THUNDER LAVISTRE
NAPA TAYO AKO NG SABIHIN SA AKIN ni Ava ang nangyayari sa labas ng kumpanya. “Boss ano gagawin natin? Hawak nila ang iba ninyong empleyado!” Tanong ni Ava sa akin.
Agad akong kinuha ko ang baril ko at inalis ko na ang suot kong suit. “Tawagin mo silang lahat at ipaalam ang nangyari!” Utos ko at nag lakad na ako patungo sa hagdan hindi na ako nag elevator, dahil kapag ganito ang nangyayari hindi ligtas ang gumamit nito.
“Kuya Danny! Sabihan mo ang control room na ipatigil ang lahat ng elevator! Para maiwasan ang pag sakay!” Utos ko ng maka salubong ko ito.
“Sige Sir!” Sagot nito bumaba na ako habang sinusuot ko ang earpiece ko.
“Kayong lahat huwag kayong didikit sa salamin at pinto! Papasukin ko dito ang mga Yakuza na ito! Sabihan niyo ang lahat! Mag tungo kayo sa huling palapag sa taas at safe kayo doon. Mag hagdan kayo!” Utos ko sa mga empleyado.
“Kilos!” Utos ko at tumalikod na ako. Nag takbuhan naman ang mga ito paakyat.
“Kailangan natin ang mga Dela Vega..” wika ko ng makalapit si Damon.
“Negative, pati sila sinugod din. Habol nila ang mga ito, at ang anak na lalaki ni Flame si Pyrrhos..” sagot nito sa akin.
“Bwiset!” Mura ko at bumaba na kami sa unang palapag.
EARL LOYD LAVISTRE
“I-ikaw yung tinatawag nilang blood sucker, ikaw yung umubos ng mga kalaban gamit ang asido..” natatakot na wika ng lalaki sa harapan ko.
Tiningnan ko ito ng malamig, gumagapang ito paatras. “Wala naman akong pakialam sa tinatawag ninyo sa akin. Ang gusto ko lang huwag niyo pakialamanan ang mga bata!” Gigil kong sagot dito.
Hawak ko ng 45 caliber ko puno pa ang bala nito. “Ano na kayo kumilos kayo! Barilin niy——” hindi nito natapos ang sasabihin niya ng barili mn ko ang asawa nito sa harap ng napakaraming tao sa loob ng isang restaurant.
Nanlaki ang mata nito at ang mga tao maman ay kanya kanyang sigaw. “Tumawag kayo ng pulis! Yung babae binaril niya buntis yung babae!” Hiyaw ng tingin ko ay babae.
Yumuko ako at nag salita. “Ngayon anong pakiramdam ng idamay ang ibang tao? Mas lalo kung walang kinalaman? Sabihan mo ang tao mo na tumigil sila, dahil kung hindi ang susunod kong bala ay tatama sa pinakamamahal mong anak..” pag babanta ko dito at tumayo ako ng tuwid.
“Hindi kami titigil kailangan tapusin ang anak ni Flame at Blake banta ang anak nila sa position ni Boss Matsuhiko..” sagot nito sa akin.
“Kung ganun..” bulong ko at pinag babaril ko ng tuluyan ang asawa nito diretso sa t’yan nito kung saan may sanggol dito.
“HINDEEEE! Hayop ka papat*yin kita!” Sigaw niyo at tinutukan ako ng baril nito.
Tinutok ko naman sa kanya ang hawak ko. “Kung si Flame marunong maawa at makonsensya? Ako hindi mas lalo wala siya para diktahan ako..” sagot ko at binaril ko ito kasabay ng pag baril din nito sa akin.
Pero umiwas lang din ako kaya hindi ako natamaan. Nang bumagsak ito lumabas na ako ng parang walang nangyari. “Azi, Blue, Ken at Bryant! Tapusin niyo ang lahat ng Yakuza na makikita niyo huwag kayong mag titira!” Utos ko.
“Yes boss!” Sagot sa akin ng tauhan namin kasama ang pinsan ko. Sumakay ako ng sasakyan ko at agad kong dumeretso ng Kumpanya.
Alam ko na may hindi magandang nangyayayri doon. Hindi nagtagal nakarating na ako, tama nga ako.
“Thunder, umiwas kayo bubunguin ko sila!” Tawag ko kay Thunder.
“Hindi pwede hawak nila mga tao natin..” sagot nito agad. Hindi na ako umimik,
“Ava at Lance! Kumilos kayo barilin niyo sila huwag niyo tatamaan ang mga tao natin!” Utos ko sa dalawang sniper.
“Yes Boss!” Sabay na sagot nito. Bumaba na ako at kinuha ko ang bago kong baril at sinukbit ko ito sa tagiliran ko.
Kung nandito si Flame ano ba ang unang gagawin ni Flame? Syempre ang iligtas muna ang mga tauhan namin bago sila tapusin.
Pero hindi ito gagana ngayon. Hawak na nila ang tao namin. “Ezekiel? Nasaan ka?!” Tanong ko dito at pumasok ako sa exit at doon ko nakita kung gaano kahirap ang sitwasyon.
THIRD PERSON POV
“Kailangan niyo kayanin hangga’t wala ako. Mag isip kayo tulad ng isang Leader, lahat kayo pwede maging Leader ang importante tama lang din ang gagawin niyo..” bulong nito habang naka tanaw lang ito sa malayong distansya. Tumalikod na ito at nag lakad na muli sa kakahuyan at inabot nito ang hawak nitong binoculars sa kanyang bagong tauhan.
“Kapag nangyari na ang nasa plano magpakita kana sa kanila..” utos nito at umalis na lang ito agad.
HABANG NAG KAKAGULO ANG LAHAT LUMITAW NA SI Vladimir at inagaw ang mic kay Demitri. “Makinig kayo Thunder, Damon at Earl kayong nasa loob ng kumpanya natin, barilin niyo sila sa ulo! Deretso punto asintado ang gawin niyo!” Pag uutos ni Vlad.
“Delikado kuya!” Awat ni Demitri.
“Mag tiwala lang kayo. Ava at Lance humanda kayo dahil kayo ang totoong babaril. Thunder gagawin namin kayong panlito sa kalaban!” Paliwanag ni Vlad.
Napakahirap ng ginagawa ni Flame ganito pala siya kapag inuutusan silang lahat, kailangan niya maging malinaw ang mga mata niya.
“Okay kuha namin!” Sabay sabay nilang lahat na sagot kay Vlad.
Nakita nito na nakikipag laban din si Hanz at Yj sa mga Yakuza na ito. Hindi nila alam na patay na kanilang amo.
SA KABILANG BANDA KAHIT natatakot si Damon na gawin ang plano wala siyang magagwa. Dahil hindi naman maliligtas ang mga empleyado nila kung titigan lang nila.
Agad tinaas ni Damon ang baril nila ay nang sabay-sabay nilang paputakan ang kalaban. Doon na bitawan ng mga ito ang mga bihag. “Takbo!” Sigaw ni Thunder agad silang sumugod at pinagbabaril ang lahat ng natitirang Yakuza.
“Kuya nag tagumpay ka..” bulong ni Demitri dahil ang plano niya ay umayon sa kanya.
Naka hinga sila ng maluwag lahat dahil dito, “Ang galing mo Vlad!” Papuri ni Damon at Azi.
HABANG SI Blake, Hanz at YJ ay naipit na dahil kasama nila ang mga bata. “Kapag minamalas ka nga naman..” bulong ni Hanz
“Kaya ba natin sila?” Tanong ni YJ sa kanila.
“Hindi po namin kayo pababayaan..” narinig nila ang mga boses ng babae. Walang iba kundi ang mga assassin ni Flame.
“Nasa paligid lang kami laging naka sunod dahil ito ang bilin sa amin ni Boss ang bantayan ang mga bata at kanyang pamilya..” wika ni Jenny habang si Madrid naman ay pinapanood ang balita sa Tv.
“Kung hindi ikaw ang amo ko? Hindi ko gagawin ito, pero hindi kita pwedeng biguin ayoko mag sisi..” makahulugan nitong wika at tumalikod na ito.
“Ano kaya talagang plano ni Boss Flame ano?” Tanong ng kapatid nitong Nurse na si Cindy.
“Simple lang, ang wasakin ang kalaban mula sa loob..” sagot nito na kina-singhap ng kapatid nito.
SA KABILANG BANDA. “Huwag niyo hahayaan na makalapit sila sa sasakyan ni Boss Blake!” Utos ni Jenny.
Agad sumugod si Jenny at Yuri sa mga kalaban. Kapwa nakatakip ang mga mukha nila.
Habang ang naiwan na mga babae at sinigurado na walang makaka lapit hanggang may hugutin ang isang lalaki na granada! “Baba!” Sigaw ni Barbara at binuksan ang pinto binuhat niyo ang tatlong bata.
Tumakbo si Jenny at Yuri at kinuha ang ibang bata. Agad binuhat ni Blake ang mga anak niya, tumakbo naman si Cloud kasama si Hermione patungo sa kabilang parte ng kalsada.
“DAPA!!” Sigaw ni Jenny at nang ibato ng lalaki ang granada may mabilis na bagay ang dumaan sa ere pa lang na naging dahilan para sumabog ito pababa sa sasakyan.
Sa lakas ng impact nito tinamaan si Jenny ng debri ng sasakyan sa tagiliran. “Jenny! Ang tagiliran mo ang daming dugo!” Sigaw ni Barbara.
“Huwag ka lumapit! Ilayo mo na sila dito bilisan niyo! Kaya ko pa!” Utos ni Jenny.
SA HINDI KALAYUANG DISTANSYA NAKA TAYO ANG ISANG BABAE. May hawak itong isang Archery na yari sa metal at may suot din itong itim na gloves.
Ang mga palaso nito at yari sa bakal na may lason ang talim. “Hindi kayo mamatay sa simpleng palaso lang..” bulong nito.
Naka tayo ito sa tuktok ng building kitang kita nito ang buong pangyayari. Tatlong palaso ang plano nito pakawalan sa unang tira.
Inunat nito ang pana at mabilis nitong pinakawalan ang palaso.
Sunod-sunod ang ginawa nito lahat ng natitirang kalaban ay tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ang iba sa kanila ay buhay pa, pero hindi nag tagal agad namatay ng nag suka ng dugo dahil sa lason na anak nakalagay sa palaso.
“Sino ang may gawa nun?! Palaso ba ‘yun?” Tanong ni Hanz..
“Isa lang kilala ko na magaling gumagamit ng palaso..” sagot ni Blake at tumingin kung saan nakatayo ang nag pakawala ng palaso.
“Ang asawa ko, ito ang paboritong libangan ng asawa ko bata pa lang siya. Mahilig siyang mamana. Asintado ang asawa ko, na parang sumasabay ang hangin sa kanyang palaso sa tuwing papakawalan niya ito..” mahabang paliwanag nito.
HABANG ANG babae ay umalis na ng tuluyan. Doon lang nilang lahat nakita ang malaking naging damage ng nangyari.
Habang si Jenny ay dinala nila sa hospital dahil malala ang natamo nito.
ANDREA TINONGKO
“Grabe sila pala ‘yung mga Mafia?” Tanong ko habang na nonood kami ng balita.
Si ate Flame naman hindi ko alam nasaan ang sabi kasi niya sa amin mang huhuli daw siya ng isda. “Sino kaya yung tumulong sa kanila? Ang astig niya palaso lang gamit niya?” Tanong ng kaibigan ni Kuya na si Jonathan.
Napa lingon ako ng makita ko si ate Flame na may dalang isda na malalaki. “Oh? Ang dami niyan ate! Kakanin natin ‘yan?” Tanong ko at agad akong lumabas.
“Oo, mag iihaw ako ng bangus. May mga ingredients naman kayo ano?” Tanong ni Ate sakin.
“Opo..” sagot ko at nakita ko itong kinuha ang knife at umupo ito. Nilisan muna nito ang isda pinanood ko siya na pinapanood din pala nila kuya Jun.
Ang galing niya humawak ng kutsilyo hindi pa niya ito tinitingnan din.
Nang hiwain niya ang isda binaliktad lang niya ang talim ang flat na parte yun ang ginamit niya para makuha ang mga laman loob at bituka ng isda.
“Ang galing, kapag si Andrea gumawa niyan napisil pa yung mapait!” Sabay tawang wika ni kuya.
Ngumuso naman ako at tiningnan ko ito ng masama. “Okay lang ‘yan hugasan mo lang ng maigi. Para hindi ito masama sa pagkain..” mahinahon na sagot ni Ate Flame.
Biniletan ko naman si kuya at nang matapos si ate inalis niya ito ng kaliskis. Pinakuha niya ako ng kailangan nilang ilagay sa bangus.
Bali apat na bangus ang nakuha ni Ate, may mga palaisdaan kasi dito at pwede ka doon mangisda ikaw ang bahala manguha libre ito, pero kung ang kukuha ay iba may bayad ito.
Nakita ko kung gaano ka bilis si Ate mag hiwala ng mga kamatis. Ihuhuli daw kasi niya ang mga sibuyas at luya saka bawang dahil gulay ang mga ito.
Nang mabalot niya ito at matahi nakita ko kung gaano kalinis si ate na gumawa nito. Wala kang makikitang kahit anong gulo o dumi.
Nag linis ito ng kamay at nag pa apoy naman ito sa uling at nang ilagay niya ito. Hinayaan na niya ito.
THUNDER LAVISTRE
“Kay Flame nga ang palaso na ito..” wika ko ng makita ko ang nakuha nilang mga palaso.
Hindi ko hinahawakan ito dahil may lason. Ang silver na kulay nito ay nawawala na naging itim dahil sa lason. “Kung ganun alam talaga niya nangyayari?” Tanong ni Hanz sa amin.
“Oo ‘yun ang sigurado alam talaga niya ito..” sagot ni Vlad dito.
Pabuka na ang bibig ko ng may narinig akong parang may kumukulo na kung ano.. “What the? Sino ‘yun?” Tanong ko.
Napa lingon ako kay Damon dahil dito ko naririnig. “T’yan ko ‘yun! Tuloy ka lang gutom na ako!” Asik nito at tumalikod na ito sa amin.
“Hayop na taong ‘to! Kakain lang natin mga isang oras pa lang ah?” Tanong ko dito.
“Isang oras na ‘yun! Kaya gutom na ako! Lumipas na ‘yun..” sagot nito.
Nag tawanan naman kami, dahil hindi talaga ito nabubusog kahit anong pakain mo dito. “Mag pa check up ka kaya baka may problema metabolism mo..” singit ni Ava.
Nilingon ko ito may dala itong box ng pizza. “Tingin ko wala naman problema sa metabolism niyan, sadyang patay gutom lang talaga ‘yan..” nakasimangot na sagot ni Earl.
Nakita namin si Damon na nakahiga at parang batang kumakain ng pinaka paborito niyang pagkain. Napa buntong hininga na lang ako.
“Kailangan natin paghahandaan ang pagsugod ng mga kalaban sa atin sigurado ‘yan..” wika ko.
“Pinag tataka ko lang, hindi ata sumusugod ang mga Los Trados?” Tanong ni Ezekiel.
“Yan din ang iniisip ko..” pag sang-ayon ni Vlad dito.
“Baka pinagtutuunan nila ng pansin ang paghahanap kay Apoy? Saka okay lang ‘yun! Yari sila kay Apoy..” singit ni Damon nilingon ko ito.
“May alam ka ba??” Tanong ko dito.
Tumigil ito sa pag subo at tumingala ito. “Wala! Baka lang naman..” ngumu-nguya ito sabay ngiti sakin.
“Umayos ka Damon! Nangangapa na kami dito!” Asik ko dito.
“May ilaw Thun! Huwag ka mangapa!” Pilosopong sagot nito sakin.
Dinampot ko ang matigas na pinapatong ko sa mga papeles ko. “Tang*na ka! Ikaw—” pasugod na ako ng awatin ako ni Storm.
“Pagpasensyahan mo na kuya! Ganyan talaga kapag kulang sa buwan ‘yan!” Awat ni Storm sakin na kina tawa ng lahat.
“Ayos ah? Akala mo siya sobra sa buwan!” Narinig kong sagot ni Damon.
“Tumigil na kayong dalawa. Mas nakaka stress bangayan niyo kesa sa problema natin!” Awat ni Earl..
“May problema pala tayo! Akala ko kasi wala..” tanong ni Damon.
Narinig kong nag kasa ng baril si Earl kaya lahat naman kami inawat ito. “Relax Earl!” Natatawang awat ko dito.
“Busog na ako! Uy yung cactus ko!” Narinig kong wika ni Damon at tumayo ito.
Napa iling na lang ako dahil sa pagiging bata isip ng isang ‘to. “Oy oo nga pala, may nambully kay Winter sa school ah?” Napanlingon ako sa sinabi ni Damon.
Dala dala nito ang kanyang Cactus. “Hindi mo sinabi agad?” Tanong ko dito.
“Ako na bahala doon..” sagot nito at pinagmasdan ang cactus na binili niya.
Napa lingon kami ng puro tawanan ang naririnig namin habang may papasok sa pinto. “Tumatawa kayo?” Salubong ang kilay ni Demitri habang nag tatanong.
“Naka tapak po kasi sya ng ta* ng aso! Tawang tawa lang po kami..” sagot ni Blue kasama nito si Ayano.
“Anong meron sa ta* na tuwang tuwa kayo! Hindi niyo ba alam na nanahimik lang naman sila sa daan? Nasasaktan din sila!” Sagot at tanong ni Damon. Tiningnan ko ito ng masama.
Lumayo agad. “Ngayon lang ako naka kita ng tao na tuwang tuwa sa ta*! Best friend mo??” Tanong ni Damon kay Blue at Ayano.
Tawa naman ng tawa si Azi sa mga naririnig niya. “Ganda ng topic, ta* talaga!” Wika nito na kina iling ko na lang.
“Gago! Ayano ang baho mo amoy ka ta* ng aso!” Asik ni Damon dito.
Napa yuko ako at hindi ko mapigilan hindi matawa sa sinabi ni Damon. Si Ayano at Blue naman ay panay tawa lang din.
-
Only the dead have seen the war end..