CHAPTER 49

2689 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA TULAD NG NAPAG usapan nag barko kami pabalik. Ang makita ko na nag eenjoy ang mga bata sa pag sakay ng barko ay hindi na ako natatakot na baka sumuka o mahilo sila. Dahil buong biyahe ay hindi ‘yun nangyari, “Happy kayo na nag barko tayo?” Tanong ko sa mga bata habang pauwi kami. Nakasakay na kami ng van pauwi, halos gabi na rin at dito ko lang naramdaman ang pagod. Nakapag usap naman kami Ace at doon ko nalaman na gusto ako maka usap ng presidente ng personal. Ngunit naiwan ito sa Boracay dahil gusto pa nito mag enjoy. “Opo Tita Mommy balik po tayo ulit doon ha? Tapos barko po ulit tayo..” lumambitin pa si Tres sa sandalan habang ito ang sumasagot. “Bumaba ka anak! D’yos ko kayong mga bata kayo bakit ba ang ha-hyper niyo..” wika ni ate Sky at suway nito. “Oo babalik tayo doon ulit, baba na delikado ‘yang ginagawa mo..” suway ko din dito. “Opo! Sorry mommy..” narinig kong paghingi nito ng paumanhin sa Mommy Sky niya. Nginitian ko ang asawa ko na siyang driver ngayon. HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA kami sa mansion, lahat ng gamit at binaba na nila Kuya, nag hiwa-hiwalay na rin kami ng daan dahil ang iba naman sa amin ay malapit lang sa binabaan namin kanina ang bahay nila. Inakyat ko muna ang mga anak ko at tinulungan ko ang asawa ko na mag akyat ng mga gamit namin. “Ako na dito Honey, asikasuhin mo na lang ang mga bata..” mahinahon na pagpapatigil ng asawa ko sa akin. “Okay lang Love, saka itong dalawa lang para hindi ka mahirapan mag akyat baba ng hagdan..” sagot ko at binuhat ko ito, hindi lang dalawa ang binuhat ko ng hindi nito nakikita. Lumabas na kasi dito ng buhatin ko kaya hindi ko sigurado kung narinig niya ako. Dinala ko na sa taas ang mga gamit nila ate Sky pati sa mga anak ko. Kumatok ako sa pinto nila Ate. “Ate Sky nandito sa labas yung ibang gamit niyo..” mahinahon kong tawag dito at umalis na ako. Pumasok ako sa kwarto at hinayaan ko muna ang mga gamit sa maleta dahil bukas ko na aayusin. Tulad ng dapat ko gawin nilisan ko ang mga anak ko at binihisan ng preskong damit. Ngumiti ako at hinalikan ko ang mga pisngi nito. “Ang lalaki na talaga ninyo, hindi ako makapaniwala na galing kayo sakin..” bulong ko at pinag hahalikan ko ito na may kasamang pang gi-gigil. Nang gumalaw ang panganay ko tumigil na ako at kinumutan ko ang mga ito. KINAUMAGAHAN maaga ako bumangon para linisin ang gamit na nagamit namin at nilagay ko sa laundry ito. Hinanda ko ang damit ng mga estudyante ko at ng asawa ko, ito ang daily and morning routine ko as a wife and a mother. Bago ako mag luto kailangan naka handa na ang damit nila para pag gising ng mga ito at maliligo na lang sila at baba para kumain. Nang matapos ako binaba ko ang gamit ng tatlo kong anak, isa isa kong tiningnan ang mga notes nila mabuti at wala silang assignments or projects man lang. Tumawag naman din ako kagabi sa adviser ng mga bata kasama kina ate, wala naman silang assignments talaga nag double check lang ako para kung meron magawa nila yung assignments at mahabol nila pwede naman ito. Nag luto na ako ng baon nila at agahan ng mga bata at ng lahat ng tao dito. Nagluto ako ng broccoli na gusto ng mga bata. Matapos nito inayos ko na ang baunan nila. Nang matapos ako sa lahat umakyat ako, alam ko na gising na sila dahil bukas na ang ilaw sa kwarto nila ate Sky. Pumasok ako at nakita ko na nag aayos ang asawa ko. “Good morning honey.. aga mo naman gumising..” bati ng asawa ko. Lumapit ako dito at inayos ko ang tie nito. “Yup alam ko kasi na papasok ka kaya ayan nag handa na ako. Oh? Hindi pa sila gising?” Tanong ko ng makita ko na tulog pa ang mga bata. Naramdaman ko na humawak ang asawa ko sa waist ko at humalik pa ito sa leeg ko. “Ayaw pumasok gusto pa daw nila matulog. Ganun din ang mga anak ni Ate Sky..” tumatawa na sagot ng asawa ko. “Love? Nag handa na ako ng baon nila..” sagot ko dito. “Hayaan mo na, mga pagod ‘yan saka sabado na bukas sa lunes mo na papasukin para buo ang isang week nila..” sagot ng asawa ko. Umiling na lang ako. “Kaya spoiled ang mga bata e.. okay fine, pero Love alis ako ha? Punta ako sa Bario Tinago..” paalam ko sa asawa ko para hindi naman ito nag hahanap lagi. Tumitig ito sa akin at ngumiti. “Hindi na lang din ako papasok samahan ka namin ng mga bata..” naka ngiti nitong sagot. “Ito talaga oh?! Mamaya may mag na missed out kana!” Sermon ko dito pero nakita ko lang itong nag palit ng damit. “Maligo kana Hon, kahit ano sabihin mo sasama kami..” tumatawa lang ito habang nag papalit. “Yung pagkain? Dalhin natin ‘yan doon, doon na rin kami kakain. Go honey make a quick!” Utos ng asawa ko sa akin. “Ayos ha? Ewan ko sayo gisingin mo na yung mga bata para mapa liguan narin ‘yan..” utos ko naman. “Hai (yes) commander..” sagot nito na kina iling ko na lang. Nag tungo na ako sa bathroom at inayos ko ang shower muna at nang pumasok ang mga anak ko. Inuna ko lang ang dalaga ko, pinalabas ko muna ang boys. “Humawak ka anak, madulas..” utos ko dito pero yumakap ito sa ulo ko na kina buntong hininga ko na lang. Nang matapos ito sinunod ko ang dalawang lalaki. LUMIPAS PA ANG ISANG ORAS, gusto ko mainis kasi lahat sila sumama sa akin. Wala naman silang mapapala sa lugar na ‘yun. Bumuntong hininga na lang ako habang nagmamaneho ng McLaren ko patungo sa Bario Tinago. “Imbes na hindi ako maka kuha ng atensyon? Wala na mas lalo ako makaka kuha nito..” bulong ko at kumabig na ako pakaliwa. Dala nila kuya ang ibibigay ko sa pamilya na tumulong sa akin. “Malapit na tayo..” wika ko ng buksan ko ang mic dahil pinatay ko ito at maingay si Damon panay kasi ito patawa. HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI maraming tao ang tumitingin sa sasakyan namin hanggang binilisan ko ang takbo ng sasakyan ko paakyat. Bumaba na ako ng sasakyan at nag lakad ako ng ilang hakbang, nang makita ko ang malaki at sementadong tindahan. Alam ko na sa mga Tinongko ito, kaya nag lakad pa ako. “Dito kami pumunta..” napa lingon ako kay Earl. “Oo dito ‘yun, alam ko dahil nakita kita kasama si Bryant..” sagot ko at pumasok kami sa malawak na daan. “Tao po?!” Tawag ko sa mga tao. “May tao! Paki nga muna Jun, tingnan mo baka habulin ng aso!” Narinig kong utos ni Nanay Marites. “Opo!” Narinig kong sagot ni Jun, hanggang lumabas ito at ng makita ako agad nanlaki ang mata nito. “Hi..” bati ko nakuha ko pang kumaway din. “Nay! Tay! Andeng! Nandito si Ate Flame!!” Pamamalita nito kaya natawa naman ako at sinenyesan ko sila kuya na ipasok ang sasakyan sa compound nila Tatay Rojelio. Nag lakad na ako papasok kasama si Earl ang asawa ko naman ay nasa sasakyan pa. “Ateeee!” Masayang salubong sa akin ni Andrea yumakap agad ito kaya naman yumakap din ako. “Kumusta ka? Pasensya na ngayon lang ako nakabalik..” pag hingi ko ng paumanhin. Nang makita ko si Nanay at Tatay ay niyakap ko din ito. “Salamat po ng marami..” magalang kong pasasalamat. Naramdaman ko ang mahigpit ng yakap sa akin ng mag asawa. “Hon..” tawag sa akin ng asawa ko. Kumalas agad ako at nilingon ko ang asawa ko kasama na nito ang mga bata. “Mabuti naman at ligtas ka, oh sino ang mga batang ito anak mo?” Tanong ni Nanay. “Ito pong tatlo anak ko, kambal yung dalawa ito naman panganay ko po. Yung apat na batang mag kaka-mukha pamangkin ko po. Sila po kuya ko Thunder at si Kuya Storm then the rest pinsan ko na..” pakilala ko at isa isa naman sila nag pakilala. “And this man, is my husband Blake..” pakilala ko naman sa asawa ko. “Hello po, salamat po sa pag aalaga sa asawa ko noong nandito po siya.” Pasasalamat ng asawa ko. “Ay naku wala ‘yun. Nakita naman ng mga bata siya na nahihirapan kaya dinala dito..” sagot ni Tatay. “Ay mamaya na ‘yang chikahan niyo! Mainit dito pasok tayo sa loob, Andeng, Jun mag bili kayo sa tindahan natin ng juice at yelo! Bili ha? Bayaran hindi pwede na kukuha lang..” mahabang paliwanag at utos ni Nanay kay Andeng at Jun. Ngumiti lang ako ng nakasimangot ang dalawa. Pag pasok namin sa loob natawa ako dahil hindi kami kasya, sa mga kapatid ko pa lang at Vlad. “Alam niyo? Sa labas na lang kami ang laki kasi ni Damon..” reklamo ni Kuya Thunder sabay turo kay Damon. Napa lingon naman si Damon ng marahas dito na may sumabit pa na pansit sa bibig niya. Kaya tawa ng tawa kami at ang buong anak ng Tinongko. “Tang*na mo Thunder! Mas malaki at mas matangkad ka pa sakin! Nanahimik ako kumakain dito bakit ako tinuturo mo? Ayan si Vlad oh!” Pagtatanggol nito sa sarili niya. Malalakas na tawanan ang bumalot sa bahay ng pamilya na tinulungan ako. “May dala nga po pala ako, sana magustuhan niyo po mga ‘yun. Hindi po siya paninda ha? Sainyo po talaga at baon ng mga estudyante niyo..” naka ngiti kong baling sa mag asawang Tinongko. “Ay nag abala ka pa Flame, hindi na dapat sobra sobra na ang binigay mo sa amin. Sa tindahan pa lang na ‘yan sa pang grocery namin para maka pag tinda kami, yung sa mais pa lang..” wika ni Nanay. “Nga pala Kuya Thunder, sa kanila galing yung mais na pinadala ko sa kumpanya..” naka ngiti kong pag amin kay Kuya Thunder. Narinig ko silang tumawa. “Sabi na! Ikaw lang nagdadala ng toneladang produkto sa kumpanya, gawain mo na ‘yan bata ka pa!” Sagot ni Kuya Thunder. Nag tawanan naman silang lahat na kina kamot ng ulo ko. “Honey, muntik na kaya mabulok ito kundi lang nagawan agad ng paraan..” mahinahon na wika ng asawa ko sa akin. “Sorry..” pag hingi ko ng paumanhin. “Nagkaroon kasi ng problema noon, masyadong binabarat sila ng mga kumukuha sa kanila ng mais. Humantong pa na mababaon sila sa utang..” paliwanag ko. “Kaya ka gumawa ng paraan?” Tanong ni Vlad sa akin. “Oo saka sadya ko din na ginawa ‘yun para ituro nandito ako sa lugar na ito..” sagot ko. “Like i always knew..” wika ni Demitri tapos na ito kumain. Mabuti nga at wala silang pili kumain sila kahit instant pancit canton ang agahan nila at pandesal na pinalamanan nila ng canton. “Kulang pa sakin..” napalingon kami lahat ng mag reklamo si Damon. “Ano ba ‘yang tiyan mo! May anaconda pa ba dyan?!” Tanong ni kuya Storm. “Andeng magluto ka pa! Nagugutom daw si Kuya mo Damon..” utos ni Nanay. “Tama na po ‘ya——” napa tigil ako ng takpan ni Damon ang bibig ko. “Gusto ko pa talaga, saka gutom pa po ako! Hehe..” pamimilit nito na kina tawa ng lahat. Tinabig ko ng kamay nito at tiningnan ko ito ng masama. “Naka ilang pancit canton ka ba? Halos sampung canton ang niluto nila hindi ka parin busog?!” Hindi ko makapaniwalang tanong dito. “Bakit? Hati-hati kaya tayo doon, kaya kulang pa nga ‘yun.. saka masarap yung kalamansi flavor..” sagot naman nito sa akin. Umiling na lang ako at hindi na nakipag talo pa. KINSE MINUTOS na ang lumipas at isa isa na nilalabas ng mga bata ang pinamili namin. Nakita ko ang saya sa mata nila ng makita na may bago silang damit at sapatos. “Nagustuhan niyo ba? Sana ay kasya o sukat man lang sa inyo kasi hindi ko alam size niyo binase ko lang sa mga sinusuot niyo kasi, noong nandito ako..” paliwanag ko. Nakaka kalong ang anak kong babae sa hita ko habang hawak nito ang cellphone ng kanyang daddy. “Opo ang ganda po nito lahat! Saka halata pong mamahalin. Salamat po!” Pasasalamat ni Andeng sa akin “Ang ganda nito! Akin po itong Jordan na sapatos?” Tanong ni Jun sa akin. Napa lingon ako sa asawa ko ng kalabitin ako nito at inabot ang ice popsicle sa akin para kay Ai. Kinuha ko ito at binigay sa bunso ko. “Oo sa’yo ‘yan, inayos ko na ‘yan may pangalan sa loob ng box diba?” Tanong ko at agad naman hinanap ng magkapatid. “Ay opo ito po! Akin nga ito! Ang daming damit saka sapatos! May sandals din na panlalaki..” naka ngiti nitong wika at isa isa nito nilabas. “Labhan niyo muna bago niyo ‘yan isuot dahil baka mangati kayo mas lalo sa mga damit..” bilin ko sa kanila. Tumango lang ang mga ito at binuksan ang iba pang box. “Kuya ang daming snack oh!” Tawag ni Andeng sa kuya niya. Pinunasan ko naman ang kamay ng anak ko dahil tumutulo na ang kinakain nito. “Oo nga! Saka ito Lays? Masarap ito diba? Mahal lang..” sagot ni Jun. kinuha nila ito at binuksan. “Ang sarap! Salamat po ate dito ng marami!” Pasasalamat ng mag kapatid sa akin. Tumango lang ako at binigyan din kami ng pagkain. Kumuha naman itong anak ko dahil favorite din niya ang snack na ‘yan. “Meron din sila Nanay at Tatay niyo na damit at marami pang iba, kung ano ang meron kayo meron din sila..” bilin ko para buksan nila. “Opo! Salamat po!” Sagot ni Andeng sa akin. Tumango ako at nag paalam na ako na lalabas na ako dahil huhugasan ko ang kamay ng anak ko. Naiirita na ito sa lagkit, “Anong nangyari sa anak mo? Ang dungis..” tanong ni Tatay na kina tawa ko. “Sa ice popsicle po ‘yun kasi kinain niya. Nilisan ko lang po..” paalam ko at hinalamusan ko ang anak ko. Nang matapos pinunasan ko ang mukha at kamay nito, “Ano? Okay lang kayo dito?” Tanong sa mga kasama ko. “Oo naman ayun nga si Damon oh! Nasa ilog nag hahanap ng crab daw..” sagot ni Azi. “Meron don, nakakuha nga ako noon. Yung nandito ako ha?” Sagot ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nito. “Ako din! Manghuhula ako! Oy pare! Meron daw sabi ni Flame, may crab daw d’yan..” hiyaw nito na kina iling. “Sila Tito po Mama para po silang bata..” wika ng anak kong bunso. Natawa naman ako at hinalikan ko ang pisngi nito. “Wala naman pinag bago ang mga Tito mo anak.. hayaan na lang natin d’yan sila masaya..” sagot ko sa anak. Tumango lang ito. “Mama si Daddy! Punta ako..” turo nito sa Daddy niya. Binaba ko ito at hinayaan ko na ito. “Love, yung bata..” mahinahon kong tawag sa asawa ko. Lumingon naman ito sinalubong anak namin ako naman ay tumalikod na. - We are devils who are searching for redemption..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD