CHAPTER 7

2658 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kayo Love, hindi tayo pwede mag sabay-sabay mas lalo at may nagbabantay sa atin..” utos ko sa asawa ko. Hindi pa ako naka bihis pero naka ayos na ang mukha ko. Tinuruan na rin ako nila Ingrid at Emerald paano mag ayos o mag makeup sa sarili. Kahit napaka hirap nito gawin para sa isang tulad ko. “Okay naiintindihan ko.” Sagot ng asawa ko at nilapitan ako nito. Humalik ito ito sa labi ko at nginitian ako. “Mag ingat kayo, kuya convoy na kayo sa kanila kaya ko mag isa..” inayos ko ang suit ng asawa ko. Hindi ito nag suot ng tie dahil hindi daw siya komportable mabuti at bagay naman sa kanya. “Okay let’s go kids, sa akin na ang kambal niyo para magkahiwalay sila sa daddy nila. Incase na ambushin tayo. Damon, Ezekiel at Storm kunin niyo ang ibang bata hatiin sila..” utos ni Kuya Thunder. Nilingon ko ang asawa ko. “Okay lang ba sayo na hindi mo kasama ang mga anak natin?” Tanong ko sa asawa ko. Tumango naman ito. “Oo para hindi kami tambangan. Alam ko ang rules honey. Aalis na kami mag iingat ka at mag isa ka pa naman..” muling humalik ang asawa ko. Tumango ako at hinayaan na silang umalis. Tiningnan ko si Kuya Thunder at tinanguan ko ito, tumango din ito at nagsi alisan na sila. “Nakalabas na ba ang McLaren ko?” Tanong ko kay Jimmy. Lumingon ito sa akin bago sumagot. “Yes Boss. Kasunod niyo po ako..” sagot nito. Tumango ako at umakyat na ako sa taas upang mag bihis na ng damit. Pagpasok ko sa walk in closet ko, “Umalis na rin kayo, kaya ko na isuot yan..” wika ko sa dalawang babae. “Sasabay kami sayo, wala kaming sasakyan..” inirapan pa ako ni Emerald. Umiling na lang ako at nag bihis na ako. Inayos pa ni Ingrid ang damit ko at buhok ko. “Yan para kang hindi nanganak ng kambal, ganda parin ng hubog ng katawan mo..” papuri nito kaya naman natawa lang si Emerald. “Eh kasi alaga din ng asawa at hindi naman kasi siya lagi inaaya!” Pang aasar nito. Nilingon ko ang dalawa at nag lakad na ako patungo sa bag ko. “Ayaw nga rin niya masundan pa muna ang kambal dahil maliliit pa. Kaya wala kaming s*xual contact..” paliwanag ko ng manahimik ang dalawang ito. Nag lakad na ako narinig ko naman sila na sumunod sa akin. “Bait ng asawa mo, sana all swerte sa asawa! Ang ganda ng heels mo, anong brand ba ‘yan?” Tanong ni Emerald sakin habang pababa kami ng hagdan. “C.O Constantine's Obsession isa sa mga collection ng brand..” malamig kong sagot at hinawi ko ang buhok ko ng maka baba kami. “Boss..” napa tingin ako kay Jimmy ng maka baba kami. Lumapit ito sa akin at may binulong. “Sinabi ni Miss Mika na aatake sila, matapos ang party..” bulong nito nito. Tumango ako at nag salita. “Utusan mo si Mika na abisuhan ang mga tauhan natin, mas lalo sila Kuya at sila ang may dala ng mga bata..” utos ko dito at nag tungo na ako sa sasakyan ko. “Sumakay kayo kay Jimmy mag mu-mukha akong driver sainyo..” masungit kong utos kina Emerald at Ingrid. Sumakay na ako ng hindi hinihintay ang sagot ng dalawa at nilock ko agad ang pinto. Nagulat ako ng biglang may humampas sa pinto ng passenger side. Nakita ko si Emerald nagsasalita pero hindi ko ito naririnig, ngumisi ako at binuhay ko na ang makina ng sasakyan at pinatakbo ko na ito ng mabilis. Alam ko naman na susunod sila kahit hindi ko sila hintayin pa. Napapa isip lang ako sa mga kalaban ko mas lalo na sa pag pasok ng Los Trados. At ang tattoo na ‘yun nakita ko na ito hindi ito bago sa paningin ko. May kutob ako na buhay siya, may kutob ako na babalik ito at lalaban ulit. Kung sila man ito at siya ang leader ng Los Trados, kailangan ko na mag plano at pabalikin si Ava at Earl ng bansa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Cécil ang tauhan ko sa labas ng bansa. Sumagot ito agad alam ko mag uumaga na sa kanila ng ganitong oras 4pm ng hapon sa Pilipinas. “Good morning boss, oh my bad good evening d’yan. Ano maipaglilingkod ko?” Bati nito at tanong na rin. “Alamin mo saan nag mula ang Los Trados Organization. I need 2 days from now.” Utos ko dito ng hindi ito binabati pabalik. “Oh? Okay ako na bahala ipapadala ko sa personal email mo kapag naka kuha na ako boss Flame..” sagot nito. “Bukas ko ipapadala ang bayad ko.” Panapos ko at binaba ko na ang tawag ko. Tinago ko ang isang cellphone ko sa dashboard at mabilis kong minaneho ang sasakyan ko. Dalawa na ang cellphone ko ngayon dahil may mga importante akong contact na hindi dapat malaman ng mga anak ko. Ang cellphone kong isa ito ang pinapagamit ko sa mga bata minsan sa asawa kong si Blake. HINDI NAGTAGAL nakarating na ako, bumaba ako at hinintay ko ang dalawang kasama ko. “Jimmy maging alerto ka dito..” utos ko kay Jimmy. Tumango ito at nag tungo ito sa loob ng sasakyan. Nag lakad na ako habang ang dalawa ay nasa likod ko na nag uusap. “Grabe ang tingin ng mga tao sa’yo Insan, para naman kasing walang nagbago sa’yo..” wika ni Ingrid. “Shut it, Ingrid. Hindi ako natutuwa sa papuri ng ibang tao..” malamig kung suway dito at pinakita ko ang invitation card na pinadala sa amin ni Mr. Ferguson. “Pumasok na po kayo..” utos ng guard, tumango ako at pumasok na ako. Sumunod naman ang dalawa, nakita ko agad ang anak ko na naka silip din sa akin. Nginitian ko ito at muli kong binalik ang pagiging seryoso ng mukha ko. Hanggang makita ko si Mr. Ferguson na pasalubong sa gawi ko. Patuloy lang ako nag lakad hanggang makalapit na ako. “Mabuti naman at pinaunlakan ninyo ako, ng hindi ako nakatanggap ng tawag mula sa inyo kinabahan ako..” bungad nito sa akin. Tinanggap ko ang pakikipag kamay nito sa akin. “Pasensya na naging busy lang ako kaya hindi ako naka tawag..” pag hingi ko ng pasensya dito. Tumango ito at nag paalam na makikipag usap sa ibang bisita. Lumapit na ako sa mga kasama ko, “Nag umpisa na ba?” Tanong ko sa kanila, umupo naman ang anak sa aking hita ng paharap. Inayos ko ang buhok nito, si Emerald ang nag ayos sa buhok ng dalawang bata dahil nawalan ako ng oras kanina kaka-asikaso sa mga pamangkin ko. “Mama, i’m hungry..” narinig kong bulong nito. Luminga naman ako at nakita ko ang asawa ko na kumukuha ng pagkain. “Oo nag start na, tinanong ka nga ni Mr. Ferguson kanina kung pupunta ka. Sinabi lang namin na naka sunod ka..” sagot ni ate Sky sa akin. Ngumiti ako ng tipid at hinagod ko ng palad ko ang likod ng bunso ko. “Just wait okay? Kumuha na si daddy ng food..” sagot ko sa anak ko. Naramdaman ko na yumakap ang dalawang maliit nitong braso sa akin na hinayaan ko na lang. Hindi ko maiwasan hindi mapa tingin sa paligid ng maramdaman ko na may nakamasid sa amin. Kinuha ko ang earpiece ko at nilagay ko sa tainga ko ang isa. Nakita ko na pabalik na ang asawa ko dala ang pagkain ng mga anak namin. Sila kuya naman dala ang pagkain ng mga pamangkin namin. “Guys, maging alerto kayo..” utos ko at umupo ako ng maayos, ang isang bagay na kinatatakutan ko ay ang madamay at puntiryahin nila ang mga anak ko. Minsan na kami na invite ni Mr. Ferguson sa kanyang party noon pumunta din kami kasama ko ang mga anak ko. Pero ang mga pamangkin ko ay hindi na sila isinama dahil hindi naman din pumayag si ate Sky. “Hon, pakainin na muna natin ang mga bata..” napa lingon ako sa asawa ko. Tumango ako at kinuha ko ang isang plato na hawak nito. Inilapag naman ng waiter o server ang pagkain na dala nila. “Umayos ka ng upo Ai..” utos ko sa bunso ko at pinatayo ko ito bago ipaharap ng upo. “Mama ako na po..” pilit nitong inaagaw ang spoon sa akin. “Nah, ako na madudumihan ang dress mo kapag ikaw pa ang kumain..” pag mamatigas ko. Halata ang pag tutol nito pero hindi na ito lumaban. Pinakain ko ito ng paborito nitong lobster. “Mama ako po walang lobster..” reklamo ng kakambal ni Ai na si Pryrhos. “Love. Hindi mo sila kinuhaan ng tig iisa?” Tanong ko sa asawa ko. Natawa naman si Kuya at pinagpalit ang plato niya sa anak ko na may lobster. “Ito pa lobster manawa kayo..” nagulat ako ng sumulpot si Damon sa likod namin. “Pwede ba? Mag pasabi ka naman?” Irita kong tanong dito. Tinawanan lang ako nito at umupo ito sa tabi ni ate Sky, ito ang nag subo ng pagkain sa ibang bata. “Mama, daddy at tito.. yung lalaki po kanina pa po sa atin naka tingin..” napa lingon ako sa biglang salita ni Morrigan. “Anak, behave huwag kang mag papahalata na may nalalaman ka..” simpleng utos ko dito. “I will mama..” sagot nito at nag patuloy itong kumain. NANG LUMIPAS ANG ISANG ORAS. Nakinig lang ako sa sinasabi ni Mr. Ferguson habang ang mga bata ay isa isa ng inaantok. Ang dalaga ko at naka unan sa balikat ko habang naka kalong ito sa akin. Ang kakambal naman nitong si Pyrhos ay nasa kanyang Tito Storm, ang panganay ko ay nasa kanyang ama hindi pa ito inaantok pero ang mata ay nakikipag labanan sa antok. “Napaka gandang advocacy na iniisip ni Mr. Hayes. Gusto ko sana mag donate para sa mga bata na tinutulungan niya..” narinig kong wika ng matandang babae sa likod ko. Tama ito ang main goal nila ay maka tulong sa mga mahihirap na tao. Uunahin nila ang mga bata sa ampunan at sa lansangan. Tinaas ko ang kamay ko na agad naman napansin. “Honey..” tawag ng asawa ko sa akin. “Huy Apoy!” Tawag sa akin ni Damon. “Let me say something..” wika ko na agad naman kina guhit ng pagtataka ng mga bisita. “Sure, ano naman yun Mrs. Dela Vega?” Tanong ni Mr. Ferguson. Nilapitan ako ng emcee dahil sumenyas ako na may buhat akong bata. Tumayo ako na buhat ko ang anak ko. Nakita ko ang mga tao na masama ang tingin sa akin. “The notorious k*ller ng bansa..” narinig ko pang dumaan sa tainga ko. “Tutulong ako kung bibigyan niyo ng kabuhayan ang mga taong nawalan ng trabaho dahil sa pag papasara ng gobyerno sa Navotas Fish port..” mungkahi ko. “Dati itong naging battle field namin, bago kami makipag laban sinisiguro namin na walang taong madadamay kahit isa. Walang masagasaan na kabuhayan. Dahil sa galit sa amin ng gobyerno na hindi man lang inisip ang mga taong ‘yun na maaaring mawalan ng kabuhayan ang mga tao doon na dekada ng nakatira. Gusto ko sana bigyan sila ng ikinabubuhay nila sa pamamagitan ng programa mo sa hinaharap Mr. Hayes Ferguson..” mahabang paliwanag ko na kina singhap ng lahat ng tao. “Ibig sabihin aminado talaga siya?!” Tanong ng hindi ko kilala. Ngumiti si Mr. Ferguson kaya nag salita ako muli, kinuha naman ni Damon ang bata sa akin na sumama naman sa kanya. “Hindi naman sekreto kung sino ako o kami sa inyo at sa bansang ito. Lahat ng damage na ginawa namin ay hindi namin tinatalikuran alam namin ito wala lang kaming oras para mag salita mas lalo kung obvious naman..” makahulugan kong wika. Alam ko ang lahat ng taong ito ay tingin sa amin ay destroyer pero wala kaming pakialam doon. Walang masisira kung walang nangingialam sa kilos namin. Tulad ng matagal ko ng sinasabi ang laban namin ay sa amin lang. “Ano ‘yan para mag hugas kamay?!” Tanong ng isang matandang lalaki tumawa pa ito kasama ang ibang tao. Nilingon ko si Hayes upang humingi ng permiso tumango ito at ngumisi. “Atleast ako aminado akong mamat*y tao ako. Hindi tulad ng nakararami sa inyo dito araw araw nagdadasal, linggo-linggo nag tutungo sa simbahan pero mas masahol pa sa akin sa pagiging demonyo..” diretso kong sagot. Biglang tumahimik ang paligid kaya humarap ako kay Hayes. “Mr. Ferguson sana pumayag ka..” yun lang at binalik ko ang mic sa emcee. Pag upo ko nakita ko na nakanganga mga kasama ko. “Ngayon lang kita nakitang sumagot ng ganun..” wika ni Azi. Ngumisi lang ako at nag kibit balikat na lang ako at muling nagsalita si Mr. Ferguson. “Magandang idea ang iminungkahi ni Mrs. Dela Vega. Gusto ko ito upang mas malawak ang matulungan ng kumpanya.” Naka ngiti nitong wika. Sa nagdaang mga buwan unti unti ko nakilala ang mga taong ito, ang mga kasama nito na dati din na nakakulong. Kilala ko ang dalawa sa kanila, tinatawag itong General at El Mayor. Natatandaan ko ang mukha nila pero hindi ko alam saan ko sila nakita o nakilala. Malalaman ko din naman yan sa tamang oras kung sino ba talaga sila. Kinain ko ang tira ng anak kong bunso dahil sayang kung itatapon na lang ito. “Alam niyo ba na pamilyar talaga sakin ‘yang si Micro.” Wika ni Damon. “Ama niya ay isang pulitiko namatay ang nanay niya noon, tapos nag asawa ulit ang ama niya. Ngunit dahil paniwalang paniwala ang ama niya sa stepmother niya na nagnakaw ito sariling ama niya? Ang sarili nitong din na ama ang nag pakulong sa kanya..” paliwanag ko na kina singhap nila. “Kilala mo talaga sila?!” Tanong ni Kuya Ezekiel. Umiling ako at nag salita. “Madali lang naman sila mabasa kung tutuusin, kaya madali lang mag salita kung ano nakikita ko ‘yun ang alam ko na magiging sagot ko..” maka hulugan kong sagot. Nilingon ko si Tiger na siyang kaibigan ni Hayes, ang isang ito ang may malagim na kwento. Nakikita ko sa mga mata niya. Inalis ko ang tingin ko sa kanila hanggang makita ko ang sinasabi ng anak kong lalaki. Nakatingin ito sa amin, nang tiningnan ko ang buong katawan nito. Doon ko napansin na may nakatagong baril sa suot nitong Trousers, nilibot ko ang mata ko sa paligid at doon ko napansin ang mga lalaking naka suit and tie. “Maging handa kayo, sa buong paligid may mga lalaking naka suit and tie armado.” Simpleng pag bibigay ko ng information. Kinuha ko ang purse ko at salamin sa loob, ginamit ko ito upang makita ko ang likuran ko. Dahil alam ko na binabantayan ako ng mga ito. Tinago ko sa ilalim ng mesa at doon ko nakita na may lalaki din sa likod na armado. Sinara ko ang salamin at tumayo na ako. “Restroom lang ako..” paalam ko. Hinawakan ko ang asawa ko sa balikat at gumawa ako ng hand signal. Double tap ibig sabihin make an alibi upang pauwiin na ang mga bata saka ako nag lakad ng tahimik. Ngumisi ako ng malagpasan ko ang lalaking armado. “Huwag mo ako biguin sumunod ka..” mahinang mahina kong bulong. - The strong one doesn’t win, the one who wins is strong..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD