FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
SUNOD NA ARAW tulad ng napag usapan nag Island Hopping kami dito. Sumakay lang kami ng bangka, marami kami kaya marami din ang na rentahan namin.
Ang mga dalaga sa pamilya namin ay nag kanya kanya naman silang post sa kanilang social media account na hinayaan ko na lang.
ACE LUTHER BLACK
TUMAYO AKO ng mainis ako sa pag mamakaawa ng lalaking ito sa harapan ko. “Nakikiusap ako Mr. Black huwag mo naman ako gipitin ng ganito mag babayad naman ako..” pakiusap nito.
“Alam mo para maka bayad ka sakin, maganda mong gawin? Ibigay mo sa akin ang anak mong panganay na babae. Siya na lang ang gawin mong bayad sa akin..” mahabang paliwanag ko dito.
“Huwag ka mag alala hindi ko naman siya pakakasalan. Magiging katulong ko lang siya dito sa bahay lahat ng sasahurin niya sa akin ay bayad sa utang mo..” dagdag ko at tumalikod na ako.
“Pag isipan mo..” huling wika ko at umalis na ako agad.
Sumakay ako ng sasakyan ko ng makalabas ako. “Boss handa po ba talaga kayo na gawin ito? Sinabi niyo po noon na hindi kayo gagawa ng ganitong laro..” tanong ni Violet.
“Hindi ko naman ito lalapitan kahit isang beses. Ipadala niyo lang siya sa bahay ng mga Lavistre. Asan pala sila?” Sagot ko at tanong ko na rin dito.
Mas gugustuhin ko pa hindi magkaroon ng anak o kahit ano basta huwag lang ako gagawa ng ikaka-pangit ng reputasyon ko bilang mafia boss. Wala sa plano ko ang mag asawa at mag karoon ng anak, hindi ko plano na mag libing ng sarili kong pamilya.
“Nasa Boracay po sila.” Sagot nito hanggang umandar na ang ang sasakyan pabalik sa bahay ko.
“Kaya ba natin sumunod doon? Tawagan mo si Drake na sumama..” tanong ko dito.
“Opo kaya naman, pero hindi po ba dapat nandito lang tayo paano sugurin ang Underground?” Tanong nito.
Nilingon ko na ito. “Maraming tauhan si Flame na naka bantay dito. Kasama pa ang mga baguhan..” sagot ko dito kaya tumango ito ng tahimik.
“Ipahanda mo ang helicopter ko at pupunta ako ngayon mismo sa Boracay..” utos ko dito at pinikit ko ang mata ko.
AVA OLIVIA LEVESQUE
“Steve..” tawag ko kay Steve habang naka tingin ito sa loob ng ICU.
“Ikaw pala miss Ciara—— este Ava kumusta kana?” Tanong nito. Lumapit na ako ng tuluyan.
“Mabuti naman ako, ikaw ang kumusta? Sinabi sa akin ni Boss Flame ang tungkol sa nakaka bata mong kapatid. Siya pala ang tumutulong sayo ng palihim noon,” mahabang wika ko dito.
Mula sa gilid ng aking mata nakita ko itong tumango. “Oo siya nga, wala siyang plano na saktan ako ang gusto lang niya tulungan ka. Kapalit nun ipapagamot niya ang kapatid ko kahit habang buhay pa..” sagot ni Steve sa akin.
“Kumusta naman ang kapatid mo?” Tanong ko dito. Hindi ko maiwasan hindi ma guilty sa lahat ng ginawa ko. Mabait si Steve ngunit napasama ito sa mga tao na wala ring kaluluwa.
“Sa ngayon okay siya. Dahil tuloy tuloy ang gamutan niya, kapag hindi pa siya bumuti, sinabi sa akin na dadalhin na ito sa ibang bansa para doon ituloy ang gamutan..” paliwanag nito.
“Tiwala ka lang gagaling siya, ipag dadasal ko din ang kapatid mo na sana ay gumaling na siya..” ngumiti ako at tinapik ang braso nito.
Tumango ito. “Salamat, balita ko ikaw na ang bagong kanang kamay ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Boss Flame?” Tanong nito sa akin. Pareho kaming umupo sa bench.
“Oo pero hindi pa ito tin-tanggap ni Boss Thunder kaya direkta ako na nag ta-trabaho kay Boss Flame. Kung tanggapin niya ito, kami ng mga kasama ko ay magiging tauhan na ni Boss Thunder..” paliwanag ko dito.
Tumango naman ito kaya nilingon ko ito. “Ikaw? Hindi ka ba niya inaya?” Tanong ko dito.
Natawa ito at umiling. “Una akala ko kasi ‘yun ang gagawin niya. Pero hindi pala, gusto niya ako tulungan dahil tama siya kung mamatay ako mamatay rin ang kapatid ko dahil walang mag aalala dito..”paliwanag nito.
Hindi ko maiwasan hindi mag salubong ang kilay ko. “Pero nandun ka ng hinostage ni Clinton at ang school diba? May hawak ka din na baril noong araw na ‘yun?” Pagtatanong ko dito.
Umiling ito. “Disenyo lang ito upang ipakita kay Clinton na tauhan na ako ni Flame pero ang totoo ay hindi..” paliwanag nito na kina tango ko.
“Oo nga pala, sama ka sa Boracay dalhin mo kapatid mo matutuwa sila kapag nakita ka nila..” aya ko dito. Susunod din ako doon nag paalam lang ako kay Boss Flame na may gagawin lang ako.
“Kailan ba ang alis mo? Baka kasi walang mag bantay dito kay Charles..” tanong nito.
“Tauhan ko na bahala d’yan. Mamayang hapon, sama ka? Ako na bahala sa ticket sa eroplano..” sagot ko dito.
“Oo sama ako mag kita na lang tayo sa airport?” Tanong nito. Tumango ako nakipag apiran ako at nag paalam na akong aalis.
May number naman ako sa kanya kaya pwede ko siyang tawagan anytime.
LUMIPAS ANG MAG HAPON nasa airport na kami kasama ko si Barbie, Bryant at Federick kasama din namin si Steve at ang kapatid nito na si Sabrina. Chini-check ito ni Federick kung okay ba ito, habang nag hihintay may lumapit sa amin na babae na kulay violet ang buhok.
“Miss Ava Levesque?” Tanong nito kaya tumango ako. “Sumunod po kayo sa akin..” utos nito pero hindi namin ito ginawa.
Muling lumingon ang babae. “Utos po ni Mr. Ace Black..” malamig na wika niyo kaya nilingon ko ang mga kasama ko.
“Tara baka importante..” wika ni Bryant kaya naman napa buntong hininga ako at nag umpisa na ako mag lakad.
Hanggang makarating kami sa gilid ng malawak na Airport kung saan matatagpuan ang mga pribadong eroplano na kaya lang ang higit anim na tao.
“Sumabay na kayo sa akin, pa-boracay din ako..” wika ni Boss Black.
Kung ganun, ito pala si Miss Violet kapag hindi ito nakikipag laban. Hindi ko kasi siya nakilala agad dahil iba ang ayos nito.
“Maraming salamat boss..” pasasalamat ko at nilagay na nila ang gamit namin. Sumakay na ako katabi ko si Boss Ace.
Medyo naiilang ako kaya halos hindi na ako gumagalaw. “Relax..” utos nito kaya tumango ako, narinig ko naman na tumawa si Bryant at Barbie na kina iinis ko sa loob loob ko.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Nang makabalik kami sa hotel nag paalam ako na magtungo ako sa City Mall dito dahil may kailangan akong bilhin.
Kanina kasi habang nasa boat kami, si Pyrrhos ay nag susuka hinala namin dahil sa hindi ito sanay. Bibili ako ng gamot para dito sinabi naman ni Madrid ng tumawag ako anong klase ang ipapa-inom sa bata.
Pag pasok ko pa lang dumeretso ako sa pharmacy, sa unang pinuntahan ko kasi wala na naubusan sila kaya wala akong choice. Dumeretso ako sa may counter. “Hi miss, may ganito po ba kayong gamot?”tanong ko at pinakita ko ang litrato na pinadala sa akin ni Madrid.
“Ilang taon po ang iinom?” Tanong nito.
“6 years old..” sagot ko dito.
Tumango ito at hinanap ang gamot na pinag tanong ko. “Ilan po?” Tanong nito.
“Ahmm pwede ba isang banig na lang?” Tanong ko dito tumango ito at agad sinabi ang presyo nito nagbigay ako ng 50 pesos at sinuklian naman ako ng 10 pesos nito.
Nagpapasalamat ako at umalis na agad. “May kamahalan din pala siya..” bulong ko habang binabasa ko ang gamot ng anak ko. Nang maamoy ko ang inihaw na manok agad kong tinago sa bulsa ko ang gamot at hinanap ko kung saan ito nang gagaling.
Nang makita ko kung saan ito galing, lumapit ako dito. Sa ibaba pa lang may nakalagay na agad na presyo.
Hanggang 350 lang ang presyo nila. “Bili na po Madam..” wika ng lalaking nag iihaw sa isang glass cart.
“Apat na tig 350.. ano na lang pala lima marami kasing kakain..” sagot ko agad at lumapit ako.
“Sige po Ma’am, gusto niyo po ba ng free gravy, suka na may sili at cucumber?” Tanong nito.
“Both. Bayaran ko na saka balik ako dahil may bibilhin pa ako..” agad kong inabot ang 2k sa kanya.
Kinuha nito agad. “Ah.. kuya kapag natapos pwede paki chop? Kahit ganito kalaki may mga bata kasing kakain ayaw nila ng buo nilang nakukuha..” paliwanag ko.
“Sure Ma’am!” Naka ngiti lang ito at hindi ko muna kinuha ang sukli ko at nag tungo ako sa nakita kong pastries shop.
Nang makalapit ako nakakita ako ng cake na kulay violet. Pero mas gusto ko ‘yung punong puno ng cheese. “Miss ito nga sa akin at ito din, saka sa bread yung onion sana..” turo ko sa gusto kong bilhin.
“Okay po..” sagot nito tumango lang ako.
“Miss tumatanggap po ba kayo ng card para sa p*****t?” Tanong ko dito. Mag wi-withdraw din pala ako after nito.
“Yes Ma’am..” sagot nito nag pasalamat naman ako sa isip isip ko hindi ko kasi alam na ubos na ang cash ko.
HINDI NAG TAGAL nakuha ko na lahat ng order ko yung sukli ko hindi ko na ito kinuha. Nag tungo naman ako sa ATM dito sa loob ng mall at nag withdraw ako halos 200k para ito sa budget bukas.
Nang natapos ako lumabas na ako ng mall saktong nakita ko na si Kuya Thunder nag pasundo na kasi ako, may rental car kasi dito kaya ito ang gamit niya. “Ang plano gamot lang bibilhin mo napunta kana sa pagkain..” salubong ni kuya sa akin at kinuha ang dala ko.
Natawa lang ako. “Ang bango kasi ng inihaw na manok. Saka bumili ako cake..” sagot ko dito.
Umiling lang ito. “Oo na pumasok kana at kanina ka pa hinihintay ng mga anak mo sa bintana sa inyong kwarto. Para na silang walang magulang doon..” sagot ni kuya Thunder sa akin.
Pero hindi ko ito nasagot ng makita ko ang isang vendor na nagtitinda ng laruan ng bata at keychain at marami pang iba. “Saglit kuya..” wika ko at nilapitan ko si Tatay.
“Pili ka lang ineng..” wika ni Tatay. Tumango ako at kinuha ko ang gusto ko hanggang bumulong si Kuya.
“Bilhin mo na lahat, mukhang kanina pa si Tatay dito..” nilingon ko ito.
“Kuya, kunin mo naman yung isang balot ng manok sa dala ko please, ibibigay ko na lang tapos bibili pa ako ng isa..” paki-suyo ko sa kuya ko.
Ngumiti ito at bumalik sa sasakyan. “Tay magkano ito lahat?” Tanong ko. “Gusto ko po kasi lahat ng disenyo..” dagdagan ko pa.
“Naku Ineng, nasa 2 thousand din ‘yan.. kahit ilan lang pandagdag ko pambili ko ng bigas..” sagot nito.
Umiling ako at kumuha ako ng pera na higit pa sa limang libo. “Tay ikeep niyo na lang po ito kukuha lang po ako ng ilang hair clip para sa dalawang bata na babae sa amin. Ito po tanggapin ninyo gawin niyo pong puhunan palaguin po sana ninyo..” agad kong inabot ang pera sa kamay nito.
Hindi ko alam kung magkano ito basta ko na lang ito kinuha. Tumayo ito at nakita ko itong himi-hikbi. “I-ito tanggapin mo ito, maganda ‘yan kasi may babae pala sa inyo din na bata..” nag lagay ito sa isang plastic ng mga ipit actually halo-halo na ito.
Hanggang tinakpan nito ang kanyang mata gamit ang braso. “Tay, hindi ko man po alam kung magkano ‘yan sana po palaguin niyo po at bigyan pa kayo ng mahabang buhay ng panginoon..” mahinahon kong sagot dito.
“Huwag po kayong susuko agad ha? Kahit nasa dapit hapon na din po kayo. Sana humaba pa ang buhay niyo.. salamat po ito po manok umuwi na po kayo..” inabot ni kuya ang Manok na binili ko sa kanya.
Nginitian ko si Kuya na siyang naka ngiti din. Agad lumapit si Tatay at mahigpit itong yumakap sa akin.
“Maraming salamat! Sana pagpalain ka pa ng maykapal, at bigyan ka pa ng maraming lakas para maka tulong sa iba..” wika nito kaya ngumiti ako at nag pasalamat.
Nag paalam na ito na uuwi agad dahil sayang ang manok at mainit pa daw. Nag paalam naman ako kay kuya na bibili pa ng isa pa.
HABANG NASA SASAKYAN KAMI sinabi ni kuya na may Sumalubong daw kay Tatay na mga bata. Tingin niya apo nito. Natuwa naman ako dahil may mga apo na pala si Tatay, kahit hindi ko man lang natanong ang pangalan nito.
“Kuya bukas, mamili tayo dadalhan ko ng pasalubong ang mga Tinongko pasasalamat ko sa kanila..” wika ko kay Kuya.
“Sige, samahan kana lang namin..” sagot ni kuya. Hindi na ako sumagot dahil sa nasa parking na kami ng Hotel.
Bumaba na ako habang dala ko ang pinamili ko. Sa kanin naman pwede naman kami bumili sa malapit dito. Ayaw kasi nila kumain na ng iba kaya ko naisipan bumili ng Inihaw na manok.
Kinuha ni kuya ang dala ko at sabay na kami nag tungo sa loob at pumasok ng elevator. Naka hawak ako sa braso ni kuya dahil ang sakit ng paa ko.
Nang makarating kami sa kwarto namin dito kami kakain sa kwarto namin dahil hindi hamak na mas malaki ito kesa sa mga silid nila.
“Flame, on the way na daw sila Ace dito.” Wika ni Damon, kumakain ito ng crab na mukhang inorder nila dito.
“Mas maganda mas marami. Bukas magpunta ako ng Mall mamimili ako ng mga damit ibibigay ko sa mga Tinongko. Kaya kayo mag libot na lang kayo muna habang wa—” naputol ako ng mag salitang lahat.
“Sama kami!” Sabay sabay nilang sagot kaya bumuntong hininga na lang ako at tumango ng tahimik.
HINDI NAG TAGAL kumain na kami ng hapunan, ayaw din nila muna mag libot ngayong gabi dahil napapagod pa sila.
Hindi ko maiwasan hindi mangunsume sa kalat ng mga anak ko. “Ang kalat talaga nila kumain..” natatawang wika ni Ate Sky.
“Bakit niyo naman ginawang pang hilamos ang manok? Mapapa ligo talaga kayo ngayong gabi..” kamot ulong tanong ko sa kambal kong anak.
“Love! Paliguan mo nga ito!” Tawag ko sa asawa ko.
Ito naman ay tawa lang ng tawa kahit sila kuya, “punasan niyo na lang mamaya lagnatin pa ‘yan gabi na oh..” wika ni kuya Vlad.
“Naku Vlad! Hindi tatalab ‘yan, mukhang makapit ang amoy nitong inihaw na manok na ito..” sagot ni mommy Aaliyah dito. Ako naman ay nag sabon ng basahan sa maliit nilang cr dito ay pinunasan ko ang mesa at sahig.
“Bakit kasi ninyong mag asawa hinayaan na humawak ang mga bata ng manok? Alam niyo na nga na makalat ‘yan kumain?” Sermon ni mommy Aaliyah sakin.
“Hindi ko po kasi namalayan mom, eh..” magalang kong sagot.
“Hay naku! Blake huwag mo ‘yan paliguan, hilamusan mo lang ng maligamgam na tubig ‘yan mas lalo ang mukha. Baka sipunin pa ‘yan..” utos ni mommy sa asawa ko.
Nilingon ko si Ate na panay tawa lang. “Pasalamat ako na malayo ako biyenan ko..” pang aasar nito na kina irap ko na lang sa ate ko.
Bumuntong hininga ako, wala naman kaso sakin kahit minsan hindi ako maka laban dahil may pagkakataon na dere-diretso ma-nermon si Mommy Aaliyah hanggang kinabukasan meron pa rin, ngunit hinahayaan at tinatanggap ko na lang hindi naman din ako perpektong ina at paano mag palaki ng mga anak.
Hindi ko nakikita ito na problema.
-
She was Wrath