DEMITRI VALENCIA LAVISTRE
TININGNAN KO NG MALAMIG ANG nagsisilbing pamangkin ko na rin na si Aithne. Sinabi sa amin na kailangan paiklian ang pangalan ng mga bata.
Dahil umiiyak sa haba ng pangalan, pumayag na kami akala din namin papalitan dahil hindi kami papayag mas lalo na si Flame.
Napa taas ang kilay ko ng umiyak si Aithne at tumakbo kay Thunder. “Sabi na mukha ka talagang sanggano Demitri kesa sakin..” wika ni Damon sabay tawa pa nito.
Sinamaan ko naman ng tingin ito. “Ano ba ginawa mo at umiyak?” Tanong ni Thunder sa akin.
“Tito Demitri keeps staring at me right through my eyes po. And I'm scared..” sumbong ng pamangkin ko.
Lalo naman natawa si Damon, nirolyo ko ang hawak kong notebook at pinalo ko ng malakas kay Damon. “Hindi ako naasar sa sinasabi ni Aithne! Sa tawa mo ako napipikon!” Inis kong sagot dito.
“Araaay!! Buong lakas ‘yun ah?! Para mo akong sinuntok sa ulo!” Singhal nito pero binaliwala ko ito.
Panay parin ito kamot sa ulo niya. “I’m sorry baby, may iniisip lang si Tito. Come?” Tanong ko dito at pag hingi ko ng tawad.
“Opo..” magalang na sagot nito at nag pabuhat naman sa akin din.
Naramdaman ko naman na yumakap ito sa batok ko na hinayaan ko na lang. “Ai! Sa susunod ‘wag kana titingin kay Demitri ha? Baka kasi bangungunitin ka..”pang aasar na naman ni Damon.
“Pag talaga sinapak ka ni Demitri hanggang bukas tulog ka..” pananakot ni Azi kay Damon.
Lumayo na lang ako sa mga ito at ang iingay. “Tito? Bakit ka po hindi nagpagupit? Saka ito pong balbas po ninyo, hindi po maganda..” malambing na tanong sa akin ni Aithne.
“Diba baby? Hindi maganda? Para siyang yung mga sa pelikula na pinanood natin? Yung mga nangunguha ng bata?” Tanong ni Damon dito.
Nang tumango naman si Aithne. Nag tawanan silang lahat dahil sa sagot ni Aithne sa tito niya. Tiningnan ko ng masama si Damon na agad naman nag tago.
“Tito Damon? Ayaw mo din po mag pa ganito?” Tanong ni Pyrrhos sabay turo sa balbas ko.
Ano bang trip ng mga batang ‘to at ako ang ginawang topic? Napa simangot na lang ako. “Kayo po tito Thunder? Tito Storm?” Tanong ni Pyrrhos.
“Naku hindi na bale, Pyr ayoko mag mukhang sanggano! Akala mo talaga bagay sa kanya Pare? Hindi talaga promise..” sagot ni Damon na kina iling.
“Oo na mag shave na ako bukas!” Pa singhal kong sagot dito.
Umiling na lang ako ng tumawa sila.
DAMON VALENCIA LAVISTRE
Nang mag hapon naka kita ako ng mga kabataan na naglalaro ng basketball kasama ko si Ken kasi bumili kami ng pagkain. “Sali tayo?” Tanong ni Ken.
“Oo ba?!” Sagot ko at agad kong pinadalhan ng text si Blake na uuwi kami bago mag 6pm kasi naglalaro kami ng basketball.
“Pwede sumali?” Tanong ko sa kanila.
“Opo sakto kulang kami ng dalawa!” Sagot ng isang lalaki.
“Damon pala pangalan ko at ito si Ken..” pakilala ko at nakipag kamay ako.
Sakto naka rubber shoes ako dahil sa mansion naman kami galing hindi sa Underground o office. “Damon, magkalaban tayo, pahiram kami isa sa kanila tapos ako doon! Para patas..” suhestiyon ni Ken.
“Okay..”sagot ko.
Nang maging okay na ang lahat nag umpisa na ang laban. Pag pasa sakin ng bola agad naman humarang si Ken. “Hahaha talagang seryoso ka na bantayan ako ah?” Tanong ko dito habang tumatawa.
“Oo alangan naman mag patalo kami?” Tanong pabalik na sagot ni Ken na kina tawa ko.
Nang ipapasa ko ang bola agad naagaw sakin ni Ken ang bola na kina gulat ko. “Oy! Foul ‘yun!” Asik ko.
“Hindi! Hindi ka naman niya tinamaan!” Sagot ng babae. Umiling na lang at tumakbo ako agad.
Nang mag two-two points na ito agad kong tinalunan ito para supalpalin ang bola ngunit agad nito binaba at binato ang bola mula sa gilid.
“Hayop! Anong tira ‘yun?!” Tanong ko nang pumasok ito natawa ako kay Ken.
“Tawag don? Hindi ako papayag na supalpalin ang tira ko..” sagot nito at tumakbo na ito sa kabilang side namin.
“Ah ganun?!” Tanong ko ng ibigay sakin ang bola.
Nasa half court ako ng itira ko ang bola sa 3 points ng line, naka tingin lang kaming lahat hanggang napaka linis ng pumasok ito sa net. “Yes!” Hiyaw ko at tumakbo ako paatras.
“Idol!” Sigaw ni Ken at sinaluduhan ako nito.
Pero nanlaki ang mata ko ng itira nito ang bola sa kasing layo katulad sa akin. “Woah! Mga basketball player ata mga ito eh! Ang galing nun ang smooth ng pasok!” Sigaw ng mga nanonood.
“Grabe parang tumitigil ang bola sa ere!” Narinig kong kasama ng kakampi ko.
Well, ganyan ang isang Ken Xerxes Verswell. Ang MVP ng basketball noon siya ang best player dahil sa galing nito sa 3 point line.
NANG MATAPOS ANG GAME umuwi na kami habang pinag uusapan ang nangyari. “Ang galing mo pa rin pala mag laro ano??” Tanong ko kay Ken habang paakyat kami ng mansion.
“Hahaha magaling ka din, mas lalo kapag inatake kana ng adrenaline rush mo..” sagot nito na kina kibit balikat ko.
“Mas lalo ka walang mintis kahit free throw. Mamigay ka naman. Tambakan daw ba kami ng halo 30 points? Paano namin hahabulin ‘yun?!” Tanong ko dito na kina tawa nito.
“Pero ang galing mo talaga!” Papuri ko muli dito..
Grabe kapag sumagot ako ng 2 points sasagot ng 3 points tapos puro pa ako foul at mga kasama ko. Edi mas lalo wala na kaming naging laban.
ANDENG TINONGKO
“Ate sasama ka sa kanila?” Tanong ko kay Ate.
Tiningnan ako ni Ate Flame. “Oo, Andrea may inilagay ako sa ilalim ng altar niyo pag alis ko basahin mo at ibigay mo ‘yun sa nakasulat na address at sa taong hahanapin mo..” utos ni Ate lumabas na ito.
“Anak kilala mo ba sila?” Tanong ni Nanay umiiyak na ako kasi aalis na si Ate.
“Hindi po pero, malalaman ko din naman po ‘yan, huwag kayo mag aalala babalik po ako..” magalang na sagot ni Ate Flame kay nanay.
Gabi na aalis pa sila. Niyakap ni ate si Nanay at may ibinulong ito kay nanay na nagpapalaki ng mata ni Nanay. Nang kumalas si Ate Flame kay nanay, nakita ko na may sinuot ito sa kamay niya isang relo at kinuha nito ang baril niya at sinukbit sa likod niya.
Suot niya ang damit na suot niya ng mahanap namin siya. Doon ko nakita na ibang tao talaga siya kasi parang hindi siya katulad namin.
“Andrea..” tinawag ako nito kaya agad kong lumapit at hinawakan nito ang necklace ko. “Ililigtas kayo ng necklase na ito sa oras na idamay nila kayo dito. Yang necklace na ‘yan ay ibabalik mo pa sakin..” ngumiti ito at tumalikod na ito. Nakita ko pa ang pang ngisi nito.
Ngisi na parang sinasabi na nag tagumpay siya. “Sakay..” utos ng lalaki na naka maskara nakita namin ang mukha nito kanina lusaw ang mukha nito.
Pinunasan ko ang luha ko at ng umalis na sila hanggang mawala na sila sa paningin namin. “Parang ang lungkot ng bahay ng wala na si Ate Flame..” bulong ko.
Kahit sa maikling panahon masasabi ko na masaya na may iba pa lang tao sa bahay niyo kahit limitado lang itong mag salita.
Pag pasok ko ng bahay agad kong pinuntahan ang altar at hinanap ko ang sinasabi ni Ate Flame.
May nakita akong sobre at papel, binuksan ko ito at doon ko nakita ang nakasulat. “Gamitin niyo ang pera na ito mag tayo ng tindahan para sa pangkabuhayan niyo, hindi man oras ng anihan ay hindi kayo magugutom. Lahat ng kailangan niyo sa inyong bukid darating bukas kasama ang titolo ng lupa na binili ko para hindi na kayo nakikisaka, upang hindi na rin mabawasan ang maliit na kita ng iyong Tatay.” Basa ko dito.
Hindi ko mapigilan hindi maluha at mag umpisang humikbi. Binasa ko pa ang iba pang naka sulat. “Ang pangalan ng lupa at isasalin sa inyong mag kapatid upang kapag may nang gipit sa magulang niyo wala silang magagawa kasi kayo ng kuya mo ang may ari. Kung nagkataon naman na gipitin parin kayo, huwag kayo mag alala nandito ako kahit malayo ako tutulong ako tawagan niyo at mag padala lang kayo ng message sa akin. Asahan niyo may darating tulong..” basa ko pa dito.
“Ano ‘yan anak?” Tanong ni Tatay.
“Sulat po ni Ate Flame, Tatay binili po ni Ate Flame ang lupa pong naka sanla binalik na po sa atin binigyan tayo ni ate ng Pera para magpatayo ng tindahan para hindi tayo nagugutom kapag hindi pa anihan at hindi na tayo mangungutang pa..” umiiyak kong paliwanag at pinabasa ko ito sa magulang at kuya ko.
May nakita pa akong sulat binuksan ko ito. “Andrea, Jun. Nanay Marites at Tatay Julio. Hindi ko man masabi ng harapan sobra akong nagpapasalamat sa binigay ninyong tulong sakin. Hindi ko inaasahan na may tumutulong sa akin matapos ko mahulog sa falls na ‘yun, akala ko mamatay na ako akala ko hindi ko na makikita ang mga anak ko..” basa ko dito na kina gulat naming lahat.
“May anak na siya?!” Tanong ni Kuya.
“Ako po si Flame Morjiana Lavistre - Dela Vega hindi po nawala ang ala-ala ko pero kailangan ko po magpanggap upang hindi kayo mapahamak. Hanggang sa pag alis ko mananatili akong walang natatandaan sana gawin niyo din po ito. Kung ano man marinig niyo tungkol sa akin kayo na ang bahala kung maniniwala kayo..” panapos ko dito.
Napa tingin ako kay kuya Jun, “Tama tayo! Hindi talaga siya nawalan ng ala-ala nag iingat lang siya!” Natatawang wika ni Kuya.
“Sino ba ang taong ‘yun?” Pag tatakang tanong ni Tatay sa amin ni kuya.
“Kilala po siya bilang mamatay tao. Kaaway ng gobyerno pero tumutulong din po siya sa mga mahihirap, hindi ito alam ng mga tao dahil palihim po nila ito ginagawa isa din po siyang Mafia Boss, mayasman sila may bilyon bilyon ang kanilang asset..” sagot kong paliwanag.
Napa nganga ang magulang ko at nakita ko ang isang papel. Pero hindi ko agad ito binuksan, “Paano niya tayo hindi pinatay kung ganun kalagim ang imahe niya?” Tanong ni Nanay.
“Dahil hindi naman niya po tayo kaaway, base sa mga nakuha po namin na info noon. Mga kaaway lang niya at kumakalaban sa pamilya ang kaaway niya. Mas lalo na ang gobyerno at mga kapwa nila mafia..” sagot ni kuya Jun.
Inabit ko ang sobre kay Itay. “Kayo na po ang bahala d’yan, magpagawa po tayo ng gusto ni Ate Flame para po sa atin, ayaw ko po siya biguin Tatay, Nanay..” ngumiti ako.
Binuksan ito ni Tatay dalawang sobre ito na may lamang pera. “Bukas na bukas gagawin na natin ito..” sagot ni tatay tumango ako.
“Pero Tatay, Nanay mag papaalam po sana ko na luluwas po ako kasi kailangan ko po ito ibigay ang mga ito sa nasa litratong ito na mukhang asawa po niya ito o mga kapatid..” pinakita ko ang sulat.
“Sige pero mag iingat kayo ha? Gawin niyo ‘yan para maka balik kayo agad.” Pag payag ni Nanay at Tatay.
Tumango ako at sinabihan kami ni Tatay na mag pahinga na kami, sinunod namin ito at natulog akong nasa ilalim ng unan ko ang sulat.
Bukas ko ito babasahin bago kami aalis. Dahil ramdam ko na napaka importante nito para ibilin sa akin ni Ate Flame. Ngumiti ako habang nakapikit ng marealize lahat ng ginawa ni ate ay para sa amin pala lahat ng ‘yun.
“Napaka bait niya..” bulong ko.
THUNDER LAVISTRE
“Anong sabi mo Alice? Bukas ang location na ni Flame?” Tanong ko dito habang kausap ko ito sa kabilang linya.
“Opo ngayon lang, nasa Bario Tinago po ito. Pero pinag tataka ko batang babae po ang may hawak..” sagot nito.
“Pupunta kami d’yan.” Sagot ko at binaba ko na ang tawag ko.
“Tara na kailangan natin makita ‘yun!” Utos ko at hindi na ako nag palit ng damit ko. Nag takbuhan na kami patungo sa mga sasakyan namin.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI. Nakita agad namin ang tinutukoy ni Alice.
“Posible ba nandun si Flame?” Tanong ko kay Alice.
“Wala boss kasi gumagalaw ang locator ni Boss Flame gamit ang relo nito. Nasa ibang location na po ito papunta sa Los Trados..” sagot ni Onze na kina lingon ko.
“Kung ganun nasa mag kaibang lugar si Flame?” Tanong ni Damon.
“Ano ba kayo? Syempre hindi? Ano hatiin ang katawan tao?!” Tanong ni Azi tumawa naman si Damon naka pantulog pa ito.
SpongeBob. “Teka talagang pantulog mo ‘yan?!” Hindi maka paniwalang tanong ni Storm dito.
“Gago hindi! Yung pamangkin mong babae may gawa nito may headband pa nga akong bunny oh! Mag skin care daw ako? Parang napaka rumi ng mukha ko ah?!” Pabalang na sagot nito na kina tawa namin lahat.
Tama siya may dala siyang headband i mean suot pa nito. Hindi naman ito bago kasi siya ang gusto ng mga bata na gawing human toy, game na game naman kasi siya.
“Posible lang dito na binigay ni Flame ang necklase niya sa batang babae na ito for some reason dahil gusto niya itong protektahan. Alam ni Flame na makikita natin ito, kaya alam niyang ma po-protektahan natin ang babae o ang pamilya nito.” Singit ni Ken.
“Okay sang ayon ako kay Ken, yung ang naiisip kong dahilan bakit kailangan ni Flame ibigay ang isang necklace niya..” sagot ni Vlad.
“Kung ganun hintayin muna natin ano magiging kilos nag batang ‘yan. Anong pangalan niya may info na ba tayo??” Tanong ko kay Mika.
“Opo pumasok po ang profile niya, Andrea Tinongko, 15 years old. Student at Grade 9 high school..” sagot ni Mika at nakita namin ang mukha ng batang babae.
“Teka siya yung napag tanungan namin ah?” Tanong ni Bryant.
Nilingon namin ito at ako naman ay lumingon kay Earl. “Sabi na andun si Flame hindi ako pwede mag kamali. Nararamdaman ko ang presensya niya ng oras na andun kami, pero hindi ko siya nakita doon..” sagot ni Earl.
“Maybe Boss Earl, nakikinig lang siya habang nag tatago..” sagot ni Bryant.
Tumango lang ito at hindi na umimik pa. “Mukhang talagang pag tataguan tayo ni Flame..” wika ni Damon at nag unat pa ito.
“Oo nga pala si Ava?” Tanong ni Storm.
“Hindi ko po alam may aasikasuhin daw po siya kasama si Barbie..” sagot ni Bryant tumango na lang kami at nag desisyon na kami umuwi na dahil inaantok na ako.
Pag labas namin nag salita si Storm. “Mukhang mag uumpisa na ang totoong laban.. ngayong naka pasok na si Flame sa mundo ng kaaway.” Maka hulugan na wika ni Storm.
Hindi ako kumibo pero tumango ako bilang sang-ayon. Sigurado ako na umpisa na ito ng totoong laban.
-
Pain is the price you pay for progress..