Episode 3

2100 Words
Chapter 3 Lorenzo Abala ako sa pagbabalot ng mga mangga nang may nakita akong helicopter na dumaan. Parang hindi maganda ang tunog nito at umuusok ang bandang puwitan. Hindi kalaunan tanaw ko ang ibang part nito na nagkatanggalan. Mabilis ang pangyayari hanggang sa tanaw ko na sa malayo ang helicopter at unti-unti itong nawala sa paningin ko. Kung hindi ako nagkamali masama ang nangyari sa helicopter na iyon. Nilakbay ko ang daan patungo sa kakahuyan. Nakita ko kasi na parang may nalaglag roon na parte ng helicopter. Ilang minuto pa ang aking pag-iikot sa kakahuyan nang matanaw ko ang isang asul na bagay. Para suit ito. Sigurado ako na galing ito sa helicopter. Dahan-dahan akong lumapit sa para suit. Hinawi ko ito upang tingnan kung may tao na natkapan. Laking gulat ko na may nakita akong isang paa, kaya mabilis kong inalis ang para suit na nakatakip sa katawan niya. Nakadapa ito at parang walang malay. Isang babae. Mabilis ko siyang hinawakan sa kaniyang leeg upang tingnan kung buhay pa ito. Nakahinga ako ng malalim nang maramdaman ko ang kaniyang pulso. “Miss, gumising ka.” Niyuyugyog ko siya upang magising. Narinig ko ang kaniyang ungol subalit nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata. “Aray, ang sakit ng ulo ko,’’ daing nito. Mabilis ko siyang pinatihaya at binuhat. Dinala ko siya sa bahay. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa aking kama. Hindi naman kalakihan ang bahay ko dahil ako lang naman mag-isa, may isa lang akong silid, maliit na sala, may isang banyo sa kusina. Ganito kaliit lang ang pinatayo kong bahay dito sa Paraiso upang hindi na ako mahirapan maglinis pa at hindi nakaw sa oras ko ang paglilinis. Nakita ko na may maliit siyang sugat sa noo. Kinuha ko ang firs aid kit sa cabinet sa kusina. Ginamot ko ang sugat niya. Nanatili pa rin siyang nakapikit. Pagkatapos ko siyang gamutin hinayaan ko lang muna siya na makapagpahinga. Nagtungo ako sa kusina upang magluto ng puwede namin kainin. Naglaga ako ng karne ng baka. Nilagyan ko iyon ng sagit, repolyo at petchay. May patatas din akong nilagay, paminta at kung ano pang pampalasa. Nagsaing din ako ng tatlong takal para sakto sa aming dalawa. Nasa paaralan si Bugoy ngayon, kaya mag-isa lang ako ngayon sa farm. Nasa bayan din sina Zoey at ang quadruplets kasama si Tita Zonia na ina ni Zoey. Pagkatapos kong magluto bumalik ako sa aking silid upang tingnan kung gising na ang aking bisita. Sakto naman na pagpasok ko nakaupo na siya sa kama habang ang kaniyang mga mata umiikot na tinitingnan ang kabuoan ng aking silid. “Mabuti gising ka na. Kumain ka muna bagon kita dalhin sa bayan.” Tumingin siya sa akin at nanalaki ang mga mata nang makita ako. Nakaawang ang kaniyang mga labi at parang gulat na gulat. “Ano ba ang nangyari sa helicopter na sinasakyan mo, Miss?’’ Parang hindi siya makasagot sa tanong kong iyon. Sigurado naman talaga ako na galing siya sa helicopter na iyon. Ilang sandali pa hinawakan niya ang kaniyang ulo. “A-Aray ang sakit ng ulo ko? Saan ba ako? Anong helicopter ang sinasabi mo?’’ Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. “Natagpuan kita sa kakahuyan, kanina. Mukhang na crash yata ang sinasakyan mong helicopter. Hindi mo ba naalala ang nangyari? Ano ang pangalan mo? “Hi-hindi ko matandaan ang nangyari. Saka hindi ko maalala ang pangalan ko. Sino ka ba? Saang lugar ito?’’ Nakikita kong naguguluhan siya. Hinala ko baka nabagok ang kaniyang ulo at naamnesia siya. Subalit maliit lang naman ang sugat na natamo niya sa kaniyang ulo. Hindi ko na muna siya pinilit na makaalala at baka makakasama iyon sa kaniya. “Tumayo ka na riyan at kumain na tayo.” Tumayo siya at sumunod sa akin. Nagtataka ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Pagdating sa kusina hinilahan ko siya ng upuan. Naupo siya sa harap ng lamesa. Umikot ako sa kabilang bahagi at naupo. Magkatapat ang aming posisyon. Sinalukan ko siya ng sabaw sa bowl para makahigop siya. “Kumain ka. Pagkatapos natin kumain dadalhin kita sa bayan sa presento, para e-surrender. Baka mamaya hinahanap ka ng pamilya mo.’’ “Huwag!’’ agad niyang tutol sa sinabi ko. Kunot ang noo ko na nakatingin sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit ayaw niya na e-surrender ko siya sa mga kapulisan. “Hindi ko maalala ang lahat. Natatakot ako na baka mapahamak lang ako. Pu-puwede rito muna ako? Huwag ka mag-alala hindi ako magiging pabigat sa’yo. Marunong ako sa gawaing bahay. Maasahan mo ako.” Lalong napakunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. May amnesia ba talaga ito o nagkukunwari lang? Pinagmamasdan ko lang ang mga kilos niya. Parang galing siya sa mayamang pamilya dahil ayon sa paggamit niya ng mga kyubertos. Ang mga kutis niya halatang alaga. Ang damit mamahalin rin. “Ako ko ba wala kang maalala? Paano mo nasabi na marunong ka sa gawaing bahay?’’ Bahagya siyang napatingin sa akin sa tanong kong iyon. “Ha? Ah, eh, nararamdaman ko na marunong ako sa mga gawaing bahay. Saka baka sa susunod na araw pa babalik ang ala-ala.’’ Ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin iyon subalit saglit lang ang mga mgiting iyon. , “Kumain na muna tayo saka natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan,” saad ko at nagsimula na kami kumain. Walang imikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa nakatapos kami ng pagkain. “Magpahinga ka na at ako na ang bahala sa mga hugasan,’’ utos ko sa kaniya saka iniligpit ang mga pinagkainan namin. Nilagay ko muna sa lababo ang mga plato. “Salamat, po. Hayaan niyo po mamaya ako na po ang maghuhugas. Sige, mahiga muna ako at medyo masakit pa ang ulo ko.” Tango lang ang naging tugon ko sa kaniya. Bumalik siya sa aking silid. Hinugasan ko ang mga pinaglutuan ko kanina at mga plato na pinagkainan namin. Pagkatapos kong maghugas nagtungo ako sa mangga at naupo sa duyan. Ilang sandali ang lumipas tumawag na naman si Mommy. Noong nakaraang linggo niya pa ako kinukulit tungkol sa gusto niyang ipakasal sa akin. Tamad kong sinagot ang tawag ni Mommy. “Lorenzo, nakauwi na riyan sa Holand ang Tita Amanda mo at ang Tito Rafael mo, kasama ang anak nila. Gusto ko pumunta ka sa Holand, para makilala mo ang mapapangasawa mo.” Napabuga ako ng hangin sa ire sa sinabi ni Mommy. Alam ko na nga ba at iyon na naman ang ibubungad niya sa akin. “Mom, ilang beses ko bang sabihin sa inyo na hindi ako magpapakasal sa gusto ninyong ipakasal sa akin!’’ Diniinan ko ang boses ko upang alam ni Mommy na ayaw kong pinipilit ako. “Huwag mo sabihin na hanggang ngayon, si Katrina pa rin ang gusto mo? Lorenzo, naman! Ang tagal niyo nang hiwalay ni Katrina, hindi ka pa rin nakaka-move on? ‘Yong kompanya natin riyan sa Holand, ano iaasa mo na lang ba sa kaibigan mo? Anak, mahiya ka naman kay Daniel! Maraming inaasikaso ‘yong tao. Dapat ikaw na ang humawak ng kompanya natin diyan sa Holand! Ano ang mapapala mo riyan sa probinsya?” Nasa boses ni Mommy ang pagkairita. Subalit mas naiirita ako sa mga sinabi niya. “Mom, hindi si Katrina ang dahilan kung bakit ayaw ko magpaksal sa anak ng kaibigan mo. Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Isa pa nag-e-enjoy ako rito sa probinsya. Ayaw ko na kahit sino na lang ang tinutulak niyo para sa akin.’’ Tumaas na ang boses ko kay Mommy. Ayaw ko kasi pinipilit ako sa bagay na ayaw ko. “Hintayin mo na lang na maka-graduate si Patricia, para siya na ang pahawakin mo sa kompanya.” Dugtong ko pa kay Mommy. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga sa kabilang linya. “Loernzo, hindi ka bumabata para hindi mag-asawa. Kung ayaw mo pumunta sa Holand para makipag-meet sa mapapangasawa mo sasabihin ko sa Amega ko na ikaw na lang ang puntahan nila!” Nagtagisan ang mga ngipin ko sa sinabing iyon ni Mommy. Sa lahat din ng ayaw ko ang pinagbabantaan ako. Kailangan gumawa ako ng paraan para matigil ang pang-rereto niya sa akin sa anak ng kaibigan niya. “Mom, please? Huwag niyo na guluhin ang tahimik kong buhay. Masaya na ako sa pagiging single. Hayaan mo kapag nasa kuwarenta y saes na ako saka na ako maghahanap ng nanay ng magiging apo niyo sa akin. Sa ngayon huwag niyo muna akong madaliin dahil kuntinto na ako sa buhay ko.” Pagkasabi ko ng ganoon binabaan ko na si Mommy ng Cellphone. Bahala siya kung magalit siya dahil naririndi na ako ntawag niya sa akin, ganoon palagi ang sinasabi niya. Nagpahinga ako sa duyan, hanggang sa nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang tumahol si bantay. Pagdilat ko nakita ko ang pamilyang kambing na nakalabas sa bakod na para lang sa kanila. Bumangon ako upang dalhin ang mga kambing sa lugar kung saan lang sila dapat. Pagkatapos ko ibalik ang mga kambing nagtungo naman ako sa mga alaga kong tandang. Mayroon akong limang daan na tandang na manok. Ibinibinta ko ito sa bayan. Minsan dinadayo rin ng mamimili ang mga alaga ko. Ginagamit nila ito sa panabong. Pagkatapos kong pakainin ang mga manok bumalik ako sa bahay upang tingnan ang bisita ko. Tamang-tama na nasa labas ito ng bahay nagpapahangin. “Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo?’’ malamig kong tanong sa kaniya. “Medyo okay na ang pakiramdam ko. Parang ang ganda ng lugar na ito. Ngayon lang ba ako nakapunta rito?’’ Nakangiti siya habang tinatanong ako. “Bago ka lang sa paningin ko, kaya sigurado ako na hindi ka pa nakapunta sa lugar na ito,’’malamig kong sagot sa kaniya. Napakagat siya ng kaniyang ibabang labi. Pumasok ako sa loob upang manood ng tv. Sumunod naman siya sa akin. Naupo ako sa sofa at naupo rin siya sa isahang sofa. Pinapanuod ko palagi ang paborito kong channel na may basketball at football. “Gusto mo ng juice?” tanong ko sa kaniya. “Huwag na po. Ahmm… Puwede po bang dito muna ako? Hindi ko kasi maalala kung saan ako galing, kung sino ang mga magulang ko, kung ano ang nangyari sa akin? Hindi kaya may nag-kidnap sa akin at gusto akong gawing prostitute?” Nakakunot ang mga noo niya habang sinasabi niya iyon at parang natatakot. “Bukas dalhin kita sa hospital para matingnan ka,’’ seryoso kong sabi habang ang atensyon ko nasa pinapanood ko ng basketball. “Huwag na po! Baka babalik din ang mga ala-ala ko. Magastos kapag dinala mo ako sa hospital. Isa pa wala akong pambayad. Ta-trabahuhan ko po ang pagtira ko rito at pagpapakain mo sa akin. Promise, kaunti lang ako kumain.” Hindi dahil sa nakumbinsi niya ako, kaya mapapayag niya ako na tumira siya pansamantala sa bahay ko. Tumingin ako sa kaniya habang salubong ang aking mga kilay. Pinag-iisipan kong mabuti ang desisyon ko. May naisip akong gawin sa babaeng ito. “Okay, dito ka muna hanggang hindi ka pa nakakaalala, pero pagta-trabahuhan mo ang pagtira mo rito. Alam mo naman na wala ng libre sa mundong ito,’’ malamig ang boses ko na sinabi iyon sa kaniya. “Talaga, po? Promise tutulong po ako.’’ Natutuwa siya nang sumang-ayon ako. Maganda nga iyon at may tao rito kapag umaalis ako. May tagalaba at tagalinis na ako. Hindi naman sa pagsasamantala sa kaniya, subalit nais kung malaman kung marunong talaga siya sa gawaing bahay. “Ayaw ko ng makalat sa bahay. Gusto ko pagkatapos ng kain nahuhugasan kaagad ang plato. Sa tuwing maaga kailangan walisan mo ang mga tuyong dahon ng mangga sa bakuran. Minsan pumupunta ako sa sa taniman ng palay at strawberry. Kailangan maaga kang gumising para magsaing, para kapag umalis ako nakakain na ako. Ano, kaya mo ba iyon?’’ Taas ang aking kilay habang tinatanong ko iyon sa kaniya. “Sisiw lang po ‘yon sa akin. Puwede ko ba malaman ang pangalan mo?’’ “Tawagin mo akong Lorenz or Lorenzo. Dahil sa wala kang pangalan, papangalanan kitang, Bulate.’’ Napakunot ang kaniyang noo at humaba ang kaniyang nguso. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pangalan na ibinigay ko sa kaniya. “Bulate? Bakit Bulate?’’ nagtataka niyang tanong. “Kasing payat mo kasi ang bulate. Hindi ka siguro kumakain sa inyo o baka nagda-diet ka? Hindi mo naman alam kung ano ang pangalan mo, kaya pagtyagaan mo na lang muna ang pangalan na ibinigay ko sa’yo.” Pagkasabi ko pinatay ko ang tv saka nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kampe. Wala siyang imik sa ipinangalan ko sa kaniya, subalit halatang hindi niya nagustuhan ang pangalang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD