Muling Pagtagpo

1207 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- Ilang araw din akong nag-isip sa nangyari. At syempre, nangarap pa rin ako na tawagan niya o bisitahing muli. At isang gabi nga, nag-ring ang landline ko. Si Rigor! "Ryan... bakante ako ngayon, baka gusto mong d'yan ako sa iyo kung ok lang..." Syempre, natuwa ako. Inasam-asam ko kaya ang tawag niya bagamat naisip ko ring napilitan lang siyang alukin ako ng aliw dahil wala siyang customer. "Ok ba!" Sagot ko. At dumating naman siya. Nag-inuman kami sa terrace ng aking apartment, nakaupong parehong nakaharap sa isa't-isa pinagitnaan lang ng isang maliit na mesa kung saan nakalatag ang aming iniinum na beer at pulutan. May kadiliman ang paligid, may mahinang love song na background samantalang ang mga dahon ng palmera ay paminsang pumapagaypay sa bawat hihip ng hangin. Noong malasing na kaming pareho, hindi ko napigilan pa ang sariling magpalabas ng saloobin. "Alam mo tol... hindi ko malimutan ang pagligtas mo sa buhay ko sa ilog na iyon. At hindi ko rin malimutan ang sinabi mo sa akin na hindi tayo maghihiwalay, na hindi mo ako pabayaan, na ikaw ang magiging tagapagtanggol at bodyguard ko, at na manatili kang hero ng buhay ko..." Pinakiramdaman ko siya, inasahang magreact sa aking sinabi. Ngunit wala siyang imik, yumuko noong naramdamang may panunumbat ang tono ng aking salita, paminsan-minsang tumutungga ng beer. Nagpatuloy ako. "...ngunit bigla kang nawala at ngayong nagkita na sana tayo, parang hindi na kita kilala. Ibang-iba ka na kaysa Rigor na nakilala ko, ang best friend kong palaging nad'yan para sa akin, ang taong naging inspirasyon ko upang maging matatag; ang kaibigang nagturo sa akin kung paano tanggapin ang sarili upang mabura ang pagkamahiyain..." Tahimik pa rin siyang nakinig sa mga sinabi ko, nanatiling nakayuko, malalim ang iniisip at ang isang daliri ay marahang iginuri-guri na sa bibig ng bote ng kanyang beer. "Dati ang sabi mo pa, na hindi mahalaga sa iyo ang kahit ano mang bagay kundi ang kaibigan mo at pagkatao mo. Ngunit sa pagkakita ko sa iyo ngayon, ano ang ginawa mo sa kaibigan mo? Ano ang ginawa mo sa pagkatao mo...?" At hindi ko na napigilan ang mga luhang dumaloy sa aking mga mata. Pinahid ko ang mga ito sa aking kamay. Hindi pa rin kumibo ni Rigor. Nanatili pa ring nakayuko. Noong itinutok ko ang paningin ko sa kanyang mukha, nakita kong may mga luha na pala ang kanyang pisngi. Tahimik siyang umiiyak, hinayaang dumaloy nang dumaloy ang mga luha, hindi natinag sa kanyang pagyuko. Mistula namang piniga ang puso ko sa nakita. Umikot ako sa mesang nakapagitna sa amin at tumabi sa kanya, inakbayan ko siya. At doon na siya napahagulgol na parang isang paslit. Niyakap niya ako. "Tol... Hindi totoong nag-iba na ako. Ikaw pa rin ang best friend ko tol." Ang sambit niya. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong makita kang muli dito. Kaso... nahiya ako sa iyo tol kasi..." napahinto siya, pilit na nilabanan ang pag-c***k ng kanyang boses "...ang ganda ng trabaho mo, may sarili kang tirahan, may sasakyan. Hindi na kita maaabot. Samantalang ako, heto, nagbebenta ng aliw. Sobrang hiya ko sa sarili tol..." Mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit, hinaplos-haplos ang kanyang likod. "H-hindi kita matiis tol... Kaya hiningi ko kay Dindo ang numero mo at tinawagn kita, upang makita ka, magku-wentuhan tayo ng ganito, magsimulang kilalanin nating muli ang bawat isa." May tuwang dulot ang sinabi niyang iyon sa akin. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang kanyang pisngi. "Tol... hindi ako nakalimot. Ikaw pa rin ang idol ko. Ikaw pa rin ang hero ng buhay ko. Hindi mabubura iyan hanggang buhay pa ako." Nahinto rin ang kanyang pag-iyak. Pinahid ng kamay niya ang kanyang mga luha at binitiwan ang isang pilit na ngiti. At doon na ikinuwento ni Rigor kung paano siya nasadlak sa pagiging call boy. "Nagsimula iyon noong hindi na ako halos pinapasweldo ng tindahang pinapasukan ko dahil humihina na ang kanilang kita. Dagdagan pa noong dinapuan ng sakit ang itay. Dahil sa ako lang ang inaasahang makapagpadala ng pera pang-ospital niya, napilitan na akong mag-call boy. Marami kasing nag-alok sa akin. At simula noong maranasan ko nang humawak ng malaking pera, sunod-sunod na ang pagtanggap ko ng kustomer. Hanggang sa tuluyan na akong umalis sa pagtitindero at nagfull-time call boy na ako at macho-dancer..." Matinding pagkaawa ang naramdaman ko para sa kaibigan. "K-kung gusto mo, dito ka na tumira sa akin" ang mungkahi ko. Nag-isip siya. "H-huwag muna tol..." ang maiksing sagot niya. Hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi na maraming mga call boy ang may mga "sponsor" o sugar daddy/mommy o kung ano man ang tawag. Pwede ring may ka-live in na sya at ayaw niyang sabihin. Nirespeto ko na lang siya. Iyon ang simula ng muli naming pagiging close ni Rigor. At pakiramdam ko, bumalik-balik sa akin ang mga naramdamn ko noong mga bata pa lang kami. Naalala ko ang lihim na pagnanasa at pagmamahal ko sa kanya. Masaya, ngunit may dulot ding matinding sakit... "May kakantahin ako para sa iyo" Noong isang beses na naggitara kami" "Sige" Sagot ko. "Sandali, may wish muna ako" sabi niya sabay pikit sa kanyang mata. "Waaahhh! At ano naman ang wish mo?" "Sikrettt!" "Waahh! Andaya naman!" "Bakit ikaw noong bata pa tayo, may wish ka rin naman hindi mo sinabi sa akin. Sabihin mo ang sa iyo para sabihin ko rin ang sa akin." Natulala naman ako sa kundisyon niyang iyon. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ang wish ko ay sana mahalin niya ako? "Ah... sige na nga! Sa iyo na lang ang wish mo!" sabi ko na lang nag may dalang pagmamaktol. Napagniti siya, at kumanta na... Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin Alam kong di mo makita, narito lang ako Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon Hahanapin mo rin, hahanapin din Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako Baka t***k ng puso ko'y maging t***k ng puso mo Sana nga'y mangyari 'yon, kahit di pa lang ngayon Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon Alam kong hindi mo alam, narito lang ako Maghihintay kahit kailang, nangangarap kahit di man ngayon Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon Malay mo balang araw, dumating din iyon Naantig naman ako sa pinili niyang kanta. Hindi pala niya nalimutan iyon. Pakiwari ko ay tuluyang nag flash back sa aking isipan ang kubo kung saan kami naglalagi, ang malaking puno ng talisay sa gilid ng ilog, at ang ilog mismo kung saan kami naliligo o kaya ay umuupo at magmumuni-muni sa gilid nito. Hindi ko naman mailihis ang aking paningin sa kanyang mukha habang siya ay kumakanta, ang kanyang mga mata ay paminsan-minsang tumutingin sa akin na para bang ipinahiwatig na ang bawat kataga ng kantang iyon ay may saysay, may mensahe para sa akin na galing sa kanyang puso. Haloskumpleto na naman sana ang buhay ko dahil nahanap ko na sa wakas ang bestfriend ko. Ngunit may isang issue. Ang pansarili kong kaligayahan. Syempre,naghahanap din ako ng aliw. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD