FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
NAGISING AKO SA SIKAT NG ARAW na pumapasok sa loob ng silid ko. “Mabuti naman at gising kana, ang mag ama mo nasa mansion pa de-deretso sila dito..” napa lingon ako kay Cindy ng mag salita ako.
“Kumusta ka?” Tanong ko dito. Tiningnan lang ako nito at ngumiti.
“Okay lang naman ako, bangon ka ng kaunti para maka-kain kana dahil alam namin na hindi ka pa nakaka kain ng maayos.” Mahabang paliwanag nito.
Tumango ako at dahan dahan akong bumangon at umupo muna ako. Hinanda naman nito ang pagkain ko. “Sila Doña Amelia? Kumusta sila?” Tanong ko dito kinuha ko ang kutsara at tinidor.
“Under na sila ng hospital huwag kana mag alala..” sagot nito tumango ako at sumubo ako ng sabaw na tingin ko galing ito sa mansion. “Si Thunder ang dala niyan halos ka-aalis lang din niya..” sagot nito tumango ako at kumain ako ng maayos.
“Gising kana pala, ang pakiramdam mo kumusta naman?” Napa lingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Madrid dito.
“Okay lang, masakit lang ang ulo ko..” sagot ko, matapos ko sumagot sumubo ako ng kanin.
“Normal ‘yan, dahil hindi naman natahi ang sugat na natamo mo. Oo nga pala papunta na sila baka nasa parking na mga ‘yun, sigurado ako na babalik si Thunder dahil kaalis lang..” Panukoy nito sa mga kuya at pinsan ko.
Hindi ko ito pinansin at kumain lang ako ng sinabawan na repolyo hindi ko alam anong pagkain ito. Mukha naman ito makakain at masarap din may mga carrot din ito.
“Mama!” Tawag ng mga anak ko sa akin.
Sinenyasan ko si Cindy agad na alisin ang pagkain ko. “Stop Ai, kumakain pa si mama!” Utos ni kuya Storm.
“Okay lang kuya, nakakain na ako..”sagot ko at niyakap ko ang anak ko agad.
“Ako.. ako ako din!” Nagmamadaling umakyat ang mga bata sa higaan ko na kina tawa nila.
“Huwag niyo banggain ang ulo ni Mama Flame, bago lang ‘yan..” mahinahon na paalala ni Madrid nginitian ko ito niyakap ko ang mga pamangkin ko at anak ko.
“Baba na ako kasi papahinga si Tita Mommy..” narinig kong wika ni Uno ang panganay ni ate Sky.
“Hon..” tawag sakin ng asawa ko at nang lumapit ito ay niyakap agad akong mahigpit.
Niyakap ko ito ng mahigpit din. “Thank you, hindi ka umalis sa tabi ng mga bata..” bulong kong pasasalamat dito.
“Pangako ko ‘yan ng maka bakik tayo dito sa bansa. Mag pagaling ka..” sagot nito at humalik dito sa labi ko at noo ko. “Kids, huwag kayo maingay papahinga si Mama..” utos ng asawa ko.
Nakita ko si kuya Thunder na pumasok din. “Mag kwento ka anong nangyari sa bundok?” Bungad nito.
Napagawi ako, “Agad agad kuya? Sa bahay na lang ‘yan..” hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Storm.
“Well, mas okay na ‘yun kasi ako ang kinukulit ni Thunder..” sagot ni Madrid.
Nilingon ko ito at ako naman ay sumandal sa headboard ng kama ko. Hawak ko ang ensaimada na dala ng asawa ko. Nang isara nila ang pinto ay huminga ako ng malalim.
“Nang makita ko na walang naka bantay sa ibaba ng bangin sabi ko bahala na kaya naisipan ko na lang tumalon parin..” panimula ng kwento.
“Nabaril ako ni Clinton ito ang naging dahilan ko bakit ako hindi ninyo makita nahulog ako dagat. Doon nawalan ako ng malay sa ilalim na ng tubig, nagising lang ako ng tumama ang ulo ko sa bato, ‘yun ang naging dahilan bakit ako lumangoy ang problema ang lakas ng tubig kaya nahulog ako sa talon..” pag ku-kwento ko.
Nang mangyari kasi ‘yun gising na ako. “Sa paahan ng talon doon ako mismo nahulog kung saan bumabagsak ang tubig doon din talaga ako bumagsak. Tumama ang ulo ko sa bato na malaki doon. Muli akong nawalan ng malay, noong nagising ako kung tama ako mag uumaga na ‘yun..” putol ko sa kwento.
“Pero ‘yung dugo sariwa pa basa pa ‘yung nasa gilid ng sapa at yung sa bato..” sagot ni Damon.
Tumango ako at nag kwento muli habang ang anak kong si Ai naman ay panay kupit ng tinapay ko. “Tama kayo, dahil noong nagising hindi ako agad naka galaw pakiramdam ko may bumagsak na mabigat sa buong katawan ko..” sagot ko.
“Ang lakas ng current ng tubig kaya hindi siya naka galaw agad..” pag singit ni Madrid inayos nito ang suot ko.
Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Madrid. Dahil ito talaga ang nangyari. “Nang tumigil ang lakas ng tubig doon ako dahan dahan naka recover ang katawan ko. Tumayo ako at dahan dahan ako nag lakad sa tubig. Naisip ko na mag iwan ng ilan sa mga gamit ko..” pag ku-kwento.
“Ito yung mga nakuha namin doon..” sagot ni Kuya Thunder at nilapag sa harapan ko. Nakita ko ang hikaw ko at at iba pang gamit ko..
Tumango ako. “Yung dugo iniwan ko din yun pag sadya, matapos sumandal na lang ako sa gilid ng bato, para makapag pahinga ako. Wala sa plano namin ni Drake, Damon, Lance, Ken at Ace ang pagka hulog ko doon dapat may sasalo sa akin sa baba. Pero wala kahit isa..” pag ku-kwento ko, nilingon ko si Damon, Lance at Ken.
Nakayuko ang mga ito. “Anong nangyari?” Tanong ko sa tatlong ‘to.
“Nahuli kami ng dating..” sagot ni Lance sa akin.
“Pero paano na magiging kasama niyo si Damon dito? Eh kasama namin siya whole time?” Takang tanong ni Vlad.
Nilingon ko ito at nag salita muli ako. “Dahil sa trapped, alam ko na may trapped doon, alam ni Damon at ang pagkaka kidnapped sa kanya ay nasa plano. Sadyang kapag nakuha niyo si Damon mauuna kayo at mahuhuli naman ako at sa oras na tapakan ko ang naka handang trapped doon, magiging escape code ko ito, para iwan niyo ako..” mahaba kong paliwanag sa kanila.
Nakita ko ang natalim na tingin ni kuya Thunder, Vlad at Earl kay Damon. Si Damon naman ay kumain na lang ng tinapay at nagtatago sa likod ni Azi.
Bumuntong hininga ako at tumango. “Mabuti marunong lumangoy si Flame kundi yari talaga kayong tatlo sa akin!” Pag babanta ni Kuya Thunder.
Tumawa lang sila kaya napa ngiti naman ako. “Oh tapos na ang pag bisita magsi layas na kayo hayaan niyo na makapag pahinga si Flame..” utos at pag papalayas ni Madrid sa mga pinsan ako at kapatid.
“Babalik ako, dadalhan kita ng pagkain at malinis na damit, may gusto ka ba ipabili pag balik ko?” Tanong ng asawa ko.
“Kahit ano lang, okay na ako do’n.” Sagot ko dito.
Ngumiti ito at humalik sa noo ko. “Hintayin mo ako iuwi ko lang mga bata.. I love you..” bulong nito. Tumango ako at nag paalam narin ang mga anak ko sa akin.
“Take care Mama!” Wika ng panganay ko at humalik pa ito sa labi ko.
“I will..” sagot ko at nang magsi alisan na sila muling tumahimik ang paligid.
“Flame! Anong birth month mo? Diba September ka?!” Hindi ko maiwasan hindi mabitawan ang hawak kong tinapay sa gulat.
Nilingon ko si Damon na kalalabas lang ng banyo. “Oh? Asan na sila?!” Tanong nito ng makita niya na wala na ang iba.
“Pwede ba sa susunod huwag ka nang gugulat?! Ano naman kung September ang birth month ko?!” Gigil na tanong ko dito.
Tumawa ito at naupo ulit ito. “Kasi sabi dito Virgo ang sign mo, ang galing yung ugali ng virgo pareho sayo. Basahin mo..” sagot nito at pinakita sakin ang cellphone niya.
Binasa ko ito pero hindi ko na lang inintinde. “Lumayas kana nga gusto ko matulog..” pag papalayas ko dito.
“Dito muna ako samahan kita. Pag dumating na magbabantay sayo saka ako aalis..” sagot nito.
Tumango na lang ako at humiga ako ng dahan dahan. “Kumusta naman ang bago mong Bar?” Tanong ko dito habang nakapikit ako.
“Ayun, parang ayaw ko na mag tayo ng ganun ang gulo..” sagot nito na kina dilat ng mata ko.
“Bakit? Patok naman ang bar sa panahon ngayon ah?” Tanong ko dito.
“Common na kasi saka dikit dikit na yung mga Bar don..” sagot nito. “Balak ko ipasara na ‘yun pero hindi ko alam kung kailan..” dagdag nito.
Umiling na lang ako at nag salita. “Kung ano gusto mo gawin mo, bakit hindi ka mag tayo ng katulad kay Jean?” Tanong ko dito.
“Mas lalong ayoko ng ganun! Nasisira ko ng sasakyan ko tapos mag tayo pa ako ng ganun?” Defensive nitong sagot na kina tawa ko.
“Hayaan mo muna naka tayo ang bar mo tapos kapag nakapag isip ka na? Gawin mo na..” suhestyon ko dito.
Tumingin lang ito sa akin at tahimik na tumango. “Pero Flamie..” tawag nito sa akin na kina lingon ko dito.
“May problema ba?” Tanong ko dito.
“Natatandaan mo pa ba ang lupang pagmamay-ari mo sa isang lugar doon sa dati mong tinirhan bago ka napunta sa puder ni Tanda?” Tanong nito.
Umupo ako ng dahan dahan. “Oo, anong meron doon?” Tanong ko dito.
“Inaangkin ng mga ibang angkan ang lupa doon. Kailangan mo na balikan ang lupa na ‘yun matagal na ito Flame..” sagot nito.
“Pinag bebenta ng pinagkakatiwalaan mong caretaker ang mga lupa..” dagdag nito.
“Paano mo nalaman ‘yan?” Tanong ko dito habang salubong ang kilay ko.
“Oh well, sinabi kasi ni Attorney Chiu nag kita kami noong nakaraan actually nagkataon lang ‘yun..” sagot nito kaya tumango ako.
“Pag nakalabas ako dito aasikasuhin ko na ‘yan..” sagot ko dito.
“Okay ipapahanda ko na din lahat ng kakailanganin mo..” sagot nito tumango naman ako at nag paalam ako na mag papahinga na muna ako.
BLAKE SHIN DELA VEGA
ILANG ARAW NG MAKALABAS ANG ASAWA KO SA HOSPITAL.
“Hon, diba dapat nag papahinga ka muna? Baka bumuka naman ang tahi mo..” tanong ko sa asawa ko ng may kung ano itong binabasa.
“Sorry Love, kailangan ko kasi ito asikasuhin..” paghingi nito ng paumanhin sa akin.
Bumuntong hininga lang ako at tumango. “Kapag napagod ka na maya maya magpahinga kana, pakiusap..” sagot ko dito.
Ngumiti ito sa akin at tumango, nakita ko na ang binabasa nito ay ang will na tungkol sa lupa. “Hon, may problema ba?” Tanong ko dito, umupo ako sa tabi nito.
Kung tungkol sa nangyaring laban, tapos na ito lahat ng tauhan na natira pinag papatay din ng tauhan ng asawa ko. Upang wala ng matira o maiwan pang buhay.
Tumigil ito at humarap sa akin. “Kasi Love, ‘yung lupa na pag mamayari ng Lola ko sa San Mateo inaangkin na at pinag parte paretahan pa. May iba doon binenta na.” Sagot sa akin nito.
“Ano? Wala silang karapatan na gawin ‘yan Hon, kailangan puntahan mo ang lugar upang makita mo kung totoo ba ang nakarating sa’yo..” paliwanag kong sagot dito.
Tumango ito. “Gagawin ko din ‘yan maybe mamaya, maiayos ko lang ito nasabi ko na rin sa mga kuya ko. Samahan mo ako pwede ba?” Tanong sa akin ng asawa ko.
“Okay sige, sunduin ko muna ang mga bata sa school..” sagot ko dito.
“Si Damon daw ang susundo..” sagot sa akin ng asawa ko kaya tumango na lang ako.
“Lalabas muna ako hindi na muna kita guguluhin okay? Tumawag ka lang kung kailangan mo ako..” paalam ko dito humalik ako sa pisngi ng asawa ko.
“Salamat, Love..” pasasalamat nito nginitian pa ako ng asawa ko.
Ang asawa ko kapag may ginagawa ayaw niya ng kahit anong maingay pero minsan lang ‘yun. Ngayon kailangan ko muna lumabas dahil may mga bagay talaga na labas ako kahit asawa ako.
Nirerespeto ko ito dahil ang lupa na tinutukoy ng asawa ko ay minana niya sa kanyang Lola na matagal ng namatay. Siya ang tagapag alaga ng lupa na tinutukoy sa isang probinsya.
May alam din maman ako tungkol doon, dahil ang lupa na ito ay sinasabi na matagal ng project ng pamilya Lavistre at Valencia. Ngunit hindi ito natuloy dahil sa namatay ang Lola ng asawa ko.
Hanggang na hold ito dahil sa Lolo nila dahil umaapela ito na huwag itong galawin kaya ang nangyari. Ang lupa na matagal ng na tengga ay natirhan na ng mga tao.
Ngunit sa batas natin hanggat walang pahintulot ng may ari ay wala itong karapatan na gawin. Ang caretaker mismo ang nag desisyon na mag patira ng mga tao dito, na wala siyang karapatan na gawin ito ng walang pahintulot ng may ari.
Kaya papalag ang asawa ko, alam ko din na itutuloy na ang project para sa lupa na ‘yun. Napakalaki ng lupa ng asawa ko na minana doon sa nasabing lugar ng asawa ko.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Mag surprise visit tayo sa lugar. Love, hindi ako sasabay sa’yo..” utos ko at wika ko sa asawa ko.
“Mag iingat ka ang tahi mo, sige sunod na lang kami sa’yo Hon..” sagot ng asawa ko na kina tango ko.
Maaga pa naman kaya makakarating pa kami mga 11 ng umaga. Sumakay na ako sa McLaren ko dala ko ang mga kailangan ko.
Tulad ng blueprint ng lupa ang lumang version at ang bago dahil pinagawa ko dahil ang ibang lupa doon ay may binenta sa amin matagal na panahon na.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan ko at nag tungo na kami agad sa lugar na sinabi ko kanina. Hindi ito malayo sa Antipolo kung saan kami nakatira ngayon, dahil semi probinsya ang lugar na pupuntahan namin parte lang ito ng San Mateo.
Dumaan kami sa mabilis na daan at hindi nagtagal nakarating na kami. Pag pasok pa lang hinarang na kami ng association leader upang hingin ng ticket.
“Kailangan niyo po mag bayad bawat sasakyan ng 50 pesos para makapasok. Sino pala kayo Ma’am?” Tanong ng babaeng nasa mids 50 years old at may salamin ito sa mata.
“Lavistre..” sagot ko at binigyan ito ng isang libo. “Keep the change..” sagot ko nakita ko na nanlaki ang mata nito sa binanggit kong pangalan.
“Lavistre kayo yung may ari ng buong subdivision??” Gulat na tanong nito at nang bumukas ang maliit na gate pumasok na ako ng hindi sila sina-sagot.
Napansin ko ang pag tingin ng mga taong nadadaanan namin hanggang kumanan ako at deretso paakyat sa pinaka taas.
Hindi nag tagal nakarating kami sa lubak lubak na daan. “Kaya niyo ba umahon pa? Mauna kayong naka motor..” tanong ko sa mga kasama ko gamit ang earpiece ko.
“Oo kaya pa, mas mabuti mauna ang naka motor mamaya kasi hindi kumagat yung brake maatrasan kayo..” utos ni kuya Thunder gumilid ako at dumaan naman ang apat na kaka motor.
Si Ken, Lance ito at sila Blue at Azi. Nang makalagpas sila sumunod na ako hanggang makarating kami sa unahan. “Ay grabe pala ang daan dito?! Dapat pala hindi sports car ang dala dito!” Tumatawang wika ni Damon.
Mabuti pa ang isang ito ang dala niyang sasakyan ay SUV Mitsubishi. Mabuti sa taas ay kalsada na agad kong ginilid ang sasakyan ko kaharap nito ang isang LT300 na sa sasakyan at bahay na dilaw ang gate. Bumaba na ako habang ang mga tao nakatingin lang sa amin.
Hindi ko ito pinansin at kinuha ko ang scroll na kung saan nakalagay ang blueprint ng lupa. “Anong sunod natin gagawin?” Tanong ni Damon. Inabot ko dito ang dala ko.
“Ipag tanong sino ang presidente ng neighborhood dito. Sigurado ako na meron, Attorney Chiu gusto ko makinig sa gagawin na pag uusap.” Utos ko kay Attorney na kababa lang ng sasakyan ni Kuya Vlad.
“Yes Ma’am..” sagot nito kaya tumango ako at nag lakad na kami sa kalsada. Nakita ko ang naka tayong pabrika ng bakal.
“Kilala niyo po ba dito sino ang presidente ng association niyo?” Tanong ko sa babaeng may dalang anak.
“Ay nandun po miss, deretso kayo d’yan tapos kaliwa yung blue na bahay na sa harap nito yung half court..” turo nito.
Tumango ako at nag pasalamat..
-
To be continued na naman..