EPISODE 1

2043 Words
Chapter 1 SHANY Present Ngayong tapos ka na sa pag-aaral mo Shany, kailangan tulungan mo na ang kuya mo sa pagpapatakbo ng negosyo natin," wika ni Mommy habang kumakain kami sa hapagkainan. Salo-salo kami ngayon sa mansion dahil nakapagtapos na ako sa pag-aaral sa kolihiyo bilang isang fines art. "Mom, saka nga fine arts ang kinuha ko at hindi business management dahil alam ko naman na mapapatakbo ni Kuya ng maayos ang negosyo ng pamilya," protesta ko kay Mommy. "Tama nga naman ang apo ko, Amanda. Bakit ba pinipilit niyo ang bata sa ayaw niya?" sang-ayon ni Lola Isabelle sa sinabi ko kay Mommy. "'Yan kasi Mum. Kinakampihan niyo, kaya lumalaki ang ulo," sabi pa ni Mommy kay Lola. "Tama na' yan, Honey. Nasa harap tayo ng pagkain. Kaya nga tayo narito lahat para i-celebrate ang pagtatapos ng anak natin," saway ni Daddy kay Mommy. Malalim na nagbuntong hininga si Mommy at sumubo ng pagkain. "Kumusta naman kayong dalawa, Reynold, Crystal? Hihiramin muna namin ang mga apo namin kahit isang linggo lang," wika ni Mommy kay Kuya at Ate Crystal. Tipid lang ngumiti si Ate at tumingin ito kay Kuya. "Ayos lang po kami, Mom," sagot ni Ate Crystal kay Mommy. "Okay lang kung dito muna ang mga bata, Mom. Isa pa marami kaming gagawin ni Crystal sa opisina. At least kahit maiwan namin ang mga bata sa mga yaya nila may titingin talaga sa kanila," sang-ayon ni Kuya kay Mommy. Nakita ko sa mukha ni Ate ang hindi niya gusto sa tugon ni Kuya. Kahit hindi man sabihin ni Ate Crystal alam ko na halos ayaw niya iwalay ang mga anak niya sa kaniyang tabi. At alam ko nahihirapan siya dahil bawat kilos niya binabantayan ni Mommy. Pagkatapos namin kumain nagtungo ako sa veranda upang magguhit. Habang binubuklat ko ang aking skitch nahagip ko ang iginuhit kong mukha noon ng isang guwapong lalake tatlong taon na ang nakalipas. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon iba pa rin ang pintig ng puso ko kapag nakikita ko ang mukhang ito. Sa tatlong taon ang lumipas palagi akong dumadaan sa lugar kung saan natalsikan ako ng isang sasakyan pickup na kalumaan na. At ang nagmamaneho ay 'yong guwapong lalaking iyon. Iginuhit ko ang mukha niya upang hindi ko siya makalimutan. Hindi ko alam pero naging interesado ako sa kaniya. "Boyfriend mo ba' yan?" Napalingon ako sa boses na nagsalita. "Ate Crystal, ikaw pala. Hindi Ate, isa lang ito sa mga collection ko na iginuhit ko noon," nakangiti kong sabi kay Ate Crystal. Hinimas-himas niya ang likuran ko. Sa bahay na ito si Ate Crystal lang ang takbuhan ko sa mga problema ko. Kahit may sarili na silang bahay ni Kuya subalit minsan dito sila ni Mommy pinapatulog. "Ang guwapo niyan, ha? Sino ba 'yan?" mahinhin niyang tanong sa akin. "Ito 'yong sinabi ko sa' yo noon na tinalsikan ako. Tapos nakita ko siya kumain sa restaurant ni Kuya. Hinusgahan siya ng mga ka-klase ko dahil sa suot niyang damit. Ang guwapo niya kasi, Ate. Kaya, na inspired ako na iguhit ang mukha niya," kuwento ko kay Ate Crystal habang nakangiti. "Inferness ang guwapo niya. Congratulations nga pala. Ito ang regalo ko para sa'yo." Iniabot sa akin ni Ate Crystal ang isang paper bag na may q. "Wow, akin po ito, Ate?" tuwang-tuwa kong tanong kay Ate Crystal. Halos hindi ako makapaniwala dahil ito ang bag na pangarap ko na bilhin, kaso sobrang mahal nito. "Oo, sa'yo 'yan. Nabanggit mo kasi sa akin noon na gusto mo talaga magkaroon ng ganiyang collection, kaya ayan binili ko na para sa'yo," matamis na ngiti na sabi ni Ate sa akin. Tumayo ako upang yakapin siya. "Ate salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sana ano man ang pagsubok na dumating sa inyo ni Kuya malalampsan niyo," wika ko sa kaniya. Kumalas siya ng yakap sa akin at hinaplos ang akin buhok. "Salamat dahil nararamdaman ko kung paano magkaroon ng isang kapatid. Basta kung ano man ang pangarap mo sa buhay ipagpatuloy mo lang iyon." "Salamat, Ate. Tanging ikaw lang ang taong nakakaunawa sa akin dito sa bahay," wika ko saka muli ko siyang niyakap. Ilang sandali pa tinaaag na siya ni Kuya, kaya nagpaalam na itong umalis. Lumipas pa ang ilang linggo. Lumabas ako sa aking silid upang magtungo sa sala sakto naman na narinig ko na may kausap si Mommy sa kabilang linya. "Kumusta ka naman, Amega? Graduate na ang anak ko at 'yong pinagkasunduan natin baka puwede na natin ituloy," narinig kong sabi ni Mommy sa kabilang linya. "Sige, sige, Amega. Tatawag na lang ulit ako," paalam ni Mommy sa kabilang linya. Nakaupo siya sa sofa na mahaba. "Hali ka rito, Iha. May sasabihin si Mommy sa'yo," yaya ni Mommy sa akin. Lumapit nan ako sa kaniya saka naupo sa kaniyang tabi. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay. "Anak, Malapit na ang ikadalawangput dalawa mong kaarawan. Kaya gusto ko pumunta tayo sa Amerika para naman makapamasyal tayo roon." Natuwa ako sa ipinahayag ni Mommy sa akin. "Talaga, Mom? Isasama mo ako sa Amerika?" "Oo, igagala kita toon at least bago ka pumasok sa trabaho makapasyal ka pa sa ibang bansa," nakangiting wika ni Mommy sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasalamat. Pangarap ko rin kasi na makarating sa ibang bansa. "Mukhang masaya ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" wika ni Daddy na bigla na lang dumating sa likuran namin ni Mommy. "Rafael, dadalhin ko si Shany sa bakasyon natin sa Amerika. Para sa ganoon makagala rin siya roon?" saad ni Mommy kay Daady nang kumalas ito ng yakap sa akin. "Mabuti naman kung ganoon, baka roon niya makita ang mapapangasawa niya," nakangiting sabi ni Daddy. Kumindat si Mommy kay Daddy na parang may ibig sabihin at sila lang ang nagkakaindihan. "Dad, Mom, wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Bata pa ako at gusto ko muna mag-injoy sa buhay ko na single." saad ko sa kanila. Pinangunahan ko na sila dahil alam ko na itutulad na naman nila ako kay Kuya na niririto sa mga anak ng kaibigan nila. Mabuti nga at hindi natuloy ang kasal ni Kuya at Ate Honey noon dahil kinidnap si Kuya ni Crystal. Umismid lang si Mommy at napataas ng kilay kay Daddy dahil sa sinabi ko. "Aalis muna ako, Mom, Dad. Pupunta lang ako sa mall dahil bibilhin lang ako roon," paalam ko sa kanila. "Sige, mag-ingat ka, Iha. Isama mo si Manang Rodora para may kasama ka," saad pa ni Daddy sa akin. "Huwag na, Dad. Kaya ko na mag-isa." tanggi ko kay Daddy. Mabuti na lang at pumayag siya. Sa buong buhay ko laging may nakabantay sa akin. Minsan pakiramdam ko wala akong kalayaan. Kung ano ang iutos nila Mommy na dapat kong gawin kailangan kong sundin. Dati si Kuya ang lagi kong takbuhan subalit ngayon alam kong may pamilya na siya at mabuti na lang magkasundo kami ni Ate Crystal. Umalis ako sa bahay at nagtungo sa mall. Nagyon lang ako nakagala na mag-isa mula sa bahay. King sa paaralan ako dati kasama ko naman ang mga kaibigan ko, subalit nakabuntot pa rin sa akin ang driver ni Daddy noon. Ngayon pakiramdam ko nakalaya ako ng ilang oras. Kaysarap pala gumala na mag-isa at walang iniisip. Kung saan ko gusto pumuntang department malaya akong nakakapunta at bilhin ang gusto kong bilhin. Pagkatapos kong gumala sa mall pumunta ako sa plaza saka naupo. Naalala ko noong nag-senior high school ako na si Jason lang kasama ko. Siya ang una kung crush at dahil kay Ate Crystal naging magkaibigan kami ni Jason. Subalit simula noong nakita ako ni Kuya na kasama si Jason saka tinutukan niya pa ito ng baril lumayo na si Jason sa akin dahil natakot ka Kuya. Mabuti na lang naroon si Ate Crystal na tagaawat kay Kuya. Malalim akong nagbuntonghininga habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro. Ilang saglit pa napagdesisyonan ko ng umuwi. Pagdating ko sa bahay naroon ang triplet ni Ate Crystal at Kuya. Kasama ng mga ito ang mga Yaya nila. "Hello, Aunte Sha!" kaway na bati ni Ralf sa akin. Kumaway din ang dalawa sa akin. "Andito pala ang mga pogi kong pamangkin," sabi ko sabay lapit sa kanila at isa-isa silang hinalikan. "Nasaan sina Kuya?" tanong ko sa isang yaya ng triplets. "Nasa Opisina pa sila ni Ma'am Crystal. Tumawag si Kuya na dalhin ang bata rito dahil tumawag ang Mommy mo sa kanila." Tumango-tango na lang ako sa sinabi ng Yaya. Tiyak pagtatalunan na naman ni Ate at Kuya ang tungkol sa mga bata. Si Mommy kasi halos ayaw niya ng mawalay sa mga apo niya. Kaya palagi na lang nandito ang mga pamangkin ko. "Dito muna kayo mga kids, ha? Magbibihis lang si Aunte. Maglalaro tayo pavkatapos kong magbihis," paalam ko sa mga bata. Masaya naman na sabay na tumango ang mga bata. Natutuwa rin ako kapag narito ang mga pamangkin ko dahil may katuwaan ako. Sumapit pa ang limang araw nagbyahe na kami nila Mommy at Daddy patungo sa Amerika. Pagdating namin sa airport sa Amerika sinalubong kami ng kaibigan ni Mommy at ang anak nito na babae. "Kumusta na kayo, Amega, kompadre? Mabuti naman at nakapagbakasyon kayo ulit rito sa Amerika. Ito na ba ang bunso ninyo?" tanong ng kaibigan ni Mommy. Kahit may edad na ito ngunit hindi halata sa edad niya ang kaniyang mukha. "Ayos lang kami, kumare. Ito na ba si Patricia?" tanong ni Daddy sabay turo sa anak ng kaibigan nila. Halos kasing edad ko rin ito. "Oo, siya 'yong anak namin ni Patric. Patricia, they are my friends. Your Uncle Rafael and your Aunt Amanda, and thier daughter, Shany," pakilala ng kaibigan nila Mommy sa anak nito sa amin. Ngumiti ito at nagbiso-biso kay Mommy saka kay Daddy. Ngumiti din ito sa akin nagbiso-biso. "I'm glad to meet you," matamis na wika pa nito sa amin. "Anak, si Tita mo Rosa. Matagal naming kaibigab ng Daddy mo," pakilala naman ni Mommy sa kaniyang kaibigan sa akin. "Ikinagagalak ko rin na makilala kayo, Tita," sabi ko sabay halik sa kaniya. Niyaya niya na kami na doon na tumuloy sa kanila para hindi na kami magbayad ng hotel. Mabilis ko rin nakagaanan ng loob si Patricia na anak ni Tita Rosa. Pagdating namin sa bahay nila ipinakilala nila ako sa asawa ni Tita Rosa na si Patric. Magkakilala na sila ng pamya ko matagal na. Sa tuwing nagbabakasyon pala sina Daddy at Mommy rito sa Amerika dito sila tumutuloy kina Tita Rosa. Malaki ang bahay nila dito sa Amerika. Habang nasa hapagkainan kami kung ano-ano na ang napag-usapan nila. Kami naman ni Patricia tahimik lang na nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga magulang namin. "Nasaan na si Enzo, Amega?" tanong ni Mommy kay Tita Rosa. "'Iyon na nga ang dahilan kung bakit laging sumasakit ang ulo ko, Amega. Pagkatapos ba naman niya mag-aral dito ayon umuwi ng Holand!" sagot ni Tita kay Mommy habang sumusubo ito ng pagkain. "Saan siya sa Holand? Akala ko pa naman masasamahan niya si Shany mamasayal dito, 'yon pala nasa Holand siya?" nakangiti na sabi ni Mommy. Si Daddy at Patric tahmik lang habang kumakain at nakikinig sa mga asawa nila. "Pasensya na Amega, kung hindi ko sinabi. At least sa Holand na lang natin gaganapin ang kasal ni Shany at Enzo." Nabulunan ako sa sinabing iyon ni Tita Rosa kay Mommy. Agad akong uminom ng tubig marahil sa pagkabigla ko ay nalunok ko kaagad ang kinakain ko. "A-ako po ikakasal?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila. "Oo, Anak. Nakatakda kang ikasal sa anak ni Tita mo Rosa," nakangiti pang sabi ni Mommy sa akin. Tumingin ako na may halong katanungan kay Daddy sa nagmamakaawa kong mukha subalit kibit balikat lang ang tugon ni Daddy sa akin. "Mom, hindi pa ako handa mag-asawa," agad na tanggi ko kay Mommy. Ito na nga ang kinakatakutan ko na ipapakasal ako sa hindi ko naman kilala at gusto. "Pasensya ka na, Iha kung nabigla ka namin ng Mommy mo. Kahit ang anak ko hindi rin alam na ikakasal siya sa'yo," nakangiti naman na sabi ni Tita sa akin. Hindi ako umimik at parang nawalan na ako ng gana. Akala ko magiging masaya ang pagababakasyon ko rito sa Amerika subalit para akong sinalubong ng bomba sa sinabi nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD