Seth POV
"Ladies and gentlemen, Philippine Airlines welcomes you to Ninoy Aquino International Airport. The local time is 1:25 pm. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the “Fasten Seat Belt” sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight."
Napapitlag ako ng marinig ang announcement ng Flight Attendant ng Philippine Airlines.Nakatulog pala ako dahil sa mahabang biyahe hindi ko namalayan na nakarating na pala sa Pilipinas.Napatingin ako sa labas ng bintana saka huminga ng malalim.
Apat na taon na ang nakakalipas simula ng magtungo ako sa Amerika.At ngayon ay nagdesisyon akong bumalik. Kung hindi nagkaroon ng malaking problema sa kompanya na hindi kayang solusyunan ni Daddy ay baka hindi na ako bumalik pa.
It's been 4 years but she's still the one. Muling nabuhay ang ala-ala ko sa kanya na pilit ko ng kinakalimutan sa loob ng apat na taon.Pero at least ngayon masasabi kong okay na ako, kahit papaano ay tanggap ko na ang lahat.
Mas pinili kong sa Philippine Airlines na sumakay kaysa kumuha pa ng private charter,mas gusto kong bumiyahe na parang katulad ng mga ordinaryong tao lamang.Sa katunayan ay naka-casual attire lang ako,hindi halatang isa pala akong kilalang businessman.
Si Gabriel ang sumundo sa akin.Ang lapad ng pagkakangiti nito sa akin ng makalabas ako sa arrival area.
"Welcome back dude!"Masayang bati nito sa akin saka niyakap ako.Masaya rin akong makita ito.
"Hi Gab,what's up?"
"I'm doing great."Tipid na sagot sa akin.
"Still single?"I teased him, ngumisi lang ito sa akin.
"Malay mo this year ikasal na ako." Nakangising sagot nito.Amused akong napatingin dito.
"So,who's the unlucky girl?"Biro ko.
Hindi ito sumagot,instead ay tinulungan akong ilagay ang mga bagahe sa likod ng sasakyan nito.
"You look good Seth."Puna nito sa akin, nagkibit balikat lang ako.
"What happened to the company?" Seryoso kong tanong kay Gabriel ng nasa biyahe na kami.Nakita ko ang pagtagis ng bagang nito.
"Someone betrayed us but we don't know yet who is that someone."Mariin nitong sabi. Isa si Gabriel sa Executive Directors ng kompanya, may malaking shares din ito sa kompanya.
Tiningnan ko ang suot na relo, na reset ko na ang oras nito.Maaga pa naman kaya nagpasya akong magtungo muna sa kompanya.Sumang-ayon naman ang bestfriend ko.
"Good afternoon sir."Bati ng lahat sa akin ng makarating kami sa kompanya, araw ng lunes ngayon kaya lahat ng employees ay kompleto,isang tango lang ang isinagot ko sa mga ito.Dumeretso kami ni Gabriel sa opisina. Hindi ko man aminin pero namimiss ko ang kompanya.
"Your Dad can no longer handle the company Seth, bukod sa matanda na siya ay hindi na rin niya maasikaso pa ang ibang gawain sa kompanya." Paliwanag ni Gabriel sa akin.
"Kahit pa sabihing nandito ako para tumayong ka reliever ng Daddy mo ay hindi ko pa rin mapagtutuunan ng pansin because i had my own company to run."
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon dito.Naging kampante ako sa ibang bansa without knowing na muntikan ng bumagsak ang kompanyang pinaghirapan namin ni daddy.
"I will take care of it Gab."I said firmly. Ang kaninang iniisip ko na bumalik sa Amerika pagkatapos kong ayusin ang problema sa kompanya ay biglang nagbago.The company needs me.
"Good to hear that dude."
Inilinga ko ang paningin sa buong sulok ng opisina wala namang nabago,ganoon pa rin ang ayos.Maliban sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng executive desk, wala na roon ang wedding picture namin ni Freda,napalitan na ng family picture naming mag-anak.
I flinched when i heard my phone rang, nabigla ako.Pagtingin ko sa caller ID ay ang pangalan ni mommy ang agad na rumehistro.
"Seth,where are you?"Nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Nandito pa ako sa kompanya Mom, may inasikaso lang ako. Kasama ko si Gabriel."
"Kadarating mo lang at trabaho na agad ang nasa isip mo.Hinihintay ka na namin dito sa bahay, nagpahanda ako ng konting salo-salo para sa pagbabalik mo."Excited na turan ni Mommy sa akin. Napangiti na rin ako.
"Okay Mom,i will be there in an hour." Sabi ko sabay tingin sa suot kong relo. Alas tres pa lang naman,puwede pa akong mag-ikot sa kompanya,bisitahin ang bawat department.
"Let's go Gab." Sabi ko kay Gabriel na abala rin sa kakalikot ng sariling cellphone. Alam na nitong magkilibot kami sa kompanya.Tumango lamang ito bilang pagtugon pero ang mga mata ay nasa cellphone.Hindi ko na sinita at lihim na lang akong napangiti.Siguro nga may girlfriend na ito at sa pagkakataong ito ay seryosohan na.
"Bakit hindi na lang tayo magkaroom ng company meeting tomorrow?"Biglang imik ni Gabriel sa akin ng makalabas na kami sa opisina.Napahinto ako sa paghakbang.
"Oo nga ano?So,hindi ko na kailangang maglibot sa bawat department. Tomorrow will do."Sabi ko saka napahawak pa ako sa baba ko na para bang nag-iisip.Tumango ulit si Gabriel.
"I need to go home then.Hindi ka ba sasabay sa akin?"Tanong ko rito. Tumingin ito sa suot na relo.
"Susunod na lang ako Seth kapag nag-out na ang lahat ng employees, alam mo naman nakisuyo ang daddy mo na ako muna ang mamahala ngayong araw na ito sa kompanya,sumaglit lang ako para sunduin ka."
"Okay."Tipid kong sagot dito saka muling napakunot ang noo ng mapansing nakatutok na naman ang buong atensyon nito sa cellphone.
"Take my car."Tipid na sabi nito saka iniabot ang susi sa akin. Pagkatapos ay muling bumalik sa loob ng opisina. Napapailing na lang ako, nagtataka kung sino ang ka text nito sa cellphone, parang wala ito sa sarili.
Habang nasa biyahe ako ay naisipan ko munang dumaan sa Mall,nakalimutan kong bilhan ng pasalubong ang dalawang anak na babae ni Ate Genesis.
Pagkarating sa Mall ay dumeretso ako sa Department Store at nagtungo sa mga laruang pambata.Busy ako sa kakatingin sa mga laruan kung alin ang magaganda. I'm not good on choosing toys lalo na pagdating sa mga barbies.Tingin ko kasi ay pare-pareho lang ang mga ito ng hitsura, price lang ang pinagkaiba.
Sa kakalakad ko at ang buong atensyon ay nasa mga laruan hindi ko namalayan na nakabangga na pala ako.
"Oh, i'm sorry."Halos sabay naming saad ng babae. Napatingin ako rito, i was shocked and speechless.Naiilang na ngumiti sa akin ang babae saka dumako ang tingin sa hawak kong barbie, matamis itong napangiti sa akin.
"Para sa anak mo?"Tanong nito sa malumanay na boses.Wala pa rin akong mahagilap na salita. Ang mukha ng babaeng kaharap ko ngayon ay mukha ni Freda! Mukha ng asawa ko!
Nagbago na ang pananamit nito at ang maikli nitong buhok ay kulay blonde na,ang mga mata nito ay kulay brown. May light make-up din ito sa mukha at kulay pula ang nakalagay sa lips nito. Napakunot ang noo ko, magkamukha sila ni Freda kahit saang anggulo niya tingnan ay magkamukha ang mga ito maliban sa kulay ng mga mata.
No!Magkahawig lang siguro.Tanggi ko sa sarili pero may bahagi ng puso ko na nagsasabing siya nga ang asawa ko. Napahawak ako sa dibdib, nararamdaman ko na naman ang kirot. Nawala ang ngiti ng babae at napalitan ng pag-aalala.
"Are you okay?"Tanong nito sa nag-aalalang boses.Marahang akong napatango.
Siguro ay magkahawig lang ang mga ito, masyado lang siguro akong na paparanoid. Napapailing pa ako saka mariing pumikit.I exhaled and inhaled to calm myself.
"Gusto mo bang tumawag ako ng medic para madala ka sa clinic?"Muling turan ng babae. Mas lalo akong nanlambot dahil pati boses nila.ay magkatunog. How can i forget? Lahat ng katangian ng asawa ko ay kabisado ko na lalo na ang boses nito.
"I'm fine."Mahina kong sagot dito saka muling dumilat. My eyes met with her brown ones.
"Mukhang hindi ka okay,namumutla ka." Sabi ng babae sa hindi siguradong boses.Naagaw lamang ang atensyon ng babae dahil may batang lalaking lumapit dito.
"Mommy,are you done?"Tanong ng bata rito sa naiiritang boses.I was amused looking at the boy.He has a black natural straight hair, he has a thick eyelashes and eyebrows.His jawline is perfect and also his nose. He is handsome.Tingin ko ay nasa edad apat na taong gulang ito o mas higit pa.
"Oh i'm sorry hindi pa ako tapos, hindi ako makahanap ng laruang magugustuhan ni Cristel."Sagot ng babae sa anak nito saka napapaisip. Hindi na ito lumingon sa akin dahil ang buong atensyon ay nasa anak.
"Pick whatever you want Mom,i know she would love it."
"Okay, fine."Sabi ng babae rito saka muli akong binalingan.Nahigit ko na naman ang sariling hininga.Bumibilis ang pintig ng puso ko na para bang nagsasabi na siya ang asawa ko!
~•~