Chapter 1
Seth POV
"Seth,it's time to wake up baby..."
I smiled when i opened my eyes and it was her charming smile i saw.I caress her cheeks, at hinawi ang iilang hibla ng mga buhok nito na nakaharang sa maganda nitong mukha.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi para halikan.Her smile,her beautiful face,her lips that i wanted to kiss. I miss everything about her.
Tumayo siya at hinawakan ang dalawa kong kamay para itayo ako sa pagkakahiga.Hindi pa rin nawawala ang matatamis na ngiti nito sa labi.
"You need to get up."
"Ayaw ko..."Naglalambing na tanggi ko rito. Humigpit ang hawak ko sa mga kamay nito.
"Seth,kailangan mo nang bumangon. Hinihintay ka nila."Malambing na turan nito sa akin. Hindi ko alam kung sinong sila ang tinutukoy nito.
"Come here baby,samahan mo nalang akong mahiga rito.Matulog tayo ulit."
"I need to go Seth."Malungkot nitong saad sa akin,napakunot ang noo ko.
"Saan ka pupunta?"Nakakunot ang noong tanong ko rito. Malungkot ang mga matang tiningnan ako ni Freda.
"Mamimiss kita Seth..."Mahinang usal nito.
"I miss you baby."Naiiyak kong usal.
"I love you Seth..."Sabi ni Freda sa akin, nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso at kusa na lang tumulo ang luha ko.
"Please don't leave me."Mahinang usal ko.Isang matamis lang na ngiti ang isinagot ni Freda sa akin.
"Please don't..."Muli kong usal saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito.
"Seth,gumising ka pakiusap."
"Please stay with me..."Usal ko, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ang mukha agad ni mommy ang unang nakita ko, umiiyak ito at hawak nang mahigpit ang kamay ko.
"Ano na naman ang ginawa mo?"Umiiyak na tanong ni Mommy saka niyakap ako nang mahigpit. Napakunot ang noo ko ng ilinga ko ang paningin sa buong paligid. Ito yata ang pangalawang pagkakataon na nagising ako at nasa pribadong silid na naman ng ospital.
Tatanungin ko sana si mommy kung nasaan na si Freda nang mapagtanto kong panaginip na naman ang lahat. Katulad dati, akala ko ay siya ang nasa tabi ko at ginigising ako,iyon pala ay panaginip lang.
Napatingin ako sa isa kong kamay na may nakakabit na dextrose. Napabuntong hininga na lang ako. Tila ba nahahapo na sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay ko.
"Ano'ng nangyari Mommy?"Wala sa loob na tanong ko kay mommy. Inilayo nito ang sarili sa akin at tinitigan ako, basa pa ang mga mata nito gawa ng pag-iyak nito.
"Seth,we found you in your house unconscious!Paanong hindi mo naalala ang lahat?"bulalas ni Mommy, halata ang galit at pag-aalala sa tono ng pananalita nito.
Nahilot ko ang sentido dahil ang tangi ko lang naalala ay nilugmok ko na naman ang sarili sa alak.Just like before...
"Seth,its been two months.Ganyan ka na lang palagi. Napapabayaan mo na ang kompanya lalo na ang sarili mo!"
"Mom,please i want to be alone."Walang emosyong sabi ko kay mommy. Pasalamat na rin ako wala sina Daddy ngayon at Ate Genesis kundi ay baka mas grabe pa maka-react ang mga iyon kaysa kay Mommy.
Ang pagkakaalam ko ay na busy sa kompanya si Daddy at kaagapay nito si Ate Genesis. Sila muna ang namamahala sa kompanya habang ganito ang sitwasyon ko.
"Seth,ano ba talaga ang nangyari? You said Freda was dead. Paano'ng nangyari na namatay siya without a funeral na naganap?"
"Mom,i don't want to talk about her." Malamig ang boses na sabi ko kay mommy, nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa puso kapag naalala ko siya.
"Iniwan ka ba niya? Naghanap ba siya ng iba–"
"Mom,please. Just leave me alone."
Napa-buntonghininga si Mommy saka inayos na lang ang kumot at unan ko.
"Alam mo na hindi lang ikaw ang nagmamahal kay Freda,we loved her kaya masakit din sa amin ang pagkawala niya. Kung nandito siya ngayon hindi niya ikatutuwang makita kang ganyan." Malungkot na sabi ni Mommy na parang nagkukuwento lang habang inaayos ang higaan ko pagkatapos nitong ayusin ang unan at kumot.
I will never be like this if she's here.
Nasabi ko sa sarili ko.Ipinikit ko ng mariin ang mga mata.Isang buntonghininga ulit ang narinig ko kay mommy bago ito umalis.Iniwan ako para mapag-isa.
Gusto kong matulog ulit o kaya magpakalunod sa alak hanggang sa mawalan na naman ako ng malay para kahit papaano ay nakikita ko si Freda, kahit papaano ay dinadalaw niya ako maski sa panaginip ko. Muling nanariwa sa alaala ko ang huli naming pagsasama.
Nakaupo kami sa isang buhanginan nakatanaw sa paglubog ng araw.Dinala ko si Freda sa isang beach resort at doon namin mas piniling gugulin ang natitirang oras na magkasama.
Nasa harapan si Freda at ako naman ay nasa likuran nito naka-puwesto ng upo habang yakap ko siya. Isiniksik ko ang mukha sa leeg niya. Ang dalawa kong kamay ay nakapulupot sa beywang niya.
"Seth,maaalala mo pa kaya ako kapag wala na ako?" Mahinang tanong nito sa akin. Mas lalong napahigpit ang yakap ko rito.
"Ikaw na mismo ang nagsabi na makakalimutan kita kapag–"
"Oh yes,pero may bahagi ng puso ko na nagsasabing sana hindi mo ako makalimutan."Malungkot na sabi ni Freda sa akin.
"Hmmm..."Tanging usal ko.Parang walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.Baka mapaiyak ako kapag pinilit kong magsalita.
"Pero ayaw kong maging selfish,ayaw kong maramdaman mo ang sakit ng pagkawala ko. Ayaw kong mangulila ka sa akin."
Napa-buntonghininga ako dahil ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang sakit at pangungulila.
"I hope i will never forget you,ang ala-ala mo nalang ang matitira sa akin.I'd rather live in pain than to forget you."Sabi ko sa gumaralgal na boses.
"I'm sorry Seth this is all my fault." Malungkot na sabi ni Freda,halata sa boses nito na napapaiyak na.Mas lalong napahigpit ang yakap ko sa kanya.Takot akong bitiwan siya.Ni minsan hindi ako nakaramadam ng takot sa buong buhay ko, ngayon lang.
"I love you Seth."Masuyong sabi nito sa akin saka tiningnan ako.
"I love you too baby..."Sagot ko rito at masuyong inilapat ang mga labi ko sa kanya.
Hiling ko na sana ganito na lang kami lagi. Sometimes i wish she were in my place para maramdaman nito kung gaano nadudurog ang puso ko.
I was interrupted of my thought when someone called my name. Napalingon ako sa deriksyon ng boses.
"Gab..."Usal ko sa pangalan ng bestfriend ko.
"Hey man, how are you?"Puno ng pag-aalala ang boses nito.
"I'm fine."Tipid kong sagot dito.Tumawa ito ng mapakla.
"Last month ay na-confine ka sa ospital at ngayon naman nandito ka ulit.Too much alcohol is not good in your health Seth."He said firmly.
"C'mon Gab,pati ba naman ikaw ay pagsasabihan ako? Sawa na nga ako sa litanya ni mommy tapos heto ka at dinalaw lang ako para bigyan ako ng pangaral."Nababagot kong sabi rito.
He sigh deeply and stared at me seriously.
"What do you want in your life Seth?Are you trying to kill yourself?Sabihin mo lang at ako na mismo ang papatay sa'yo."Naiinis na saad ni Gab. Tinawanan ko lang ang biro nito kahit nahihimigan kong naiinis na ito.
"I will be fine Gab, don't worry.Masyado lang kayong exaggerated mag-react."
"We are worried Seth, hindi kalabisan ang pinapakita naming takot at pag-aalala sa'yo. You never told us what really happened between you and Freda."
"Now you sound like my mom Gabriel."
Muli itong napa-buntonghininga, nakapamulsa ang dalawang kamay nito at palakadlakad na para bang hindi mapakali dahil may nagawang kasalanan.
"We don't know what to do Seth,bakit ba kasi hindi mo sabihin ang totoo sa amin?"Tanong nito na ang tinutukoy ay ang tungkol sa pagkawala ni Freda.
Tanging si Maria lang,ang bunso kong kapatid ang nakakaalam ng lahat.Ayaw niya ring pangunahan ako kaya nanatiling nakatikom ang bibig nito.
"Time will heal Gab, i don't know when but please hayaan n'yo muna akong magluksa ngayon.Can't you see? I'm grieving..."Malungkot kong sabi kay Gab.
"By killing yourself? Hindi ganyan ang pagluluksa Seth, pagpapakamatay ang ginagawa mo."Mariing sabi ni Gab.
Hindi ako nakapagsalita dahil may bahagi ng sinabi niya na totoo.I really wanted to kill myself sa paraang hindi ganoon ka- obvious.
"I'm tired Gab, magpapahinga na ako." Sabi ko na halatang ayaw ko nang makipagtalo pa.Hindi ko alam kung bakit sarado ang isipan ko sa mga sinasabi nila.
"Okay,take a rest."
Iyon lang ang sinabi ni Gab saka umalis na ito.Naiwan na naman akong lutang at nakatulala sa kawalan.Alam kong makakalimutan ko rin siya pero hindi nga ba at ayaw ko siyang kalimutan?
Pero bakit ngayon hinihiling ko na sana hindi ko na siya maalala pa?Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman.
Every time i think of her, every time i miss her,every time i longed for her touch, i end up killing myself.
~•~
Author's Note
Please don't plagiarize this book because plagiarism is a crime!
I work hard for it, so please don't steal the hard work of others!
Thank you guys for your consideration.
Please don't be offended, i just want to protect my rights as an author.
All rights reserved | | 2021 © Ai Montes