By Michael Juha
getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
---------------------------------
"Si Rigor!" sigaw ng utak ko.
Lalong gumuwapo siya at ang dating gusgusing batang nakilala ko ay isang certified na metrosexual na. Cleancut ang buhok, kuminis ang balat lalo na ang mukha, ang pananamit ay maihahanay sa mga sikat na batang artista. At may isang silver na hikaw pa siya sa kanang tenga! At pansin ko ang lalong pagganda ng hubog ng kanyang katawan; bakat ang kanyang mga biceps at bakat ang sculpted na dibdib sa kanyang suot na semi-fit na puting t-shirt.
"Rigor! Ikaw ba yan?" ang sambit ko sa natulala ding si Rigor.
"R-ryan?!" ang sambit din niya.
"Waaahhh! Akalain mo? Ang liit lang talaga ng mundo! Antagal na kitang hinahanap tol!" ang excited kong nasambit.
"A-ako rin tol..." Ang med'yo may pag-aalangan niyang sagot.
"Halika! Pasok!" ang pag anyaya ko.
Sumunod din naman siya. "D-dito ka pala nakatira? Tanong niya. "Ang ganda ng tirahan mo..."
"Mahigit dalawang taon na ako dito sa Maynila tol. At ok naman ang work ko. Supervisor ako sa isang multi-national company." Sagot ko habang pinaupo siya sa sofa at ako naman ay dumeretso sa kusina, kumuha ng beer sa refrigerator at noong bumalik sa sala, inilatag ang apat na beer sa mesa, binuksan ang isa at iniabot iyon sa kanya.
Tinanggap niya ang nabuksan nang beer sabay tungga nito. Nagbukas uli ako ng isa pa at inilatag sa harap ko.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Pakiramdam ko ay bumalik uli ang pagkamahiyain ko, hindi magawa-gawang titigan siya, lapitan, o ni hawakan. Ni hindi ko nga siya nakamayan sa bukana pa lang ng pintuan. Basta ang naramdaman ko lang sa pagkakataong iyon ay ang malakas na kabog ng aking dibdib at ang panginginig ng aking buong katawan. Pakiramdam ko, naging 12 years old muli ako at nanumbalik ang matinding paghanga at pagnanasa ko sa kanya noong bata pa kami.
Tahimik. Kahit pagtitig sa kanya ay para akong nasisilaw. At pakiwari ko ay ganoon din siya. Para kaming parehong nabusalan; hindi alam kung ano ang gagawin o kung paano simulan ang usapan.
"I-inum ka lang tol..." ang nasabi ko na lang.
Umimom naman siya. At madali niyang naubos ang isang bote ng beer. Binuksan ko pa ang isa at iniabot din iyon sa kanya. Dali-daling inubos ko na rin ang isang bote ko at binuksan uli ang isa pa. Tumayo ako, bumalik sa refrigerator at nagpalabas na ng anim na bote.
Nakatig-aapat na bote na kami at nag-init na ang pakiramdam ko noong nilakasan ko na ang loob kong magtanong. "C-call boy ka tol?"
Ngunit ako ang tinablan ng hiya sa tanong na iyon. Parang sa akin bumalik ang nakakapanindig-balahibong tanong na iyon.
Yumuko siya na tila humugot ng lakas at saka sinalubong ang tingin ko. "O-oo. Oo tol... Mahabang kuwento." Ang sagot niya, bakas sa mukha ang ibayong kalungkutan. Ngunit para din akong nasabugan ng bomba noong siya naman ang nagtanong. "I-ikaw ba ang b-baklang nirefer sa akin ng kaibigan kong si Dindo?"
Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko, hindi magawang tumingin sa kanya ng deretso. At isang tango lang ang aking tugon, may pag-aalangan pa.
"N-noong mga bata pa tayo... b-bakla ka na ba noon? M-may lalaking minahal ka na ba noon?"
"H-hindi pa tol. Dito ko lang sa Maynila nalaman. W-wala pa akong minahal noong bago pa lang tayong magbest friends tol..." ang pagsisinungaling ko.
Tahimik.
At naalimpungatan ko na lang ang sunod niyang sinabi, "S-sige, simulan na natin..." na para bang bigla siyang nawalan ng gana.
Feeling nadismaya naman ako sa biglang pagsabi niya ng ganoon. Di ko maintindihan kung bakit parang ayaw niyang mag-usap pa kami. Pakiramdam ko ay ibang-iba na siya. Parang may hinahabol. Kaya hindi ko na iginiit na mag-usap pa kami, baka makasagabal pa ako sa schedule niya.
"S-sige..." ang naisagot ko na lang sabay tayo, tumbok sa kwarto. Sumunod siya.
Dumeretso akong naghubad, humiga sa kama at tinakpan ko lang ang katawan ng kumot samatalang siya ay nag-CR at noong makalabas na, tumambad sa mga mata ko ang hubad niyang katawan na tinapisan lang ng tuwalya.
Hindi ko napigilan ang sariling hindi mapa-Wow! "Ang ganda ng katawan natin!" sambit ko.
Hindi niya sinagot ang aking sinabi. Binitiwan lang niya ang isang pilit na ngiti at tinanggal ang nakatapis na tuwalya sa kanyang beywang, inihagis ito sa sandalan ng upuan at sumampa na sa kama sa tabi ko. "A-ano ba ang gusto mo?"
Tumagilid akong paharap sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin?" ang may halong pagkalitong sagot ko.
"Kung gusto mong masahehin muna kita, o magsasayaw ako sa harap mo, o derestso na tayo sa... alam mo na." Napahinto siya sandali. "At kung deretso na tayo, kung ano bang posisyon mo, top ba o bottom?" dugtong din niya.
"Top? Bottom?" Ano iyan? Ang gulat kong tanong sa bagong terminolohiyang narinig. Hindi ko naman kasi talaga alam ang ibig sabihin noon sa kalakaran ng trabaho niya.
"Kapag top ka, ikaw ang titira sa akin sa puwet; kapag bottom ka, ikaw ang titirahin ko..."
Napaisip ako sa sagot niya. "G-ganoon ba? P-payag kang tirahin kita sa puwet?"
"Oo naman. Magbabayad ka, di ba? Dapat lang na sulit ang binabayaran ng customer. Ganyan ako kapag nagtrabaho" sagot niya. "So... deretso na tayo?" tanong niya uli.
"A, eh... b-bahala ka." Ang sagot ko na lang. Ngunit sa isip ko lang, ramdam kong ibang-iba na talaga siya. Ang dami na niyang alam na kamunduhan. Nawala na iyong pagka-inosente niya. Ang Rigor na kilala kong Masaya at kuntento na sa mga maliliit at simpleng bagay, ang Rigor na walang kamuwang-muwang sa mundo... Ibang Rigor na ang kaharap ko, ang katabi ko sa kama. Isang Rigor na nabura na sa isip ang kahalagahan ng kahapon.
At sa unang pagkakataon, nangyari sa amin ang matagal ko nang inaasam-asam na mangyari... ang mayakap siya, ang mahalikan ang mga labi niya, ang matikman ang katawan niya. At ang pinili ko pang posisyon ay ang maging "top" sa p********k namin. Halos hindi ako makapaniwala. Sa tagal-tagal kong pagpapantasya na mangyari iyon, sa ganoong paraan lang pala magkaroon ito ng katuparan. Ang bilis. Ang dali. Pera lang ang katapat.
Oo, masasabing isang katuparan iyon sa matagal ko nang tinimping pagnanasa. Subalit ewan... may kung anong malaking kulang na hindi ko rin maintindihan. Parang wala akong kasayahang naramdaman.
Naligo uli siya at nagbihis. Ordinaryo lang sa kanya ang lahat. Alam na alam ang gagawin. Parang nakipagmeeting lang ako sa isang kliyente at pagkatapos noon, nag-shake hands kami at naghiwalay na. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagbagong-anyo ng laking-bukid na batang nakilala ko tungo sa pagiging isang hustler at propesyonal na p********e.
Binigyan ko siya ng apat na libo. Nagpasalamat siya atsaka umalis.
Iyonlang. Habang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa labas ng gate, hinintay kosiyang lumingon, mag-"bye" o mag-iwan sa akin ng isang ngiti. Ngunitnagtuloy-tuloy siya sa paglakad. Pakiramdam ko ay hindi na talaga siya ang bestfriend ko. Ni numero ng aking cp ay hindi niya kinuha.
(Itutuloy)