bc

Ang Lihim Ni Rigor

book_age16+
139
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
bisexual
serious
male lead
realistic earth
gay
like
intro-logo
Blurb

Labing dalawang taon lang ang edad namin at parehong nasa first year high school noong magsimula ang kuwento namin ni Rigor. Ang totoo niyan, kahit nakatira kami sa iisang baranggay at halos magkadikit lang ang bahay, hindi kami nagkikibuan. Ang problema naman kasi ay nasa akin. Simula noong bata pa lang, sadyang mahiyain na. Pakiramdam ko kasi ay may kakaiba sa akin; ang tingin sa sarili ay mababa. Ewan... hindi ko rin maintindihan. Kaya dahil dito, hindi ako pala-kibo, hindi palakaibigan, at mahilig mag-isa.

Kabaliktaran naman si Rigor. Palakaibigan siya, masayahin, at higit sa lahat, guwapo. Bagamat sunog ang balat dahil sa mga trabahong bukid, may magandang mga mata at kilay, may dimples, at kapag ngumiti, makikita ang maganda, mapuputi at pantay na mga ngipin. At sa edad niyang 12, mas matangkad na siya kaysa sa mga batang kasing-edad din namin.

Kaya kahit bata pa lang, hayop na ang taglay niyang porma. Alam ko, maraming mga kabataan at kahit mga dalaga na ang nagkaroon ng crush sa kanya.

Isang araw, habang nag-aaral ako sa ilalim ng lilim ng malaking kahoy sa likod ng school building namin, na-distract ako sa lakas ng ingay ng isang grupo ng mga estudyanteng nagkatuwaan. Napatingin ako sa direksyon nila. At nakita kong nandoon din si Rigor na tuwang-tuwa sa kanilang bangkaan at isa sa may pinakamalakas na halakhak.

Para akong napako sa kinaroroonan ko at napatitig sa kanya.

Hanggang sa namalayan kong nakatitig na rin pala siya sa akin, seryoso ang mukha, at natigil sa kanyang pagtatawa. Noong napansin kong inaninag niya ang postura ko habang napako ang tingin sa kanya, dali-dali kong itinuon ang mga mata ko sa aking libro at nagkunyaring nagbasa. Halos puputok ang aking dibdib sa magkahalong kaba at hindi maisalarawang excitement...

chap-preview
Free preview
Esnabero
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- Labing dalawang taon lang ang edad namin at parehong nasa first year high school noong magsimula ang kuwento namin ni Rigor. Ang totoo niyan, kahit nakatira kami sa iisang baranggay at halos magkadikit lang ang bahay, hindi kami nagkikibuan. Ang problema naman kasi ay nasa akin. Simula noong bata pa lang, sadyang mahiyain na. Pakiramdam ko kasi ay may kakaiba sa akin; ang tingin sa sarili ay mababa. Ewan... hindi ko rin maintindihan. Kaya dahil dito, hindi ako pala-kibo, hindi palakaibigan, at mahilig mag-isa. Kaya, bagamat maliit lang ang mundo naming dalawa, hindi kami talaga magkaibigan. Kapag nakasalubong kami o nagkakasabay sa pupuntahan, yumuyuko ako o kaya'y lilihis sa gilid ng kalsada na parang isang pusa na takot sa tao. Ewan kung ano ang nasa isip niya kapag nakikita niya akong ganoon ang inaasta. Marahil ay iniisip niyang isnabero ako, masungit o ba kaya ay mayabang. Pero wala akong pakialam. Kasi, ganyan talaga ako e... Kabaliktaran naman si Rigor. Palakaibigan siya, masayahin, at higit sa lahat, guwapo. Bagamat sunog ang balat dahil sa mga trabahong bukid, may magandang mga mata at kilay, may dimples, at kapag ngumiti, makikita ang maganda, mapuputi at pantay na mga ngipin. At sa edad niyang 12, mas matangkad na siya kaysa sa mga batang kasing-edad din namin. Kaya kahit bata pa lang, hayop na ang taglay niyang porma. Alam ko, maraming mga kabataan at kahit mga dalaga na ang nagkaroon ng crush sa kanya. At hindi lang iyan ang kahanga-hangang bagay kay Rigor; masipag siya. Kadalasan, kapag galing siya sa bukid nakikita kong may dala-dala siyang kung anu-ano gaya ng niyog, saging, kamote, o kaya mga patay na sanga ng kahoy na panggatong. At tumatanggap din siya ng part-time na trabaho kapag walang pasok kagaya ng pag-akyat ng niyog, o pag-aararo. Kaya malaki ang naitutulong niya sa kahirapan ng kanyang pamilya. Isang araw, habang nag-aaral ako sa ilalim ng lilim ng malaking kahoy sa likod ng school building namin, na-distract ako sa lakas ng ingay ng isang grupo ng mga estudyanteng nagkatuwaan. Napatingin ako sa direksyon nila. At nakita kong nandoon din si Rigor na tuwang-tuwa sa kanilang bangkaan at isa sa may pinakamalakas na halakhak. Para akong napako sa kinaroroonan ko at napatitig sa kanya. Iyon bang na-mesmerize, namangha sa nakitang sobrang pagtatawa niya, at sa porma niyang astig at lalaking-lalaki. "Ang lakas ng dating!" sa isip ko lang. Inaamin kong noon ko lang siya napagmasdan ng ganoon kaigi. At nabighani ako sa kanyang angking postura at kakisigan. Hindi ko lubos maintindihan ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naramdaman kong paghanga sa kanya. Parang nasa suspended animation ako; hindi makagalaw, ang mga mata ay nakatutok lang sa kanya. Hanggang sa namalayan kong nakatitig na rin pala siya sa akin, seryoso ang mukha, at natigil sa kanyang pagtatawa. Noong napansin kong inaninag niya ang postura kong napako ang tingin sa kanya, dagdagan pa ng paglingon din sa direksyon ko ng kanyang mga kasamahan, dali-dali kong itinuon ang mga mata ko sa aking libro at nagkunyaring nagbasa at bino-vocalize pa ang pagbabasa ko kahit na sa kaloob-looban ko lang, halos puputok na ang aking dibdib sa magkahalong kaba at hindi maisalarawang excitement. Nawala tuloy ang concentration ko, mistulang may naghilahan sa loob ng isip ko, kung magwalk-out ba o ano. Ngunit sa takot na baka lalo akong mapansin kapag umalis, nanatili ako at ipinagpatuloy ang kunyaring pagbabasa, pinilit sa sarili na huwag nang lumingon sa kinaroroonan ng magbarkada. Ngunit hindi ko rin napigilan ang sariling hindi sumulyap. At lalo pang naturete ang utak ko noong nahuli kong palihim din pala siyang sumusulyap-sulyap sa akin. Ah grabe. Lalong tumindi ang pagkabog ng aking dibdib. Ewan ko rin... baka naalipin lang ang utak ko sa sobrang pag-iilusyon. Iyon ang tagpong hindi ko malimutan; ang pinaka-punto kung saan seryoso na akong nagtanong kung ano ba talaga ang pagkatao ko; kung bakit ako nakaramdam ng ganoong klaseng emosyon para kay Rigor. Simula noon, lalo pang tumindi ang pagnanasa ko sa kanya. Iyon bang kahit gaano ako ka-focused sa aking pag-aaral, o gaano ako ka-busy, siya palagi ang pumapasok sa isip ko. At ang nakakainis pa ay kapag nand'yan naman siya sa harap ko, natuturete ang utak ko. Ako ang umiiwas, lumalayo... May isang beses, nasa gate siya ng eskwelahan kasama ang kanyang mga barkada at eksakto namang galing ako sa loob ng campus at pauwi na. Noong nasa tabi na niya ako, tumingin siya sa akin at may itinanong na parang, "Uuwi ka na?" Hindi ko nakuha kung ano talaga ang tanong gawa ng nakayuko ako at napatingala lang noong narinig ko ang boses niya. Dahil hindi ko iniexpect na ako ang kanyang kinausap, inisip kong baka iyong nakasabay kong dumaan ang tinanong. Kaya yumuko na lang uli ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ngunit doon ko napagtanto na marahil ay ako ang kanyang tinanong. Kasi, noong nilingon ko siya, siya namang pagtalikod niya na napailing-iling at nagkamot ng kanyang ulo na para bang naguluhan at nagtatanong sa sarili ng "Ano kaya ang problema noon?" o kaya ay, "Ka-esnabero talaga ng taong iyon!" Nakaramdam naman ako ng guilt sa sarili. Pero isiniksik ko na lang sa utak na, "Ah... di naman talaga ako ang kinausap noon!" Isang araw na walang pasok naisipan kong pumunta sa ilog na halos kalahating kilometro lang ang layo mula sa bahay namin. Nagkataon ding ang ilog na iyon ay nasa ibaba lang ng gulod na may maraming pananim na niyog. Ang niyogan na iyon ay binabantayan ni Rigor at siya ang taga-akyat at taga-biyak ng niyog kapag nagko-kopra na ang may-ari. Sa totoo lang, wala akong balak na dumayo doon. Ngunit dahil napag-alaman ko na magko-kopra daw sila at kaya ko naisipang pumunta; upang masilayan ko lang siya. Kaya, kunyari sa ilog ang pakay ko. Ngunit walang tao sa niyogan. Medyo nadismaya ngunit dahil nandoon na ako, sumagi sa isip na tumuloy na lang sa ilog. May naramdaman din kasi akong hiya na baka may nakakita sa akin na nandoon na tapos wala palang gagawin. Baka isipin nilang si Rigor ang pakay ko. Guilty ba? O paranoid na ang utak ko sa kaiisip sa kanya. Kaya, napilitan akong hubarin ang saplot sa aking katawan at lumusong sa tubig bagamat wala akong kaalam-alam sa sa paglangoy. Ngunit huli na ang pagsisisi. Napakalalim pala ng parte ng ilog na napuntahan ko. At mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Naalimpungatan ko na lang na ikinampay-kampay ko ang aking mga kamay at pilit na sumigaw ng saklolo. Ngunit bumulusok na ang katawan ko sa ilalim ng tubig, hindi makahinga at ramdam ang sakit ng pilit na pagpasok ng tubig-ilog sa aking ilong, lalamunan, at baga. Sa pagkakataong iyon, ang tanging nasa isip ko na lang ay kamatayan. Between life and death. Nasa ganoon akong sitwasyon noong naramdaman kong may biglang humablot sa aking buhok. Iyon ang huli kong natandaan. (Itutuloy)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.1K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
56.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

The Real About My Husband

read
24.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook