CHAPTER 23

2832 Words
THUNDER LAVISTRE “May balita na ba sa paghahanap sa asawa ko?” Tanong ni Blake sa akin habang patungo kami sa factory. Bumuntong hininga ako at umiling ako. “Parang nasa dead-end tayo palagi..” sagot ko. Narinig kong tumawa ito at umiling. “Alam kong okay lang siya sigurado ako doon. Alam ko may dahilan bakit hindi siya nag papakita sa atin..” naka ngiti nitong wika at nauna na itong nag lakad. “Alam ko din ‘yan, kaya hindi na ako suma-sama mag hanap dahil lalo itong hindi nag papakita..” bulong ko. Nakita ko ang truck-truck na mais galing sa Bario Tinago ang may ari ng farm ay kung tama ako base sa nabasa ko ay Julio Tinongko. “Pero pinag tataka ko napaka layo nito sa atin pero paano ito nahanap ni Flame?” Tanong ni Ken. “Si Flame? Siya ba talaga ang nag utos na angkatin ito?” Tanong ko kay Ken habang hawak ang iPad nito. “Oo ito oh, pero pinag tataka ko hindi kilala ng pamilya na ‘yun kayo, ito kasi ang napansin ng mga tauhan natin na pinadala doon..” sagot nito na kina laki ng mata ko. “Ibig sabihin..” bulong ko. “Maaaring bago lang ito nakilala ni Boss Flame..” sagot ni Ken. Kung ganun nga, ibig sabihin nandun lang si Flame sa lugar na ‘yun. “Puntahan niyo ang Bario Tinago, subukan niyo mag tanong tanong tungkol kay Flame..” utos ko dito. Tumango ito. “Isa pa sa pinag tataka ko, wala ng pag atake ng mga Los Trados..” wika ko. “Dahil pinag luluksa nila si Britney..” sagot ni Storm. “Imposible buhay pa si Britney, ang pinatay ni Blake ay kanang kamay na babae ni Britney. Kamukha niya ito dahil ginaya ang mukha niya pero hindi si Britney ito..” singit ni Damon na kararating lang. “Paano mo ‘yan nalaman?” Tanong ko dito. “Kinasuhan nila si Blake nasa tv kaya..” sagot nito, lumingon naman si Blake sa amin na hindi naman kalayuan sa amin. “Gumawa kayo ng paraan para mabaliktad ito..” utos ko ulit. “Pabayaan mo na lang si Thunder, ako na bahala luminis ng pangalan ko..” sagot at pagpapatigil ni Blake sa akin. Nilingon ko ito. “Sigurado ka d’yan?” Tanong ko dito. Tumango naman ito. Bumuntong hininga na lang ako at tumango. HINDI NAGTAGAL nagkaproblema kami kung saan ilalagay ang mga mais na ito. Napa tampal naman ako ng noo ko dahil sa ibang factory ay puno na rin. “Dalhin kaya natin yung iba sa bahay? Si Nanay Fe marunong gumawa ng desserts ‘yun gamit ang sweet corn..” tanong ni Damon. “Mas mabuti pa tara na wala na tayong magagawa si Bunso may pakana nito, kaya sundin na lang natin..” natatawang wika ni Storm at binuhat ang isang sako. Natawa na lang ako at tiningnan ko ang oras sa aking pambisig. “Blake, ako na susundo sa mga bata at sa dalawang dalaga pahiram na lang ng sasakyan mo..” tawag ko kay Blake. Agad nito inabot ang susi sa akin dahil may kausap ito sa phone. Kung si Ava ba ay nakita na namin at bakit wala pa rin itong kilos? Hindi ko alam. EARL LOYD LAVISTRE “Boss Earl sigurado ba dito si Boss Thunder na nandito lang sa Bario Tinago si Boss Flame?” Tanong ni Bryant sa akin. Bumaba na ako ng sasakyan ganun din ito. “Kailangan natin subukan..” maikli kong sagot dito at nag tungo na kami sa bahay kung saan nanggaling ang supply ng mais. Kahina-hinala ito, all of a sudden bigla na lang may nag papadala ng ganito sa kumpanya parang sinadya ito. O talagang sadya, alam ko paano mag isip ang isang Flame, kung minsan tutulong ito ng tahimik ng walang nakakaalam. ANDREA TINANGKO NAKITA KO SI Ate Flame na parang may tinataguan, kaya nilapitan ko ito. “Ate anong ginagawa mo dito?” Bulong kong tanong. “Hinahanap nila ako. Yung mga lalaki, hindi ko sila kilala. Narinig ko hinahanap nila si Flame..” sagot nito. “Hindi mo po sila nakikilala?” Tanong ko dito, umiling ito. “Okay po, ako po bahala baka mga bad guy sila..” sagot ko at nag tungo na ako. Iniwan ko lang si Ate doon, at agad hinarap ang mga lalaki. “Sino po ang hanap niyo?” Naka ngiti kong tanong sa mga dayo. “Kilala mo ba ito?” Tanong ng lalaki sa akin na matangkad. Pareho sila ng mata ni ate Flame malamig din tumingin. Tiningnan ko ang litrato sa cellphone, kamukha ni Ate Flame ito. “Pinsan ko siya, hinahanap na siya ng buong pamilya mag iisang lingo na simula ng mawala siya sa ilog..” kwento nito. Umiling ako at nginitian sila. “Hindi po, madalang po makapunta ang ibang tao dito mas lalo kung taga labas. Kung sa ilog naman po baka po inanod siya o kaya napunta sa ibang barangay..” sagot ko dito. Totoo naman ang sinabi ko dahil maraming malaking ilog o maliit na ilog dito na nag dudug-tong sa dagat sa hindi kalayuan dito. “Salamat, kung makita mo man siya pwede ba na tawagan mo kami sa number na ito?” Tanong nito agad kong kinuha ang number sa card. Calling card ang tawag dito sa pagkaka-tanda ko, hindi ko na binasa ang nakasulat na pangalan mamaya na lang siguro. “Okay po..” ngumiti ako at tumango. Umalis naman ang dalawang lalaki agad, ng wala na sila pati ang sasakyan nila ay nakita kong lumabas na si Ate Flame. Kung pagmasdan ko si Ate Flame, siya ang hinahanap nila. Ngunit bakit ayaw niya lumapit? Diba dapat lalapit siya at siya mismo ang paghaharap sa pamilya niya? Parang may mali dito na hindi ko maintindihan. LUMIPAS ANG MAG HAPON nakarating sa amin na may palaro daw si Chairman ng barangay dito. Kaya kasama si Ate Flame nag tungo kami sa bayan upang manood ng palaro. Minsan lang kasi ito at masaya ‘yun dahil may kaunting kainan. Ganito kasi sa probinsya maliit lang na bagay ang nagiging kasiyahan ng bawat isa. Pagdating namin pumasok muna kami sa court kung saan napakarami narin na mga tao. Hawak hawak ko si Ate sa braso niya habang ito naman ay nasa bulsa ng short na binili sa kanya ni Nanay at Tatay sa palengke kanina. Ngumiti lang ako na nagkaroon para ng paligsahan kung saan para itong sparring. Kaso kung sino ang matalo siya ang uuwi walang premyo at ang tatanghalin na bagong champion siya naman ay susubukan paalisin o patumbahin sa kanya pwesto. “Hindi parin talaga siya naalis sa pwesto! Ang laki kasi niya..” wika ko. “Kahit ako hindi nanalo dyan noong nakaraang taon!” Natatawang wika ni Kuya Jun. “Mahina lang naman siya kung tutuusin, mali lang talaga ng atake ang kalaban. Sa depensa lang naman siya magaling, ang mga kamao niya at buong braso ay naka harang sa mukha niya at naka yuko ito ng kaunti..” napa lingon ako ng mag salita si Ate Flame. “Ate?” Tawag ko dito. Nilingon ko lang ito diretso lang ang tingin nito sa gitna ng court. “Tingnan niyo ang position ng katawan at kamay niya. Pero ang tagiliran niya pareho itong open, pwede mo ito tadyakan dito o suntukin dito siya posible manghina..” paliwanag ni ate kaya napa tingin ako sa tinutukoy nito. Tama siya naka yuko ito ng kaunti na parang pinoprotektahan nito ang harapan pero ang magkabilang gilid niya ay bukas o walang depensa. “Hindi malakas ang kamao niya manuntok, nakaka tagal lang siya sa pag salag ng suntok ng iba. Kapag pagod na ang kalaban, doon niya inaatake sa vital point ng tao pwede sa sikmura o upper cut..” paliwanag ni Ate. Nilingon ko si Kuya Jun dahil ito ang ginawa sa kanya noong nakaraang taon. “Oh wala na bang lalaban d’yan? Wala na mangangahas?!” Tanong ng emcee si Ate Lai ‘yun ang secretary ni Chairman. Inalis ni Ate ang kamay ko sa braso niya at nag lakad. “Ako!” Nag taas ito ng kalawang kamay na kina gulat ko. “Ate hindi ka pa magaling ng husto..” awat ko dito at hinabol ko ito. “Kaya ko..” sagot nito at tumalon ito sa bakal na railing ng hindi man lang nahihirapan. “Sa harap tayo!” Hinila ako ni kuya Jun at ang tungo kami sa harapan. Nakita ko na lumapit si Nanay na may galit sa mukha nito, patay na naman kami.. “Kayong dalawa bakit niyo hinayaan ang ate niyo?! Hindi pa siya magaling!” Sermon ni Nanay. Usapan kasi na bantayan si Ate kasi hindi nga niya alam dito tapos wala pa siyang maalala. “Nay, gusto po niya sabi niya kaya niya..” mangiyak-ngiyak kong sagot. Napa lingon kami ng mag salita ang kalaban ni Ate. “Babae? Seryoso ka Ineng kaya mo ako? Nagpapatawa ka ata..” tanong ni Kuya Totong dito habang nang aasar na tumatawa. Ngunit hindi kumibo si Ate nanatili itong nakatayo nakatagilid ito habang nakatalikod sa amin. Sideview lang namin nakikita ang mukha nito. Lumapit si ate Lai dito at tinanong muli. “Sigurado ka? Mukhang sugatan ka pa Miss, seryoso ka talaga dito? Napaka laking tao niyan..” tanong ni Ate Lai. Ngunit tumingin lang ito ng malamig kay Ate Lai kaya umatras na si ate Lai. “Kung ganun simulan na ang laban!!” Utos ni Ate Lai. “Diyos ko Marimar! Kapag talaga napahamak ‘yang ate mo! Kukurutin ko talaga ang singit niyong mag kapatid.” Si nanay naman ay halatang nag aalala na. “Hindi siya mapapahamak, ang tindig na ‘yan.. matibay ‘yan halata sa kanya na bihasa siya sa mga ganitong bagay.” Bulong ni Kuya Jun. “Kuya?” Tanong ko dito. Tumingin ito sa akin saglit. “Alam niya ang ginagawa niya, marunong siyang lumaban o baka nga higit pa..” sagot nito na nag patikom ng bibig ko at tiningnan ko si Ate. “Sugod, alam ko na atat kang talunin ako..” narinig namin na utos ni ate na kina tawa ng mga manonod. Syempre babae siya. “Boo! Matatalo ka din!” Sigaw ng mga manonood. Nakita kong ngumisi si ate pero saglit lang ito hanggang sumugod ng suntok si Kuya Totong. Nakita kong umatras lang ng isang hakbang si Ate at lumampas ang suntok ni Kuya Totong sa kanya. Hindi ito umaalis sa pwesto niya. “1..” narinig namin na pag bibilang nito. Para saan ang bilang na ‘yun? Muling sumugod si Kuya Totong at sinipa si Ate sa ulo ni kuya Totong, pero agad umupo ng pa squat si Ate Flame. Nakatalikod ito pero nararamdaman niya ang parating na atake. “Ang bilis niya kumilos..” namamangha kong bulong. “Tama ka..” bulong ni kuya Jun. “2..” bilang ni ate ulit. Pag tayo ni Ate Flame ng hindi umaalis sa pwesto niya sinundan ng suntok mula sa kaliwa si Ate pero.. Nagulat kami ng naka talikod si Ate ng saluhin nito ang kaliwang kamao ni Kuya totoong ng kanang niyang kamay. “3..” bulong nito at hinarap na ni Ate Flame si Kuya Totoong. “Ang rules lang naman hindi ka patayin diba? No below the belt?” Tanong ni ate sa Emcee. Tumango si Ate Lai. “Good..” narinig kong sagot ni Ate. Parang ibang tao ito ngayon. Hanggang pili-pitin ni ate Flame ang braso ni Kuya Totong at agad din nito binitawan at umatras. Binalik na nito ang isa pa niyang kamay sa bulsa. Nakita ko itong may ginagawang hand signal. “Minamaliit mo ba ako?!” Sigaw na tanong ni Kuya Totong galit na ito. Ngunit hindi sumagot si Ate, ng malapit na ito sa kanya. Mabilis umupo si ate ng Squat at walang kahirap hirap itong nag half-split at inikot ang isang buong hita niya para patirin si kuya Totong. Nang pahiga na si Kuya Totong sa harapan ni ate, mabilis itong tumayo at isang malakas na uppercut ang sinalubong nito. “Hindi niya hinahayaan na mapa higa ang kalaban niya!” Wika ni Kuya Jun. Napa lingon ako kay Ate Flame, napasigaw ang lahat ng umikot sa ere si ate at tinuhod ang likod ni Kuya Totoong na kina bagsak nito sa semento. Ilang segundo pa na hindi kumilos si Kuya Totong doon nagsalita si Ate Flame. “Buhay pa siya huwag kayo mag alala. Warm up pa nga lang ang ginawa ko..” sagot nito at tumalikod na ito, ni hindi man lang ito hiningal. Cool lang itong nag lakad hanggang habulin siya si ate Lai. “May bago na tayong kampiyon! Anong pangalan mo ito ang pre——” naputol ito ng mag salita si Ate Flame. “Ibigay mo na lang ‘yan sa pamilya ng lalaking ‘yan pang gamot niya. Kulang pa ‘yan actually..” arogante nitong sagot at tumalikod na lang ito at iniwan si Ate Lai. Nang makalapit ito sa amin nakita ko pa itong naghihikab. “Hindi ka ba napagod, Ate?” Tanong ko dito. Tumingin ito sa akin ng malamig. “Nah..” maikling sagot nito at umiling pa. “Sabi sayo sanay siya..” bulong ni kuya Jun. Inirapan ko si kuya at nilingon ko si Ate. “Tara po kain tayo ng street food? Kumakain ka po ba ng tulad ng kwek-kewk, fishball mga ganun?!” Tanong ko dito. “Yup..” maikling sagot nito na kina ngiti ko. Kasi makakain na naman ako ng paborito ko. “Uy sama ako!” Sagot ni kuya Jun. Lumapit ako sa magulang namin ni Kuya Jun. “Nay, tay labas po kami kakain ng Street Food!” Paalam ko sa magulang ko. “Sige mag ingat kayo, baka mag ka-riot na naman ha?” Paalala ni Tatay. Tumango ako at hinila ko ang ate at kuya ko palabas. NANG MAKALABAS KAMI agad kami bumili ng pagkain. Habang si ate naman panay kuya ng kwek-kwek. Kumakain din siya ng iba tulad ng fishball at kikiam pero mas gusto niya daw yung may itlog ng pugo. “Ate baka masobrahan ka niyan, ito naman po kainin mo saka uminom ka po ng tubig..” awat ko dito dahil naka kinse na siyang kwek-kwek. “Madalang ako maka-kain nito dahil lagi akong busy..” narinig kong sagot nito pero mahina lang ‘yun. Hindi ganun ka linaw pero narinig ko naman. Pero mas minabuti ko na mag kunwari may laman kasi ang sagot niya. “Po?” Tanong ko dito ngunit umiling lang ito at kinuha ang tubig na binili namin at ininom nito lahat. “Pwede ka mag uwi ng ganito?” Tanong ni Ate Habang puno ang bibig nito ng kinakain niya. Tiningnan ko si Manong na tumatawa lang. “Mukha itong foreigner ang kasama mo Andeng..” wika ni Manong. Natawa naman ako at tumango. “Opo, nawalan po siya ng memory dahil sa aksidente kaya kinuo-kop po muna namin hanggang maka balik ang memory niya.” Pag ku-kwento ko. Halatang nagulat si Manong at napa tango na lang ito. Nang lumalim ang gabi nag desisyon na kaming umuwi, ngunit palabas pa lang kami ng Court dahil bumalik kami kanina. Biglang nag suguran ang mga gangster ng bayan na ito. Mahilig sila mang gulo ng mga event dito, yumakap ako kay nanay. Si ate Flame naman ay nakatingin sa akin. Bigla itong tumayo. “Dito lang kayo..” utos nito at nag hubad ito ng pang itaas niya. Napanganga ako sa tattoo nila sa likod. Ang damit niya at pinag takip koya sa mukha niya at dumampot ito ng bakal na tubo. “Anong gagawin niya kaya ba n——” napa tigil si Nanay ng tutukan nila ng baril si Ate Flame. Pero parang wala naman ito kay Ate, hanggang sumugod ang lalaki. “Huwag ka mangiala——” napa tili ako ng biglang nasa harapan na namin ang mga lalaki. Nakita kong sinakal nila si ate Flame. Ang sumunod na nangyayari ay ang naging dahilan para tumahimik ang paligid. Biglang inikot ni Ate ang ulo nito hanggang ang harapan na mukha nito at napunta sa likod nito. Doon ito bumagsak ng wala ng buhay. “Subukan niyo pa mang gulo dito.. tapos kayo sa akin..” narinig kong pag babanta nito napa atras ang iba sa mga gangster na kasama na sumugod dito. Kitang kita ko ang pag labas ng ugat sa braso ni Ate. Hindi siya pang karaniwang babae, hindi siya babae lang. Yung kanina hindi yun normal at itong ngayon? Simple lang ang kilos nito pero nagawa niyang pumatay ng tao na ganun ka bilis. Halos limang segundo lang.. - If you can’t take the heat, don’t mess with the Flame..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD