BLAKE SHIN DELA VEGA
MAAGA pa lang umalis na kami ng asawa ko. Dahil ayaw ng asawa ko na kasama ang mga bata na mamili. “Hon? Tingin ko susunod pa rin sila sa atin..” pag kausap ko sa asawa ko.
Tulad kahapon nag rent lang kami ulit ng sasakyan, dahil wala naman kaming dala. Actually ‘yun ang mali ng grupo pwede naman basta naka barko kami.
“Hindi naman talaga ako nag expect na hindi sila susunod. Susunod talaga sila mas lalo si Damon, isasama pa niya mga bata niyan.. kinakatakutan ko lang ay baka naman hindi na naman niya lagyan ng saplot ang ilan sa mga bata..” sagot ng asawa ko.
Hindi ko maiwasan hindi matawa ng maalala ko nangyari noon. Bigla kasi ni Damon sinama mga bata sa grocery ng hindi man lang suotan ng kahit brief man lang ang anak kong si Cloud at Pyrrhos. “Naalala ko yung nangyari years ago. Hindi ko talaga maiwasan hindi batukan si Damon..” natatawa kong kwento.
Nakitang tumawa ang asawa ko at umiling ito. “Nakakahiya ang ginawa niya nakarating anak natin sa grocery ng wala man lang pang ibaba na suot? Pakiramdam ko unang beses ko na high blood ng araw din na ‘yun..” kwento ng asawa ko. Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan ko ang likod ng palad nito.
“Alam mo honey? Sabihan mo na sila na suotan naman ang mga bata. Mahirap na..” pag kausap ko sa asawa ko.
Tumango naman ito kaya binitawan ko na ang kamay nito. Habang nag titipa ito ng mensahe, nakarating na rin kami sa mall na sinasabi ng asawa ko. Nag park ako ng maayos at nauna akong lumabas pinuntahan ko ang asawa ko at pinag buksan ko ito ng pinto.
Kinuha ko ang bag nito sa higa niya at ako ang buhat. “Na i-text ko na sila Kuya.. tara na para maka balik din tayo..” wika ng asawa ko. Tumango ako at sinara ko ng maayos ang pinto.
Pumasok na kami sa loob at agad kami nag tungo sa clothing store dito. “Alam mo ba size nila?” Tanong ko sa asawa ko. Sa woman section kasi ito agad nag tungo.
“Oo maliit lang naman na babae si Andrea kaya madali itong hanapan ng damit..” sagot nito, may lumapit sa amin na babae.
“Pili lang po kayo..” naka ngiti nitong wika.
Kumuha ako ng panloob na gamit ng batang babae. “Hon. Ito? Tingin ko kailangan mo siya bilhan ng mga bra at panty pati yung nanay niya..” suhistyon ko sa asawa ko.
Ang kinuha ko kasi ay para sa anak namin na babae at kay Hermoine. Wala naman sigurong masama kung bibilhan ko ang pamangkin ng asawa ko diba?
Tito Daddy narin naman ang tawag nito sa akin din kasi.
“Yes Love, ito na lang buong ganito pati si Mang Julio at si Jun bibilhan ko din, lahat sila..” sagot ng asawa ko. “Miss kunin ko po buong ito sa woman’s clothes up and down pati po yung mga short and jogger pants. Saka yung nasa dulo din for boys. Maliit na tao lang sila kaya naman kasya na ito sa kanila..” utos ng asawa ko na kina nganga ng sales lady.
“S-sure po kayo d’yan?” Tanong ng babae sa asawa ko.
“Yeah sigurado ang asawa ko..” ngumiti ako at nakita ko naman ang asawa ko na nasa pang alis na damit.
Ang kinuha kasi nito una ay pang bahay lang halos ito. Ano pa ba aasahan ko sa asawa ko kapag may gusto ito, gusto talaga niya.
“Love ang ganda nun..” turo nito kaya lumapit ako at tiningnan ko din ang tinuturo nito.
“Gusto mo niyan? Bilhin ko..” tanong ko dito.
“Ayoko may jacket na ako..” sagot nito at tumalikod ulit na kina iling ko. Ito siya kapag may nakita siya ayaw naman niya bilhin kung para lang sa sarili niya. Kasi nga meron naman siya.
Nakita ko itong kumuha ng dress na pang babae, pants ng lalaki at babae na rin. Marami itong kinuha na hindi ko na iisahin.
“Yan! Ay meron pa sapatos at medyas!!” Naka ngiti nitong wika at iniwan na lang ako nito.
“Yung asawa niyo po? Kulang na lang bilhin na lahat ng nandito. Bigla po nakalbo yung section na ‘yun saka doon..” turo ng babae na may hawak ng mga damit na kinuha ng asawa ko.
Natawa ako at tumango. “Ibibigay kasi niya yan sa tumulong sa kanya..” sagot ko dito.
“Ay akala ko po para sa inyo,” ngiwing sagot nito na kina iling ko.
“Love? Kumuha ako ng 15 na pares ng shoes, pampasok sa school pang gala at sandals..” pamamalita ng asawa ko na kina iling ko.
“Hindi mo binilhan ng sando yung dalawang bata doon? Nag sasando parin ‘yun diba?” Tanong ko dito at nilapitan ko ito.
“Hindi ko makita saan nila nilagay..” sagot nito.
“Nasa counter po ang mga Sando hindi po kasi namin talaga ito sinama..” sagot ng babae sa likod ko.
“Okay. Bigyan mo ako ng 15 din na pares basta 15 kasi estudyante sila..” utos ng asawa ko. Isa isa na inayos ang damit at pina scan ko na ang iba para makita na kung mag kano at yung iba idagdag na lang..
“Dapat pala bumili ako ng cycling ano?” Tanong ng asawa ko na kina tawa ko.
“Bilhin mo lahat ng gusto mo..” utos ko na lang dito. Kung kaninong pera ang gagamitin? Siguro sa kanya parin.
Narinig ko na lang na nag utos ito na bigyan siya ng cycling. “Love may jersey sila na short oh?” Turo na naman nito.
“Tama na Honey.. ang dami na nito..” suway ko sa asawa ko.
“Pero nag lalaro kasi ng basketball si Jun-rey..” pakikipagtalo nito.
Nilingon ko ito. “2 pairs?” Yumakap ito sa braso ko kaya hindi na lang ako naka tanggi.
“Okay pero 2 pairs lang ang dami na nito Honey..” paalala ko dito ulit pag payag ko. Umalis na lang ito at kumuha ng nakita nita.
“Ito pa miss..” wika ng asawa ko at kinuha nito ang laman ng bag na dala ko.
Nakita kong kinuha nito ang black card niya. See? Kanya ang gagamitin niya hindi niya gagamitin ang akin kapag siya ang nag aya na bibili.
Hindi palabili ang asawa kung para sa sarili lang niya pero kung mga bata o pamilya niya wala siyang pakialam kung gaano pa ito kalaki.
“Ma’am, total po natin nasa 185,490 pesos po lahat..” napa higit ng hininga ang babae na nag total siguro dahil sa hingal.
“Okay ito..” sagot ng asawa ko at nilapag ang card niya na kina titig ng babae dito.
“Ma’am anong card po ito? Sorry..” tanong ng babae.
“No limit card, black card ‘yan ito ang ginagamit kapag nasa million pataas ang pera na nasa loob..” paliwanag ni Flame dito.
Mukhang bago sa kanila ang ganyang card, kaya ganun na lang ang tanong nito. “Ay okay po sorry.” Paghingi nito ng paumanhin at sinabi ng asawa ko same process sa pagkuha ng pera sa ibang card ang card niya.
Nang matapos mailagay sa malaking box ang nga binili namin. Pinabuhat ito sa mga boy nila dito patungo sa sasakyan.
Ako na rin ang sumama sa kanila para mailagay ang mga ito. Mabuti van ang kinuha ko hindi maliit na sasakyan.
Nag bigay lang ako ng tip at binalikan ko ang asawa ko na nakatingin sa potato stall sa harapan nito. Hindi ko alam kung bibili ba ito o hindi. “Salamat mga boss..” pasasalamat ko at humiwalay na ako sa mga ito.
“Hon, gusto mo ba?” Tanong ko dito ng nakalapit ako.
Lumingon lang ito at tumango. “Halika na bibili tayo habang hinihintay natin sila..” hinila ko ng marahan ang asawa ko. Yung mga binili ko kanina naka bukod ito pero asawa ko nag bayad.
“Medium o large hon?” Tanong ko sa asawa ko.
“Super large..” sagot ng asawa ko na tinuro ang gusto nito na kina tawa ko.
“Yung super large, Miss.” utos ko sa babae. Hawak ko ang cellphone ng asawa ko ng may tumawag dito.
Agad kong sinagot ito. “Hello?” Pag sagot ko dito.
“Ikaw pala Blake! Nandito na kami saan kayo?” Tanong ni Storm.
“Storm, nasa second floor kami pag akyat niyo may makikita agad kayong potato stall, nandun kami bumibili si Flame ng french fries..” sagot ko dito.
“Okay hintayin niyo kami..” sagot nito at binaba na nito ang tawag.
Nilingon ko ang asawa ko na pinapanood lang maluto ang inorder niya. “Kaya mo ba ubusin ‘yan?” Tanong ko dito.
“Hindi dadalhin ko sa mga bata ang iba..” sagot nito. Ngumiti lang ako at hinalikan ko ang buhok ng asawa ko.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Nang dumating sila kuya hindi nila kasama ang mga bata dahil ayaw sumama. Kaya ang naiwan si kuya Thunder, Ate Sky kuya Harold Earl, Vlad at si Demitri.
Ang iba ay sumama kay kuya Storm. Habang naglalakad kami panay lang kuha ng kuha si Damon ng pagkain ko. “Mag titira pa ako sa mga bata!” Suway ko kay Damon at paalala ko dito.
“Naku huwag na Flamie, kumain na sila niyan doon may nag lalako kasi sa may beach area..” sagot ni Kuya Storm kaya hindi na ako umimik pa.
Pumasok kami sa mga pagkain at doon kumuha ako ng ibibigay kong mga pagkain. “Guys bahala na kayo sakit na ng paa ko..” utos ko at hinayaan ko na sila mag decide kung ano kukunin nila.
Pinag bukod ko yung para sa mga Tinongko at sa amin. “Honey? Dapat hindi na tayo bumili ng sa atin kasi meron naman ito sa Maynila yung iba?” Tanong ng asawa ko.
“Hayaan mo na sila, yung mga bata naman kasi mag eroplano sila diba o barko parin sila?” Tanong ko dito habang naglalakad kami.
“Gusto ng mga bata sasakay din sila ng barko..” sagot ni Blake sa akin tumango na lang ako at kumain na lang.
“Love, sabihan mo sila bumili ng chocolate gusto ko kumain..” paki suyo ko sa asawa ko.
Tiningnan ako nito na parang nag duda. “Hindi ako buntis nag hahanap lang ang dila ko..” naka simangot kong wika na kina tawa nito.
“Okay akala ko kasi, iniisip ko kung nananginip ba ako?” Tanong nito sa sarili niya.
“Yuck! Kadiri ka hanggang panaginip?” Pandidiri ko sa asawa ko at iniwan ko na ito.
“Hey! I’m just kidding honey..” tuloy parin ito sa pag tawa. “Honey..” tawag nito na kina tigil ko naman nilingon ko ito pero tumatawa parin ito.
“Nagbibiro lang ako, hindi naman ‘yun totoo..” naka ngiti nitong wika inirapan ko lang ito.
“Bili mo na lang ako ng ganito ulit, bati na tayo..” hirit ko sa asawa ko at nginitian ko ito.
Tumawa lang ito at umiling. “Mahirap masobrahan Hon, sige pag uwi natin dadaan tayo..” sagot nito tumango na lang ako at humawak ako sa braso ng asawa ko.
NANG LUMIPAS ANG isang oras natapos na kami mamili ng kailangan namin iuwi. Bumili din ako ng bagong fries na gusto ko garlic cheese flavor naman. Nasa Hotel na kami na pinag tuluyan namin.
“Ganito na lang, kuya Danny papayag ka ba nauna umuwi? Para madala mo ito tapos tatawagan ko si Onze para sunduin ka?” Tanong ko kay kuya Danny.
“Okay Ma’am wala pong problema sa akin..” sagot nito kaya nagpapasalamat ako, kaya naman daw nito buhatin itong lahat.
Tutulungan naman siya nila kuya kapag ihahatid siya. Kumuha na ako ng ticket pauwi para kay kuya Danny pati ang mga bagahe ay nilagyan namin ng pangalan.
Naka pangalan ito kay kuya Danny at naka address sa mansion. Matapos nito nag pabili ako ng tape na marami para secured ang mga dalahin.
Sila Kuya Thunder na ang tumawag kay Onze at sa iba pang tauhan para sunduin si Kuya Danny. “Grabe sana pala kung may plano ka na ganito sa Maynila kana lang bumili..” natatawang wika ni Damon.
Maayos na namin itong nalagyan ng tape. “Sang-ayon ako d’yan, grabe pitong box na malalaki puro damit pa lang. Tapos may apat na box na puro pagkain..” wika naman ni Azi na hinayaan ko na lang.
Narinig kong nag tawanan ang mga ito ng matapos ako lumipat ako sa iba. “Oo nga pala, ano plano niyo mamayang gabi? Saan tayo?” Tanong ko sa kanila.
Wala ang asawa ko dahil nasa labas sila ginagala ang mga bata. “Eh sabi mag bon-fire daw tapos mag ihaw daw ng marshmallow sabi ng kiddos.” Sagot ni kuya Azi.
“Okay ganun na lang tapos mag handa kayo ng mga hotdogs and sausages..” pagpayag ko at utos ko din.
“Yun! May bilihan kasi ng seafoods doon tapos tayo na lang mag luto..” sagot ni kuya Storm sa akin.
“Oo nga pala bakit pa tayo mag luluto kung pwede naman tayo kumain na lang? Ganun din doble ka lang sa gastos..” pag tatak ko naman din.
“Hay naku Flamie. Hindi ‘yan bago sa mga ‘yan! Huwag mo na pakinggan mga ‘yan!” Sagot ni Ingrid na kapapasok lang.
“Bakit ka andito?!” Tanong ni Damon dito.
“Eh bakit? Pakialam mo ba? Bawal na ako dito?!” Masungit naman na tanong din dito ni Ingrid.
“May sinabi ba ako?! Nagtatanong lang eh..” sagot naman ni Damon.
Umiling na lang ako sa dalawang ito at nanahimik ako. Hinayaan ko silang tumulong sa akin. Kahit kasi naka box na yung iba nilalabas ko para ayusin ang pagkaka tupi ng damit.
Habang nanonood sila ng pelikula, ako naman ay tahimik na nagsusulat ng mangalay ang kanan kong kamay ginamit ko ang kaliwala ko. “Mama!” Tawag ng anak ko sa akin.
Nilingon ko ito ang mga anak ko at nginitan ko, humalik ang mga ito sa lips ko. “Oh may dala na naman sila?” Tanong ni Kuya Storm.
“Naka kita sila ng nag bebenta ng mga shells na necklace? Ito bumili sila..” sagot ng asawa ko may hawak pa itong paper bag na brown.
“Both handed ka pala Flame? Nakita kasi kita kanina right hand ang gamit mo tapos ngayon left na..” tanong ni Emerald sakin.
Tumango ako sinusulat ko kasi yung mga pagkain na nilagay namin kanina. “Oo, tawag don ay Ambidexterity na kaya gamitin ang dalawang kamay sa pagsusulat ng sabay o equal..” sagot ko ng hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.
“Ako din po left handed mama..” sagot ng anak kong si Aithne.
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Emerald dahil naka focus ako sa sinusulat ko, nang matapos ako si Damon na ang nag tape nito at nag tali ng lahat. Pinag tulungan ng asawa ko at ni Azi at kuya Storm buhatin ito at ilagay sa gilid.
Bukas ang alis ni Kuya Danny pabalik ng Maynila dahil kailangan mauna ang mga ito para hindi kami hirap pag uwi. Nang matapos ang lahat ng ginawa ko, nag pahinga kami muna bago nagsi pag handa para sa pag labas namin tulad ng plano ng lahat.
-
Find Peace in Chaos..