THUNDER LAVISTRE
Ngayon alam na namin na hawak na ng Los Trados si Flame posible na gamitin nila ito laban sa amin. Napa tigil ako sa pag iisip ng maalala ko ang tumakbo sa isip ko.
“Posible ba na gamitin nila si Flame laban sa atin?” Tanong ko sa kanila habang nakatitig ako sa green na circle kung saan ito ay si Flame.
Sa rather namin ito sinusundan. “Hindi lang posible! Yun talaga ang gagawin nila! Hello si Flame na ‘yan ang pinakamalaking alas ng Organization nila!” Sagot ni Damon.
Nilingon ko ito dahil kanina wala ito dito nasa bahay ito binaliwala ko na lang ito. Napa buntong hininga ako at umiling, mahihirapan kami kung lalaban si Flame ng makatotohanan isa si Flame sa ayaw ko maka laban dahil hindi ito marunong mag dalawang isip.
CLINTON MATHEW CLEMENZA
“Mabuti naman at nakuha na ninyo ang babaeng ‘yan.” Wika ko ng finally nasa harapan ko na si Flame Lavistre.
Ang taong tumutulong ng palihim kay Ciara at sa mommy ko, “Balita ko nawalan ka ng ala-ala? Totoo kaya? Kung patayin ko kaya anak mo sa harapan mo?” Tanong ko dito at nginisian ko.
Ngunit nanatiling blangko ang mga mata nito at ang mukha nito. Hindi ko maiwasan hindi magalit dahil hindi ko kaya basahin ang laman ng isip niya, sinakal ko ito ngunit naramdaman ko na hindi lumapat ang palad ko sa leeg niya.
“Subukan mo, maaaring wala akong natatandaan pero alam ng katawan ko paano mag re-response sa mga katulad ng atake mo. Hindi kita kilala kaya kung para saan ang pag kuha mo sa akin ay hindi ko alam.. pero kapag nalaman ko natandaan ko na kung sino ka?” Sagot nito at pagtatanong nito sa huli.
“Tatapusin kita, ‘yun ang alam ng isip ko at laman nito. I will follow my instincts always remember that so, don’t ever lay your hands on me kung ayaw mo makita ang sinasabi kong sagot ng katawan ko..” banta nito at tinabig nito ang kamay ko.
Tumalikod na ito sa akin at nag lakad na palabas. “Sundan niyo siya 24/7 at siguraduhin na hinding hindi siya makaka tawag sa kahit sino.” Utos ko sa tauhan kong si Denver.
“Masusunod po boss..” sagot nito at umalis na ito.
Nilingon ko si Britney na nakaupo lang ito, ngunit may naka lagay ng oxygen dito dahil pinaglalaruan ito palagi ni Brent Lavistre Valencia o ang buhay mismo nito. “Matatapos din ito at makaka kawala ka din sa hayop na Valencia na ‘yun.”
THUNDER LAVISTRE
NAPA LINGON AKO NG UMILAW ANG BUONG paligid. Ibig sabihin may aatake sa amin, “Mag handa na kayo..” utos ko at kinuha ko ang gamit ko.
“Boss aatake sila sa harap ng marami tao, location BGC Makati ulit!” Wika ni Onze.
“Let’s go! Hatiin niyo ang grupo Vlad dito kana aatake sila dito, Ken, Azi at Blake sa mansion sila para sa mga bata! Wendy sumali kana!” Utos ko sa kanila.
“Yes boss!” Narinig kong sabay-sabay nilang sagot.
Mabilis akong sumakay ng sasakyan, ang hindi ko nabanggit ‘yun ang sasama sa akin.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI pag dating sa BGC nakita ko na maraming tao dito na nag kukumpulan sila. “Sino sila? Nakaka takot..” narinig kong wika ng babaeng nadaanan ko.
Nang may nag paputok sa langit napa yuko kami ni Storm at Ezekiel.
THIRD PERSON POV
“Thunder, si Clinton Clemenza ‘yan! Kasama ang mga tauhan niya!” Wika ni Vlad sa kanyang pinsan.
“Okay! Makinig kayo kapag dinamay nila ang mga tao na nandito tapusin sila..” utos ni Thunder sa lahat.
“Yes My Lord!” Sabay-sabay na sagot ng mga kasama niya.
Ngunit napa lingon ito ng may lumabas sa madilim na parte. Doon nanlaki ang mata ni Thunder ng makita ang nakaka batang kapatid nito na si Flame. “Flame?!” Tawag nila ng sabay sabay.
“Sa amin na ang leader niyo! Maganda din ito dahil ang mismong leader niyo ang nag traydor sainyo..” naka ngising wika ni Clinton.
Ngunit napansin ng mga bata ang mata ni Flame ang pasimplemg turo nito sa kanyang hawak na baril. “Teka sandali bago kayo magalit! Yung pag hawak niya sa baril ni Boss Flame at yung pag signal niya!” Wika ng dalagang si Mika.
Dahil doon napatingin sila sa kaliwanag kamay nito kung saan hawak nito ang baril nito. “Ang signal na ‘yun, kapag nasa kanan ang baril niya tatapusin ka niya dahil totoong bala ang nasa loob nito..” wika ni Earl.
Mula video kitang kita din ito ni Vlad. “Kapag nasa kaliwa ibig sabihin ang bala nito ay hindi nakakapatay..” seryosong sina-tinig ni Vlad ang ibig sabihin ng hand gesture ni Flame.
Agad nito nakuha ang ibig sabihin ng kanyang pinsan na si Flame. “Okay! DCN! Lahat ng bala na tatama sainyo mula kay Flame! Play along kung kailangan niyo gamitin ang isa sa mga inaral niyo sa kamay namin gawin niyo! Mag panggap muna kayong patay!!” Utos ni Vladimir.
Hindi naman maiwasan pag taasan ng balahibo ng mga Dela Vega sa narinig nila. “Nagpapanggap silang ubos para mangyari ang plano ni Flame..” wika ni YJ.
“Ito kasi ang ligtas na paraan para matapos na ito, ang isakripisyo ang sarili para nakaka rami..” wika ni Ken habang hawak nito ang kanyang 45 caliber.
“Hindi ba lalabas na mag ta-traydor siya sa grupo?” Tanong ni Hanz.
“Yun ang lalabas, pero sa amin hindi ito pag ta-traydor kundi personal sacrifice. Dahil may gusto siyang makuha. Hindi ito katulad kay Cleon na literal na ang traydor..” sagot ni Ken kay Hanz.
SA KABILANG BANDA naka tayo lang si Flame habang si Thunder hindi malaman kung tutukan ba ng baril si Flame o hindi. Hindi niya maiwasan hindi kabahan.
Maaaring hindi totoong bala ang nasa loob ng baril ng kapatid nita, pero ang sa kanya ay totoong bala ito. Hanggang naalala niya ang sinabi ng kanyang kapatid ng una itong naging leader bata pa lang ito ng panahon na ‘yun.
“Kung kailangan mo barilin ang kadugo mo gawin mo, hindi ‘yun kawalan mas lalo kung nasa kagipitan ka na. Darating ang oras Kuya na kailangan mo din akong tutukan ng baril sa ulo, ganun din ang gagawin ko sa inyong lahat..”
Pag alala ni Thunder sa katagang sinabi ng nakaka bata niyang kapatid. Kahit kabado si Vladimir at ang iba pa nitong pinsan sa gagawin nitong kilos.
“Kaya mo ‘yan Thunder..” bulong ni Vlad.
“Huwag mo biguin si Flame, ito ang gusto ng kapatid mo..” segunda ni Earl.
Habang huminga ito ng malalim at tinutok ang baril kay Flame at Clinton. “Wala akong pakialam kung gagamitin mo si Flame laban sa amin! Hindi kami papayag na wasakin niyo ang binuo ng nakaka bata kong kapatid!” Determinado nitong sagot.
Nanlaki ang mata ni Clinton sa sinabi nito. “Magagamit mo ang kapatid ko laban samin! Pero hindi ka mananalo tandaan mo ‘yan! Hindi kita patatapakin sa teritoryo namin! Subukan mo kung ayaw mo maaga ang pag sundo sayo ni Kamatayan!” Galit na pag babanta ni Thunder.
Yumuko si Flame at biglang ngumisi, wala itong kahit anong salita na binitawan.
Lumingon si Vlad kay Earl. “Yan ang ikatlo sa bloodline ng Mafia Bos..” wika ni Earl at tumalikod na ito at umalis.
Nang makalabas ito, “Yan ang totoong boss, walang pakialam kung kahit kadugo o kaibigan mo pa ang kalaban mo! Manatili ka sa boundary mo bilang boss hindi dahil may kailangan kang patunayan kundi ‘yun ang tama mo na gagawin..” bulong nito na sakto para marinig ng lahat.
“TAPUSIN SILA!” Galit na utos ni Clinton, agad umatras si Thunder kasama si Storm at Ezekiel.
Ngunit mas nagulat sila ng sumugod si Flame sa mismong harap ni Thunder. Bago pa siya masuntok ng kapatid agad niyang sinalo ang kamao nito gamit ang kaliwang kamay.
Hindi umiimik ang kapatid niya pero nagulat ito ng sundan ng pag tuhod sa kanya ni Flame sa kanyang kanang tagiliran.
Napa singhap ang lahat sa bilis ng atake na ‘yun. Napa luhod si Thunder sa sakit na binigay ng kapatid. “Flame..” tawag nito sa kapatid. “Hindi mo ba ako natatandaan? Kuya mo ako..” tanong nito.
Ngunit tumingin lang si Flame nagulat si Thunder sa nakita niya sa mga mata ni Flame. “Lumaban ka hindi dahil kapatid mo ang nakikita mo sa mukha ko. Lumaban ka dahil kailangan ka ng mga kasama mo,” makahulugan nitong wika.
Nang itutok ni Flame ang baril sa ulo ng kuya niya, agad tinabig ito ni Thunder at inundayan ng suntok ngunit agad napa yuko si Flame.
Hinawakan ni Flame ang braso ng kuya niya at walang kahirap-hirap nitong binalibag sa semento. Baka ngiti naman si Clinton sa nakikita niya.
Habang naka yuko si Flame nag salita ito. “Play along, pag tumayo ka sa harapan ni Clinton, may gagawin ako tiisin mo lang ang sakit..” bulong nito sa kuya niya.
Nanlaki ang mata ni Thunder. “Ibig sabihin..” hindi niyo natuloy ang sasabihin niya ng tumayo si Flame.
“Ngayon na..” utos ni Flame sa nakakatanda nitong kapatid.
Agad tumayo si Thunder at ng susuntikin niya ang kapatid ay agad siyang sinipa ni Flame sa dibdib na hindi nito inaasahan. “s**t! Ang sakit nun!” Inda ni Vlad.
Umatras si Thunder hanggang dumeretso ito kay Clinton. Dahil sa sabay silang natumba agad tumakbo si Flame upang kunin ang nahulog ni Clinton na kung ano.
“Lumayo ka saki—” hindi na natuloy ni Clintong ang sasabihin niya ng suntukin ito ni Thunder ng napaka lakas na naging dahilan para mawalan ito ng malay.
Habang si Flame ay hindi inaasahan ang suntok ni Storm sa kanya na naging dahilan para mawalan din ito ng malay.
“Kunin niyo si Flame!” Utos ni Thunder ng palapit sila kay Flame upang buhatin ito.
Pinaulanan sila ng bala ng mga tauhan ni Clinton. “Atras na!!” Utos ni Thunder.
“Pinag tataka ko lang wala sila Lance?” Tanong ni Storm.
HABANG ANG TINUTUKOY NILA AY NASA ITAAS NG BUILDING. “Kapag ito nalaman nila Boss Thunder? Mukhang mag kaka-pasa ang mukha ko..” napa buntong hininga na lang ang binata habang naka tanaw sa ibaba.
Kanina pa ang binata dito, dahil sinusundan nito ang kanyang amo. Syempre hindi siya pwede mawala sa tabi nito, ito ang tanging tao na mapagkakatiwalaan ni Flame sa mga plano nitong hindi dapat malaman ng iba.
Dahil si Lance lang ang taong hindi magagawang gipitin ng mga Lavistre at Valencia. Dahil alam nilang kay Flame lang ito sumusunod, susunod ito sa iba kung maliliit na utos lang pero kung confidential hindi mo ito mapapa kanta.
“Sana naman bilisan na ni Boss..” bulong nito at niligpit nito ang gamit niya at umalis sa lugar na kinalalagyan nito.
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE
“Ang sakit ng tagiliran ko, hindi ko inaasahan ang ginawa ng kapatid ko! Akala ko magiging mabait siya!” Reklamo ni Thunder nakita namin ang pinsala sa tagiliran nito.
Napakalaki ng pasa ang tinamo nito. “Si Flame magiging mabait sa pag atake? Yung mesa nga natin na babasagin isang palo lang nasira eh..” sabay tawang kwento ni Damon.
“Pwede ba umayos ka?! Lalagyan natin ng ointment!” Panininghal ni Madrid kay Thunder.
Nahihirapan na kasi huminga si Thunder dahil halos buto niyo mabali sa ginawa ni Flame. “Totoo bang narinig mo siyang inutusan ka na parang si Flame talaga?” Tanong ko kay Thunder.
“Oo narinig ko, bago niya ako sipain papunta kay Clinton rinig na rinig ko! Kaya paano niyo man lang hindi narinig ‘yun?” Sagot nito at pagtataka.
“Totoong wala kaming narinig, kaya baka guni-guni mo lang?” Tanong ni Demitri dito. Pero hindi na ito nakasagot ng patahimikin na ito ni Madrid.
Parang isang malaking bola ang pasa ni Thunder sa ginawang atake ni Flame, ang atake na ‘yun ay madalang gamitin ni Flame dahil sa napaka delikado nito.
Kaya ng tuhod ni Flame bumali ng buto sa tagiliran ng tao. Mabait pa siya ng pasa lang inabot ni Thunder.
“Kung totoo ang sinasabi ni Thunder. Ibig sabihin lang niyan, kailangan niyong sumakay sa trip ni Flame na gawin. Nakikita ko dito na sinusubukan kayo ni Flame kung hanggang saan kayo tatagal..” paliwanag ni Madrid.
“Hindi dahil gusto niya kayo pahirapan, gusto niya kayong makita na lumaban ng kayo lang ng hindi niyo kailangan ng utos mula sa kanya. Upang hindi na kayo maliitin ng mga kaaway niyo na kung hindi dahil kay Flame? Hindi kayo malakas..” paliwanag ni Madrid sa amin at kinuha na ang gamit niya.
“Huwag niyo masamain ang sinabi ko pero minsan, kailangan niyo na tumayo sa sarili niyong paa at mag desisyon. Dahil sa oras na mag bitiw na si Flame sa position kayo na lang ang lalaban. Pero matagal pa ‘yun nararamdaman ko..” sagot nito at tinapik nito ang balikat ko.
“Sana maintindihan niyo din ang ibig kong sabihin, tandaan niyo may pamilya na si Flame.. hindi siya pwede mamatay dahil mawawalan ng ina ang mga anak nila ng asawa niya kaya kailangan niyo sana itong maintindihan..” huling paliwanag nito at tuluyan na itong umalis.
“Tama siya. Pakiramdam ko ang lungkot kung mag bibitiw na si Flame sa position niya?” Patanong na wika ni Damon.
Bumuntong hininga ako at umiling. “Mauna na ako, kayo umuwi na kayo..” utos ko at lumabas na ako ng hospital.
Nang nasa parking ako nakatingin ako sa kalangitan. “Tama ka Madrid, alam ko na minsan ng naisip ni Flame ang mag bitiaw sa pwesto.. pero sana huwag muna dahil ang DCN ay walang kwenta kung wala siya.” Bulong ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.
ANDREA TINONGKO
Nang makasakay kami ng buss ni Kuya Jun sinabi namin kung saan kami baba. Dahil may direksyon si ate na sinabi. Hindi pala kami pwede dumaan kung saan nahulog si ate.
Kasi sabi sa sulat delikado dito.
“Okay ka lang?” Tanong ni Kuya Jun sa akin. Masarap ang simoy ng hangin sa dahil ordinary bus ang sinakyan namin at hindi aircon.
“Opo, inaantok ako kasi ang sarap ng hangin..” sabay tawa ko. Tumawa si kuya at hinawakan ni Kuya Jun ang ulo ko at pinatong sa balikat niya.
Sa oras na maibigay ko na ito sa mga Kuya ni Ate Flame, siguro makaka kawala na si ate sa mga kamay ng pagpapanggap.
LANCE ALEXANDER HADISSON
“Mika, ano ito?” Tanong ko at tinuro ko ang bilog na kulay green gamit ang nguso ng sniper ko.
“Ah ‘yan po ay ‘yung nag susuot ng necklace ni Boss Flame..” sagot nito hanggang mapa tingala ito ulit. “Luh?! Nag move siya palabas na siya ng Bario Tinago?!” Gulat na tanong nito kaya naman hindi ko maiwasan hindi mag salubong ang kilay ko.
“Ibig sabihin may pupuntahan siya? Pero saan?” Tanong ko sa kanila.
“Papunta siya sa Maynila. Sakay sila ng bus..” sagot ni Alice.
“May kutob ako na papunta sila sa mga Boss natin..” sagot ni Divine.
Hindi naman ako kumibo at tini-tigan ko na lang ang pagalaw ng bagay na yun. Palihim akong ngumisi, kapag nalaman na nila Boss Thunder ang totoo bakit nagawa ito ni Flame sigurado ako na maiintindihan na nila lahat.
Tama naman sila sa mga iniisip nila una pa lang, dahil ‘yun naman talaga ang gusto iparating ni Boss. Ang kailangan na lang namin ngayon ay ang utos niya upang malaman namin saan tinatago ni Clinton ang magulang nito at ang mga kapatid nito.
Ito ang dahilan bakit kailangan namin gawin ito. Sino ba ang boss ko? Syempre si Boss Flame wala ng iba, kailangan ko sumunod sa lahat dahil ‘yun ay utos din sa akin.
Nagiging patas ba ako? Hindi ko alam kayo na ang humusga ng bagay na ‘yun..
-
You grow what makes you suffer.