CHAPTER 1

2692 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kami, ihahatid ko muna ang mga bata.” Paalam ko, habang ang asawa ko ay buhat ang kambal. “Sige, dumeretso kayo mag asawa sa kumpanya may pag uusapan tayo..” bilin ni kuya Thunder habang inaayos nito ang kanyang gamit. Iisa pa rin ang garahe namin dahil ayaw naman nila na sirain ang bakod ng mansion. “Sige sunod kami..” sagot ko lang dito at humalik ako sa pisngi ng kuya ko. “Bye kiddo! Aral kayo mabuti at wag kayo makulit!” Bilin ni kuya sa mga bata. Agad agad bumaba ang kambal na kina ngiti ko, basta Tito ang usapan mabilis ang mga bata tumabi ako sa asawa ko at hinawakan ang braso nito. “Parang kailan lang ang liliit pa nila, pero tingnan mo ngayon? Unti unti na silang lumalaki..” natatawang wika ng asawa ko. Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga bata na isa isa humalik sa Tito Thunder nila. “Kailan kaya mag asawa si Kuya ano?” Tanong ko dito. “Kapag meron na siyang natitipuhan, Hon. Sigurado yan..” sagot ng asawa ko kaya natawa na lang ako. “Kids, tara na baka mahuli kayo sa klase..” tawag ko at binuksan ko ang pinto sa back seat. Kumaway ako sa kuya ko at pumasok na rin, “Oy sama ako!” Napa lingon ako kay Damon na tumatakbo. “Sa school kami!” Sagot ko dito. Tumango lang ito at pumasok na sa loob napa iling na lang ako sa kinikilos ng isang ito. “Sama ako hindi pwede na hindi ako kasama, oo nga pala Flamie? Paano yung dalawang dalaga? Kailan ba sila susunduin?” Tanong naman nito ng makapasok ako. “Hindi ko pa alam sa dalawang yun..” Sagot ko dito. Ang dalawang dalaga kasi ay nasa pamilya ni Winter kaya ganun na kang din ang sagot ko. Tumango naman ito at naramdaman ko na lang ang pag andar ng sasakyan hanggang makarating kami sa ibaba ng bundok. “Tita mommy,” tawag sa akin ni Helliot kaya naman nilingon ko ito. “What’s wrong?” Tanong ko dito. Umiling ito at ngumiti sa akin. “Tita mommy, yung iba po naming classmate may cellphone po sila bakit po kami wala?” Tanong nito kaya nilingon ko ang asawa ko. Nagulat naman ako ng sumagot si Damon, “Bawal kasi sa bata pa ang cellphone..” sagot ni Damon sa pamangkin niya. “I think Hon, it’s time na para pag isipan ang pagbibigay sa kanila ng cellphone. Mas lalo ngayon laging nasa delikadong sitwasyon tayo..” mahinahon na wika ng asawa ko. “Sang-ayon ako Flamie kay Blake..” pagsang ayon din ni Damon. Kaya nilingon ko ang mga bata na tahimik lang naman na naka upo. “Kung ganun kailangan ko kausapin si Ate, gusto ko sin mag deploy ng bodyguard ng mga bata okay na sa akin ang apat hindi pa kasama ang driver.” Sagot ko sa kanila. “Edi hiramin mo muna si Jimmy para maging driver ng mga bata. Si kuya Danny na sa dalawang dalaga.. o hiramin mo muna tauhan ni Ava..” sagot ng asawa ko. “Oo nga speaking of her? Kailan sila babalik? Tapos na ang 6 months training nila diba??” Tanong ni Damon sa akin. “Nakausap ko si Earl, humingi ito ng extension ng kahit 2 weeks pa dahil may mga bagay siyang kailangan idiscuss kay Ava..” sagot ko at umayos ako ng upo. Tumingin ako sa labas ng bintana. “Ganun pala..” narinig kong sagot ni Damon. Kapag nalaman ni Ava ang bagay na yun baka matakot na ito. Sa laban niya nitong huli lang halos hindi na niya kayanin mag isa lang, mabuti at naka suporta kami. Mabuti at sinabi ni kuya Thunder at Vlad na huwag ko na muna iwan si Ava sa laban niya, mas lalo ng opisyal ko na silang kunin bilang tauhan ko. Mawawalan ng kasama si Ava sa laban niya. Tama sila mabuti at nakinig ako, hindi ko siya pwede pabayaan. Ngunit kaya niya ba tanggapin na ang inaakala niyang tapos na ay hindi pa pala? Pero ako na this time ang mag de-desisyon ng magiging katapusan niya. Napa-hinga ako ng malalim at umiling na lang ako para mawala lahat ng iniisip ko. HINDI NAG TAGAL NAKARATING NA KAMI sa School ng mga bata. Nauna akong bumaba at doon ko nakita na ang mga magulang na nakatingin sa akin. Tingin sa akin na nang huhusga. Hindi naman sikreto ang buhay ko o sino ako. Kung papaliin ako kung ano ba dapat kong gawin? Mas pipiliin ko na mag aral ang mga bata sa bahay. Pero hindi ko pwede gawin yun dahil bata sila marami silang bagay na pwede ma missed out kapag sinunod ko ang kagustuhan ko. Ayoko maging makasarili ng dahil lang sa estado ko ngayon. “Kids tara na..” utos ko sa kanila ang asawa ko naman ang bumuhat ng bag ng tatlo naming anak. Ako naman sa bag ni Knives at Hermione, si Damon naman tatlong boys. “Una na tayo bilis!” Nag takbuhan naman ang mga bata na kina iling ko. “Susundan ko sila..” bulong ng asawa ko kaya tumango ako at nginitian ito ng tipid. Hindi ako ngumi-ngiti kapag nasa public ako tulad ng dati hindi ako halos nag sasalita tulad ng dati. Pero kapag kasama ko sila at nasa bahay lang kami o isang lugar lang kami. Malaya akong gawin yun, dahil gusto ko kahit papaano nagagawa ko ang normal na ginagawa ng ibang tao. Ako parin si Flame na kilala ng lahat, gusto ko lang baguhin ng kaunti dahil may anak na ako na laging nag papangiti sa akin at sa aming lahat. Yun ang napagtanto ko sa maraming taon na hindi ako pwede manatili sa dating ako mas lalo na may pamilya ako. Okay lang naman sa asawa ko na maging cold ako sa kanya sa public huwag lang kamag magkasama kami. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin na kung ano ako nakilala ng lahat, yun parin ako dapat, ayos lang sa kanya at naiintindihan niya ngunit huwag ko gawin sa mga anak namin. Nagpapasalamat ako na may asawa ako na katulad niya. Actually sinabi ko sa kanya na confused ako sa magiging reaction at gagawin ko. Hanggang ito na ang nagsalita na pinakinggan ko, hiningi ko din ang opinyon ng lahat na sinang ayunan nila. That’s why huwag na kayo mag taka kung malamig ako makitungo sa asawa ko kapag nasa public places kami. “Siya yung mamatay tao diba? Susmaryosep hindi pala ligtas ang mga anak natin dito? Dahil may mga mmatay tao pati yung anak niya andito pa..” narinig kong bulong ng isang nanay. “Flame wag kana pumalag..” bulong ni Damon sa akin at hinawakan nito ang braso ko. “Huwag na palalain mo ang sitwasyon..” hinila na ako nito kaya nag padala na lang ako. “Isa pa..” bulong ko lang at namulsa ako habang buhat ang bag ni Knives at Hermione.. Umiling na lang si Damon at nag lakad na paakyat ng hagdan. Grade 1 ang kambal habang si Cloud ay nasa grade 4 na ganun din ang mga anak ni Ate Sky. Si Knives naman ay nasa kinder pa lang.. “Ako na naghahatid kay Cloud, Knives at kay Kwatro..” wika ko at kinuha ko ang bag ni Cloud kay Damon. “Okay kita na tayo sa parking..” sagot nito kaya tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng anak kong panganay at si Knives. “Tita Ninang si Mommy Wendy po mag sundo sakin?” Tanong ni Knives sa akin. “Hindi Knives, pero may ibang susundo sa inyo diba kilala mo si Kuya Jimmy diba? Siya ang magsusundo sa inyo lagi at maghahatid sa school kaya huwag niyo kakalimutan ang bilin ko okay?” Pagkausap ko sa kanila. “Opo!” Sagot ng tatlong batang kasama ko, hawak ng panganay ko si Knives si Kwatro naman ay nasa isang kamay ko din upang hindi mahiwalay si Knives. Nakita ako ang asawa ko na hinatid na ang kambal sa mga room nito, sa ngayon mag kasama muna sila sa Klase pero pag tung-tong ng grade 2 hindi na namin ito ipag sasama. Ang mga quadruplets ay magkakahiwalay na sila ng klase dahil may competition sa kanila. Mabuti sana kung hindi matatalino, sa bawat klase nila lagi silang apat ang nangunguna kaya nag desisyon kami na pag hiwa-hiwalayin ang mga quadruplets ng ate Sky ko. Nang makatapat kami sa classroom ni Cloud. “Kuya Cloud? Ang bilin ni Mama at daddy ha? Don’t hit them okay?” Bilin ko sa anak ko tiningnan ko ito diretso sa mata. Sumilip ito sa loob at walang nagawa kundi tumango, alam ko naman na binubully sila dito dahil sa akin at sa amin nila kuya. Ayoko lang hanggang dito kikilos ako sa maruming paraan, “Opo mama,” ngumuso ito at nag umpisa ng umiyak. “Sussh..” pag papatahan ko dito at niyakap ko ito napa buntong hininga ako. Bago pa ako makapag salita nakatanggap ako ng tawag galing kay Damon. “Early morning we have big problems..” bungad nito ng sagutin ko ang tawag nito. “What?” Tanong ko at tumayo na ako, nakita ko ang asawa ko na pababa kasama ang mga anak namin. “Oh well ayaw tanggapin ng teacher ang mga bata, dahil sa alam mo na yun..” sagot nito. “Kunin niyo ang mga bata at umalis na kayo, ako na ang bahala dito..” seryosong utos ko. Binaba ko ang tawag at sinalubong ko ang asawa ko at binigay ko ang bag dito. “Love, mauna na kayo mag commute na lang ako diretso ako sa underground. I will fix this muna, ingat kayo..” salubong ko dito at humalik ako sa pisngi ng asawa ko. “Okay sige, wait mo lang tatawagan ko si Jean para ipadala ang motor mo don’t use on a public transpo.. let’s go kids bukas kayo papasok..” utos ng asawa ko. Tumango lang ako at hinintay silang maka alis, naka tayo lang ako sa labas ng grade 4 building nang mawala na sila sa paningin ko, napa buntong hininga ako at nag tungo ako sa Dean office. Kahit anong gawin nila ako pa rin ang may ari ng paaralan na ito, wala akong pakialam kung magiging bias ako ngayon. Kung sa kapakanan ng mga bata sa mansion gagawin ko ito. NANG MAKARATING AKO sa Dean at ang nagsisilbing faculty. Dere-deretso ako pumasok sa loob ng opisina. Nakita ko ang bagong nakaupong lalaking Dean. Naka upo sa hita nito ang babaeng muse ng senior high school. Nilock ko ang pinto upang hindi sila maka alis, “Kamusta naman ang pag paparaos dito?” Tanong ko at dumereto ako sa bintana at tinaas ko ang blinds. Kitang kita silang parehong walang saplot, “Ibaba mo yan!” Uto ng Dean sa akin. Tiningnan ko ang pangalan nito, “Ramil? Ang baho naman ang apelyido mo..” panlalait ko at dinampot ko ang lampshade sa gilid. Habang estudyante naman ay hiyang hiyang naka siksik sa gilid. “May relasyon kayo o parausan ka lang? Yan ba ang ganti mo sa binabayad ng magulang mo na tuition dito?” Tanong ko sa batang babae. “Huwag mo siya pakialamanan at wala kang pakialam sa gusto kong gawin! Sino kaba at bigla bigla kang puma-pasok dito?!” Tanong nito. Binato ko ang lampshade sa gilid nito na kina iwas nito. Tinutok ko ang baril ko sa mukha nito. “Flame Lavistre, the owner of this whole international school..” malamig kong pagpapakilala. Nanlaki ang mata nito kahit ang dalaga ay naka singhap ng hangin. “Ngayon umayos ka kung ayaw mo tapusin kita, ipatawag mo ang lahat ng teacher dito ngayon din!” Utos ko dito. Agad agad itong kumilos at kinuha ang telepono nito. “Ikaw? Anong plano mo? Mag aral o maging puta ka na lang nito habang buhay?” Malamig kong tanong sa babae. “Kung ayaw mo na mag aral mag sabi ka sa magulang mo! Kung gusto mo maging puta, pwede ka sa tauhan ko itatapon kita sa kanila..” bastos at walang preno kong sagot dito. “Nag aaksaya ka ng pera para ano? Maging puta nitong Dean na ito? Ikaw? Gusto mo mawalan ng trabaho wala akong pakialam sa degree na meron ka pag sinira ko buhay mo walang magagawa ‘yang degree mo..” malamig kong wika at diin ko din dito sa magiging kahihinatnan nito. “Pa-papunta na sila..” napa baling ako sa Dean ng mag salita ito. “Ikaw ayusin mo sarili mo at subukan mo pa ulitin ito? Isasama kita sa listahan ng taong wawasakin ko. Get out!” Sigaw ko sa babae at dali dali itong umalis matapos mag bihis. NAKAUPO LANG AKO habang nakatitig ako sa mga gurong nasa harapan ko at sa Dean na nakaupo sa pang isahang upuan. Ako ang umupo sa mesa ng Dean, “Bakit niyo tinanggihan ang mga pamangkin ko sa klase niyo? Sino nagturo sa inyo na gawin niyo yan?” Tanong ko sa kanila. “Hindi kami pwede mag papasok ng anak ng isang kriminal mas lalo kung mafia, utos ng dean sa amin ito.” Wika ng isang guro. Wala na akong pakialam kung anong pangalan nito. “Ganun pala, kung sabihin ko na ako ang may ari nito hindi parin sila pwede?” Tanong ko sa kanila na kina laki ng mata nila. Tumayo na ako at inayos ko ang damit ko. “Ayusin nyo ang rules niyo, kung ayaw nyong mawalan ng trabaho..” pag pa-paalala ko. Wala akong gagawin sa kanila ito lang ang gusto ko gawin. Ang ipapaalala at ilagay sila sa tamang pwesto nila. Nag lakad na ako hanggang marinig ko silang humingi ng tawad. Nagkibit balikat ako at nag lakad na hanggang maka baba ako. Pagdating ko sa corridor dito palabas ng building na ito narinig kong nag salita ang isang babae na mukhang mayaman base sa suot nito. “Yung mga anak natin makakasama ang mga anak ng kriminal ng bansa, marami silang pinatay kahit alagad ng batas kahit ang dating pangulo..” wika nito kaya naman tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. “Alam mo ba na matagal na akong uhaw sa dugo ng tao? Ang kamay ko kating kating humugot ng dila at lalamunan ng tao? Gusto mo ba gawin ko sayo ng habang buhay ka ng hindi makapag salita pa?” Malamig kong tanong dito. Nag lakad ako palapit dito habang ito at ang mga kasama nitong tatlong nanay ay umaatras ng hakbang. “Sa oras na malaman ko na binully ng anak niyo o kayo mismo ang gagawa sa mga bata sa pamilya ko..” putol ko. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo nito. “Kayo naman makakatanggap ng bully mula sa akin. Hinding hindi kayo makaka ahon sa gagawin ko..” banta ko dito. “Leave my children’s and my nephew alone, hayaan niyo sila maging bata din minsan. Masaktan lang sila at mag sumbong sakin, babalikan ko lahat ng magiging dahilan ng pag patak ng luha nila..” huling wika ko at nag lakad na ako palabas ng gate. Nakita ko si Jean nasa baba na ang motor ko, mukhang ito ang nag hatid at sinakay lang nito sa kanyang pick-up. Hinagis nito sa akin ang susi ng motor ko. Habang ang helmet ko nasa kotor ko na. “Oy huwag ka mang away kapwa mo magulang..” paalala nito. Umirap ako at nag suot ng helmet. “Kaya ko naman gawin yan, huwag lang nila pakialamanan ang mga bata..” sagot ko. Nakita ko itong tumawa at sumakay na sa kanyang sasakyan ako naman sa motor ko. Mag kasunuran lang kami umalis. Ako ay dederetso na sa UG at ito sa kanyang shop na. - I’m not fighting because I want to win, I’m fighting because I have to win..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD