ito sa pamilya namin? Alam mo ano ang plano ng pamilya ko sa lupa na ito, ngayon ayusin mo ito dahil kung hindi? Alam mo na hindi ako basta basta naawa..” diretso kong sagot dito at nag lakad na ako para iwan silang lahat.
Alam ko naman saan ako dadaan. Pagdating ko sa ibaba agad kong nakita si Damon. “Damon, ikaw ang itoka ko dito na mag man-man..” utos ko.
“Kami na lang boss, dahil kilala na si Boss Damon dito.” Sagot ni Blue.
“Okay sige..” sagot ko at tinapik ko ang braso nito.
Lumingon ako sa likod ko at nag pasalamat ako sa presidente na sumama sa amin. “Pasensya na kayo sa nangyari na ito, huwag kayo mag alala magpapadala ako mismo ng balita..” wika ng presidente sa akin.
Umiling ako. “Hindi na kami na ang bahala, ayoko na mag karoon ng hindi pag kaka unawaan sa pagitan niyo at ng mga nakatira dito..” sagot ko dito.
“Dapat mag pa meeting ka kasama sila dahil sila ang may ari mamayang gabi. Okay ba sa inyo?” Tanong ng ginang sa amin.
“Ang nanay ko po pala. Inday kilala siya sa ganung tawag..” pakilala sa akin.
Agad akong lumapit at nag mano dito. “Kaawaan ka ng panginoon. Anak mas mainam na mag patawag kabng meeting ipatakbo mo kay Bunso lahat ng bahay dito na kailangan nila mag tungo sa court..” utos ni Nanay Inday.
“Okay ba sa inyo?” Tanong ng presidente sa akin.
“Sa akin walang problema para maging malinaw na ang usapan. Pero sa mga kasama ko, okay ba kayo? Love?” Tanong ko din sa asawa ko.
“Asawa ko po ito..” magalang kong wika at tinuro ko ang asawa ko.
Nakipag kamay naman ang asawa ko sa kanila. “Sige sa bahay muna kayo, doon na kayo kumain mag papaluto ako ng pagkain..” aya ng presidente sa amin.
Humawak ako sa asawa ko at sumunod kami. Sa likod ko sila kuya.
NANG MAG TANGHALIAN sabay-sabay kami kumain tila isang boodle fight. Ang kina gulat ko dahil may nag ihaw ng apat na manok.
“So ang pinaka kabuhayan dito at piggery?” Tanong ng asawa ko.
“Yes sir, ‘yun talaga ang kabuhayan dito sa loob ng halos sampung taon.” Sagot ng Presidente.
“Kung ganun maganda din pala? Wala bang nagrereklamo sa amoy? Diba ang bagsak ng dumi ay sa sapa?” Tanong ni Kuya Vlad.
Hinayaan ko na sila dahil mas busy akong kumain at pakainin ang aso sa ilalim ng mesa. “Kapag mataas ang tubig ganun ang ginagawa..” sagot ng presidente dito.
“Hon, ano ba ang dinudukot mo sa ilalim?” Tanong ng asawa ko.
“Yung aso nanghihingi kasi nag hihimay ako ng manok tapos pinapakain ko ng laman..” pabulong kong sagot dito.
Natawa naman ito pero hindi ko ‘yun pinansin, “Masama ‘yan sa kalusugan dapat mag lagay kayo ng poso n***o hindi sa sapa ang deretso. Sobra na ang sira ng kalikasan at mga maliliit na ilog.” Sagot ni Kuya Thunder
Habang hindi ito naka tingin ang kuya ko kinuha ko ang balat ng manok sa kanyang plato na yari sa dahon ng saging.
Ayaw ni kuya Thunder ang balat ng manok kaya kinukuha ko ito at kinakain ko lahat. “Panakaw kang kumukuha ng balat ng manok..” bulong ni Vlad sakin.
Wala dito ang iba dahil sila ang pumalit muna sa kumpanya. “Ayaw ni kuya Thunder ng balat kaya kinuha ko..” sagot ko dito.
Tumawa lang ito at tumango. “Wala pa kasing budget para ganun, kaya kahit ayaw ng nakaka-rami dito wala kaming magawa..” sagot ng Presidente.
Matapos namin kumain nag pahinga muna kami sa court at nag pahangin. Bumili ako ng maraming popsicle stick sa tindahan ng asawa ng presidente at pinabigay ko ito bilang panghimagas.
“Tahimik dito ano? Sarap mag tayo dito ng malaking court..” tanong ni Damon.
“Pwede niyo gawin ‘yan dahil kayo ang may ari..” sagot ni President Junar.
“Matapos ang isyu magbibigay ako ng budget then kayo na mag decide kung saan itatayo. Isa pa gusto ko din magpatayo ng maliit na Pharmacy kung pwede under ko ito sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya ko sa maynila..” sagot ko.
“Pwede sasabihin ko sa ating butihing mayora..” sagot nito.
Tumango ako. “Gusto ko din mag lagay ng mini-mall dito at paaralan na kinder at yung tinatawag nilang ALS? Yung proyekto ng gobyerno upang makapag aral parin ang mga hindi nakakapag aral. Kahit lakarin na lang nila..” suhestyon ko.
“Sige pag pa-planuhan natin ‘yan..” sagot nito.
“Sa mga gagawa huwag na kayo mag isip, under ko na rin ito sa pamilya namin.” Malamig kong sagot na kina gulat nito.
“Marami kasing engineer at architect sa pamilya kaya ipa-ubaya niyo na sa amin ito..” singit ni Kuya Thunder.
“Sige kung ‘yan ang gusto niyo wala naman problema doon..” naka ngiting sagot nito kaya hindi na ako umimik pa.
Pinanood ko na lang na mag laro sila Damon at Ken ng basketball. Kahit alam ko na maraming mata ang naka tingin sa amin binaliwala ko ito.
Gusto ko na ituloy ang plano ng Lola ko panahon na rin naman para gawin ito.
NANG MAG GABI lahat ng tao dumalo, at paunti unti naman pinaliwanag sa kanila. Marami sa kanila ang alam ang tungkol sa lupa na hindi naman pwede talaga nilang angkinin.
Pinag papaalamat ko din ito kahit papaano, marami din ang hindi naka-intinde at umaapela pero wala parin silang nagawa dahil ang tanging pinang hahawakan lang naman nila ay salitang.
‘Matagal na silang naka tira dito..’
Marami ang galit marami din ang hindi, hindi ko naman inaasahan na hindi talaga sila magagalit o ano. Pero kailangan pa rin nila itong tanggapin dahil nakikitira lang sila dito, plano ko kausapin si Tan tungkol dito.
Dahil ayoko ng ginawa niya..
-
How about you pay me back for dragged me into your fight?