CHAPTER 36

2707 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NANG MAKA UWI KAMI NG MANSION kagabi, agad kong pinatawag si Tan sa bahay ko. “Ma’am..” tawag nito sa akin. Tumayo ako at nag lakad ng naka pamulsa. “Ihatid niyo na lang ang mga bata sa school..” utos ko sa kanila bahala sila kung sino ang gusto kumilos. “Sumunod ka sa akin..” utos ko dito at nag tungo ako sa ikalawang palapag at dumeretso ako sa opisina ko o namin ng asawa ko. “Gusto ko ipaliwanag mo sa’kin ang nangyari.” Malamig kong utos dito at umupo na ako sa sofa. “Ma’am sorry po, nagipit po ako. Nag aaral po ang anak ko at yung bahay namin sira na po. Nahihiya naman po ako lumapit sa inyo..” lumuhod agad ito sa akin. Nakita kong pumasok ang asawa ko, “Ayaw pumasok ng kambal Hon,” nagkakamot nitong wika. “Why? May problema ba sila sa school?” Tanong ko agad sa asawa ko. Tumawa lang ito at umiling. “May topak..” simpleng sagot nito na kina tampal ko ng noo ko. Tumango ako at nag salita. “Tumawag ka na lang muna sa school para ipaalam..” nginitian ko ito. “Tapos na gusto ko lang sabihin sayo..” sagot ng asawa ko at tumayo ito sa likuran ko. “Bakit nakaka pag benta ang mga Villaruiz at Dantes ng ganun kadaming lupa?!” Tanong ko sa lalaking ito. “Ikaw ba ang nagbigay sa kanila ng pahintulot?” Tanong ko dito, nang tumango ito. Tumayo ako at sinuntok ko ito sa mukha. “Ayusin mo ito! Sa oras na hindi mo ito naayos lahat ng laman loob mo ibenta mo ibalik niyo ang pera sa mga pinag bentahan niyo! Malinaw na libre doon tumira mahihirapan lang kayo sa tubig! Pero ang abusuhin ang inutos ko doon ako mas nagagalit!” Mahabang paliwanag ko dito. “Opo aayusin ko po ito..” umiiyak nitong sagot. “Umalis kana at umpisahan mo na! Lahat ng pinag bentahan niyo gusto ko na umalis na sila doon! Yung cafe doon? Gusto maayos silang nag babayad kung gusto nila manatili pero kung papalag palayasin mo sila! Problema mo ‘to ikaw ang umayos!” Utos ko dito. Tumango lang ito. “Umalis ka na!” Utos ko dito kaya dali-dali itong lumabas ng opisina ko. “Hon, relax..” minasahe ng asawa ko ang balikat ko. Tumango lang ako at huminga ng malalim. “Masama lang ang loob ko, ang lupa na ‘yun plano ko na ito idonate dahil hindi ko naman ito napapa kinabangan pero ang unahan ang plano ko doon ako nagagalit..” pag amin ko sa asawa ko. Umupo ito sa tabi ko, “Kung ano man ang gusto mo gawin sa lupa na ‘yun gawin mo, una ikaw naman ang may ari nito..” wika ng asawa ko. Tumango ako at yumakap ako sa asawa ko. “Pero gusto ko din yung idea ni Damon tungkol doon sa basketball court? Tamang tama ‘yun sa mga programa nila diba?” Tanong ko sa asawa ko. Narinig kong tumawa ito na kina irap ko. “Yes honey, pwede ‘yun saka siya ang presidente tingin ko naman active siya sa mga programa..” sagot ng asawa ko, tumango na lang at naramdaman ko na yumakap ng mahigpit ang asawa ko sa’kin. “I love you, hon..” bulong nito na kina ngiti. Tumango ako. “I love you too,” sagot ko. Nakita kong pumasok si Morrigan at lumapit ito sa amin. “Daddy, mama? Tawag po kayo nila Tito Vlad sa baba po..” magalang nitong wika kaya hinila ko ito at niyakap ko ng mahigpit. “Anong meron?” Tanong ko dito at kinagat ko ang pisngi ng anak ko na kina palag nito. “I don’t know! Mama! Ayaw ko!” Awat nito sakin na kina tawa ko. “Naglalambing lang si mama, Kuya eh..” narinig kong wika ng asawa ko. Agad naman yumakap ang panganay ko sa’kin na kina tawa namin ni Blake. Binuhat ko ito at lumabas na kami, “Akin na Hon si Morrigan, mabigat ang bata na ‘yan..” wika ng asawa ko. Humalik muna ako sa pisngi ng anak ko at binigay ko naman ito sa daddy niya na sinakay naman ito sa balikat niya. Umiling na lang ako at ngumiti. Nauna akong bumaba, “Vlad anong meron?” Tanong ko dito ng nasa kalagitnaan na ako ng hagdan. “Natatandaan mo ‘yung bahay niyo sa Bulacan?” Tanong nito sa akin tumango ako at nang nasa baba na ako. “Nakarating samin si Tito Louis ang nagsabi na pinagiba na ito..” sagot nito na naging dahilan para tumigil ako sa paglalakad. Nilingon ko ito. “Kailangan pa?” Tanong ko dito. “Hon? Hindi ba ‘yun ang bahay niyo ng bata ka pa?” Tanong sa akin ng asawa ko. Tumango lang ako at hinintay ang sagot ni Vlad. “May isang buwan na, gagawin na itong apartments..” sagot sa akin ni Vlad. “Pupunta ako ngayon..” sagot ko at bumalik ako sa taas. “Sasama kami!” Narinig kong sigaw ni Vlad pero hindi na ako naka sagot dahil sa nakapasok na ako ng kwarto. Mabilis lang akong naligo at nang matapos ako nag patuyo ako ng buhok ko ng kaunti. Nag bihis ako ng itim at white sando sa loob saka ko ito pinatungan ng jacket na itim. “Hon, hindi na ako sasama ako na lang magbabantay sa mga bata..” napa lingon ako sa asawa ko. “Oh? Okay..” nagulat ako kasi hindi siya sasama. “Bakit gusto mo ako sumama? Convoy na lang ako alam ko naman papunta doon..” natatawa nitong sagot. Inirapan ko ito na kina tawa lalo nito. “Isama mo ang mga bata para naman maka gala sila.” Lumapit ako dito at humawak ako sa balikat nito. “Okay, mabuti naka ligo na ako at mga bata.. sunod kami..” ngumiti ang asawa ako at humalik sa labi ko. “Mag ingat ka sa pag mo-motor..” paalala nito. “I will, Love..” sagot ko at kinuha ko na ang susi ng motor ko at helmet ko. Bumaba na ako at nag tungo sa gilid ng bahay para kunin ang motor ko. “Guard! Paki bukas na ang gate!” Utos ko at sinuot ko na ang helmet ko at sumampa agad ako ng motor ko. “Convoy kami!” Narinig kong wika nila kuya Storm. Nag thumbs up lang ako at binuhay ko na ang makina ng motor kong Yamaha R6. Bago ito na nabili ko, dahil gusto ko ito big bike ito at may 600 cc na itong power so mas gusto ko ito dahil mas mabilis. Nang paandarin ko ito at mabilis akong naka baba ganun din ang mga kasama ko. Suot ko na rin naman ang earpiece ko. “Guys bilisan na lang natin..” wika ko at mas binilisan ko pa ang takbo ng motor ko. “Oy alam namin na bago ang motor mo pero, mag hinay hinay ka may pamilya ka!” Sita ni kuya Thunder sakin na kina ngisi ko. “Oo naman kuya..” sagot ko at tumigil ako dahi naabutan na kami ng red light. Umayos ako ng upo at tumabi ang Lamborghini ni Kuya Thunder sa gilid ko, at sa kaliwa ko naman ang sasakyan ng asawa ko. Sa likod namin ay ang iba pa. “Oo nga pala parang hindi ko nakikita si Ezekiel?” Tanong ko sa kanila may ilang araw ko na kasi itong hindi na papansin. “Baka naman busy sa business nila?” Tanong ni Demitri. “Baka nga, huwag kana mag aalala do’n kilala mo naman ‘yun napaka workaholic rin minsan..” sagot ni Kuya Storm. Nagkibit balikat na lang ako at napa lingon ako sa kaliwa ko ng bumukas ang bintana at sumilip ang mga bata. Tinaas ko ang salamin sa helmet ko, “Huwag niyo ilabas ang ulo niyo o kamay..” awat ko agad. “Opo! Take care ka po Tita Mommy!” Paalala ng bunso ni Ate Sky. Pinisil ko ang ilong nito na kina hagikhik nito. Sumensyas ako sa asawa ko na iroll up na ang salamin dahil nag Go na ang ilaw. Umayos na ako at ng mag Go agad akong unang nag maneho na patawid. ISANG ORAS MAHIGIT NAKARATING NA KAMI ng Bulacan, San Jose Del Monte. Agad akong kumabig pakaliwa patungo sa Minuyan 2. Wala naamn nag bago dito kung tutuusin lumawak lang ang daan. Mabilis akong ang tungo sa road 1, “Tawagan niyo si Uncle sabihin niyo andito tayo tapos diretso na siya sa dating bahay..” utos ko sa kanila. “Ako na dadaan ako..” sagot ni Kuya Storm. STORM LAVISTRE Tinigil ko ang sasakyan sa harapan ng asul na bahay, sa labas pa lang bumusina na ako pero mukhang hindi lalabas. Nag desisyon akong bumaba at nag doorbell na lang. “Sandali!” Narinig kong sagot ng isang lalaki kung tama ako si Ethan ito. “Kayo pala Sir Storm, Sir Louis nandito po ang pamangkin niyo po si Sir Storm!” Pamamalita nito. “Hindi na ako papasok, kasama ko sila Flame pupuntahan nila ‘yung lumang bahay..” sagot ko at sumandal ako sasakyan ko. “Okay po, tawagin ko po si Sir.” Sagot nito at umakyat ito muli. Kumain ako ulit ng chewing gum habang hinihintay si Uncle, nang makababa ito. “Mabuti at pumunta kayo, mga hinayupak talaga ang ibang side ng kamag anak niyo. Binenta ang lupa..” wika ni Tito. Pinag buksan ko ito ng pinto. “Pumasok po muna kayo..” utos ko at pumasok naman sa backseat si Ethan kailangan kasama ito dahil ito ang nag aalaga din kay Tito. Matanda na si Tito pero kaya pa rin nito mag lakad. Sumakay ako at nag maneho ako patungo kina Flame, nakita ko naman sila na naka tayo sa harapan ng dati naming bahay. Bumaba kami at inalalayan namin ni Azi si Uncle, “Flame pamangkin, Thunder oh andito ka pala Blake at ang mga apo ko na rin..” naka ngiting wika ni Tito ng makita ang mga bata. “Lolo!” Sabay sabay na bati ng mga bata pero hindi sila pwede bumaba dahil nasa tabing kalsada kami. “Huwag na bumaba, mamaya sa bahay na..” utos ni Tito, tumango naman ang mga bata. Kumakain ang mga ito. Tahimik si Flame pero kitang kita ko ang sakit sa mga mata nito. Hahang naka tingin sa bahay na ngayon ay giba na. “Kanino nila ito binenta?” Malamig na tanong ni Flame. Mas minabuti ko na tumahimik dahil ayoko na dagdagan ang sakit na nararamdaman ni Flame sa pagka sira ng bahay na ito. Ang bahay na naging dahilan bakit siya ngayon nandito. Masaya at malungkot ang hatid ng bahay na ito sa kanya. Dito namatay ang Lola namin sa pagmamaltrato ni Lolo noon. “Sa bagong dating na mayaman d’yan,” turo ni Lolo sa pulang bahay. “Bahay ‘yan ng ninong ni Flame diba?” Tanong ni Kuya Thunder. Agad naman tumawid si Flame at nag lakad patungo doon. “Bayaan niyo na siya mga pamangkin..” utos ni Uncle. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nag doorbell ako at nang may lumabas sa pulang bahay. “Sino sila?” Tanong ng babaeng tingin ko asawa ito. “Kayo ba ang nakabili ng lupa na ‘yun? Sino ang nag benta sa inyo?” Diretso kong tanong dito. “Ah yung lupa ng mga Lavistre? Oo bakit? Binenta ‘yan samin ng mayor..” sagot nito. Alam ko na hindi na ang Ninong at Ninang ko ang may ari ng bahay na ito, dahil matagal na silang nanirahan sa Australia buong mag anak. “Magkano?” Tanong ko dito. Lumabas na ito at hinarap ako. “Nasa around 200 thousand ganyan.. bakit?” Tanong nito. “Ako ang apo ng may ari ng lupa na ‘yan, Flame Morjiana Lavistre. Gusto ko bawiin ‘yan sainyo! Wala akong pakialam kung ang mayor niyo ang nag benta sainyo! Wala siyang karapatan gawin ‘yan dahil wala akong pahintulot na binigay!” Galit at mahaba kong sagot. “Ang kapal mo naman hija? Wala akong pakialam ha? Saka sa akin na ang lupa na ‘yan was—” hindi ko ito pinatapos ng mag salita ako. “500 thousand ibalik niyo sa akin ang bayad, take it o pwersahan kong kukunin?” Tanong ko at inabot ko ang cheque dito. “Ibigay mo sa akin ang pinirmahan niyo..” utos ko dito. Nakita ko natakot ito, “Sandali!” Sagot nito at pumasok ito. Pero nakaramdam ako ng hindi maganda kaya luminga ako sa paligid. Hanggang.. napansin ko na may dumating na tanod, “Kuya alisin niyo ang mga bata, Damon tumawag ka ng pwede mag sira ng bahay!” Utos ko gamit ang earpiece ko “Okay..” sagot nila sa akin. Pag labas ng babae may dala itong shotgun, natawa naman ako dahil doon. “Amin na ang lupa na ‘yan? Kaya wala ka ng magagawa!” Matapang na sagot ng babae at tinutukan ako nito ng baril sa dibdib. Ngumisi ako at tumawa. “Seryos shotgun lang itatapat mo sakin? Mukhang hindi mo ako kilala..” tanong ko dito. “Sige subukan mo! Ako ang pinaka magaling sa amin manga——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng kinuha ko ang baril nito. Tinutok ko ito sa kanya na kina atras nito. “Wala akong paki sa titulo mo sa shotgun, isa akong mafia boss literal na mamatay tao. Kaya, kayang kaya kitang patayin ngayon mismo ang gusto ko lang tanggapin mo ang pera at ibalik sa akin ang lupa ko!” Banta ko dito at pagpapakilala ko. “Ang akin at akin lang! Wala kayong karapatan kunin sa akin ‘yun hangga’t wala akong sinasabi!” Madiin kong wika. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko ngayon, “O-oo ibabalik ko na..” sagot nito ata agad itong pumasok ulit. Nilingon ko ang mga tanod. “Kayo?! Lumayas kayo pakisabi sa mayor niyo! Huwag niya ako takbuhan mag uusap pa kami!” Utos ko na kina takbo nila palayo sa’kin. Nakita ko lumabas ng babae at ako naman at pinag kakalas ko ang shotgun. “Sana marunong ka mag balik..” malamig kong wika at binato ko sa mukha nito ang cheque. Kinuha ko ang dokumento, binato ko ang baril sa may imburnal at umalis na ako. “Kayo! Itigil niyo ‘yan! Huwag niyo pakikialamanan ang lupa ko! Lumayas kayo sa property ko!” Sigaw ko agad. “Tapos na ang trabaho niyo, ang mga tao ko ang kikilos at aayos nito! Layas!” Galit na galit kong sigaw at utos sa kanila. Bumaba ako sa bahay ng magulang ko noon at isa isa na silang umalis, may iba pang hindi pa nila nagagalaw. Nag lakad ako at unti unti buma-balik ang alala ko noong bata pa ako. Dito kami unang tumira simula ng isilang ako tatlong taon ako umalis kami dito dahil sa pag babanta ni Lolo sa akin. Tinago ako ni Papa dahil sa mga banta ni Lolo ko. Ito ang bahay na ito una akong nabuo, hawak ko ang litrato ng dating bahay, nakita ko ito na simple lang pero malaki ang bahay sa loob. “Ibalik natin ito sa dati..” wika ni Kuya Thunder, lumingon ako at niyakap ko ang kuya ko. “Alam ko importante ito sa’yo. We’ll do everything para maibabalik ang dating bahay..” bulong ni Kuya. Tumango ako at tahimik akong umiyak. “Huwag kana umiyak, nasa sayo ulit ito kung kailangan natin sila kasuhan gawin natin..” wika ni Kuya Storm. Tumango ako at hindi na ako kumibo. Ang pangako ko ay hindi ko ito ibebenta sa kahit sino, dahil ang bahay na ito ay sa magulang ng papa at tito ko. Pinaghirapan ng lola ko ito. - An eye for an eye, I don’t f*****g care if you go blind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD