Episode 2

2156 Words
Chapter 2 Shany Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan at walang imik na umupo sa back seat ng driver. Sa halip na mag-enjoy ako sa Amerika, nawalan ako ng gana dahil araw-araw nilang pinagpipilitan na ikakasal ako sa anak ni Tita Rosa na kahit pangalan nga ay hindi ko alam at hindi ko rin nakita. Isa pa hindi ako interesado. “Shany, huwag mo nga kaming dabog-dabugan ng Mommy mo. Bagay kayo ni Enzo, at sa ayaw at gusto mo ikakasal kayong dalawa!” Napabuntong-hininga ako ng malalim sa sinabing iyon ni Daddy. Kapapasok niya lang sa sasakyan na sumundo sa amin. Nasa tabi siya ng driver sa front seat. Nakahalukipkip lang ang mga braso ko at humahaba ang nguso sa sinabing iyon ni Daddy. Dagdagan pa ni Mommy na masama ang tingin sa akin pagpasok niya ng sasakyan at naupo sa aking tabi. Nape-pressure na talaga ako sa ginagawa nila. Pakiramdam ko wala akong kalayaan. Lahat ng gusto nila at sasabihin kailangan kong sundin. Ang masaklap pa magkikita lang kami ng mapapangasawa ko sa araw ng kasal namin o kapag dumalaw ito sa amin. “Shany, mabait ang anak ng Tita mo Rosa. Kaya, masuwerte ka kapag si Enzo ang mapapangasawa mo,’’ pangungumbinsi ni Mommy. Ilang sandali pa tumatakbo na sa kalsada ang sasakyan na nagsundo sa amin sa airport. Alam ko naman na ginagawa nila ito para sa akin. Subalit hindi ba nila naisip na kaligayahan ko ang nakasalalay rito? “Mom, Dad, ayaw ko magpakasal sa hindi ko naman mahal. Huwag niyo naman ako itulad kay Kuya na nirereto niyo sa kung sino.” Kung haharap siguro ako sa salamin, marahil hindi maipinta ang mukha ko. Sino ba naman ang matutuwa sa ginagawa nilang ito sa akin. “Pero, si Ate Crystal mo naman ang nakatuluyan ng Kuya mo. See, napakasuwerte sana ng Kuya mo kung si Honey ang nakatuluyan niya. Subalit-‘’ Natigil ang sasabihin ni Mommy nang masakit siyang nilingon ni Daddy. “Amanda, ayaw ko na tinatrato mo ng masama si Crystal. Mabait naman na bata si Crystal. Binigyan niya tayo ng tatlong apo na malulusog.” Napakibot ang labi ni Mommy sa sinabi ni Daddy. Alam ko na noon pa man ayaw na ni Mommy kay Ate Crystal. Pinipilit niya lang pakisamahan si Ate dahil kay Kuya at sa mga pamangkin ko. Sinabi kasi ni Kuya na kapag masama pa rin ang trato ni Mommy kay Ate, ilalayo niya ang mag-ina nito sa amin. “Whatever, sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo. Kung hindi niya sana hiniwalayan si Reynold noon baka hindi pa bumagsak ang kompanya ng Daddy niya at natulungan pa siya ni Reynold. Kaso mataas ang pride ni Crystal. Kung hindi dahil kay Reynold, saan kaya siya pupulutin ngayon?’’ patuloy na saad ni Mommy. Napapailing na lang si Daddy sa sinabi ni Mommy. Lalo tuloy ako napasimangot dahil kung tutuusin masuwerte naman si Kuya kay Ate Crystal. Mabait si Ate Crystal, at maasikaso. Isa pa, mahal nila ang isa’t isa, kaya ganoon ang gusto kong mangyari ang maikasal sa taong gusto ko at mahal namin ang isa’t isa. Hindi ‘yong ikakasal na lang ako sa kung sino. “Amanda, huwag na huwag mong sasabihin iyan sa harapan ni Reynold. Masipag na bata si Crystal. Nabaon lang talaga siguro sila dahil sa nagkasakit ang Daddy niya at ang Tiyahin niya na nag-aruga sa kaniya. Masaya na rin ako na si Crystal ang nakatuluyan ni Reynold.” Tumaas ang kilay ni Mommy sa sinabing iyon ni Daddy. Hindi na siya umimik. Makalipas ang ilang oras nakarating kami sa mansion. Pagbaba namin ng sasakyan sinalubong kami ni Kuya Reynold at Ate Crystal, kasama ang triplets. Humalik ako sa pisngi ni Ate at yumakap din ako kay Kuya. Samantalang si Mommy, sabik na makita ang mga apo. “Kumusta na itong mga apo ko? May pasalubong ako sa inyong tatlo. Pumasok na tayo sa loob,’’ yaya ni Mommy sa mga pamangkin ko habang hila-hila niya ang mga ito. Nauna na akong pumasok sa loob at nagtungo sa aking silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Tiyak na pipiplitin ako ni Mommy na ikasal sa anak ng kaibigan nila. Si Daddy mapapakiusapan ko pa subalit si Mommy suntok sa buwan na makinig iyon sa akin. Binuksan ko ang aking maleta upang kunin ang regalo ko para kay Ate Crystal. Sakto naman na kumatok siya sa pintuan, kaya pinagbuksan ko na ito. “Kumusta ang bakasyon mo?’’ nakangiting tanong ni Ate Crytal sa akin. Kahit may anak na sila ni Kuya, pero hindi pa rin nabawasan ang ganda ng katawan ni Ate at ang maganda niyang mukha. Mapapagkamalan pa rin siyang dalaga. Kibit balikat lang ako sa tanong ni Ate. “Pasok ka, Ate. May regalo ako para sa iyo.” Hinawakan ko ang pulsuhan niya at hinila siya sa loob ng aking silid. Ibinigay ko sa kaniya ang isang box na nakabalot sa gift wrapper. “Salamat rito. Mukhang hindi ka yata masaya?’’ Kilala na ako ni Ate Crystal. Alam niya kung masaya ako o hindi. Naupo kami sa aking kama at hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. “Ate, gusto ako ipakasal nila Mommy sa anak ng kaibigan nila sa Amerika. Ate, ayaw ko magpakasal sa hindi ko kilala. Kahit mukha nga ng lalaking iyon hindi ko nakita,” mangiyak-ngiyak kong sumbong kay ate Crystal. Hinaplos ni Ate ang aking buhok sa tagiliran at matamis siyang ngumiti sa akin. “Kung alin ang makapagpapasaya sa’yo iyon ang gagawin mo. Ikaw ang magdadala ng buhay mo, Shany. Huwag mong hayaan na ang iba ang magdadala ng buhay mo.” Napayakap ako kay Ate Crystal sa sinabi niyang iyon. Tama siya, hindi ko dapat hayaan na ibang tao ang magdadala ng buhay ko. Nasa hustong gulang na rin ako. Hindi naman siguro masama kung ang gusto ko naman ang susundin ko. “Salamat, Ate. Mabuti dumating ka sa buhay namin. Ikaw lang ang puwede kong mapagsabihan ng mga problema ko.” Hinagod ni Ate Crystal ang aking likod. “Tara, sa labas. Hinihintay ka ng mga pamangkin mo.” Matamis na ngiti ang pinakawalan ni Ate Crystal sa kaniyang labi at hinila niya na ako upang tumayo. Lumabas kami sa aking silid at nagtungo sa living area. Naroon lahat nagtitipon-tipon, kasama si Lola. Humalik ako kay Lola at naupo sa tabi niya. Kinuha naman ni Crystal ang isang triplets at naupo rin ito sa tabi ko. Ang dalawang triplets nasa kay Mommy at Daddy. Si Kuya nakaupo sa isahang sofa. “Gusto lang namin ibalita sa inyo na ikakasal na si Shany sa taon na ito. Kaya, kailangan paghandaan natin iyon,’’ simula ni Mommy sa usapan. Hindi ako kumibo at naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ate Crystal ang aking kamay at pinisil na ang ibig niyang sabihin magpakatatag ako at huwag manghina. “Kanino na naman ikakasal si Shany, Mom? Gusto ba ni Shany ang magpakasal sa gusto niyo para sa kaniya?’’ seryosong tanong ni Kuya na malamig ang ekpresyon ng mukha. “Magugustuhan din nila ang isa’t isa. Wala naman problema kung ikakasal siya sa anak ng Tita mo Rosa.” Tumaas ang kilay ni Mommy habang sinasabi niya iyon kay Kuya. “Bakit ba pinapangunahan mo ang buhay namin ni Shany, Mom? Bata pa si Shany at hayaan mo siya mamili ng gusto niyang mapapangasawa.” Napapangiti ako ng panandalian sa pangtatangol sa akin ni Kuya. Mabuti at hindi rin siya sang-ayon sa gusto ni Mommy. “At ano ang gusto niyo mangyari? Ang matulad si Shany sa’yo? Ano ang gusto mo, na isang dukha ang mapapangasawa ng kapatid mo?” galit na wika ni Mommy at hindi iyon nagustuhan ni Kuya at Daddy. “Amanda, watch your words!’’ saway ni Daddy sa kaniya. “So, ibig niyong sabihin na nag-asawa ako ng dukha at hindi ko pinili ang gusto niyong ipakasal sa akin? Ganoon ba ang gusto mong sabihin, Mom?’’ Napigtas na ang pasensya ni Kuya, kaya hindi niya na napigilan ang sarili na pagtaasan ako ng boses si Mommy. Tahimik lang si Ate Crystal habang nakayuko at kalong-kalong ang isa kong pamangkin. Pinisil ko ang palad ni Ate. Nagkatinginan kami at tipid lang siyang ngumiti sa akin. “Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, Iho. Crystal, huwag mo samain ang sinabi ko. Ang gusto ko lang kasi na mapabuti kayong lahat. Ayaw ko na makita na naghihirap si Shany. At kung sino na lang diyan sa tabi-tabi ang mapapangasawa niya,’’ mariin pang sabi ni Mommy at paghingi ng paumanhin kay Ate Crystal. Tumngin lang si Ate Crystal kay Mommy, saka tipid na ngumiti. Subalit alam ko na masakit sa kalooban ni Ate Crystal, ang sinabing iyon ni Mommy. “Amanda, si Shany ang magdesisyon sa buhay niya at siya rin ang pipili ng lalaking gusto niyang pakasalan. Huwag mo e-pressure ang bata. Tingnan niyo ang nangyari noon kay Reynold. Paano kung hindi ni Reynold nakita si Crystal? Sa tingin mo kaya makikita mo ang tatlo mong apo?’’ Sa wakas nagsalita rin si Lola, subalit alam namin na hindi talaga magpapatalo si Mommy. “Mommy, para rin ito sa ikabubuti ni Shany. Ipinaalam ko lang naman sa inyo para alam ninyo na ikakasal na si Shany sa taon na ito. At walang sino man ang makapagpigil sa kasal na magaganap! Maliban na lang kung may ki-kidnap kay Shany, katulad ng ginawa ni Crystal kay Reynold?’’ Mapang-upat na sabi ni Mommy sabay tingin kay Ate Crystal ng nakakainsulto at ngiting mapakla kay Kuya Reynold. “Walang patutunguhan ang usapang ito. Wifey, hali ka na. Umuwi na tayo isama natin ang mga bata.” Galit na si Kuya kay Mommy, kaya sininyasan niya ang mga yaya ng mga bata na kunin na ang mga triplets. Tumayo na rin si Ate Crytsal at lumabas na sila ng mansion. Hinabol ko naman si Kuya at naabutan ko sila sa pasilyo palabas ng mansion. “Kuya, puwede ba akong sumama sa inyo?’’ tanong ko. “Magagalit na naman ang Mommy mo kapag sumama ka. May sarili ka ng desisyon, Shany. Puwede kang umayaw sa kasal na iyon kung gusto mo. Huwag ka mag-alala nandito lang kami ng Ate Crystal mo.” Pagkasabi ni Kuya hinaplos niya ang buhok ko. Akala mo naman kung makapagsalita siya hindi niya Mommy ang Mommy ko. Umalis na sila at naiwan na naman ako sa bahay. Kinuha ko na lang ang aking skitch pad upang gumuhit. Nakita ko na naman ang lalakeng iginuhit ko. Sana siya na lang ang ibinigay ng may kapal sa akin. Subalit alam ko na malabo pa iyon sa sabaw ng sinigang. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim at gumuhit ng isang lugar na may ilog at maraming prutas. May mga batang naglalaro roon at naliligo sa ilog. Hinid ko namalayan na matagal na pala ako nakaupo dito sa terrace habang tanaw ang magagandang bulaklak na tanim ni Lola. Nilanghap ko ang sariwang hangin habang nakatanaw sa malayo. “Anak, ayaw mo ba sumabay sa amin ng tanghalian?’’ Napalingon ako sa may-ari ng boses at si Daddy iyon. “Dad, wala akong gana,” malungkot kong sagot sa aking ama. Naupo siya sa aking tabi at inakbayan ako. “Alam ko na nape-pressure ka na, Anak. Ang sa amin lang ng Mommy mo sana ay mapabuti ka. Mabait naman ang anak ni Tita mo Rosa. Alam ko hindi ka magsisisi kapag ikinasal ka sa kaniya.” Napangiti ako ng mapait sa sinabing iyon ni Daddy. Wala na akong ibang paraan na alam kundi kailangan kong makawala sa kulungang ito. Iyon ang pakiramdam ko, ang nakakulong sa buhay na ito. Parang wala akong karapatan na sumaya at lumigaya. “Dad, puwede po ba muna ako magbakasyon kahit tatlong araw lang? Pag-iisipan ko ang alok ninyo ni Mommy sa akin.” Tumango-tango si Daddy sa pakiusap kong iyon sa kaniya. “Saan mo gustong magbakasyon, Anak? Gusto mo pasamahan kita kay yaya niyo Maria?’’ Umiling-iling ako sa tanong ni Daddy. “Gusto ko mapag-isa, Dad. At least kung matuloy man ang kasal ko maranasan ko rin makapagbakasyon mag-isa.’’ “Walang problema, Anak. Hayaan mo ako na ang bahalang magsabi sa Mommy mo.” Lumuwag ang pakiramdam ko nang sang-ayonan ako ni Daddy. Sa wakas, maranasan ko rin kung paano maging malaya. Sumapit ang dalawang araw, bitbit ng aking bagpack sumakay ako sa helicopter ni Kuya Reynold. Magbabakasyon ako sa Puting Isla. Para mabilis akong makarating doon inalok ni Kuya ang chaper niya. Kapag kasi sa eroplano malayo pa ang airport at sasakay ulit ako ng bangka para makarating sa Puting Isla. Kumakaway ang lahat ng mahal ko sa buhay nang makasakay na ako sa chaper. Walang tigil din ang kaway ko sa kanila. Halong lungkot at tuwa ang nadarama ko. Unang beses ko kasi itong mawalay sa mga magulang ko na mag-isa lang ako. Subalit ang sarap sa pakiramdam na walang body guard na bumubuntot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD