ANDREA TINONGKO
Kinaumagahan nagulat kami na napakaraming naka men in black na naghahanap sa amin. “Ano pong kailangan niyo?” Tanong sa kanila ni nanay.
“Nakita niyo po ba ang babaeng ito? Hinahanap po kasi siya ng Kuya niya..” sagot ng lalaki at pinakita sa amin ang isang litrato.
Pinagmamasdan ko ito at doon ko nakita si Ate Flame. “Ay hindi eh..” sagot ni Nanay. Tama baka kasi masama sila at anong gawin nila kay Ate.
“Ganun po ba? Sige po salamat..” pasasalamat nito at umalis. “Negative pre..” pag sasabi nito sa kasama niya.
Kung nandito si Ate makikita nila si Ate pero wala si Ate, kasama niya si Tatay nang huhuli sila ng isda. Dahil gusto nito ng isda ang ulam niya.
HINDI NAGTAGAL NAKABALIK NA SILA Tatay at Ate Flame, sinabi namin ang nangyari kanina pero si ate Flame hindi man lang ito umimik.
“Mukhang nakakarami ka hija ng kanin, dahan dahan ka lang..” natatawang wika ni Tatay kay Ate.
Ngumiti ito doon ko nakita ang lalim ng dimple ni ate, hindi ito umimik dahil may laman ang bibig ni Ate.
Nang matapos kami kumain habang naka upo ako sa ilalim ng puno at ganun din si Ate Flame. Nag salita ito, “Pwede ba ako mang hiram sayo ng papel at ballpen? May isusulat lang ako..” pagtatanong ni Ate.
Nilingon ko ito at tumango. “Opo saglit lang po..” sagot ko at tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay ay nag tungo ako sa kwarto namin.
Kumuha ako ng kailangan ni ate at patungan na din. Matapos nito dali-dali akong lumabas at lumapit kay ate.
Nang makita ko itong mag sulat lumayo muna ako baka kasi hindi siya komportable. Naka silip lang ako sa ginagawa niya, mabilis itong mag sulat habang tahimik lang ito.
“Anong ginagawa niya? Bakit ka andito?” Tanong ni Grace sakin.
“Humingi siya ng papel at ballpen sakin kaya ayan nagsulat siya. Lumayo lang ako kasi parang hindi siya komportable..” paliwanag kong sagot. Tumango ito at nilingon ko muna si ate nagsusulat pa rin ito.
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE
“Totoo ba ang sinasabi mo Blue?” Tanong ko dito.
“Opo, kumpirmadong nag punta po ang mga tauhan ng Los Trados sa ibaba ng Sierra Teresa sa Bario Tinago..” sagot nito at pinakita sakin ang video na kuha ni Barbara.
“Kailangan malaman ni Thunder ito at ng iba pa.” Sagot ko at nilingon ko si Mika. “Tawagan mo sila ngayon na..” utos ko dito.
“Gagawin na po..” sagot nito at humarap ito sa computer nito.
Nang makapasok na kami sa linya ng lahat nag salita na ako. “Guys, nakakuha ng evidence si Blue at Barbara tungkol sa pag punta ng Los Trados sa Bario Tinago. Tama tayo Thunder na hahanapin talaga nila si Flame..” pagbabalita ko.
“Okay mas maganda ‘yan, sa ngayon huwag na muna natin ipaalam na may alam tayo sa plano nila. Kung ito ang dahilan bakit hindi nag papakita niya sa atin? So be it gawin natin ang plano niya..” sagot ni Thunder.
“Pero kailangan natin ipakita sa Los Trados na wala tayong alam, ipag patuloy parin niyo ang pag punta doon. Kahit hindi na kayo mag hanap,” putol ko at umayos ako sa pagkaka-tayo ko.
“Ipakita lang natin sa Los Trados na sila ang panalo ngayon. Kapag nangyari na ang plano ni Flame saka na tayo kikilos doon natin malalaman ano ba talaga ang gusto niyang mangyari..” paliwanag ko.
Dahil may bagay na tumatakbo sa isip ko na ayaw kong sabihin na posibleng dahilan.
Isa lang naman naiisip ko. Ang kumampi o sumapi si Flame sa Los Trados habang kinukuha nito ang information na gusto o tapusin ang mga ito sa loob.
Pwede din naman kasi para iligtas sila Donya Amelia kung buhay pa ang mga ito..
Ngunit ayoko itong sabihin pa sa kanila dahil napaka labo pa ng gustong ipakita sa amin nitong rason.
“Gawin parin niyo ang unang plano,” utos ni Earl na nasa kabilang linya lang.
“Yes My Lord!” Sagot ni Barbara at Blue.
BLAKE SHIN DELA VEGA
“Daddy! Gusto ko po nun!” Himutok ng anak kong lalaki na si Pyrrhos.
Umupo ako para makapantay ito. “Hindi ‘yun pwede una, hindi naman masarap na palaman ang sardinas anak..” mahinahon kong paliwanag dito.
Ngunit nag kamot ito ng ulo ng marahas. “Pero.. daddy gusto ko po nun kakain po ako nun!” Napa tampal na lang ako sa noo ko dahil nag tantrums na naman ang anak ko.
“Anong problema niyan? Bakit umiiyak ‘yan?” Tanong ni Thunder.
Bumuntong hininga ako at tumayo. “Halika ka na..” aya ko sa anak ko at binuhat ko ito. “Gusto niya kumain ng tinapay..” sagot ko at inupo ko ang anak ko sa mesa ng kitchen.
“Oh! Edi pakainin mo hindi naman kayo nauubusan dito..” may konting pag tataas sa boses nito, hindi ko gaano ito pinansin dahil natural lang ang reaction niya dahil tito siya.
“Ang kaso kasi, gusto niya ng palaman na Sardinas..” sagot ko habang naka ngiwi. Napangiwi din ito sa narinig niya sa akin.
Kumuha ako ng isang lata ng Sardinas at binuksan ito. “Hey, Pyr. Hindi maganda lasa ng combo na gusto mo baka mag LBM ka niyan..” awat ni Thunder dito.
“Tito gusto ko po nun..” sagot ng anak ko kumuha na ako ng tinapay at nilagyan ko ito sardinas yung mismong laman lang.
Ito lang naman ang kinakain niya ayaw niya ng may sauce. “Hay, ang weird ng cravings mo pamangkin. Blake okay na ba kayo dito? Gusto niyo ba dito kami matulog para may kasama kayo?” Tanong ni Thunder sa akin.
Inabot ko sa anak ko ang tinapay niya nakita ko itong naka ngiti at agad gad kumagat. “Kung pwede sana, mas lalo ang mga kasama ko ay si Ate Sky lang at mga bata.” Pag payag ko.
Mahirap na malagay ang mga bata sa alanganin. “Okay sige tatawagin ko si Storm andito naman din si Damon..” sagot nito.
“Salamat..” pag hingi ko ng pasasalamat at lumabas naman ito.
Nilingon ko ang anak ko na sarap na sarap sa kinakain niya. Napa iling na lang ako minsan hindi ko din maintindihan ang cravings ng mga anak ko sabi nga ng asawa ko hayaan na lang as long hindi naman masisira ang t’yan.
At hindi lang ito nakakasama o nakakalason. Humalik ako sa noo ng anak ko at inayos ko ang buhok nito. Ayoko pagupitan ito kahit sa bunso ko sinabi ko sa asawa ko na okay lang ang bangs pero ayoko pa pagupitan.
Saka na kapag 10 years old na sila, pero gusto ko ako ang unang mag gugupit. “Gusto mo pa?” Tanong ko dito.
Tiningnan ko ang oras sa wall clock nakita ko na mag aalas diyes na pala ng gabi. “Opo daddy, one last po..” kinagat ko ang hintuturo nito dahil ang liit ng kamay.
Ngumiti ako at binigyan ko pa ito. “After nito mag toothbrush ng maigi okay?” Tanong ko dito. Tumango ito.
Matapos kumain ang anak ko, pinatulog ko na ito dahil tulog na din ang dalawa ko pang anak. Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga anak ko. “Malapit na bumalik ang Mama Flame niyo..” bulong ko at tumabi ako sa mga anak ko.
KINAUMAGAHAN NAGISING AKO si Damon ang naghatid sa mga bata at Storm.
Ang mga dalaga naman ay ako na dahil iba ang oras nila. “Crystal, Winter mag asikaso na kayo ihahatid ko kayo..” utos ko at inayos ko ang baunan ng dalawang dalaga.
Gusto nila mag baon dahil ayaw nilang nagugutom medyo mahal din kasi ang pagkain sa cafeteria nila sa school.
“Opo mag bibihis na lang po ako kuya..” sagot ng kapatid ko tumango ako at tinabi ko ang baon na kanin at ang snack ng dalawang dalaga sa kanilang bag.
“Okay, hintayin niyo na lang ako dito maliligo lang ako at mag bihis..” utos ko at kinalabit ko si Nanay Fe na siya na ang mag linis ng kusina dahil mahuhuli na ako.
“Ako na sige na pumasok kana..” sagot ni Nanay Fe.
“Salamat po..” pasasalamat ko at nag tungo na ako sa silid namin.
MATAPOS KO MAG AYOS LUMABAS NA AKO. “Girls. Get in the car na..” utos ko habang pababa ako.
“Tama na ang cellphone Crystal..” utos ko dito. Tumigil naman ito at lumabas na kami pinag buksan ko sila ng pinto ng sasakyan at pumasok na ang dalawa.
Pumasok na rin ako at inilabas ko ang sasakyan. HINDI NAGTAGAL NAKARATING na kami school ng dalawa. “Girls. Kung may bakante kayong oras puntahan niyo sa elementary campus ang mga bata. Paki check sila okay? Sabihan niyo na huwag lalabas ng gate ay sasama kung kani-kanino..” bilin ko sa dalawa bago sila bumaba.
“Opo. May time kami mamaya puntahan po namin..” sagot sa akin ni Winter.
“Salamat tawagan niyo ako o itext dahil hindi rin ako mapapakali..” pakiusap ko.
Tumango naman ang dalawa sa akin at humalik sa pisngi. “Ang bilin namin ha?” Tanong ko sa kanila.
“Huwag mag paka-stress dahil hindi namin kayo hinihingan ng mataas na grado ang importante naka pasa. Mag aral ng maayos at wag makipag away, mag enjoy habang nag aaral rin at mag enjoy bilang teenager!!” Sabay sabay na wika ng dalawang dalaga na kina tawa ko.
“Kuya ano ka ba? Kabisado na namin ‘yan! Opo! Ingat ka po babye!” Paalam ng dalawa at pumasok na ito sa gate.
Ngumiti lang ako at nag maneho na ako patungo sa kumpanya ko.
LUMIPAS PA ANG HALOS APAT NA ORAS nakatanggap ako ng tawag mula sa school ng mga bata. Sinagot ko ito agad.
“Good day, napa tawag po kayo?” Tanong ko sa Guidance Counselor.
“May problema po ba?” Tanong ko ulit at sinara ko ang laptop ko.
“Ay wala Mister Dela Vega. Gusto ko lang po kayong papuntahin sa school sana ngayon dahil ang inyong tatlong anak ay umiiyak.” Mahinahon na sagot nito.
“What?! Sige po pupunta na po ako..” sagot ko at binaba ko ang tawag ng hindi hinihintay ang sasabihin nito.
Kinuha ko ang coat at susi ng sasakyan ko. Paglabas ko nakasalubong ko si Hanz, “Oh saan ka pupunta? Nagmamadali ka?” Tanong nito.
“Paki cancel ang meeting ko kay Earl sabihin mo sa school emergency lang, pinatawag ako tapos imove mo ng 4pm ang meeting ko sa finance department..” sunod sunod kong utos dito at nag lakad na ako patungo sa loob ng elevator.
Hindi nagtagal nakarating na rin ako.
HANZ DELA VEGA
“Bakit daw hindi matutuloy ang meeting?” Tanong sa akin ni Earl.
“Kasi may emergency sa School ng mga bata pinatawag siya..” sagot ko naman dito over the phone call.
“Okay sige, pupunta na lang ako ng sa bahay nila mamaya..” sagot nito ay binaba ang tawag ko.
Napa iling na lang ako at inayos ko ang gamit ng pinsan ko. Matapos nito lumabas na ako at nilock ko ang pinto para walang makapasok sa loob. Kung ako ako ba ang secretary ni Blake? Hindi Operation manager ak sa factory ako minsan naka pwesto. Minsan umiikot lang ako para masigurado na ayos lang ang lahat.
Babae ang sekretarya ni Blake at wala siya ngayon dahil day off..
May susu naman si Blake kung babalik ito.
BLAKE SHIN DELA VEGA
Nang makarating ako sa campus ng mga bata dumiretso ako sa Guidance Office. Hindi naman ito malayo sa parking lot.
Kumatok ako at agad naman itong pumasok. Nakita ko agad ang anak ko. “Daddy!!” Tawag ng tatlo sa akin.
“Pumasok kayo, wala naman problema may konting reklamo lang ang mga anak mo at nag tungo sila dito..” nakangiting wika ng Counselor at ang teacher naman ng mga anak ko ay ganun din.
“Ano po ba inirereklamo nila? Tahan na..” pinunasan ko ang luha ng mga anak ko.
Pinakita sa akin ng teacher nila ang pangalan ng anak ko na kina ngiwi ko. “Nag pa quiz kasi ako sa mga bata kasama ang twins. Ngayon nag sabi kasi agad ako ng number 1 yung kambal nasa pangalan pa lang pala nila doon sila nagsimula umiyak..” natatawang kwento niyo na kina ngiwi ko.
“Tapos hindi na po sila tumigil sa pag iyak?” Tanong ko kay Teacher Deserie, tumango ito habang tumatawa.
“Kaya gusto ko sana irequest sa inyo kung pwede ba na iklian ang pangalan ng mga bata kahit 2 names lang para hindi sila hirap. Hindi naman ito nakakaapekto sa daily life nila as a student sinabi ko na rin rin ito sa principal pumayag naman sila kayo na lang po ang hindi pa namin nakakausap.” Mahabang paliwanag nito.
Tiningnan ko ang nga anak ko. “Ganun din sana kay Morrigan dahil ang haba ng pangalan niya. Nahihirapan ang bata..” wika ni Teacher Annie.
Tumango at kinausap ko ang mga bata. “Okay iklian na lang muna natin ha? Importante yung last name at name ni mama okay ba?” Malambing kong tanong sa mga bata.
“Opo daddy, kasi pagod po ako sa pagsulat ang haba ng pangalan ko..” reklamo ng bunso ko na kina tawa ko.
Tumango at binalingan si Cloud. “Okay ka ba doon kuya?” Tanong ko dito.
“Opo din daddy..” sagot nito.
Nilingon ko ang mga teacher ng mga anak ko. “Sige po, sa bahay pag usapan namin ng mga bata..” sagot ko at tumayo na ako.
“Sige Mr. Dela Vega. Iuwi niyo na rin po ang mga bata..” sagot sa akin ni Teacher Deserie.
Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mga anak ko, habang si Cloud naman ay dala dala ang susi ng sasakyan ko.
“Daddy! Si Tita Crystal at Tita Winter oh!” Turo ni Cloud sa ibaba.
“Okay okay, watch your step..” utos ko dito at bumaba kami sa tatlong baitang na hagdan.
“Hey!” Suway ko ng mag lambitin ang kambal sa braso ko mabuti at nakuha ko agad ang gusto ng mga ito.
“Kayo talaga, napaka kulit baba na at ang bigat niyo..” utos ko agad bumaba ang lalaki kong anak at si Ai ay binuhat ko na.
“Yeney! Buhat ako ni Daddy!” Masayang wika nito na kina ngiti ko.
“Kuya akala ko ba si Kuya Damon mag sundo?” Tanong ni Crystal sakin.
“Pinapunta ako ng guidance, mauna na kami si Jimmy mag sundo sa inyo..” paalam ko at sagot ko dito.
“Sama na kami, kasi po may meeting daw po ang mga teacher ng 2pm kaya wala na kaming pasok..” sagot ni Winter sa akin.
Kaya pala may dala na silang bag. “Okay sige. Sa parking tayo. Pakisundo ang quadruplets girls..” utos ko sa dalawang babae.
“Okay po.” Mabilis naman ang mga ito nag tungo sa building ng mga bata. Kami naman ay ang hintay sa ilalim ng puno.
“Daddy pahiram po ako nito..” turo ng anak kong si Pyrrhos sa suot kong suit.
Hinubad ko ito at inabot sa anak ko. Umupo naman sa hita ko ang bunso, habang si Cloud nakikipaglaro sa mga friends niya.
“Daddy, kailan po uuwi si Mama?” Tanong ng anak kong babae.
“Malapit na anak, pag uwi ni Mama dapat bigyan mo siya ng mahigpit at big hug saka maraming kiss! Mama love that kasi..” sagot ko habang naka ngiti.
Humagikhik ito at tumango. “Yes daddy, I will po!” Sagot nito at niyakap ako ng mahigpit nito.
I know she’s okay, hindi ako natatakot o nababahala kung nasaan man siya ngayon. Kilala ko ang asawa ko hindi ito basta basta mapapa suko.
-
Life is a game where you can choose to play or be played with..