Chapter 2

1517 Words
Kaka-discharged ko lang ngayon sa ospital at naiinis kong binalingan si Mommy nang ihinto ng driver ang kotse mismo sa tapat ng Villaverde Mansion. Nagdadalawang isip akong bumaba,akala ko pa naman ay sa mismong bahay namin ni Freda ako ihahatid.I know i'm acting like a child but who cares?I'm not in the mood right now. "Mom,bakit hindi sa bahay ko?"Tanong ko na may halong iritasyon ang boses. "Mas makakabuting dito ka muna sa bahay manatili Seth, at least may makakasama ka hindi 'yong nag-iisa ka lang sa bahay ninyo ni Freda mas lalo mo lang siyang maaalala."Sabi ni Mommy, puno ng pag-aalala ang boses nito. "Kailangan pa ba 'yon?Kailangan ba may bantay ako?"Naiirita kong sabi saka napilitan akong bumaba sa kotse. Nahahapong sumunod sa akin si Mommy,parang hindi na nito alam ang gagawin. Walang ka ngiti-ngiting pumasok ako sa loob.Sinalubong ako ni ate Genesis at ng asawa nitong si Jerome.Nakangiting yumakap si Ate sa akin. "I'm glad you're okay,"sabi ni Ate Genesis."At pinalinis ko na ang dati mong silid,puwede ka ng magpahinga." "I want to go home."Sagot ko rito na parang batang nagmamaktol. "Don't act like a child Seth."Mariing sabi ni Daddy na mula sa kusina ay lumabas ito. "Dad,what are you doing here? Akala ko nasa kompanya ka?"Nagtataka kong tanong dito. Huminga ito ng malalim. "I let Gabriel to manage for the meantime, i'm tired son.Kaya nga ikaw agad ang pinahalili ko sa kompanya but look at you now...You're useless."Walang emosyong sabi ni daddy, nakaramdam ako nang sakit sa huling sinabi niya.Napatiim ang bagang ko at naikuyom ang kamao. "Yes,i am useless dahil maski ang babaeng mahal ko ay wala akong nagawa para mag-stay siya sa akin!" Nakatiim bagang na sabi ko. Mas lalo ring tumigas ang mukha ni Daddy pero hindi naitago sa mga mata nito ang pag-aalala.Pumagitna si Mommy sa aming dalawa. "Seth,why don't you tell us–" "You will never understand."Putol ko sa sasabihin ni Mommy.Bago pa may masabi ang lahat ay umakyat na ako sa taas patungo sa dati kong silid. Pagkapasok ko ay napansin ko ang iilan kong mga gamit na nandoon lalo na ang mahahalagang gamit. Napalapit ako sa vanity mirror.Nandoon ang picture frame namin ni Freda noong ikinasal kami. Kinuha ko ito at pinakatitigan ng maigi. She was smiling happily na abot sa mga mata. Her blue eyes were so mesmerizing.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko habang nakapulupot ang dalawang kamay sa braso ko.Malungkot akong napangiti saka dinala sa dibdib ang picture frame. Nagtungo ako sa kama at humiga, mariing ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sariling makatulog. "Freda?" Tiningnan ko na ang lahat ng sulok sa cottage pero wala siya.Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nagtatakbo ako palabas sa cottage at nagtungo sa beach,calling her name. "Freda!" Sa hindi kalayuan ay nakita ko siyang nakatayo kaharap ang dagat.Napahinto ako sa paghakbang at tinanaw siya. Nagising nalang ako na wala siya sa tabi ko and her she is standing in front of the sea looking the sunrise. Namumuo ang luha sa mga mata ko, i felt so vulnerable right now.Nanghihina ang buong katawan ko at puno ng takot dahil alam kong anumang oras ay iiwan niya ako. Nakangiting humarap sa akin si Freda, smiling sweetly while waving her hands. At sa isang kisapmata ko lang ay nawala na siya. I run towards her but she was already gone. "Freda!" Napabalikwas ako ng bangon. Isa na namang panaginip na paulit-ulit. Napatingin ako sa bintana ng silid, nakahawi ang kurtina kaya nakikita kong madilim na sa labas.Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa roon ang nakangiting si Ate Genesis. "Dinner is ready,Seth.Bumaba ka na para kumain." Muli akong bumalik sa pagkakahiga sabay sabi'ng,"Wala akong gana ate." "Gusto mo bang padalhan nalang kita ng pagkain dito?"Nag-aalalang turan ni Ate Genesis. "H'wag na ate,matutulog na ako ulit." Sabi ko sa tinatamad na boses.Tinakpan ko ng unan ang mukha. "Seth,hindi mo ba alam na muntikan na naming dalhin sa ospital si Mommy?" Napabangon ako dahil sa sinabi nito. "Ano'ng nangyari kay Mommy?" "Masyado siyang na stress dahil sa'yo kaya kung ayaw mong may masamang mangyari kay mommy,please fix yourself."Mariing sabi ni Ate saka muling isinara ang pinto ng silid. Napa-buntonghininga ako at agad na sinundan si Ate Genesis,naabutan ko ito pababa ng hagdanan.Nang mapansin na nakasunod ako sa kanya ay huminto ito sa paghakbang at hinarap ako. How can i be so selfish?Hindi ko man lang inaalala ang mga taong nasa paligid ko, ang pamilya ko na nag-aalala sa akin. "Ate,nasaan si Mommy ngayon?" Nag-aalala kong tanong dito. "Nasa kuwarto nila nagpapahinga. Sumabay ka na sa aming mag-dinner,pauwi na rin kami ni Jerome mamaya."Walang emosyong sabi ni Ate. "Pupuntahan ko lang si mommy..." "Seth,tulog na si Mommy.Hayaan mo muna siyang magpahinga."Pigil sa akin ni Ate Genesis. Marahan akong tumango at tahimik na sumunod kay ate Genesis patungo sa kitchen kung saan nandoon na sina daddy at kuya Jerome,ang asawa ni Ate Genesis. Kahit walang appetite ay pinilit kong kumain para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala nila sa akin. "Seth,wala ka bang balak na magbakasyon sa Amerika?"Panimula ni daddy. "Kailangan pa ba iyon?"Walang emosyong sagot ko kay Daddy. Nakayuko ako at hindi sinasalubong ang mga tingin nito. Pinaglalaruan ko lang ang pagkain sa tinidor na hawak ko. "Maybe it will help, malay mo makabubuti sa'yo ang magtungo sa Amerika." Segunda naman ni Kuya Jerome. "No need na po Kuya, i will be fine soon." Tipid kong sagot.Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. "I guess tama sina Daddy at Jerome,Seth.Kailangan mong magbakasyon sa Amerika,"ani Ate Genesis. "Ako na muna ang bahala sa kompanya kaya wala kang dapat ikabahala."Turan ni Daddy. Napabuntong-hininga ako dahil ayaw kong umalis dahil baka nga tuluyan ko ng makalimutan ang ala-ala ng asawa ko.Nagkibit-balikat lang ako at hindi sumagot tungkol sa sinabi ni Daddy. Lumipas ang ilang araw ay napilit na rin nila akong pumunta sa Amerika, pumayag ako dahil sa sitwasyon ni mommy na masyado na itong stressed dahil sa akin.Gusto ko na ring makalimot at magsimula muli. Inako muna ulit ni Daddy ang responsibilidad ko sa kompanya habang nasa Amerika ako. "Mom,hindi mo na ako kailangan pang samahan sa Amerika,nandoon naman si uncle Seb at Maria."Sabi ko kay Mommy sabay akbay rito. Nasa NAIA Airport na kami papasok sa boarding area. "I want to make sure you're safe and okay pagdating sa Amerika.Ayaw mo ba no'n may bonding tayo ngayon." Nakangiting turan ni Mommy sa akin. Napangiti na rin ako. "Tita Helen?" Napahinto kami ni mommy sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan nito. Paglingon namin ay nakita namin ang isang magandang babae, maamo ang mukha nito at napaka-charming ngumiti. "Oh,Hi Sophia."Natutuwang lumapit si Mommy rito saka niyakap ito. "Sa Amerika rin ba ang tungo mo?" Malumanay na tanong ni Mommy. "Yes,Tita Helen.Ako kasi ang representative sa company namin kaya ako ang ipinadala for one month seminar doon." "Naku buti na lang nakita mo kamk patungo rin kami sa Amerika ng anak ko. Seth, na meet mo na ba ang isa sa anak ng amiga ko?"Tanong ni Mommy ng bumaling sa akin. Umiling ako. "Sophia,si Seth ang nag-iisang anak kong lalaki. Seth,si Sophia ang anak ng amiga ko." Masayang pakilala sa amin ni Mommy, i smiled at her politely saka inilahad ang palad.Nakangiti naman nitong tinanggap. Agad ko ring binawi ang palad ko. "Buti nakita mo ako rito hija at least may kasabay na kami ng anak ko.Hindi masyadong boring." Halata ang kagiliwan ni Mommy kay Sophia. Nakangiti lang si Sophia at mukha namang tuwang-tuwang makausap si Mommy. Nauna na akong maglakad,naiwan ang dalawa na nakasunod sa likuran ko. Panay ang kuwentuhan ng dalawa. Pagkapasok namin sa boarding area ay naiwan kaming dalawa ni Sophia sa upuan,naghihintay na tawagin ang flight number namin.Nagtungo muna sa ladies room si Mommy. "If i'm not mistaken ikaw ba iyong ikinasal? Isang madaliang kasal at simple lang?" Nakangiting tanong ni Sophia sa akin. Isang tango lang ang isinagot ko rito. "Where's your wife?"Curious na tanong nito. "She's dead." Mariin kong sagot.Narinig ko ang pagsinghap nito. "I didn't know, i'm sorry.Hindi na dapat ako nagtanong." Binalingan ko ito,nakita kong napayuko si Sophia. "It's okay Sophia." Itinaas nito ang tingin at nagtama ang mga paningin namin,ngumiti lang ako rito saka ibinaling na sa ibang deriksyon ang paningin ko. Siguro nga ito na ang tamang panahon para tanggapin ang lahat na wala na talaga si Freda,na panaginip lang ang lahat at ngayon ay kailangan ko ng magising. ~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD