Chapter 5

1550 Words

Nasa dining area na silang lahat kumakain ng dinner,hindi na nakarating sina Ate Genesis dahil may mahalaga daw na dapat asikasuhin pero nangako ito na bukas ay dadalaw rito sa Mansyon. On time namang dumating sina Maria at Gabriel,magkasabay ang dalawa na dumating. Habang kumakain kami panay naman ang lagay ng pagkain ni Sophia sa plato ko,nasanay na yata ito na mula ng maging malapit kami sa isa't isa ay ganoon ang ginagawa. "Wow,mag asawa lang?"nang-uuyam na sita ni Maria.Alam kong ayaw nito kay Sophia sa dahilang hindi ko alam. Pero na kuwento na sa akin ni Mommy dati na magkaribal daw itong dalawa noong Senior Highschool ang mga ito.Nagkagusto raw ang boyfriend ni Maria kay Sophia dati at hiniwalayan ang bunso niyang kapatid tapos niligawan si Sophia,sinagot naman ito ni Sophia.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD