FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
NAPA LINGON AKO ng dumating na sila Francine at ang iba naming pinsan. Katatapos lang namin halos kumain ng tanghalian, hinayaan ko ang mga bata na na magtampisaw sa gilid ng dagat kasama ang mga Yaya nila.
Naka bantay naman dito sila Damon at Azi kaya hindi ko kailangan matakot. “Hanggang dito ba naman naka suot ka ng regular mong suot? Mag pa-sexy ka naman, Flamie..” puna sa akin ni Emerald.
Inalis ko ang tingin ko dito bago sumagot. “Mamaya na o bukas. Naglilibot pa kami mamayang gabi kaya wala akong plano pa ngayon lumusong sa tubig..” sagot ko dito kahit wala naman connection yung sagot ko sa sinabi nito.
“Ay sasama kami mag night shopping kayo?” Tanong ni Ingrid.
Tumango lang ako at hindi na ako umimik pa, hinayaan ko na lang sila mag usap-usap hanggang mag paalam sila upang pumunta sa mga kwarto nila. “Hon, okay ka lang ba? Tahimik ka,” tanong ng asawa ko.
Yumakap ito mula sa likod ko. Nilingon ko ito, “Oo naman ano, pagod lang ako kaya medyo tahimik ako..” paliwanag ko sa asawa ko at hinawakan ko ang braso nito.
“Akyat na tayo para makapag pahinga ka, pati mga bata..” aya ng asawa ko.
Umiling ako at nag salita. “Naku, ‘yang ganyang kasaya ng mga anak natin? Hindi mo ‘yan mapapa uwi sa kwarto natin..” wika ko at tinuro ko pa mga bata na kina tawa nito.
“Pero Love, punta ako sa kwarto para maligo then baba ako agad. Para ikaw naman..” paalam ko sa asawa ko.
Nilingon ako nito. “Okay sige bantayan ko muna sila dito,” pag payag nito. Ngumiti na ako at humalik ako sa pisngi nito.
Lumapit ako kay Damon at Azi doon ko lang napansin na kasama pala nila si Ken at Lance. “Guys, paki ang mga bata maliligo lang ako, andyan naman ang asawa ko..” turo ko kay Blake na nakaupo lang sa buhangin.
“Sige boss!” Sagot ni Ken sa akin, umalis na ako at nag tungo ako sa silid namin sa hotel na tinutuluyan namin.
HINDI NAMAN NAG TAGAL nakarating na ako at agad akong naligo. Matapos kong maligo nag hanap ako ng damit na komportable ako.
Lumabas ako at ginamit ko ang earpiece ko para makontak ko ang lahat. “Guys, magsi balik kayo sa kwarto niyo. Magsi handa na kayo pupunta tayo sa malapit na market dito para mag libot tayo at bumili ng souvenirs..” utos ko.
“Pero kung may mga plano kayo, ayos lang basta kami ng mga bata ganun ang gagawin namin..” muling wika ko.
“Flamie, bukas mag boat tayo island hopping!” Wika ni kuya Storm.
“Okay Kuya, no problem..” sagot ko dito at binaba ko na ang tawag ko.
Alam ko naman na narinig ng asawa ko ito. Nag suot ako ng crop top brown na bra at wide leg pants cotton ito na kulay puti. Matapos ko makita ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang maleta namin at hinanap ko ang flat sandals ko. “Alam mo Honey? Kung ako sayo? Hindi ako nagsusuot ng ganyan ka flat? Maybe yung medyo mataas pa..” napa lingon ako ng mag salita ang asawa ko.
“Ang sexy ng asawa ko, baka naman maraming tumingin sayo at bigla kang lapitan? Hon? Mag seselos talaga ako..” naka ngiting wika ng asawa ko na kina tawa ko.
Umayos ako ng tayo ito naman ay hinawakan ang magkabilang waist ko. “Hindi naman ito ang literal talagang isusuot ko, meron pa akong white top mamaya..” paliwanag ko dito.
Tumango naman ito at humalik sa nood ko. “Mga bata?” Tanong ko dito.
“Dumaan sa Tito Thunder nila.. alam mo naman mga ‘yun kapag usapang tito talagang pupunta.. okay mas okay na mag lagay ka parin ng ganyan mamaya kasi malamig.” Ngumiti ang asawa ko sa akin.
Tumango ako at ito naman ay yumakap sa akin naramdaman ko pa ang pag halik nito sa balikat ko at leeg ko. “Maligo na ako, yung mga bata? Ano paliguan ba sila?” Tanong ng asawa ko panay pa rin ito halik sa leeg ko.
“Oo mauna muna sila, Love para mabihisan ko na.” Pinatigil ko na ito dahil kilala ko ang ganyan niya. Tumawa lang ito at tumango.
“I love you, tawagin ko na sila..” sagot nito.
Ngumiti lang ako at tumango. “I love you too..” sagot ko saktong pag bukas nito nag pasukan naman ang mga bata.
“Daddy! Liligo po ako mainit na po..” narinig kong wika ng panganay ko.
“Okay tara na mauna muna si Ai sunod kayong dalawang lalaki.” Utos ng asawa ko.
“Okay po daddy!” Sagot ng dalawang lalaki kong anak.
“Tulungan niyo ako pili tayo damit ni Ai,” tawag ko sa dalawang anak kong lalaki at binagsak ko sa kama ang isa pang maleta na maliit ng dalaga ko.
Yung isang maleta kasi puro yun sapatos at sandals namin pamilya. Tapos kanya kanya kami ng bag para sa mga damit namin. “Mama, terno po kayo ni Ai dapat.” Wika ni Pyrrhos. Naka upo pa ito sa harapan ng maleta ni Ai.
“Kaso anak, walang ganito si Ai..” sagot ko dito pero nag hanap parin ako baka sakali may nailagay ako ng hindi ko napapansin.
“Then, Mama how about this?” Tanong ng panganay ko at tinaas pa nito ang dress na white for my daughter.
“Ano sa tingin mo Pyr?” Tanong ko sa pangalawa kong anak. Pinagmasdan nito ang suot ko at ang damit na hawak ng kuya Cloud ni Pyr.
“For me Mama, pareho na po kayo ni Ai! Kami po ni kuya Cloud kay daddy po kami ha?” Pag papaalam ng pangalawa ko na kina tawa ko.
Tumango na lang ako at kinuha ko ang white dress ni Ai, presko naman ito para sa bata kumuha ako ng sandals ni Ai na pwedeng iribbon ang tali nito.
Kadalasan sa mga damit ng mga anak ko ay bili sa kanila ni Daddy nila, ang iba naman si Francine mismo ang may gawa at tahi nito.
HINDI NAGTAGAL NAKA BIHIS NA ang mga anak ko at asawa ko. Natatawa ako sa mukha ng mga anak kong lalaki dahil ang bagsak namin pare pareho kaming naka puting damit.
“Yung mukha ng dalawa nating anak na lalaki, hindi talaga nila gusto ang suot nila..” bulong ko sa asawa ko buhat nito si Ai dahil ayaw mag lakad.
Naka hawak ako sa braso ng asawa ko. Kasama naman ng mga anak kong lalaki ang mga tito nila. Natawa naman bigla ang asawa ko, “Hindi ko naman kasi alam na ako din gagayahin nila..” sagot nito kaya hindi ko maiwasan hindi matawa.
Sumakay na kami ng elevator. “Uy! Punta tayo sa Paluto Seafood? Kain tayo doon..” wika ni Damon.
“Hindi pa tayo nakaka labas ng hotel, pagkain na naman nasa isip mo?!” Hindi makapaniwala na tanong ni Kuya Thunder.
“Sila Kuya Vlad pala?” Tanong ko sa kanila. Ang asawa ko ang pumindot dahil ito ang huling pumasok, binuhat naman nila kuya Thunder at Damon ang dalawa para magkasya kami.
“Yung dalawang dalaga din anong plano ng mga ‘yun?!” Tanong ko na naman.
“Hey Flame, kalma! Nasa baba na sila kasama sila Vlad at ang iba pa. Ang tagal kasi ninyo kaya nauna sila..” sagot ni Damon sa akin.
“Paano kasi hindi siya magagalit, yung dalawang dalaga kapag may outing sila palagi nasa kwarto lang..” kwento ni Kuya Thunder.
“Baka may boyfriend na mga ‘yun ah?” Tanong ni Storm.
“Subukan lang nila, mga hindi naman nauutusan ‘yan wala silang karapatan..” pag babanta ko.
Tumawa lang naman sila sa sagot ko. “Eh bakit ikaw din naman ah? Natuto ka lang ng mag asawa ka..” bara ni kuya Thunder sakin.
“Marunong ako mag luto at mag linis, sa pag lalaba hindi gaano noon dahil lagi akong busy!” Depensa ko, halos hindi na ako makahinga ng sumagot ako ng diretso.
Tumawa lang sila pati ang asawa ko. Nang makarating kami sa ibaba nakita namin ang iba na nakaupo sa may lobby.
NANG MAKALAPIT kami agad naman tumayo ang mga ito. “Ate! Pwede ba kami mag libot kami lang dalawa?” Tanong ni Winter sa akin.
Tininingnan ko lang ito diretso sa mata nito at agad itong tumango. “Sabi ko nga bawal! Hmmp!” Masungit na sagot nito.
“Hindi pwede, alam niyo naman na sakin ka binilin ng magulang mo..” sagot ko din at lumabas na kami.
Nagulat ako ng biglang kumapit ang dalawang dalaga sa akin. “Ate bili tayo, souvenir tapos bigyan ko din mga friends namin sa school pwede?” Tanong sa akin ni Crystal.
“Kahit ano, sige bilhin niyo na..” pag payag ko.
“Yehey! The best ka talaga ate!” Masayang wika ng dalawang dalaga sa akin.
Umiling na lang ako. “May mga pera naman kayo ano?” Tanong ko sa mga lalaki.
“Ako wala kaya sama ako sa inyo..” sagot ni Damon kaya naman napa tampal ako ng noo.
“Hindi ka nag withdraw? Gagong ‘to..” tanong ni kuya Vlad dito.
“Nope! Nakalimutan ko..” sagot ni Damon.
“Hayaan niyo na ang importante may hawak kayo pero sa pagkain ako na mag bayad non,” sagot ko para hindi na sila mag talo.
“Dapat kasi kung sino unang nag aya siya ang mag babayad!” Wika ni Storm habang naglalakad kami patungo sa sinasabi ni Damon na kainan.
“Kingina nito! Wala nga akong na iwithdraw! Sapakin kita eh!! Flame oh!!” Sagot ni Damon at pag susumbong nito sa akin.
Natawa na lang kami sa isang ito. Kung sila Hanz naman hindi ko sure kung sasama sila pero sinabihan sila ng asawa ko. Sila Kurt kasi wala dito sa bansa nasa tatay nila sa Japan.
Hanggang makarating kami nag tatalo si Kuya Storm at Damon dahil sa hindi pag withdraw ni Damon ng pera para may pang gastos ito at pambili ng gusto niya. Sinabihan ko naman na bukas mag withdraw siya, kung may malapit na mall dito pwede siya doon mag withdraw sa loob dahil kadalasan may nga ATM machine sa mall.
Pero para sa akin naman, kahit may pera na hawak si Damon ay ako pa rin ang mag babayad. Mas lalo kapag tinatamad siyang kunin ang wallet niya sa bulsa.
Nag order kami ng seafood nila dito at kanin syempre. Ngunit ang pinaka twist dito? Nagkakamay kami, bakit twist? Hindi marunong mag kamay ang mga kasama ko.
Ang mga bata kasi pwede ko naman subuan, sila nanay marunong sila kaya pwede nila subuan ang ibang mga bata.
“Alam niyo? Ngayon ko lang napagtanto na mahirap maging tao at mawalan ng kutsara! Mas lalo kung hindi ka marunong mag kamay!” Gigil na asik si Damon.
Nabulunan pa si Azi sa kinakain niya dahil sa sinabi ni Damon, agad naman itong inabutan ng asawa ko ng tubig dahil magkatabi sila.
“Gayahin niyo na lang kami, pero mag plastic gloves kayo..” utos ni Nanay pero ako kamay ko talaga ang gamit.
Pwede naman mag hugas dito mamaya. “Mama, Ah!” Kalabit ng anak kong si Cloud at sinubuan ko ito ng kanin na may lobster at tahong. Gusto niya ito.
Sinubuan ko din ang anak kong si Ai at Pyrrhos inuuna ko sila bago ako sumubo. Pero kung hindi pa nila ubos kumakain muna ako. Ang asawa ko naman kahit hirap nakakain naman ito ng maayos.
“Hindi ka ba naiilang Flame? Kamay talaga gamit mo?” Tanong ni kuya Demitri sa akin.
Umiling ako bago sumagot. “Sanay naman ako kumain ng nakaka kamay. Noong nasa probinsya pa ako madalas pinapakain ako ni Papa ng naka kamay ito at gina-gaya ko lang siya..” kwento ko at ngumiti.
Napa tigil ako ng maalala ko na malapit na pala ang birthday ni Papa.. “What’s wrong?” Tanong ni Kuya Ezekiel.
“Pag uwi natin dadalaw ako sa libingan ng magulang ko, gusto ko sana sila ilipat kung pwede ‘yung magiging resting place na nila forever..” kwento ko sa kanila.
“Samahan ka namin para naman makita namin saan nakalibing ang Tito naming lahat!” Sagot ni Damon na kina ngiti ko.
Tumango ako at kumain na lang kami maayos hanggang matapos kami. Nauna silang lumabas dahil nag bayad pa ako sa counter.
Pag labas ko may pinag kukumpulan naman sila na nag iihaw. Bumuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanila.
“Kakain lang ninyo, pagkain ulit?” Tanong ko at nakita ko na katulad din ito sa Maynila na Street food.
Hinayaan ko na sila pero tumanggi na ako dahil busog na talaga ako. Ang mga bata naman ay hot dog na inihaw ang kanila dahil hindi ko pa sila pinapakain ng ganyan.
Nakakita ako ng ice cream stall kaya lumapit ako dito at nakita ko na marami silang flavor.. “Excuse me..” pag kuha ko ng atensyon ng babae.
“Yes miss?” Tanong nito sa akin at naka ngiti pa ito.
“Pwede ba na ipag sama ko sa isang cup na ganyan ang flavor na gusto ko?” Tanong ko dito.
Tumawa ito at tumango. “Opo Ma’am, combo po ‘yun kahit ilan pang scoop pwede..” sagot nito na kina ngiti ko.
“Okay bibili ako yung ganito kalaki,” turo ko sa paper cap nila na malaki hindi apa o cone ang gamit nila kundi paper cup.
Hugis ito na parang pa bowl. “Uy ice cream!” Wika ni Damon.
“Gusto niyo? Pwede combo kahit ano sa iisang cup na malaki..” tanong ko at paliwanag ko.
“Mama ako po..” tumatalon na wika ng mga anak ko.
“Enough, kakain mo lang sabihin niyo kay Miss yung gusto niyo. Ate Sky yung mga bata, Wendy bilhan mo si Knives ako na bahala sa bayad..” utos ko sa kanila.
Nang matapos ang akin binigyan ako ng limang spoon ng babae at habang naghihintay kami. Kumakain kami ng asawa ko at ng mga bata. “Ang sarap ano? Hindi sobrang matamis?” Tanong ng asawa ko.
Tumango ako dahil may laman ang bibig ko. “Yehey! I got mine Mommy tita Mommy!” Wika ng bunso ng anak ni ate Sky.
“Me too!” Sunod sunod na wika ng mga bata sila ang inuna kasing bigyan.
Kahit ang mga anak ko meron na kahit ang asawa ko kaya wala akong nagawa kundi ubusin ito. Matapos ko mabayaran lahat nag tungo na kami sa pinaka sadya namin.
May dala akong plastic para sa basuka namin dahil hindi pwede mag tapon basta basta dito. Nang makarating kami agad naman humilaw ang iba sa amin, naka kita kami ng mga damit, sapatos mga ipit sa buhok kahit Abaca Hat.
Bumili ako nito para sa akin at sa mga babae sa grupo. Bumili din ako ng mga para sa mga bata inuna ko sila dahil mga bata ito matagal silang makapamili.
Marami din silang gusto kaya sila talaga ang inuuna ako. Nag pabili naman si Knives ng bubbles kaya para walang mainggit lahat sila binilhan ko na. Hindi ko na pinag bayad si Wendy dahil alam ko na ang iipon ito para sa pag aaral ni Knives.
Sinabihan ko nga siya na gumawa ng trust funds ng bata para sa future nito hindi mahirapan ng husto. Ang mga anak kasi namin ni Blake ay pinagawan ni Blake. Ganun din ang mga anak ni Ate Sky para hindi na sila nahihirapan kung sakali.
Nang maka bili na kami ng para sa mga bata kami naman ng asawa ko ang bumili. Hawak nito ang tatlong bata at ako naman ang pumipili tapos pinapakita ko sa asawa ko.
Nang approved sa kanya binibili ko. Mabuti hindi naging makulit ang tatlo dahil baka mawala sila sa dami ng tao ngayon.
-
I can make time for my Loveones..