THUNDER LAVISTRE
Nang maidala namin lahat sa barko ang mga bagahe binigyan ko ng pera si Kuya Danny upang makabili din siya ng makakain niya kapag nasa loob na siya.
“Damon, magsabi ka sa mga tao natin na mag abang na lang sila bukas, mamayang hapon o gabi ang dating ni kuya Danny sa Maynila..” utos ko kay Damon ito ang kasama ko at ang kapatid ko.
May iba pa kaming kasama tulad nila Earl at Ezekiel. “Okay nasabi ko na, oo nga pala nasa Hotel na sila Vlad pala kasama ang iba..” sagot nito.
Nilingon ko ito saglit at tumango ako. Nilingon ko si kuya Danny hanggang nagsabi na ang mga taga barko na aalis na.
“Mag ingat po kayo!” Sigaw ko at kumaway pa ako.
Nag thumbs up lang ito at kumaway din. Hinintay na muna namin silang makalayo hanggang mawala sa paningin namin bago kami bumalik ng hotel.
HINDI NAG TAGAL BUMALIK NA KAMI umaga na ng maka balik kami, dahil bumili pa kami ng pagkain sa agahan. Nag hiwalay na kami ng mga kasama ko dahil ang iba ay maliligo pa.
Dumeretso ako sa room number nila Blake at Flame. Kumatok muna ko. “Flame? Gising na ba kayo?” Mahinahon kong tanong.
“Titoooooo!” Narinig kong tawag ng pamangkin kong si Aithne.
Ngumiti lang ako hanggang bumukas ang pinto. “Good morning tito!” Bati nito sa akin. Yumuko ako at binuhat ko ito.
“Good morning sunshine! Where’s Mama and Daddy?” Bati ko dito at pumasok na ako sa silid nila.
“Mama is now on the bathroom taking her shower, daddy is making us breakfast..” sagot nito. Tumango naman ako saka ako pumasok ng kusina.
“Blake, paki naman itong dala ko pag kain ito..” tawag ko dito at inabot ko sa kanya ang paper bag.
“Salamat, iniit ko lang ‘yung hinatid na pagkain sa hotel. Sakto ito kakain muna tayo tapos mag lakad lakad tayo..” sagot nito at pasasalamat.
“Mauna muna kayo, text niyo na lang kami o kung sino maiiwan maliligo pa ako..” sagot ko dito at binaba ko na si Aithne.
“Tito! Sasama ka po?” Tanong ni Cloud sa akin. Hinawakan ko ang buhok nito at ginulo ko.
“Oo naman syempre hindi pwede na hindi ako sasama..” naka ngiti kong sagot dito na kina ngiti nito.
Bumaling ako kay Blake. “Mauna na ako ha?” Paalam ko.
“Salamat dito, ako na bahala mag text mamaya..” sagot nito.
Lumabas na ako ng room ng mag asawa at nag tungo ako sa sarili kong kwarto dito. Sa totoo lang kasama ko ang kapatid kong lalaki dito pero hindi ito dito natutulog doon ito sa dalawa kay Azi at Damon.
Hinayaan ko na lang dahil mag kakaedad naman ang mga ito.
AVA OLIVIA LEVESQUE
NAPA TINGIN AKO SA MAGANDANG dagat ng makarating kami sa kwarto na pag stay-in namin dito sa Boracay. “Mabuti at sumunod ka..” napa lingon ako ng marinig kong nag salita si Boss Flame.
Agad akong yumuko bilang pag galang dito. “Kayo po pala, opo kahit minsan lang gusto ko makapunta sa ganito..” magalang kong sagot.
Tumango naman ito. “To be honest? Gusto kita para kay kuya Vlad hindi para kay kuya Thunder..” napa lingon ako sa sinabi ni Boss sa akin.
“Boss..” tawag ko dito ngumiti lang ito at umiling.
“Pero hindi ko pwede silang diktahan, kaya ko lang naisip o nasabi ito dahil ayaw naman ni kuya Thunder na maging kanang kamay ka niya. Kaya sa akin ka muna mag ta-trabaho..” paliwanag nito.
“Hindi mo ba sila pwede diktahan? Bakit? Mukha naman kasing susunod po sila sa inyo.” Tanong ko kay Boss Flame.
Sumandal ito sa malaking puno bago mag salita. “Dahil ang diktahan sila ‘yun ang dating gawain ni Lolo sa kanila o sa amin. Ako lang itong hindi mahilig sumunod kaya halos mag p*****n kami ni Tanda noon.” Kwento nito at lumingon sa akin.
“Hindi ko na pwede gawin ang ginawa na sa kanila noon, kaya kung ano man ang gawin nila. Okay lang sa akin as long hindi ito nakakaapekto sa pamilya..” wika muli nito at lumingon ito sa dagat.
“Ayoko din matulad kay Lolo na balang araw baka maging halimaw din ako katulad niya. Sa totoo lang wala akong plano mag asawa, pero sinusubok din ako ng pagkakataon alam ng asawa ko na ayaw ko sa kanya pero hindi siya sumuko..” kwento nito.
Totoo pala ang kwento na wala talaga siyang plano na mag asawa. Buong akala ko din baka fixed marriage sila pero base sa taon ng ikasal sila, patay na ang lolo nila kaya naisip ko na totoong kasal talaga ito ng hindi pinilit.
“Minsan ka lang talaga makaka tagpo ng lalaki na kaya kang ipag laban kahit alam niyang dehado siya. Malaking pamilya kayo, kung gugustuhin lang ng kaaway niyo matagal na siyang patay..” wika ko at lumapit ako dito.
“Panahon na nakikipag laban ako kay Lolo, doon ko na realize na hindi ko dapat pakawalan pa si Blake. Hindi ko man inamin sa kanya ng diretso na gusto ko siya dahil hindi ko pa alam noon ang nararamdaman ko? Alam ko naman sa sarili ko na ayaw kong mapahamak ang taong ito at ang buong pamilya niya..” kwento nito.
Mukhang ito ang unang beses na mapag usapan ito. Knowing her hindi siya gaano nag ku-kwento. “Nangako ako sa kanya na babalik ako, kahit alam ko na maaaring hindi na dahil alam ko sa sarili ko na magiging wanted ako. Lagi ko lang silang pinapanood sa malayo dahil ayoko silang malagay sa alanganin dahil sa akin. Isa pa ayaw ko iwan si Lola na inaalagaan ko noon ng tumira ako sa gilid ng tambak na basura.” Kwento nito na kina laki ng mata ko.
“Ginawa mo ‘yun boss?” Gulat na tanong ko.
Tumango ito. “Dahil wanted ako, kung sa bundok kasi ako titira wala naman ako makakain doon oo mabubuhay ako pero hindi ako tatagal. Kaya nag desisyon ako mag tungo sa Navotas at doon ako nag trabaho naging mailap lang ako sa mga tao dahil ayoko na makilala ako nila..” paliwanag nito.
Nakakamangha siya, nagawa niya ang bagay na ‘yun ng hindi man lang siya nag da-dalawang isip?
“Mahirap syempre, pero ginamit ko ang lakas ko sa mga naging training ko noon. Nag trabaho pa ako sa isdaan noong nabulag si Lola ako na ang lahat kumilos. Hanggang maka alis kami doon dahil inalis na ng presidente ng bansa ang patong sa ulo ko sa pagiging wanted. Pero kinuha na si Lola sa akin may tatlong taon na ang lumipas, mas mabuti na ‘yun para makasama na niya ang magulang niya na lagi niyang kinu-kwento sa akin..” paliwanag nito at tumingala pa si Boss sa langit.
“Bilin ko nga kung mapupunta siya sa langit.. kung pwede paki bati na lang ang mga magulang namin nila kuya..” nakangiti nitong wika.
Lumingon ito sa akin hindi ako umiimik dahil gusto ko makinig sa mga kwento niya. “Natatandaan na kita..” wika nito na kina taas ng isang kilay ko.
“Ano po ibig mong sabihin?” Tanong ko dito dahil nalilito ako.
“Ikaw yung grade 5 student noon tapos ako grade 3 that time. Kasali ka sa girl scout sa elementary, nag aaral ka sa Silangan Elementary School diba? Sa San Mateo at doon din kayo tumira?” Hindi naalis ang ngiti nito.
“O-opo! Doon nga kami tumira ng tita ko matapos patayin ng mga Clemenza ang mga magulang ko..” pag kumpirma kong sagot.
Tumango ito. “Same lang tayo ng tirahan noon, pero saglit lang ako doon ng panahon na nakita kita noon. Ay ‘yun na ang huling beses na nakatapak ako sa school na ‘yun dahil namatay na rin ang magulang ko ng mga panahon na ‘yun kinuha ako nila Kuya Thunder at inuwi sa mansion ni Lolo.” Tumingin ito sa dagat ulit habang nag ku-kwento.
“Kaya pamilyar ang mukha mo sa akin, hindi ko lang ito gaano naalala dahil bata pa ako ng panahon na ‘yun..” muling wika nito.
“Ibig sabihin nag tagpo na rin pala tayo noon?” Tanong ko dito.
Tumango ito. “Namatay ang magulang ko ng grade 3 ako pa grade 4 na ako ng panahon na ‘yun. Natatandaan ko ‘yun. Nauna ang papa ko sumunod ang mama ko, dahil inutos ni Lolo na patayin sila para makuha ako. Ako ang tumanggap ng parusa na para sa papa ko dahil sumuway si Papa sa Gusto ni Lolo na ipakasal siya sa Mommy nila ate Sky..” kwento nito.
“Kinasal si papa kay mama, doon na nagsimula ang lahat. Mas lalo ng ipinanganak ako ilang beses ako muntikan na malaglag kaya nag desisyon si papa na ilayo at itago kami ni Mama sa bundok. Ang hindi ko alam kung ang eksaktong tinitirhan niyo ay halos malapit lang sa dating bahay namin..” tuloy nito sa kwento na kina laki ng mata ko.
“Teka! Saan kayo nakatira banda?!” Tanong ko dito.
Tumawa ito at humarap sa akin. “Nakatira kami sa gilid ng kalsada kilala mo sila Gonzaga?” Tanong nito.
“Oo yung taga baba ‘yun eh!” Sagot ko dito.
“Sa taas nila na ngayon ay bakanteng lote na may malaking bahay doon na ngayon tinibag na doon kami nakatira..” sagot nito.
Napa takip ako ng bibig at agad kong naalala yung lalaking nag aayos ng payong doon at sapatos. “Oh my god! Tatay mo ‘yun nag aayos ng payong?!” Tanong ko dito.
Tumango ito na lalong kina laki ng mata ko. Dyos ko matagal ko na pala sila nakilala hindi ko man lang siya namukhaan. “Ikaw yung laging sinisipulan ng tatay mo! Para umuwi ikaw yung batang hinabol ng sinturon. Tingin ko nasa apat na taon ka pa lang ng panahon na ‘yun..” kwento ko dito.
Natawa pa ako ng panahon na ‘yun dahil sa mag ama na nakasalubong ko galing ako sa school that time. “Oo ako nga, kung makulit na si Damon mas makulit ako noon.” Sagot nito hindi ko na maiwasan hindi matawa.
Hindi ako makapaniwala na siya ang batang ‘yun hindi ko siya nakilala dahil ‘yung batang nakikita ko ay kulot ang buhok. Pero siya ngayon natural straight ang buhok niya at medyo umaalon pa kung minsan o kumukulot pa.
Kaya masasabi ko na natural ito. “Tara na kakain tayo sa turo turo doon..” aya nito umalis agad ito ako naman ay naiwan lang din.
Hindi ko maiwasan hindi ngumiti, may rason talaga ang lahat bakit kami pinag tatagpo.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Nasabi mo na sa kanya hon?” Tanong ng asawa ko sa akin. Naka hawak lang ako sa braso ng asawa ko.
Tumango ako at ngumiti. “Yup, done na nasabi ko na..” sagot ko dito ngumiti ang asawa ko at nag lakad na kami upang maka sunod kami sa mga kasama namin.
“Binigyan kayo talaga ng ikalawang pagkakataon para muling magkita.. ang galing..” wika ng asawa ko kaya tumango ako.
“Ang galing nga ano? Una hindi ko nakita ‘yun pero ng pumunta tayo sa amin ulit? Doon ko napansin na may iba then nakuha ko ang info nila dati doon ko nasabi na hindi ito coincidence lang..” habang sagot ko sa asawa ko.
“Watch your step honey.. yeah i know kaya nga sinabihan kita na sabihin mo na sa kanya..” sagot ng asawa ko at umiwas kami sa mabatong daan.
“Oo nga pala Love, kamusta na kaya ang usapin sa lupa doon? Tumawag ba sila sayo?” Pag iiba ko ng usapan ng maalala ko ito.
“Si Thunder ang nag uusap nila hindi ako.” Sagot ng asawa ko.
Hindi na ako umimik dahil binigyan ako ng mga anak namin ng fresh buko pati ang daddy nila. “Thank you kuya, Cloud..” pasasalamat ko anak ko. Ang kambal naman ay sa daddy nila.
“Thank you twins, how about the three of you? Do you have this?” Tanong ni Blake sa mga bata.
“Yes daddy! Tito Damon holds it for us, because we wanna give you and mama personally a buko juice..” sagot ng anak kong si Pyrrhos.
“Okay thank you sweetheart, kunin niyo na ang inyo dahil nahihirapan na si Tito Damon..” utos ko sa mga bata na agad naman lumapit sa tito nila.
“Thank you Tito Damon..” narinig kong pasasalamat ng mga anak namin.
Nakakita ako ng pagkain nasa loob mismo ng buko may kasama itong ice cream, manggo at some toppings. Nasa isang signage ito ang amin kasi ay juice lang.
“Love, what’s that?” Tanong ko at tinuro ko ang hawak ng babae.
“I don’t know either Hon, but we can ask..” sagot ng asawa ko at hinila ako ng asawa ko dito.
“Wow!” Bulong ko ng makita ko kung paano nila ginagawa. “Can i have one?” Tanong ko.
“Sure Ma’am..” sagot ng babae agad itong gumawa may kasama itong lalaki na taga balat ng fresh buko.
“Para siyang halo halo ano?” Tanong ni Ate Sky.
“Kami din..” napa lingon ako kay Bryant at Ava si Ace naman kausap sila kuya sa hindi kalayuan. Hawak nila ang mga bata.
Nang matapos ang sakin may tinusok sila dito na green flag may logo ito nila na ang pangalan ay Coco Mama.
May plastic spoon pa ito. “Don’t forget to mixed Ma’am!” Paalala ng gumawa kaya tumango ako at kinuha ko ang small flag.
Hinalo ko ito at nang matikman ko. “Ang sarap! Ang fresh. Tikman mo Love..” utos ko sa asawa ko at sinubuan ko ito.
Tumango ito bilang sang-ayon. Matapos nito sinubuan ko ang mga anak ko at pamangkin dahil matagal pa ang sa mommy nila.
Bumili naman ang asawa ko pa ng dalawa kaya ayos lang na madami dahil marami din ang kumakain. Pinag papasalamat ko din na walang allergies ang mga bata pero sa maalikabok sobra dito nag re-react ang kanilang balat. Mamumula sila at nangangati, kaya iniiwasan namin sa bahay ang hindi mag linis.
MATAPOS NAMIN MAG GALA GALA naka bili na naman sila ng souvenir mas lalo sila kuya at Ate Sky. Miski ang mga bata ay naka bili din ng gusto nila na kahit ano.
Halos pagabi na ng bumalik kami sa hotel dahil sa labas naman kami kumain. Tulad ng gusto nila, habang pauwi kami ang mga anak ko ay bagsak na buhat ito ng asawa ko ang kambal si Cloud naman na kay Kuya Thunder tulog na rin.
Ganun din mga anak ni Ate at Kuya Harold kahit si Knives mga bagsak na. “Napagod sila ng sobra kalalakad at takbo laro saka habulan din nila..” natatawang wika ni Kuya Storm.
“Linisan niyo ang mga bata bago sila mahiga o matulog ng husto. May buhangin pa ang paa ng isang ito..” paalala ni kuya Thunder at pinakita ang paa ni Cloud na kina ngiti ko.
“Oo naman kuya, hindi ko pwede hayaan na ganyan ang paa niyan. Baka mangati ‘yan kinabukasan..” sagot ko dito.
Tumango ito, nang makarating kami pinauna kong papasukin si Kuya Storm para ilapag niya ang anak ko sa kama namin.
Nang lumabas na sila ako naman ay kumilos para linisan ang mga paa at punasan ang mga anak ko. Asawa ko ang kumuha ng pamalit na damit ng mga bata at ito na din ang nag bihis sa mga anak namin.
Dahil ako naman ay nag linis ng katawan ko.
-
Your battle is my battle, we fight together.