CHAPTER 44

2723 Words
STEVE MORGAN Napa tayo ako ng napanood ko ang nangyari sa Maynila. “Ang kaibigan ko..” bulong ko. Hindi ko maiwasan hindi malungkot dahil sa isa isa na nawala ang kaibigan ko. Nagising ako sa pag iisip ng mag ring ang cell phone ko kaya agad kong kinuha ito at sinagot. Si Boss Flame ang tumawag sa akin, “Huli man para sabihin ito, pero sasabihin ko parin hindi ko gusto mawalan ka ng kaibigan kung galit ka sa akin tatanggapin ko..” wika nito at binaba na ang tawag nito sa akin. “Hindi ako galit nagulat lang ako..” bulong ko at binaba ko sa gilid ng inuupuan kong sofa ang cellphone ko. Muling umilaw ang cellphone ko at binasa ko ang nag text sa akin. “Kaya pa siyang mabuhay, dahil hindi ito napuruhan ng tauhan ko. Ngayon bubuhayin ko siya pero gusto ko ikaw ang kumausap sa kanya tutal matagal kayong mag kasama bilang magkaibigan..” malakas kong basa sa text ni Boss Flame. Nag reply lang ako ng pasasalamat. Alam ko may pagkakataon pa na mag bago si Charles, nasaktan lang siya sa pagkamatay ng girlfriend niya noon. Hindi ito magbabago.. FLAME MORJIAN LAVISTRE - DELA VEGA “Oy! Baka naman pwede tayo mag bakasyon?!” Tanong ni Damon kasama nito ang mga bata na naliligo sa pool. “Kailangan ko muna masigurado na wala ng bantang susunod. Kung gusto niyo mag hanap kayo saan tayo pupunta, excuse ko na lang ang mga bata..” sagot ko at pag payag ko. “Oy, Apoy? Bigyan niyo naman ng bakasyon yung mga babae sa Underground mukha na silang tuyong-tuyo!” Hiyaw ni Damon na naman. “Diba kababalik lang nila galing Coron, Palawan? Doon sila nag punta diba?” Tanong ni Azi at inabutan ako nito ng orange juice. Nandito kami ngayon sa bahay ko at sila naman ay nagsi puntahan dito para lang dito matulog. “Oo doon nga sila pumunta.” Sagot ko at nilingon ko ang bagong dating na sila Ezekiel, Earl ang magkapatid na si Vlad at Demitri. “Hindi niyo kasama si Cross at Brent?” Tanong ko sa bagong dating. “Nasa labas pa, may mga dalang pasalubong sa mga bata..” sagot ni kuya Vlad ang asawa ko naman ay may tinatapos pa sa office dito sa mansion. Hinayaan ko na ito dahil ayaw nito na may gumugulo sa kanya kapag nag ta-trabaho ito. “Kids! May pasalubong akong toys!” Narinig kong tawag ni Cross nasa loob pa lang ito. “Tito Cross!” Tawag ng anak kong si Cloud at tumakbo agad ito. Saturday ngayon kaya wala silang pasok, maliban sa mga college ko na pinaaral meron silang pasok pag sabado. Pinag masdan ko ang mga bata na masayang lang na lumapit sa mga Tito nila na kina ngiti ko. “Saan niyo ba gusto tayo mag bakasyon?” Tanong ni Kuya Storm umupo ito sa tabi ko kaya naisipan kong humiga at gawing unan ang hita ng kuya ko. “Kahit saan mag sabi lang kayo..” paalala ko at pinikit ko ang mata ko. STORM LAVISTRE “Sa Batangas na lang tayo..” suhestiyon ni Azi sa amin. Tumango ako at inayos ko ang damit ng kapatid ko. “Pwede naman, ikaw Flame gusto mo—— tulog?” Tanong ko at pinasilip ko sa kanila. “Oo mukhang katutulog lang noong humiga siya.” Sagot ni Vlad at hinubad nito ang suot niyang jacket at ipinatong sa hita ng kapatid ko. “Pabayaan niyo na pagod ‘yan..” utos ni Vlad kaya tumango na lang ako. “Tawagin niyo si Blake para mabuhat ito patungo sa kama nila..” utos ko. Kukunin na sana ni Damon ang cellphone ng matanaw ko si Blake na patungo dito. “Brad, tulog si Flame buhatin mo, para maka higa ito ng maayos..” tawag dito ni Brent. “Sa Gazebo ko na lang ilalagay ang asawa ko, dahil sigurado magigising ‘yan..” sagot nito. “Ikaw ang bahala basta komportable siya..” sagot ko. Nag pasalamat ito at dahan dahan nito binuhat ang asawa niya. Inalalayan ko naman ang ulo ng kapatid ko hanggang dalhin na nito sa Gazebo si Flame. Pwede naman matulog doon, tama din ito kasi mabilis magising si Flame kung iakyat pa ito sa taas siguro sa hagdan pa lang gising na ito. “Damon, tang*na mo yung bata baka malunod ‘yan!” Suway ko dito at nag lublob na ako sa tubig. “Maka mura naman ito, hindi yan dahil may safety gear naman siya!” Panukoy nito kay Pyrrhos. Nakita ko naman lumabas na si Blake. “Sa Batangas daw tayo Bayaw mag bakasyon? Tingin mo okay si Flame sa ganun?” Tanong ko kay Blake. “Pwede naman pero, pwede ba sa Boracay na lang? Maganda kasi doon..” suhistyon niyo. “Oy doon na lang tayo pumunta guys!” Hiyaw ni Damon. “Payag kami.” Sagot ng mag kapatid na Vlad at Demiri. “Kami din..” sagot nila Azi, Brent at Cross. “Okay sige doon na lang, kahit saan naman ang asawa ko ay ayos lang sa kanya as long mag enjoy ang lahat..” naka ngiting sagot ni Blake kaya tumango ako. Ganun talaga si Flame napaka Selfless nito pag dating sa ikakasaya ng pamilya niya. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA SUNOD NA ARAW NAKATANGGAP ako ng tawag na nasa maayos na kalagayan na si Charles hindi ito napuruhan tulad ng sinabi ko kay Steve. “Lahat ba ng bata ay buhat na ninyo? Huwag niyo sila ihiwalay sa inyo..” bilin ko hawak ko ang anak kong si Cloud sa kamay nito. Ang mga anak anak kong kambal ay nasa tito Thunder at Storm nila dahil gusto nila ito ang katabi nila. “Oo!” Sagot nilang lahat. Hinawakan ng asawa ko ang iba naming dalang gamit. Ito ang unang beses na magkasama kami sa isang eroplano na sasakay. Lahat kami ay pinili business class ang asawa ko ang nag pa book nito, at sinabi nito na kung pwede kami lang ang sasakay sa business class upang hindi magkaroon ng kahit anong gulo. Kung kamusta na si Alberto Quirino? Dinidiin na ito sa loob ng kamara sa lahat ng ginawa nito, inutos ko sa tao ko na lahat ng nakuha naming information ay ibigay sa mga kinauukulan. Mabuti at tinanggap nila ito dahil kung hindi mas mahihirapan na sila itong hanapan pa ng butas. Dahil nalaman namin na pinag bubura at nilinis na nila ang kanilang kalat. Nag lakad sa loob ng airport ako naman ay naka shade lang ako ng Louis Vuitton. Balenciaga ang tatak ng total outfit ko, naka Balenciaga stretch-cotton jersey soft crop top triangle shape ito at naka loose jagger pants din ako ng Balenciaga. All black kahit ang dala kong jacket, ang asawa ko naman ay naka Louis Vuitton din. Pumasok na kami sa eroplano at ang mga bata at pinababa ko na sila para mag lakad na at ang nasa likod namin ng asawa ko ay ang mga bata, kami ang nauna dahil hindi naman alam ng mga bata saan kami papasok. Nang makarating kami inayos ko muna mga gamit namin. “Behave..” utos ko sa mga anak ko na naka tayo pa sa upuan ng daddy nila.. nasa gitna namin ang anak namin ako ang nasa bintana ang asawa ko sa kabilang side ito naka upo. “Mama, Daddy hindi po kami tatabi kina Kuya Helliot?” Tanong ni Pyrrhos sa amin ng daddy niya. “Hindi dahil mag kukulitan lang kayo, hindi kayo dapat maging pasaway sa eroplano..” ma-otoridad kong sagot dito. Habang si Ai naman at ang panganay ko ay nanonood sa daddy nila na may kung anong hinahanap ito. “May naiwan ka ba, Love?” Tanong ko dito. Umiling ito at pinakita sa akin ang hinahanap niya. “Wipes? Bakit??” Takang tanong ko dito. “Mama madumi po yung hawakan sa upuan ni Daddy..” turo ng bunso ko sa armrest ng inu-upuan ng asawa ko. “Pahingi rin ako Love..” pasuyo ko sa anak ko. “Ako mama! Ako mag pupunas please?” Pakiusap ng bunso ko. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan ko ito na tuwang tuwa naman sa ginagawa niya. “Ayusin mo ha?” Paalala ko dito. Humagikhik lang ito bago sumagot. “Opo, Mama!” Sagot nito ngumiti na lang ako at hinalik ang noo ng bunso ko. “May baby wipes ka, Flame? Ang dumi ng handle..” bulong ni Ate habang nasa likod ko ito. “Cloud? Ibigay mo kay Tita Mommy Sky ang wipes anak..” utos ko sa anak kong panganay. “Opo mama, Tita mommy..” sagot ng anak ko at maayos nitong inabot wipe kay ate. Hindi ko na ito ginawang big deal sigurado naman ako na mistake lang ito. Hindi naman sensitive ang mga bata o kami sa ganitong bagay. NANG LUMIPS ANG ISANG ORAS nasa himpapawid na kami, at ang mga kasama ko naman ay tulog na kahit ang mga bata. Malapit na rin kami makarating, dahil na rin sa magandanang panahon at walang naging problema. Minsan kasi sa mga flight may mga ganito, pag uwi naman napag usapan namin na mag barko na kang dahil gusto ng mga bata maranasan ang mag barko naman. Hindi naman kasi sa pag mamayabang, kabisado na ng mga bata ang pasikot sikot sa loob ng eroplano. Kaya kapag sinabi namin na aalis kami at nalaman nilang eroplano? Parang ayaw na nila sumama, pero hindi pwede dahil bata pa sila walang maiiwan. Sila Nanay Fe at ang ibang katulong ay kasama rin namin dahil gusto ko. Saka ako naman mag babayad ng lahat ng ito. LUMIPAS PA ANG trenta minutos ay bumaba na kami ng eroplano. Tinulungan kami sa mga bagahe namin, hindi ako nag aalis ng mask at shade upang makaiwas sa mga aberya o gulo. Kilala parin ako bilang mamatay tao kaya mas mabuti na nag iingat. “May susundo sa atin na Apat na itim na Van. Sila Blue ito at Barbie, susunod din sa atin sila Ava at ang iba pa nitong kasama..” pag papa-alam ko sa kanila habang naglalakad palabas ng airport. “Okay mas maganda yung marami tayo..” wika ni Kuya Storm. Pag labas namin saktong nandito na sila Barbie. “Kids sakay na..” utos ko. Hinayaan ko na silang ilagay ang mga gamit namin at sinamahan ko na ang mga bata. “Ai dito kana lang sa hita ni mama uupo. Para kasya si Daddy at maka upo..” utos ko sa anak ko at tinuro ko ang hita ko. “Yehey! Hug ko ang mama!” Excited nitong sagot at agad itong lumapit sa akin na kina ngiti ko. “Love d’yan ka dito ako sa may window..” tinuro ko ang uupuan ng asawa ko. Mas delikado kung ang anak ko ang nasa bintana. Hindi nagtagal umandar na kami deretso kami sa hotel malapit sa beach kung saan kami tutuloy. Tutuloy kami Hennan Crystal Sands Resort. Tiningnan ko ang oras sa pambisig ko sakto na mag tatangahalian na. “Sa labas na lang tayo kakain, ibaba niyo ang gamit niyo sa mga kwarto niyo tapos kita tayo sa lobby para kumain na tayo ng lunch..” pag sasabi ko sa mga kasama namin. Si kuya Danny ang nag drive ng van na sinasakyan namin. Paano ko nasabihan ang iba simple lang dahil dala ko ang earpiece ko ginamit ko din ang relo ko. “Okay, mabuti pa dahil nagrereklamo na si Damon. Kulang daw ang kinain niya sa eroplano..” narinig kong sagot ni kuya Thunder. “Oy? Bakit talaga naman na nagugutom pa ako pinigilan kasi ako ni Storm..” parang batang sumbong ni Damon. Narinig ko na lang na minura ni kuya Storm si Damon. Umiling na lang ako at nilingon ko ang asawa ko. Si mommy naman sumama din pero hindi sila dito nakasakay kasi puno na. Mga bata pa lang at sila Ate Sky at kuya Harold pa lang. Nasa isang van ang ibang boys hindi ko lang sigurado saan. “Kulit talaga ni Damon, saan ba nag mana ang isang ‘yan?” Tanong ni ate habang nasa likod namin ng asawa ko. “Naku huwag mo na itanong, Ate kahit sila Tita Danica ‘yan din ang tanong..” sagot ko kay ate. Tumawa lang si Ate. “Mommy gusto ko na po kumain..” narinig kong wika ng bunso ni ate. “Kakain na tayo pag dating doon ilalagay lang natin ang mga gamit, okay?” Pagkausap ni ate sa anak niya. Kinuha ko ang biscuit ng mga anak ko sa bag na dala ko ay inabot ko ang apat na piraso sa ate ko. “Pakainin mo ate, para maibsan ang gutom..” sagot ko kay ate. “Salamat Flame..” pasasalamat ni ate at kinuha ang pagkain. Binuksan ko ang isang piraso malaki naman ito kasya na sa mga anak ko ito. “Mama may cheese po ito?” Tanong ng panganay ko. Tumango at dahil busy akong buksan ang tubig na siyang kinuha ng asawa ko. “Ako na Hon, hirap na hirap ka na..” wika ng asawa ko at inabot sa bunso namin ang tubig. Hindi ko maiwasan hindi matawa, nahirapan kasi ako dahil na rin naka upo ang bunso ko sa harap ko kaya hindi ko gaano makikita ang ginagawa ko. “Sorry, salamat Love..” paghingi ko ng paumanhin dito. HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI SA hotel na pag tutuluyan muna namin. Nauna bumaba ang asawa ko at binuhat nito ang kambal. Dahil ang mga staff dito ay kinuha na ang mga gamit namin. Hawak ko ang panganay ko sa kamay habang buhay ko ang bag ko kung saan nakalagay ang mga importante na gamit ko. “Guys yung bilin ko..” muling paalala ko. Tumango naman ang mga ito at nauna pumasok ang asawa ko ito kasi ang inutusan ko. Dahil kung ako baka hindi sila pumayag. “Samahan niyo sila paki hatid sa mga room number nila..” utos ng babae lumingon ako sa asawa ko. Nakatingin ang isang babae sa asawa ko ng malagkit kaya naman napa taas ang isang kilay ko. “Huwag kana mag selos, anak. Ikaw ang asawa..” bulong ni mommy na kina lingon ko dito. “Masyadong malagkit maka tingin sa asawa ko po..” magalang kong sagot kay mommy ay inayos ko ang suot kong shade. Tumawa lang ito. “Ibig sabihin malakas pa rin ang charisma ng asawa mo. Hayaan mo sila hindi naman sila papatulan ng anak ko..” kumapit pa si Mommy sa braso ko na hinayaan ko na lang dala ni Crystal at Winter si Cloud dahil sumama ito. “Anak, tapos kana ba d’yan? Naiinip na ang asawa mo..” tanong ni Mom sa asawa ko. Nakita ko agad na tumingin ang babae sakin mula ulo hanggang paa ko at agad itong yumuko at tumalikod. “Yes mom, sorry hon..” sagot ng asawa ko kaya nag lakad na kami si Mommy naman ay sumabay sa dalawang dalaga. “Mom ang mga bata po ha?” Paalala ko kay mommy dahil sila ang mauuna sumakay sa elevator. Tumango si Mommy kasama na nito ang mga apo niya. “Mag hagdan na lang kaya tayo? Tutal alam naman natin saan tayong floor..” tanong ko sa asawa ko. “Ayoko, i’m tired honey..” natatawa nitong sagot. Humawak akong sa braso ng asawa ko. Ang kamay naman nito ay kinuha ang kamay ko. “Mag exercise ka ulit Love.. bata ka para manakit ang katawan mo..” paalala ko dito. Bumuntong hininga ito. “Napaparami kasi ang kain ko kaya siguro bumibigat ako, hindi ako tumataba bumigat lang kaya siguro medyo madaling mapagod..” paliwanag na sagot nito. “Kaya nga kailangan mo pa rin ‘yun. Okay lang naman kumain ka ng marami pero bawiin mo sa work out..” paliwanag ko dito. “I will honey, thank you for reminding me..” pasasalamat nito na kina ngiti ko. Pumasok na kami sa loob at ito ang pumindot ng number 3 ibig sabihin sa 3rd floor kami. - You vs You Will always be your biggest fight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD