FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Nakalabas na ang mga bata kasama ang asawa mo at si Jimmy.. naka convoy sa kanila ang iba nating tauhan..” narinig kong wika ni Kuya Thunder.
Hindi ako sumagot at inayos ko ang make up ko at buhok ko. Umatras ako at tinaas ko ang paa ko sa cubicle inangat ko ang dulo ng suot kong dress at kinuha ko ang baril ko.
Nilagyan ko ito ng bala at ang inayos ko ang mga dagger ko just incase na kailanganin ko. “Kuya siguraduhin niyo na protektado ang mga tao sa event na ito. Mas lalo si Mr. Ferguson, pakisabihan na ito huli akong lalabas..” pakiusap ko sa kuya ko.
“Kasama ko na siya nasabi ko na rin pero wala pang umaatake..” sagot nito.
Inayos ko ang dress ko at hinawi ko ang buhok ko patungo sa likod ko. “Hindi sila aatake agad, aatake sila sa oras na maka labas tayo.. pero hindi tayo pwede maging kampante..” sagot ko at lumabas na ako ng restroom ng mga babae.
Napansin ko na wala ang lalaki, ngunit ramdam ko na nandito siya naka bantay sa kilos ko. Nag lakad lang ako hanggang makalabas ako sa isang maliit na pasilyo na malapit sa cr ng mga babae.
“Lumabas kana kanina pa kita nararamdaman..” utos ko at tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko ang likuran ko.
Lumabas ito ng may nakatutok na baril sa akin. “Ang utos sa amin ay tapusin ka at ang susunod na magiging mafia boss..” wika nito habang naka tingin sa akin ng matalim.
“Paano ba yan undecided pa ako kung sino ang ilalagay ko sa pwesto?” Tanong ko dito. Nagulat ito sa sinabi ko.
Tama naman wala pa akong na iisip na ilalagay sa position sa oras na mag bitaw ako. Dahil mga bata pa ang susunod sa akin, “Ang ganda ng tattoo mo, may kamukha. Tauhan ka niya tama?” Tanong ko dito agad itong napa atras.
“Pa-paano mo—” kinakabahan nitong tanong ngunit hindi ko ito pinatapos at sinugod ko ito.
Inagaw ko ang hawak ang baril nito at tinutok sa pagka lalake nito. “Masyado kayong naging kampate na hindi na ako babalik sa dating gawain ko..” wika ko at ng ipuputok ko na bigla itong kumuha ng patalim sa tagiliran nito at iwinasiwas sa akin.
Umatras ako ng isang hakbang at ito naman ang sumugod. Sinalag ko ito gamit ang braso ko at inangat ko ang laylayan ng dress ko at malakas kong tinadyakan ang sikmura nito.
Napa daing agad ito. “F*ck!” Mura nito na at kina luhod nito sa sakit ng nararamdaman niya.
Yumuko ako at hinawakan ko ang buhok nito ng mahigpit. “Alam ko na inaalam na ng amo mo sino ang mga tauhan niya ang pumanig sa akin. Kung tutuusin wala naman siyang tauhan sa akin, dahil lahat sila kusang sumama..” malamig kong wika dito.
Nanlaki ang mata nito. “Kahit si Boss Jimmy? Siya ang personal driver ni Boss noon..” tanong nito.
Ngumisi ako at nag salita. “Untold story, info na hindi niyo man lang inalaman dahil kampante kayo na matatalo niyo ako. Bago kita tapusin may sasabihin akong isang bagay sayo..” malamig kong sagot.
“Ha-hayop ka! Pinaglalaruan mo lang ang amo namin!” Sigaw nito.
Ngumisi ako at nag salita. “Hindi hahantong sa ganito kung nakinig lang siya. Ito lang sana handa siya sa gagawin ko..” panapos ko at nang mag sasalita pa ito dinikit ko ang nguso ng baril nito sa kanyang ilalim ng ulo nito.
Ngumisi ako at pinutok ko ang baril sa ulo nito, kumalat pa ang dugo nito sa kisame dahil tumagos ang bala sa bungo nito patungo sa kisame.
Binitawan ko ang baril nito mismo at hinayaan ko itong naka kalat dito. “Walang makaka pag handa sa gagawin ko..” bulong ko sapat para hindi marinig ng mga kasama ko.
Lumabas ako na saktong napapalibutan kami ng parak. “Hulihin niyo ang babaeng ‘yan, isa sa mga tauhan natin ang pinat*y niyan! Siya ang mag babalik ng gulo sa ban——” hindi nito natuloy ang sasabihin nito ng mag salita ako.
“Ako ba talaga? Sino ba ang lagi nangingialam sa gulo namin at sa ginagawa namin? Paulit ulit na lang tayo..” tanong ko at nag lakad ako patungo sa gitna, nasa likod ko si Kuya Thunder at Storm kasama nila si Mr. Ferguson at ang mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa kulungan.
THIRD PERSON POV
GUMUHIT ANG GALIT sa mukha ng pulis na ito sa narinig nito mula kay Flame. “Flame, huwag mo na sila asarin pa tandaan mo kasama natin si Hayes..” wika Vladimir sa kanyang pinsan.
Ngunit lumingon si Flame diretso kay General at El Mayor. “Kayo alam ko kung sino kayong dalawa, kaya niyo ba mag trabaho sa akin?” Tanong nito diretso na kina singhap ng lahat.
“Harap harapang recruiting?!” Tanong ng isang pulis na babae.
“Paputukan sila in my country of 3..” utos ni Aquino sa kanyang mga tauhan.
Nag ibaba nito ang kanang kamay niya nakita nila itong nag bilang hanggang matapos ito. “Tapusin sila! Itira niyo si Flame!” Utos nito.
Ngunit nagulat sila isa isa nag tumbahan ang mga kasama nila sa gawing kanan.. “Tingin niyo ba hindi ko kayo naririnig?” Malamig na tanong ni Flame, lumingon ito sa kanila.
Naramdaman ni Flame na hindi lang ito ang kalaban nila. “Mapapalaban tayo..” simple lang para maintindihan ng kasama niya. Napa upo si Aquino ng makita niyang nangalahati agad sila sa dami ng pinat*y ng mga babaeng assassin.
“Mga undercover po sila..” bulong ni Yuri sa kanyang amo.
“Sakto lang kayo sa oras, dahil ayoko pang mag kalat..” maka hulugan nitong wika.
Muling nag salita si Flame at binalingin si Mr. Ferguson. “Mr. Ferguson umalis na kayo kami na ang bahala dito mas maigi na wala na kayo para maka kilos kami..” utos ni Flame habang nakatalikod ito.
Ang isip nito ay hindi siya kikilos hanggang may taong hindi naman dapat nandito. “Pag isipan niyo ang alok ko..” muling pag papaalala nito.
Nag salita naman si Thunder. “Mag ingat kayo Mr. Ferguson, maraming salamat at pasensya na..” paghingi ng paumanhin ni Thunder.
“Kayo ang dapat mag ingat. Salamat din..” pasasalamat ni Mr. Ferguson at nakipag kamay pa ito. Bago tuluyan umalis kasama ang mga kaibigan nito.
Nag lakad si Flame at nilagpasan si Aquino nang magkatapat ito. “Huwag kayo makisali sa gulo namin, at hindi namin kayo gagambalain alam namin ang ginagawa namin. Sana alam niyo rin ang inyo..” paalala nito at tinapunan nito ng malamig na tingin diretso sa mata ni Aquino.
Nag lakad na si Flame kasunod ang mga Kuya nito palabas ng event room. “Sigurado ba na ayos lang ang mag aama ko at mga pamangkin natin sila ate?” Tanong nito sa kuya Ezekiel niya.
“Oo huwag kana mag alala..” sagot ni Ezekiel.
Palabas pa lang sila agad hinila ni Flame si Azi at Ezekiel kasunod nito ang sunod sunod na bala na pumapasok sa loob kung nasaan sila.
“Kuya! Kaya niyo ba gumawa ng apoy d’yan?” Tanong ni Flame sa kuya Thunder niya.
“Oo kaya may lighter ako..” sagot ni Thunder.
“Gumawa na kayo.. hindi tayo makaka labas dito hanggat may bala sila!” Utos ni Flame sa nakakatandang kapatid nito.
“Flame.. salubungin na natin sila ng bala para naman silang kaunti..” wika ni Vladimir.
Nilingon nito ang pinsan niya. “Hindi mo ba nakikita? Marami sila, ambush ito. Alam nila saan ako, ako ang pakay nila.. kung papayag kayo umalis na kayo ako na ang bahala dito..” sagot nito.
Nanlaki ang mata ni Thunder sa narinig mula sa nakaka batang kapatid. “Ikaw na naman ang sakripisyo? Nakakalimutan mo may anak kana na naghihintay sayo——” hindi nito natuloy ang sasabihin pa niya ng maputol ang linya.
Ang nakita na lang nila ay tumayo si Flame at halata ang mga mukha nito na galit ito. “Kung patuloy akong matatakot sa kaligtasan ng mga bata at ng pamilya ko. Dahil doon mas malakas ang posibilidad na magamit nila ito laban sa akin, kung hindi niyo naiintindihan ang pinupunto ko. Umuwi na kayo at bantayan ang pamilya ko..” malamig at tila walang puso nitong utos.
Nakita pa nilang inalis na nito ang earpiece niya at tinapon kung saan. Kinuha nito ang baril niya at walang pag dadalawang isip na lumabas.
Nakita ni Flame ang mga lalaking hindi baba sa bente ang dami o higit pa. “Napaka rami nila, hindi ko alam kung kaya ko sila, matagal na akong hindi lumalaban..” bulong nito.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Sa amin na taon wala akong ginawa kundi alagaan ang mga anak ko. Napa buntong hininga ako at umayos ako ng tayo at nag lakad ako ng dahan dahan hanggang..
“Bakit mo sosolohin kung pwede ka naman namin samahan?” Tanong ni Damon naka upo pa ito sa gilid at pinaglalaruan nito ang kanyang baril.
“Habang nagkakagulo sa loob nandito ka nagtatago sa likod ng halaman.. ano bang trip mo sa buhay?” Tanong ko dito.
Tumayo ito at nag unat wala na itong suot na tuxedo tanging white long sleeve polo na lang ang suot nito. “Marunong kana sa mga salitang kanto ah? Anyway ang boring kasi sa loob kanina, at alam mo ba? Dito ako nag tuloy kumain kasi yung mga anak mo kinu-kuha yung sarili kong pagkain. Kaya dito ako kumain ng umalis sila..” paliwanag nito sa akin.
Hindi ko mapigilan hindi ngumiti pero tinago ko lang sa dilim ito. “Ilan sila?” Tanong ko dito.
“Nasa 50 person, pitong sasakyan labindalawang motor may sakay na tatlo..” seryosong sagot nito.
“Kumilos na tayo..” utos ko at pununit ko ang suot ko sa ibabang parte.
THIRD PERSON POV
NANG MAKALABAS ANG DALAWANG mag pinsan sumunod si Thunder, Storm Ezekiel at ang iba pa.
“Napaka dami nila..” bulong ni Vladimir.
“Mabuti naman at nagpakita na kayo..” ngising wika ng isang lalaki. Bumaba ito sa sasakyan nito at hinarap ang mga Lavistre at Valencia.
Tumabi si Thunder sa nakaka batang kapatid nito. Ngunit si Flame may ibang iniisip at inaalala, tumingin ito sa buong paligid.
Tumalim ang tingin nito at tinapunan ng tingin ang lalaki sa harapan nito. “Señora Viper Cartel..” wika nito na kina gulat ng lahat.
“Tauhan kayo ng unang unang Vipers tama? Naamoy at nararamdaman ko sa inyo ang presensya at galit nila..” wika ni Flame.
Lumingon si Thunder sa nakaka batang kapatid nito. Sa isip nito, hindi kaya buhay pa siya?
“Focus kuya..” bulong ni Storm na sakto para marinig.
“Tapusin sila!” Sigaw ng lalaki agad naman tumakbo si Flame at iniwan nito ang suot nitong heels.
Mas nagulat ang mga kalaban ng makita ng mga ito paano ito tumakbo at napaka bilis nito. Pinaputukan ito ng babaeng kalaban ngunit yumuko ito at pinatid ang lalaki.
Binaril naman ni Damon ang babae na ang pa-kawala ng bala kanina. “Sa likod ako kayo na bahala lumaban!” Wika ni Damon, kinuha nito ang kanyang baril.
Sinalo ni Thunder ang suntok ng lalaki at hinawakan ito sa leeg at walang kahirap hirap itong binagsak sa sahig. Hindi pa ito nakuntento ng harap-harapan nitong binaril ang ulo nito.
“Kuya Thunder sa likod mo!” Sigaw ni Storm sa kuya nito. Pagharap ni Thunder pinaputukan nito ang babae diretso sa puso.
“Tama na!” Sigaw ng babae habang sakal-sakal ni Vladimir ang babae.
Nakita nilang umiiyak ang babae pero binaril ni Vlad ang mukha nito. Agad ito nawalan ng buhay.
SA KABILANG BANDA malakas na suntok ang huling pinakawalan ni Flame hanggang marinig nito ang pagka bali ng buto ng lalaki..
“Ito ang sasapitin niyo kapag hindi kayo tumigil..” bulong nito sa harap nito ang lalaking nagsisilbing leader ng nanambang sa kanila.
Nakita ng lalaki kung paano butasin ang dibdib ng kasamahan nito at dukutin ang puso nito. “Hindi ako naging mapurol, sadyang kinalimutan ko muna para sa pamilya ko..” narinig nitong wika ni Flame.
Nakita nito ang mga mata nito na walang ka emosyon-emosyon. Ang sumunod na nangyari ay ang nag paatras sa mga kalaban nila.
Hinatak ni Flame ang puso ng lalaki palabas sa katawan nito, bago lagutan ng hininga ang lalaki nakita pa nila itong tumulo ang luha nito at narinig nilang binanggit nito ang kanyang asawa at anak.
Napa suka ang ilan sa kalaban nila ng makita ang puso ng kasamahan nila na hawak ni Flame.
Kahit ang mga pulis ay hindi kinaya ang nasaksihan nila. Kitang kita nila ang pag t***k ng puso nito ng paunti unti na lang hanggang. Bilang na lang ito at tuluyan ng nawalan ng pagtibok.
“Ngayon uulitin ko ang sinabi ko. Huwag kayo mangialam at mag umpisa ng giyera kung hindi niyo kayang panindigan. Kung ayaw niyong may mawala sa parte ng pamilya niyo, leave us alone..” muling wika ni Flame.
Napa tingin silang lahat sa kamay nito ng makita nilang, pigain ito o pisilin ang puso ng kasamahan nila hanggang madurog.
Nag ka pira-piraso ito at bumagsak sa malamig na semento. Nag lakad si Flame palagpas sa mga ito at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. “Next time pakisabi sa amo mo. Mag pagaling muna siya bago ako labanan, siya ang gusto ko makaharap hindi kayo..” putol nito.
“Tapos na ako sa mga tuta..” huling sagot nito at nag lakad na ito palayo.
THUNDER LAVISTRE
“Buhay siya, malakas ang kutob ko mas lalo ng banggitin niya ang grupo na ‘yun..” wika ko ng halos trenta minutos na ang lumipas ng matapos ang labanan.
Kami na lang naiwan dito upang masiguro na wala ng problema. “Akala ko ako lang nakaka ramdam..” napa lingon ako ng mag salita si Vlad.
“Nakita ko ang kilos at paano mag salita si Flame, may laman ito..” wika nito ulit.
“Pero ang tanong paano siya nabuhay? Sino ang nag ligtas sa kanya?” Tanong ni Ezekiel.
Nakita ko si Damon na may kung anong hinahanap sa tubig. “Kilala lang din niya ang tutulong sa kanya..” sagot ko dito.
“Nakita ko na!!” Napa lingon na kami ng marinig namin sumigaw si Damon at lumabas ito sa maliit na wishing well.
“Ano na naman kaya ang ginawa nito?” Kunot noo na tanong ni Ezekiel.
“Nag paka isip bata na naman..” sagot ni Vlad na kina tawa ko.
“Ano nakita mo? Ako may nakuha akong piso!” Nagulat ako ng sumulpot si Azi galing sa mga likod ng halaman.
“Naka kuha ko pare ng lima at sampung piso. Galing may pera doon!” Masayang pamamalita ni Damon sa amin.
Naglalakad si Storm ng naka pamewang pa. “King*na niyo talagang mawawalan kayo ng bilang sa langit sa ginagawa niyo! Alam niyo ba para saan yan? Wish ‘yan ng mga tao!” Paliwanag sa kanila ni Storm.
“Mga ugok talaga kayob! Mas lalo ka na Damon!” Asik ng kapatid ko.
Natawa na lang kaming tatlo ni Ezekiel at Vladimir. “Walang pagbabago ang isang ito..” narinig kong wika ni Demitri na ang pupunas ng kamay.
“Umuwi na tayo tama na ‘yan..” utos ko at tumalikod na ako.
“Alam mo matagal ko ng tanggap na hindi langit ang punta ko!” Narinig ko pang sagot ni Damon na kina iling ko na lang. kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at pumasok na ako.
Ganun din si Storm nag sabay na lang kami dahil ginamit ni kuya Danny ang sasakyan ni Storm para maihatid ang mga bata sa mansion.
Nag maneho na ako pauwi, habang iniisip ang posibilidad na buhay ang hay*p na yun. Kung ganun paano si Ava?
Maaari bang balikan nito ang bagong tauhan ng nakaka bata kong kapatid?
Hindi ito maganda..
-
To deceive your enemy, begin with your ally.