Seth POV
Nakatulala pa rin ako na nakatingin sa mag-ina.Napatingin ang babae sa akin at muling ngumiti saka umalis kasama ang anak niya.
Damn it! She's not her,okay?
No,she's not...but her voice,her smile, her eyes...Although nag-iba na ang kulay ng buhok niya at hanggang balikat nalang ito pero hindi maipagkakailang siya talaga si Freda! No way!No Seth hindi siya si Freda,may pamilya siya at may anak.
Para akong baliw na kinakausap ang sarili sa isipan.Napahawak ako sa sentido dahil napaisip ako.
Kung siya si Freda,dapat ay kilala niya ako!I should ask her.
Sinundan ko ang mag-ina na palabas na ng Department Store.Lalapitan ko na sana nang may biglang dumating na lalaki at hinalikan ito sa pisngi at kinarga ang batang lalaki.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko,hindi ko na magawa pang ihakbang ulit ang mga paa ko.
Siya siguro ang asawa and it brokes my heart again!Naikuyom ko ang magkabilaang kamao at napatiim bagang.I hated myself dahil hanggang ngayon ay nagpapadala pa rin ako sa emosyon ko.
Hindi ako bumalik sa Pinas para makaramdam ng sakit ulit.Pero kumikirot talaga ang puso ko.
Should i call my Psychiatrist?
Yes,i've been in a theraphy for almost 3 years.Kung hindi ay baka malamang patay na ako ngayon.Hindi ko kinaya but right now i need to turn around and move on with my life!
Dammit!
Pero hindi ko magawang tumalikod hanggang sa mawala na ang mga ito sa paningin ko.Humakbang ako palabas ng Department Store,wala na akong ganang mamili ng mga pasalubong.
I need to go home...
Nasa parking area na ako at kakapasok lang sa kotse nang mag-ring ang phone ko.Nakita ko sa caller ID ang pangalan ni Maria.Nauna itong umuwi sa akin galing Amerika,ang dahilan ay may aasikasuhin daw.
"Hello? "Sagot ko sa kabilang linya saka pinaandar ko na ang engine ng kotse.
"Kuya!My goodness,i have something to tell you... "Agad na bulalas ni Maria sa akin.Napakunot ang noo ko.Base sa boses nito ay parang mahalaga ang sasabihin.
"Wait a second,"i said and i connected the phonecalls in the car's bluetooth,"What is it?"
"I just saw the book of Cat Witches in your room and i finished reading it.Wala kasi akong magawa kahapon,did you know that–"
"Stop it Maria!"putol ko sa sasabihin nito,"I want to move on kaya tigilan muna ako tungkol diyan!Kanina lang may nakita akong babaeng kamukhang-kamukha niya,i thought she is Freda but i was wrong.Ibang babae siya,happily married with a son!"Malungkot ang boses na sabi ko kay Maria,narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.
"Posible ngang siya si Ate Freda–because it stated here clearly na kapag ang Royal Blood Witch ay nagmahal at ang minamahal nila ay totoong nagmamahal sa kanila ay posibleng mapawalang bisa ang sumpa sa kanila lalo na kapag nabuntis ay posibleng maging tao siya forever,only if–human ang nakabuntis sa kanila. They will never vanished forever kuya. Do you understand me? "Mahabang paliwanag ni Maria sa akin pero para bang hindi rumehistro sa utak ko,pina-process ko pa ang sinasabi nito.
Biglang nagflashback sa akin ang mukha ng bata.
Dammit!
Lihim akong napamura,naihinto ko ang sasakyan sa isang tabi.
"Kuya,are you still there?"Untag ni Maria sa akin nang hindi na ako umimik.
"Bakit mo sinasabi sa akin ito Maria Freda?"asik ko rito.I was frustrated when i heard what she said.
"I just want to help."Mahinang usal nito sa akin.
"You're not helping.Mas lalo mong ginugulo ang utak ko,"inis kong sabi saka binuhay ko ulit ang engine ng kotse.In-end button ko na rin ang tawag nito.
Shit!
Now i need to dig deeper and i need answers! How come naging mayaman ako kung hindi ko gagamitin ang mga connections ko at salapi!
It's not yet over...It is the beginning.
Kakapasok ko pa lang sa kotseng minamaneho ko sa malaking gate ng Villaverde Mansion ay natanaw ko na sina Mommy at Daddy sa labas.
Mismong sa tapat nila inihinto ko ang kotse.Agad akong lumabas sa kotse at ang mainit na yakap ni Mommy ang agad na sumalubong sa akin.
"My God!I miss you so much."Naluluhang sabi ni Mommy sa akin.Hindi na kasi ito nakakapunta sa Amerika dahil ayaw talaga nitong sumakay ng eroplano,madalas siyang mahilo.
"I miss you too,Mom."Nakangiti kong saad at sinuklian ang mainit na yakap nito.Pagkatapos ay bumaling ako kay Daddy,niyakap ko rin si Daddy.Halata sa mga mata nito ang tuwa.
"I'm glad you're here,son."
"Me too,Dad."
"Pumasok na tayo sa loob,naghanda kami ng kaunti para sa pagbabalik mo."Ani ni Mommy.
Inakbayan ko si Mommy at Daddy papasok sa loob ng bahay.Busy pa ang lahat ng mga kasambahay sa paghahanda ng dinner.
"Si Maria po?"Tanong ko ng makaupo na ako sa sofa.Pakiramdam ko ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula sa biyahe kanina.
"Umalis saglit,may pupuntahan daw pero babalik din before dinner."Sagot ni Mommy.
"Magpahinga ka muna hijo,ipapatawag na lang kita kapag dinner na.Ipapaakyat ko na rin ang mga bagahe mo sa dati mong silid."Ani ni Daddy.Ngumiti ako rito,matanda na ito at mukhang may iniinda pang sakit.
I was guilty because i left them,naiwan sa kanya ang responsibilidad sa kompanya na dapat sana ay ako ang namamahala.If i am not too broken that time,maybe i won't leave them alone.
"Thank you,Dad."
Umakyat na ako sa taas at nagtungo sa dati kong silid.Pagpasok ko ay ganoon pa rin ang ayos ng dati kong silid sa Mansyon na ito.
Humiga ako sa kama at naoatitig sa kisami.Naisip ko na naman ang babaeng nakita ko kanina.
Posible kaya na siya si Freda?
Posible kayang buhay ang asawa ko?
Napapailing ako.Ayaw ko ng mag-isip dahil sumasakit lang ang ulo ko.Patay na siya and i need to move on.Ayaw ko ng malugmok pa katulad dati.
Mariin akong napapikit,pinipilit kong makatulog pero hindi ako dalawin ng antok dahil sumasagi sa isipan ko ang mukha ni Freda.Ngayon lang ulit na trigger ng ganito ang isipan ko simula ng makita ko ang babae kanina na kamukhang-kamukha ni Freda.
Bumangon na lang ako at nagtungo sa bathroom para mag-shower.Hindi rin naman ako makatulog kaya ayaw ko ng pilitin.
Pagkatapos kong mag-shower ay nag-ayos na ako,isang white v-neck tshirt ang isinuot ko at black sweatpants.Bahagya ko lang sinuklay ng kamay ko ang basa ko pang buhok.
"Oh bakit bumaba ka agad?"Sita ni Mommy sa akin ng makita ako na pababa na kabababa lang sa hagdanan.
"I can't sleep Mom,hintayin ko na lang sina Maria at Ate Genesis."
"Mabuti pa nga."Nakangiting sabi ni Mommy,may dala pa itong maliit na bowl na may lamang fried nuts.Inilapag nito ang dala sa center table ng sala.
"Si Daddy po?"
"Nasa kuwarto,nagpapahinga,"sagot ni Mommy.
"Good evening Tita Helen."
Napalingon ako sa may entrance ng Mansyon ng marinig ang pamilyar na boses.Papasok ang nakangiting si Sophia,may dala itong wine.
"Oh,hi hija.I'm glad you make it,"ani ni Mommy saka binalingan ako,"i invited her."
Nakalapit na sa amin si Sophia,katulad ng dati ay maganda pa rin ito.Lagi rin akong binibisita nito sa Amerika at namamasyal kami.
"Hi Seth,how are you?"Nakangiting bati sa akin ni Sophia,ngumiti ako at nilapitan ito para yakapin.Para ko na rin itong nakababatang kapatid.
"I'm doing great,how about you?You look more lovelier."Puri ko sa kanya ng mailayo ang sarili.Pinamulahan ito ng mukha at marahan na idinampi ang isang kamay sa magkabilaang pisngi.
"Hanggang ngayon bolero ka pa rin."Pigil ang ngiting sagot nito.
"At hanggang ngayon affected ka pa rin."Nakangisi kong saad.Tinampal lang ako nito sa braso.Agad ko namang hinuli ang kamay nito at hinawakan saka hinila ko si Sophia palapit sa akin.Inakbayan ko ito.
"May boyfriend ka na ba at gumaganda ka ngayon ha."Biro ko rito saka ginulo ang ayos ng buhok nito.Hindi ko akalain na magkakasundo kami at magiging malapit sa isa't isa.
"Seth,ano ba!nagugulo ang ayos ng buhok ko."Kunwa'y inis na turan ni Sophia pero nakangiti ito.Mas lalo kong ginulo ang mahaba nitong buhok para inisin.
Mahinhin si Sophia na para bang hindi makabasag pinggan.Sobrang bait din at magalang kaya suwerte ang lalaking mapapangasawa nito.
"Tumigil na kayong dalawa riyan,"saway ni Mommy sa amin,"Akin na iyang wine na dala mo hija at dadalhin ko sa dining.Dito na muna kayo ni Seth."
"Okay po Tita Helen."Nakangiting sagot ni Sophia at ibinigay ang wine bottle na dala.
Naiwan kaming dalawa sa sala,magkatabi kaming naupo sa sofa.Binuhay ko ang TV para makapanood.
"Are you staying for good?"Tanong ni Sophia sa akin,nagkibit balikat lamang ako.
"Maybe yes,maybe no."
"Seth,seryoso ako."
Napangisi akong napatingin sa nabubugnot nitong hitsura.She reminded me of Freda but she will never be her.
"Siguro mananatili muna ako rito,ang dami kong aayusin sa company and my family needs me."I said in seriousness.
"Mabuti naman kung ganoon,parang hirap na din si Tito Hernan sa pamamalakad ng kompanya ninyo."Sabi ni Sophia na ang tinutukoy ay si Daddy.
Tumango lang ako at muli na namang naisip ang babaeng nakita ko kanina at ang sinabi sa akin ni Maria na posibleng buhay nga si Freda.
~•~