THUNDER LAVISTRE
“Hawak ng mga kriminal na Mafia ang panganay kong anak! Mga walang pusong mafia! Kahit inosenteng tao——” hindi ko ito tinapos pero nanatiling naka open ang tv.
“Mika, ibagsak mo ang nakuha niyong info tungkol sa anak ni Albert..” utos ko dito..
Wala si Flame dahil iba ang ginagawa nito kaya sa akin naka toka ang gawain sa anak ni Albert. “Opo boss!” Sagot nito kaya naman muli akong tumingin sa screen ng tv.
Naka plastar ang mukha ng nakaka bata kong kapatid sa tv na lalong kina kuyom ng kamao ko hanggang biglang tumigil ang lahat.
“Anong nangyayari?!” Tanong ko kay Mika.
“Nasa tv si Flame!” Wika ni Damon nagka dapa-dapa pa ito sa pag takbo papasok sa loob ng underground.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. “Ano?! Nababaliw na ba siya?! Ano ba talaga ginagawa niya?” Halos sumigaw na ako sa gulat.
“Pupuntah——” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit ang mukha ni Luther sa screen.
“Pabayaan niyo siya, gawin niyo ang plano..” utos nito, nakita ko na nasa likod nito ang anak ni Albert.
“Plano ni Flame ulitin ang ginawa sa kanya 6 years ago. Ang ibalandra sa mga tao ang mukha ng kaaway niya..” wika ni Earl na kararating lang.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang ulo ko sa inis ko. “Gagawin niya ‘yan? Tapos ano magdedeklara na naman ng giyera ang mga taga gobyerno? Hindi ba niya iniisip na maiipit ang mga bata dito?” Hindi makapaniwala kong tanong.
“Kumalma ka lang pwede Thunder? Hindi ito ang pinu-punto ni Flame. Gusto niya lang ipakita na hindi dapat nangingialam ang gobyerno sa atin! Yun lang naman ang gusto ni Flame..” wika ni Luther kaya nilingon ko ito ng marahas.
Nag lakad ako patungo sa harap ng screen. “Tingin mo ba titigil sila sa simpleng ganito lang?! Hindi! Lalo lang silang magagalit at lalo lang sila mangingialam! Kung plantyado ang gusto ni Flame mangyari, ang mga ‘yun ay hindi! Gaganti at gaganti sila, hindi ito matatapos..” mahabang paliwanag ko dito.
“Pwede na kayo sa pag tatalo? Kahit saan pa ang pag usapan ninyo walang titigil hanggang walang sumu-suko!” Napa tikom ako ng mag salita si Flame sa kabilang linya.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Kahit pa ano ang piliin natin, lumaban man tayo o hindi wala parin magagawa ‘yan! Dahil ang tingin sa atin ng lahat ay kaaway..” huling wika ko at inalis ko na ang earpiece ko at humarap kay Albert Quirino.
Hawak ko ang xerox ng mga kahayupan ng isang ito. “Palibutan siya! Ibalik mo ang anak ko!” Utos nito na siyang ginawa ng mga pulis
Sinundan ko ng tingin ang mga pulis na pumapalibot sa akin habang ang mga media naman ay pilit kumukuha ng video. “Onze, wasakin mo ang tv network na nandito ayoko makita ng mga tao sa bahay nila ang gagawin ko..” utos ko kay Onze gamit ang cellphone kong naka open pa ang call ko dito.
Ngunit hindi ko malalaman kung nakasagot ito o hindi dahil wala na akong suot na earpiece, ngunit nalaman ko lang ang sagot ng isa isa na nakatanggap ang mga reporter sa pagkasira ng signal nila.
“Ibabalik ko ang anak mo sa isang condition..” sagot ko at nag lakad ako pero nakita ko ang pag higpit ng hawak nila sa mga baril nila.
“Subukan mo lumapit tapo——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng tingnan ko ito ng masama.
“Mamatay ka sa harapan ko, gusto ko tapusin mo ang sarili mo.. pero may gusto ako itanong..” pag bibigay ko ng condition ko.
“Hayop ka! Ano ka diyos para sundin ko? Kung ang panginoon mismo hindi ko sinu-sunod ikaw pa kayang anak ng diablo?!” Sigaw nito.
Tinaas ko ang kamay ko at agad naman lumabas si Violet at Jimmy hawak nito ang anak ni Albert. “Madali akong kausap, gusto mo ba tapusin ko siya?” Tanong ko dito.
Nakita ko itong tumulo na ang luha nito. “Aminin mo ang ginawa mong pag nanakaw at abswelto ka, saka aminin mo na ang pakikipagsabwatan mo sa mga Yakuza mas lalo kay Toshiba at ilaglag mo sila sa mga tao sa senado kundi.. bilang na ang oras ng anak mo..” babala ko dito at tumalikod na ngunit dumating ang Chief ng buong kapulisan.
“Arestuhin siya!” Utos nito.
Nilingon ko si Albert na naka ngisi lang. “Mali ka ng ginawa..” maka hulugan kong wika..
Nang hahawakan ako ng lalaking pulis agad kong hinawakan ang kamay nito at binali ko na kina sigaw nito sa sakit. “Tumigil ka kundi tatapusin ka namin!” Pag babanta ng hindi ko kilala.
Ngunit naka yuko lang ako imbes na makinig ako binaril ko diretso sa bungo ang lalaki na binali ko ang buto.
“Ngayon na!” Utos ko umalis na si Violet dala ang bihag namin.
Kinabit ko ng ibalik ko ang earpiece ko at sunod sunod na ang putukan sa labas ng supreme court. “Ngayon niyo ako tawaging pinakawalang pusong tao! Tanggap ko naman ‘yan matagal na pero ito lang ang hindi niyo kaya tanggapin..” putol ko.
“Kahit gaano kayo kadami, uubusin ko parin kayo..” wika ko at nilingon ko si Albert na nanginginig ngayon sa likod ng police chief.
“Bubuhayin kita pero, may araw ka din sakin, lahat ng kasabwat mo tatapusin ko sila ito lang ang maipapangako ko..” babala ko kay Albert Quirino.
Tumalikod na ako at tinaas ko ang kamay ko upang tumigil na sila sa pag baril. Sumakay ako sa motor ko at sinuot ko ang helmet ko, tumingin pa ako sa huling pagkakataon kay Quirino bago lumisan.
“Ihanda niyo na ang batang ‘yan tatapusin na natin ito..” utos ko sa mga tauhan ko..
ACE LUTHER BLACK
“Sayang ang buhay mo bata, kung matatapos lang ng ganun kabilis..” pag kausap ko sa batang lalaki na nasa harapan ko.
Umiiyak ito. “Ayoko pa po mamatay! Please parang araw niyo na..” pag mamakaaway nito.
Saltong dumating na ang Lavistre at Valencia kasama nila si Drake. “Kung papayag ka mananatili kang buhay pero mag ta-trabaho ka kay Ace..” wika ni Flame na kapapasok lang din.
Tumayo na ako ng maayos at hinarap ang mga bisita ko. “Po? Pero wala akong alam sa mga gawain niyo..” sagot ng binatang ito.
“May magtuturo sayo..” sagot ni Drake dito.
“Okay lang ba mag recruit kayo ng ganito?” Tanong ni Damon umupo pa ito sa upuan ng motor ni Violet ang kanang kamay ko.
“Walang problema sa akin ‘yan madali lang siyang tapusin..” sagot ko at nag tungo ako sa upuan ko, habang ang ibang tauhan ko ay nag bigay galang sa dalawang Leader na nandito at sa mga Lavistre.
“Kung ganun, gagawin ko parin ang plano ko pero iwasan niyong matamaan siya ng bala..” utos ni Flame sa mga kasama namin sa loob ng akin Underground.
“Kami ay nanatili lang sa likod mas mainam ito para hindi narin lumaki ang malilikhang sira..” wika ko.
Tumango si Drake Montelivano. “Ganun din ako, kayo ang kikilos DCN dahil kung pati kami ni Black kikilos din? Sigurado ang laki masisira natin..” pag sang ayon ni Drake sa akin.
“Sa amin walang problema ‘yan, ako na bahala mag sabi sa mga tauhan namin na huwag patamaan ng bala ang lalaking ‘yan..” sagot ni Vladimir.
“Maganda kung habang gumagalaw ang sasakyan niya may isang DCN ang naka bantay sa kanya sa itaas. Upang maiwasan na matamaan siya..” suhestyon ni Thunder.
“Yun ang eksaktong gagawin, Kuya.” Sagot ni Flame umupo si Flame at hinarap ang lalaking bihag namin.
“Kung matamaan ka, huwag kang kikilos agad. Ang ama mo at mga kasama niya lang ang habol namin hindi ka kasali. Makinig ka kung tamaan ka ng bala, huwag kang gumalaw para hindi ka agad pumanaw, susuutan ka namin ng vest sa loob ng damit mo.” Paliwanag ni Flame dito.
Tumango naman ang binata at hindi na ito umimik pa. Tumayo si Flame at nag salita ito sa akin. “Ipa-handa mo na sa tao mo ang sasakyan na gagamitin..” utos nito sa akin at umalis na ito.
Bumuntong hininga ako at nag salita. “Kahit kailan talaga napaka lamig niyang maki tungo..” wika ko habang umiiling.
“Anong bago? Ganyan naman talaga si Apoy, oy Ace, wala ka bang pagkain dito? Nagugutom na ako..” tanong ni Damon.
“Hanggang dito ba naman gutom ka parin? Kumain kana kanina ha?” Tanong ni Storm dito.
“Isa ka pa, may sawa ka ba sa t’yan, bata?” Tanong ko dito at sinenyasan ko ang tauhan ko na lalaki.
“Bakit ba problemado kayo sa pagiging gutumin ko? Ako nga pagod na laging gutom hindi ko naman ‘yun prinoblema ha?” Hindi makapaniwala nitong tanong sa aming lahat.
Umiling na lang ako at hinayaan silang mag bangayan mag pinsan. “Huwag na kayo kabahan sa kilos ni Flame, kilala niyo naman ‘yan hindi yan mag papaawat..” paalala ko at hinayaan ko silang umupo muna.
“Hindi lang maiwasan, saka ayaw namin mawalan ng ina ang mga pamangkin namin..” wika ni Thunder.
“Hindi naman ‘yan nawawaglit sa isip ni Flame, mas lalo na siya, siya ang ina..” sagot ni Drake.
Bumuntong hininga na lang si Thunder at hindi na ito umimik pa. Tiningnan ko naman ang mga ito, para sakin kailangan na nila kumilos ng sarili nila pag dating sa underground dahil hindi na nila pwede iasa lahat kay Flame.
Pamilyadong tao na ito..
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE
NANG MAG GABI HINDI NAMIN INAAKALA na kikilos na ang mga Yakuza. This time kasama na namin ang asawa ni Flame habang si Flame mismo ay nasa area na kung saan kasama nito si Thunder.
“Imbes na ang asawa niya ang kasama niya ang kuya niya ang kasama niya..” wika ni Demitri.
“Para ito, sirain ang nasa isip na ng kalaban. Expected na nila na naka dikit si Blake kay Flame dahil ito ang asawa. Pero hindi ganun ka tanga si Flame para gawin ang bagay na ‘yun. Dahil kapag ‘yun ang ginawa niya sigurado si Flame na rin ang ang lagay sa libingan ng kanyang asawa..” mahabang paliwanag ko.
“May punto si Vlad, Demitri. Hindi ito gagawin ni Flame..” pag sangayon ni Blake sa akin.
THIRD PERSON POV
Nanginginig sa takot ang binatang si Charles dahil alam niya na may alam na ang mga Lavistre sa ginawa niyang pag ta-traydor sa mga ito.
“Ngayon ka pa ba matatakot?” Tanong ng anak ni Toshiba.
“Matatakot ako dahil ito ang pakiramdam ko! Hindi mo ako pwede diktahan..” sagot ng binatang si Charles.
“Tandaan mo si Flame ang pumatay sa pinaka manahal mong babae..” muling paalala nito sa binata.
Tama ang anak ni Toshiba, kaya ito ginagawa ng binatang si Charles upang gumanti sa ginawa ng buong DCN sa pinaka mamahal nitong babae. Dahil hindi nito kaya kalimutan ang nangyari at hindi nito kayang mapatawad si Flame dahil doon.
“Tara na! Iligtas natin ang anak ni Quirino..” utos ng Leader ng Toshiba Clan.
Nang makalabas silang lahat dumeretso sila sa Jones Bridge kung saan alam nilang ipaparada ng mga Lavistre ang bihag nila.
Si Charles din ang nag sabi sa mga kasama niya ng tungkol dito.
SA KABILANG BANDA nakahanda na ang lahat sa unang pag usad. Hindi tulad noon na mahaba ang oras na ginugol ni Flame sa daan habang ito ay naka babad initan.
Ngayon ay mas pinaikli nila, dahil ang goal lang nila palabasin si Charles at ang Toshiba Clan. “Papunta na sila..” bulong ni Flame sa kuya nitong si Thunder.
Narinig naman ito ng lahat sa loob ng Underground. Habang ang lahat ng DCN member ay nagtatago na sa mga eskinita upang sa pag labas ng mga kalaban ay handa na sila.
Nang katukin ni Flame ang bubong ng Truck gamit ang suot nitong sapatos nag umpisa na itong umandar. Maraming naka antabay na Media ang iba pa ay gumamit ng Drone. “Lance at Ava mag focus kayo sa mga helicopter na gagamitin ng mga pulis, para barilin kami. Kayo naman Vlad at ng ibang grupo kayo ang back up..” utos ni Flame habang umaandar ang sasakyan.
Si Damon ang nagpapatakbo ng truck na pinag lalagyan sa anak ni Quirino, kasama nito ang binatang si Storm. “Kayo naman Earl ang bahala sa likod namin kami na ang bahala nila kuya sa harapan kasama mo naman si Ezekiel at Azi diba?” Tanong nito sa kanyang pinsan.
“Oo kasama ko, nasa sa inyo naman si Brent kaya hindi na kayo dehado..” sagot ni Ezekiel.
Habang si Cross naman ito ang nasa itaas upang lumaban din. Ito ay under ng training sa pagiging sniper ito ang gusto nito. Naka abang lang ito upang bigyan ng back up ang lahat dahil may kanya kanya na silang position.
“Cross siguraduhin mo na walang makaka lapit na Toshiba Clan at mga pulis sa anak ni Albert..” maliwanag na utos ni Flame.
“Klaro..” sagot nito hanggang tumigil ang truck dahil may humarang na sa kanila.
Nag lakad pababa si Flame at Thunder, kinalas ng magkapatid ang kadena na nagbibigay ng suporta sa cargo nito sa likod hanggang nag bagsakan ang mga yerong pader at doon nila nakita ang mukha ng anak ni Quirino.
“Pakawalan niyo! Kundi tatapusin namin itong kasamahan niyo..” utos ni Asahi Toshiba may hawak itong baril at ang kabilang kamay nito ay isang Katana.
Nilingon ito ni Flame at sumagot. “Tingin mo may pakialam ako sa taong hawak niyo?” Tanong ni Flame dito na kina gulat ni Charles.
“Alam ko naman ang ginagawa ng isang ‘yan. Oo nga pala hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko..” paalala muli nito sa bintana.
Tinutok ni Flame ang baril niya sa ulo ng lalaki at dikinit pa sa ulo nito ang nguso ng baril. “Ibaba mo ‘yan! Lumayo ka sa kanya!” Utos ng pulis
Ngumisi lang si Flame. “Ngayon na..” mahinahon nitong utos na agad naman nilang pinag taka.
Hanggang sunod sunod ang putok na pinakawalan ng mga mafia. Sumugod si Charles kay Flame. “Dahil sayo nawala ang pinakamamahal kong babae! Hindi kita kayang patawarin!” Sigaw nito.
“Kuya!” Tawag ni Flame upang ito ang pumalit na mag bantay sa anak ni Quirino.
Bago pa tamaan si Flame ng suntok ni Charles agad sinalubong ito ni Flame ng isang malakas pag tuhod sa sikmura nito.
Napa luhod ito at dumura ng dugo. Hinawakan ni Flame ang ulo nito at tinangala sa kanya. “Iniisip ko pa noong una kung tatapusin kita dahil ayoko gawin ang ginawa ko kay Cleon noon, pero ngayon? Mas gugustuhin ko ng tapusin ka kesa mag alaga ng tutuklaw sakin balang araw..” mahabang wika nito at sinuntok ito ng mas malakas na kina bagsak nito.
Nang itutok ni Flame ang baril dito nag salita naman si Quirino. “Tumigil na kayo huwag niyo patayin ang anak ko oo inaamin ko! Nakipag sabwatan ako nag nanakaw ako ng kaban ng bayan, kasama ako sa mga pag bebenta ng mga babae sa mayayaman na mafia!” Pag amin ni Quirino.
Tumayo ng maayos si Flame at nilingon nito si Quirino at ang anak na lalaki nito. “Hindi kami ang kaaway ng bansa, kami ang kaaway ng kapwa namin mafia nakiki-sali lang ang gobyerno..” makahulugan na wika ni Flame sa anak ni Quirino.
Tumalikod na si Flame. “Tapos na tayo nakuha ko na ang gusto ko..” sagot ni Flame pero binaril nito ang anak ni Toshibo diretso sa ulo dahil ito na lang ang natitira sa lahat ng tauhan nito.
“Bubuhayin kita pero ayoko na makita ang pagmumukha mo.. sa oras na balikan mo ako, tatapusin kita agad.” Pag babanta ni Flame kay Antonio.
Nag lakad na ito kasama ang mga kapatid at pinsan nito. Hanggang. “Mamatay ka——-” hindi nito natuloy ng barilin ni Lance ito diretso sa ulo.
“Huwag ang amo namin..” bulong nito na sakto lang upang marinig ng mga kasama nila.
-
Be selective in your battles. Sometimes peace is better than being right