FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Matapos ko ilapag ang niluto kong adobong baboy na gusto ni Mommy Aaliyah nag paalam muna ako na tutungo sa likod. “Tawagin ko lang po sila kuya..” paalam ko at nag lakad na ako palabas sa likod.
Nakita ko bukas pa ang ilaw ng bahay nila doon kaya alam ko gising pa sila. “Kuya Thunder, kuya Storm! Punta kayo dito kain tayo may adobo sa bahay..” tawag ko habang nakatayo ako sa maliit na gate.
Nakita kong lumabas si kuya Thunder. “Kakain lang namin, salamat..” sagot ni kuya Thunder kaya napa buntong hininga na lang ako at umiling.
“Lagi na lang..” bulong ko. “Okay.. mag tira na lang kami incase na gusto niyo..” sagot ko at tumalikod na ako saka nag lakad pabalik.
Simula ng bumukod sila hindi na sila sumasabay sa amin kumain, hindi tulad noon.
BLAKE SHIN DELA VEGA
NAKITA ko ang asawa ko na bagsak ang balikat nito ng pumasok ng bahay. Mukhang hindi na naman sasabay ang mag kapatid sa amin.
“Hindi daw sila sasabay?” Tanong ko sa asawa ko at tumayo ako para ipag hila ito ng upuan.
Umiling ito. “Kumain na daw sila..” sagot nito at nag umpisa na itong kumain, pinag sandok ko na kasi ito sa plano niya kakain na lang ito.
Dahil sa sagot nito sinenyasan ko si Nanay Fely na itaob ang dalawang plato na nilagay ng asawa ko. Lagi ito nilalagyan ng asawa ko dahil gusto niya kasabay ang dalawang kuya niya.
“It’s okay.. sasabay din sila baka busog na talaga sila..” hinawakan ko ang kamay ng asawa ko kasi nakita ko itong nanginginig.
Ganito siya kapag nag uumpisa na itong umiyak ulit. I know she misses her brother, hindi naman kasi madali na pag gising niya nag desisyon ang dalawa na bumukod na which is nagulat si Flame sa nangyari kahit gumuguhit ang pag disgusto, sumang-ayon na lang ito bilang respeto sa privacy ng dalawa at sa amin ng mga anak niya.
It’s kinda hard para sa isang katulad niya na buong buhay kasama ang mga kapatid niya. Kahit sabihin natin na she’s cold like ice.
Tumango lang ito at tahimik na kumain at pinakain ang mga anak namin.
STORM LAVISTRE
“Masyado na tayong nagiging mapanakit sa kanya..” wika ko habang bumaba ako ng hagdan.
“Alam ko, masakit din naman sa’kin pero kailangan kasi niya masanay na wala tayo sa bahay niya..” sagot ni Kuya Thunder.
Naka upo ito at umiinom ng alak. “Kailangan ba talaga o naiilang ka lang kay Blake? Dahil asawa siya ni Flame?” Tanong ko sa kuya ko,
Up until wala parin tiwala si kuya kay Blake, kahit napatunayan naman na nito na maganda ang intention niya sa kapatid namin.
Umiling ito. “Hindi yun.. ang gusto ko lang masanay siya na wala tayo sa tabi niya. Noon kasi nasa isang bahay lang tayo..” sagot nito.
Bumuntong hininga na lang ako at umiling. “I hate to say this but, she always crying ‘yun ang sabi ng asawa niya. Kuya pag isipan mo maigi, tandaan mo dati na may sakit si Flame na anxiety dahil sa panganganak niya maaari itong bumalik kapag may nag trigger.. please be aware of that mag isip ka din may anak si Flame at malaki ang responsibilidad niya..” mahabang paliwanag ko at bumalik ako sa taas upang mag pahinga na.
THUNDER LAVISTRE
Bumuntong hininga ako at tumayo na ako. Nang marinig ko ang sinabi ni Storm tungkol sa naging sakit ni Flame noon, para akong binuhusan ng malamig na tubig mula ulo.
Lumabas ako ng bahay at nag tungo sa mansion, gising pa sila alam ko ‘yun. Agad kong tinawagan ang number ng nakaka bata kong kapatid.
Ilang ring sumagot ito pero si Ai ang sumagot. “Hello? Tito? Si Aithne po ito..” pakilala nito.
Napa ngiti ako sa cute ng boses ng pamangkin ko. Pasagot na ako ng may narinig akong sunod sunod na putok mula sa ibaba ng mansion.
“Mamaya na lang tayo mag usap baby ha?” Tanong ko sa pamangkin ko at binaba ko na ang tawag ko.
“Storm!” Tawag ko sa kapatid ko alam ko narinig ako nito at ako naman ay nag tungo na sa loob ng mansion.
“Flame! May narinig akong putukan sa baba!” Bungad ko nakita ko ito na kumakain pa pala. Tumayo ito at uminom ng tubig.
“Istorbo talaga kumakain ako eh!” Reklamo nito, tinapik ko ang braso ni Blake ibig sabihin ang mga bata.
Deretso ako sa labas at kinuha ko ang baril ko sa sasakyan ko. “Kuya tawagan mo si Kuya Storm tulungan ang mag ama ko. Huwag muna pauwiin sila ate Sky dito..” utos ng kapatid ko at tumakbo na ito palabas ng gate.
Umiling na lang ako at pumasok ako sa loob. “Storm, tawagan mo si ate Sky huwag muna pauwiin. Ipaliwanag mo nangyari tapos ikaw na bahala dito!” Utos ko at tumalikod na ako at nag umpisa na rin akong tumakbo.
HINDI NAG TAGAL NASA baba na ako nakita ko si Flame na ang tatago kaya sinundan ko ito. “Ilan sila?” Tanong ko ng makalapit ako.
“Sampu..” sagot nito kaya naman napa iling ako at kinargahan ko pa ng bala ang isa kong baril. “Lalaban tayo ng harapan, pero kung kaya ng bala natin sila tapusin agad ito..” utos ni Flame.
Tumango lang at hindi ako kumibo, “Kamusta naman? Nasira ko ba ang lovey dovey ninyo mag asawa? Pasensya na ha? Trabaho lang..” narinig kong wika ng isang lalaki.
Nilingon ko si Flame na nanatiling walang emosyon, isang bagay ang hindi nag bago sa kapatid ko. Ang mukha nito ang emosyon nito sa mga kalaban at nasa mode ito bilang isang mafia.
Yun ang hindi nawala.
“Sabi nila kapag nag asawa na ang isang Mafia boss at nag ka anak ng iiba ang pananaw sa buhay? Tama kaya ‘yun? Nag bago ka ba? Pinangarap mo ba na maging mabuting ina?” He sound like mocking my sister.
“Gago talaga..” bulong ko pero nanatiling tahimik si Flame.
“May pangarap ba ang isang inang katulad mo na mamatay tao? Wala kang karapatan ga——” naputol ito ng maglakad si Flame.
Ngumisi ako dahil ang mga mata na ‘yun, nagsasabi na ‘wala akong pakialam’.
“She’s really back..” bulong ko at sumunod ako dito.
“Masyado kang maraming sinasabi, wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao tungkol kung paano ako maging ina at asawa. Labas kayo sa usapin tungkol sa pribado kong buhay. Huwag kayo masyadong nanghihimasok sa buhay ng kaaway na papatay sa inyo..” sagot ng kapatid ko.
Nakita ko ang gumuhit na galit sa mukha ng lalaki. “You b*tch!” Gigil na tawag nito sa kapatid ko.
“Dahil kahit anong mangyari tatapusin namin ang lahat ng humaharang sa daanan namin at pilit kaming ginugulo..” naka yukong wika ng kapatid ko.
“Tulad niyo..” huling wika nito kaya agad kong tinaas ang baril ko at nag paputok ako sa langit.
Nag labasan ang mga assassin na hawak ng grupo at tinutukan ang mga kalaban. “Sapat na sila para tapusin kayo..” wika ko at nag lakad na ako patungo sa harap hanggang.
Napa lingon sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng may babaeng sumugod kay Flame at sinakal ito gamit ang braso nito.
Mas matangkad ito kay Flame. Bago ako maka kilos agad akong maramdaman na may parating kaya lumingon ako at sinalo ang kamao ng lalaki gamit ang palad ko.
Nang masalo ko ito sinipa ko naman ang sikmura nito at tinutok ko ang baril ko sa bunganga nito at walang pag da-dalawang isip na barilin ito.
Binitawan ko ito ng bumagsak ito, pinagbabaril ng assassin namin ang ibang kasama ng kalaban. Sinilip ko ang guard house doon ko nalaman na wala ang mga guard dito.
Kaya tumingin ako sa taas. Nakita ko sila sa taas sila ang humawak ng baril na para sa assassin. Mabuti at tinuruan sila paano makipag laban.
Mas lalo ngayon kailangan na namin mag doble ingat dahit maraming bata dito.
Nilingon ko si Flame nakita ko itong hawak ang ulo ng babae habang humihiyaw sa sakit ng katawan, doon ko napagtanto na. Durog na ang binti nito sa hindi ko malaman na dahilan.
Isang bagay lang ang alam ko binalian ito ni Flame ng buto at tinadyakan ng para madurog. Mas lumakas ang kapatid ko sa loob ng anim na taon, hindi biro ang naging training nito noon.
Dahil kailangan niya maging malakas para sa lahat. “Paki sabi sa diyos na kinikilala mo, matagal pa kami magkikita..” narinig kong malamig na wika ng nakaka bata kong kapatid.
Tumalikod ako at sunod sunod na putok ang narinig ko.
THIRD PERSON POV
“Walang silbe!” Galit na sigaw ng lalaki, naka upo ito sa kanyang hospital bed habang balot na balot ng puting benda ang buong mukha nito.
“Ano po gagawin namin?” Tanong ng isang lalaki na nagsisilbing kanang kamay nito.
“Kunin mo ang lahat ng pangalan ng dati kong tauhan, babalikan ko sila sa oras na gumaling ako..” utos nito sa kanang kamay nito.
“Masusunod po..” sagot nito at lumabas na ito ng kanyang kwarto.
Tumingin ang binata sa labas ng bintana at naikuyom nito ang kamao nito sa galit. “Babalikan kita at tatapusin kita, ikaw naman ang susunod na susunugin ko tulad ng ginawa mo sa akin..” galit na bulong nito.
EARL LOYD LAVISTRE
“Hindi pa ba tayo babalik boss Earl sa Pilipinas?” Tanong ng bagong tauhan ng DCN na si Bryant.
Tinapunan ko ito ng malamig na tingin. “Hindi pa..” maikli at malamig kong sagot dito.
“Namimiss ko na ang simoy ng hangin sa Pilipinas..” wika nito at umupo ito sa bermuda glass. Tanghali dito at oras ng pahinga nila sa pag eensayo.
“Anong nakaka miss? Puno ng populasyon at corrupt..” tanong ko dito. Sa maikling panahon nakita ko ang dedikasyon nila sa traning upang lalo silang gumaling.
Desido sila na tumbasan ang binigay sa kanilang tiwala ni Flame. Kaya ginagawa ko din ang lahat ng kaya ko upang mas maging magaling sila.
“Kasi boss Earl, iba kasi sa Pilipinas malaya ka kasing nakaka kilos doon. Dito kasi lagi lang kami nasa training session tapos kapag lalabas kami napaka lamig..” sagot nito.
“Tapos bawal pa kami makipag interact sa ibang tao..” dagdag nito.
“Dito sa Russia mga walang emosyon ang mga karamihan dito, dahil sa klima ng panahon. Napaka lamig dito, bukod doon hindi ka basta basta nakaka ngiti sa ibang tao dahil ang tingin nila sayo ay bastos..” paliwanag ko.
“Yun ang isang bagay bakit minsan tinagurian ang mga tao dito na coldest human on earth. Dahil sa mga wala silang emosyon, but hindi naman dahil wala silang pakialam kundi hindi lang sila mahilig problemahin at isipin ang iisipin ng iba..” paliwanag ko muli.
Tumango ito at nag salita. “Parang kayong mga Lavistre at Valencia tama po ba? Dahil halos lahat kayo ay isang Russian diba?” Tanong nito.
Tumango ako ng hindi ito tinatapunan ng tingin. “Isa na rin ‘yan, mas lalo nasa Oymyakon tayo, napa lamig dito mabuti at kumagat pa ang heater dito. Kaya hindi natin nararamdaman..” sagot ko.
“Ito din ang lugar sa Russia kung saan nag training si Flame pero hindi katulad niyo nasa mainit na lugar. Dahil ang batang ‘yun ay nasa labas ng bahay nag eensayo..” sagot ko na kina ubo nito sa gulat.
“Nakaya niya?! Paano? Minus 58 degree celsius ang lamig sa labas!!” Gulat na tanong nito.
This time, tinapunan ko na ito ng tingin. “Kailangan niya kayanin. Yun ang task niya naalala ko isang linggo straight na pingawa sa kanya ito. Matapos sa mainit na naman na pugon kailangan niya kayanin ito, para saan?” Tanong ko dito at paliwanag.
Naka nganga lang ito. “Pa-para saan boss?” Tanong nito.
“Para maging malakas ang katawan at isip niya. Kailangan niya tumagal sa kahit saan na laban kung simpleng lamig at init lang matatalo na siya? Hindi siya tatagal..” paliwanag ko.
“Ito ang nakikita ni Lolo na paraan para maging malakas si Flame sa hinaharap dahil naka sa lalay na kay Flame ang lahat sa oras na tanggapin na niya ang position ng pagiging mafia boss.” Paliwanag ko dito.
“Ang astig! Kaya pala malakas talaga siya at pati ang tatag ng isip niya ay ganun din..” wika nito.
Tumango ako at nag salita. “Lahat naman kami dumaan sa ganitong training. Mas pinagtuunan lang si Flame dahil sa kanya ipapasa..” sagot ko. Tumango naman ito.
Tumayo na ako at nag salita. “Mag pahinga kayo buong araw bukas na lang ulit..” utos ko at nag lakad ako palabas ng pinto.
Narinig ko pa silang nagsi hiyawan sa tuwa, “Maraming salamat Boss Earl, dahil pinag tyagaan mo kami turuan..” napa lingon ako ng marinig ko na may nag salita.
Nakita ko si Ava kasama nito ang tauhan niyang si Barbie. “Sumusunod lang ako sa utos ng batang yun..” malamig kong sagot at iniwan ko na sila.
Tss.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Ang ganda ng damit ko!” Nag tatalon ang dalawang dalaga namin sa bahay dahil sa damit na natanggap nila.
“Do you both like it?” Tanong ko at pinatigil ko si Ai at Hermione sa pag talon.
“Yes tita mommy!” Naka ngiting sagot ng pamangkin ko.
“Opo Mama!” Sagot naman ni Ai sa akin.
“Hon look at the boys.. they are really like man now..” napa lingon ako sa asawa ko at sa likod nito ang mga boys.
Napangiti ako ng bumagay sa mga boys ang damit nila. “Ang gwapo niyo naman.. baka sa susunod pag lumaki kayo marami kayong chicks ha? Bad yun..” narinig kong papuri ni ate Sky.
Natawa lang ako at lumapit sa mga bata. “Always remember hindi nakaka gwapo ang maraming babae sa buhay, okay ba?” Pag kausap ko sa mga boys.
“And always think na hindi maganda ang niloloko at sinasaktan ang mga babae na minahal niyo. Dahil para na ninong sinaktan si Mama, mommy at tita Mommy ninang ninyo and ate Winter, Crystal, Hermione and Aithne..” dagdag ng asawa ko.
“Hai!” (Yes in japanese) sagot ng mga bata.
“Mabuti pa sila madali kausap.”wika ni Ate kaya naman napa iling ako.
Pasagot na ako ng biglang bumukas ang pinto ng malakas. “Apoy! Panis na yung carbonara sa ref? Ang asim ng amoy..” tanong ni Damon nilingon ko sila ate na tumatawa lang.
“Hindi ka ba marunong kumatok?!” Tanong ko dito.
Nakita ko ang hawak nitong plato at glass bowl na puno ng pagkain. “Marunong, marami lang akong hawak. Okay pa ba ‘yun? Kinain ko kasi..” sagot at tanong nito.
Nanlaki ang mata ko at tiningnan si ate. “Yari ka, noong isang umaga pa ‘yun, sira na ‘yun hindi lang natapon! Bakit mo kasi kinain? Maasim na pala!?” Tanong ni ate Sky dito.
“Kulit ni Damon, para kang may alagang bata ulit..” bulong ng asawa ko at niyakap ako nito mula sa likod ko.
“Eh ininit ko tapos kinain ko, wala pa naman ako nararamdaman..” patay malisya na sagot nito.
Natawa lang ako at umiling hanggang sinundan nito si Ate Sky naririnig ko parin ang pagtatalo nila. Nilingon ko ang asawa ko na umiiling lang, he’s really pain my ass mas lalo ngayon dito ito nakatira.
God.. help me and give me more patience..
-
It takes a monster to destroy the monster..