Episode 5

2130 Words
Chapter 5 Lorenzo Pinagmamasdan ko lang ang kilos ng babae na napulot ko sa kakahuyan. Hinayaan ko lang siya kung ano ang gagawin niya sa kaldero habang ako naman nilalagay ko malapit sa apoy ang kambing na pinaliguan niya. Sino ba naman angnagsabi sa kaniya na paliguan niya ang kambing at buhusan niya ng mainit na tubig ang sofa at kotson? Mukhang sasakit ang ulo ko sa babaeng ito. Nang medyo nainitan na ang kambing dinala ko ito sa sala. Medyo sumigla na ito, hindi katulad kanina na parang nanghihina ito. Nagtungo ako sa likod ng bahay sa puso upang kumuha ng tubig na dadalhin ko sa mga alaga kong manok. Subalit napapahagod na lang ako ng aking batok nang makita ang stand fan na nakababad sa batya. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag magalit, subalit para akong bulkan na biglang sumabog. “Bulate!” Napasigaw ako sa pangalan na tinawag ko sa kaniya. Ilang sandali pa lumabas siya na kinukusot ang dalawa niyang kamay. “Bakit po, Lorenzo?” Alam kong kinakabahan siya. Subalit maiksi lang talaga ang pasensya ko at hindi ko matatagalan ang ganitong uri ng tao. “Anong ginawa mo sa stand fan?’’ Kalmado lang ako na nagtanong sa kaniya dahil baka ma high blood ako sa pinaggagawa niya. Ang totoo nagtitimpi lang talaga ako. “Nakita ko kasi na marumi na, kaya hinugasan ko.” Napapikit na lamang ako ng aking mga mata ng marinig ko ang sagot niya sa akin. Sininyasan ko siya ng kamay ko na umalis na lang kaysa masigawan ko siya. Kailangan ko pa rin magtimpi dahil alam ko naman na wala pa siyang maalala. Wala nga ba talaga? Kinuha ko ang stand fan sa batya. Marahil hindi na ito gagana at baka sumabog pa ito kapag sinaksak sa saksakan ng kuryente. Sa inis ko ibinalibag ko ang stand fan. Nag-iisa lang naman ang stand fan na iyon. Nakakagago talaga ang babaeng iyon. Ano kaya ang puwede kong gawin sa kaniya? Pinuntahan ko na lang ang mga alaga kong manok at pinakain sila. Kumuha rin ako ng kumpay at dinala sa mga kabayo ko na nakakulong sa hawla nila. May sampo akong kabayo. May limangput lima akong kambing. Kaunti lang ang mga iyon dahil hindi ko na sila kaya pang alagaan. May mga tanim pa akong strawberry at may palayan din. Mas na-e-enjoy ko ang tumira rito sa farm kaysa maupo sa opisina at humarap sa computer, ngunit kanina kinukulit na naman ako ng kaibigan kong si Daniel. Kailangan niya na raw bitawan ang opisina at pagiging CEO sa kompanya ni Mommy dahil marami na siyang inaasikaso. May hotel siya at building na pinapatayo ngayon. At hinahanap niya pa ang nawawala niyang asawa. Ang lakas din ng tama ng baliw na ‘yon. Kung hindi ba naman siya baliw tinakot niya ang mapapangasawa niya na pabagsakin ang mga negosyo ni Enrico, na ex-boyfreind ng asawa niya. Ganoon siya kabaliw sa asawa niya na hindi niya alam na nasasakal niya na sa ginagawa niya. Kaya, ayon nilayasan siya ng asawa niya. Bumalik ako sa bahay at tiningnan kung ano ang ginagawa ng Bulate kong ampon. Nakita ko nakasalang na ang kaldero sa kalan. Hindi ako umiimik sa kaniya dahil naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa mga gamit ko. Ano ang tutulugan ko mamaya, gayong binasa niya ang sofa? Magtiis siya humiga mamaya sa sahig dahil pati ang kama binasa niya. “Ano ‘yong lulutuin kong ulam?’’ Hindi ako umimik sa tanong niyang iyon. Ganoon ako kapag galit, hindi ako umiimik. Lumabas ako at tiningnan ang sofa. Walang hiya, basang-basa ito. Ganoon rin ang kotson. Nagtungo na lang ako kina Zoey. Manghiram na lang ako ng banig at baka may extra sila. Maglatag na lang ako mamaya sa sala. Bahala ang White Leghorn na ‘yon kung ano ang isapin niya. Ilang minuto nakarating ako kina Tita Zonia. Agad naman sumalubong sa akin ang quadruplets na anak ng pinsan kong si Zoey. “Ang Mommy ninyo nasaan?’’ tanong ko sa apat. “Sa kusina po,’’ sagot ni Zarend. Ilang sandali pa lumabas si Zoey. “Ano ‘yon, Pinsan?’’ tanong ni Zoey. Pumasok na ako sa loob at naupo sa upuan na yari sa kawayan. Nagpakanlong naman ang apat sa akin. “May extra ka ba riyang banig? Nabasa kasi ang higaan ko.’’ Hindi ko sinabi kay Zoey ang tungkol sa babae na nakita ko noong nakaraang linggo. “Mayroon pa namang isa rito. Teka at kunin ko lang.” Tumalikod na siya at nakipaglaro naman ako sa mga bata. Ilang sandali pa dala na ni Zoey ang banig. Ibinigay niya na ito sa akin. “May mga gatas pa ba ang quadru?’’ tanong ko kay Zoey. “May kalahating lata pa silang natira. Huwag ka mag-alala ako na ang bibili bukas. Marami naman akong nabinta kanina.” Hindi na ako sumagot sa tugon ni Zoey. Alam ko naman nahihiya lang siya dahil ako naman palagi ang bumibili ng gatas sa mga pamangkin ko. Simula nang isinilang sila sa mundo, ako na ang tumatayong ama nila. Naawa rin kasi ako kay Zoey. Hindi niya rin naman kasi sinasabi kung sino ang ama ng mga anak niya. Pasalamat na lang kami at natagpuan siya ni Tita. Matagal na namin siyang hinahanap. “Sige, cas. Salamat, ha? Ibabalik ko na lang bukas o sa makalawa kapag nakabili na ako ng higaan.” Tumango lang siya at nagpaalam na ako sa mga bata. Bumalik ako sa bahay. Medyo may kalayuan rin kasi ang bahay ko sa bahay ng pinsan ko. Ang lupa na tinitirikan nila ng bahay ay sakop iyon ng lupain ko na minana ko sa aking ama. Sila na lang ang kamag-anak na natira sa side ni Daddy. Hindi pa ako nakarating sa bahay subalit naamoy ko na ang sunog na sinaing. Mabilis ang lakad ko upang makarating kaagad ako sa bahay. Sa kusina na ako dumaan para matingnan ko kung ano ang nagyayari. Nakita ko na natataranta ang white leghorn sa pagbukas ng kaldero. Nagkandapaso-paso pa siya. Agad kong tiningnan ang sinaing niya. Para na naman akong bulkan na gusto na naman sumabog. Subalit napameywang na lang ako at kinalma ang sarili. Ayaw kong masigawan siya. “Get out of my house,’’ mahina ngunit madiin kong utos sa kaniya. “Ho?’’ kinakabahan niyang tugon. “Get out, now!’’ sigaw ko. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng bahay. Sasakit yata ang ulo ko sa babaeng ito. Sunog ang sinaing at bigas pa dahil hindi niya nilagyan ng tubig. Paglagay niya siguro ng bigas sa kaldero basta niya na lang nilagay. Sa inis ko tinapon ko ang sunog na bigas na puwede nang gawing kape. Pati ang kaldero sunog. Mabuti may isa pa akong kaldero, kaya iyon na lang ang sinaingan ko ulit. Pagkatapos kong isalang sa kalan ang sinaing nagtungo ako sa labas. Nakita ko ang bulate na nakaupo sa duyan. Hindi ko alam subalit umiinit talaga ang ulo ko sa ginawa niya. Puro kapalpakan ang ginawa niya ngayong araw na ito. Iniwan ko lang siya subalit ito ang nangyari. “Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo. Umalis ka na, bahala ka sa buhay mo!’’ wala na ako sa aking sarili, kaya nasabi koi yon at pinagtabuyan siya. “Sorry na, please? Kapag pinaalis mo ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Baka mamaya mapaano pa ako sa daan. Willing naman akong matuto, eh! Sige, na please? Huwag mo na ako paalisin.” Hinawakan niya ang braso ko at nagmamakaawa siya na hindi ko siya paalisin. Iwinaksi ko ang kaniyang kamay. Ayaw ko na may kasamang pabigat sa bahay. Marahil sa pagod dahil sa byahe patungo sa Holand para lang e-deliver ang mga prutas sa Holand, kaya umiinit ang ulo ko. “Bahala ka sa buhay mo! Hindi kita obligasyon, kaya umalis ka na!’’ Tumalikod na ako at pumasok sa bahay. Isinara ko ang pintuan at napasandal ako sa pader. Napapikit ako ng aking mga mata. Malalim akong napabuntong-hininga at bumalik sa kusina para tingnan ang sinaing ko. Naglabas ako ng karneng baboy sa ref at pi-prituhin ko na lang iyon. Isang oras ang lumipas nakaluto na ako. Kumalma na siguro ang dugo ko, kaya sinilip ko ang white leghorn na bulaye sa bintana. Hindi ko na siya nakita sa duyan. May kung anong kumurot sa aking puso ang maisip na umalis na siya. Napapakamot ako sa aking ulo dahil ngayon lang ako nakaramdam ng pag-alala para sa babaeng iyon. Gabi na at madilim pa. Paano kung may mangyaring masama sa kaniya sa daan?’’ Muli bumuntong-hininga ako at nagtungo sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan. Medyo nagulat ako nang mabungaran ko siya na nakaupo sa harap ng pintuan. Umiiyak siya na nakatingala sa akin. Tumayo siya at pinalis ang mga luha. “Huwag mo na muna akong paalisin, please? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Okay, lang sa akin kahit dito ako sa labas matulog, huwag mo lang ako paalisin.’’ Napakibot na lang ako ng aking labi sa pakiusap niyang iyon. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Parang tinutusok ang puso ko nang makitang umiiyak siya. Kung papalayasin ko siya, saan nga naman siya pupunta? Hinila ko na siya sa loob. Subalit hindi pa rin ako umiimik. “Kumain ka na,’’ malamig kong utos sa kaniya. Kumuha lang ako ng pagkain ko at iniwan ko na siya sa lamesa. Sa sala ako kumain at nakaupo ako sa tiles. Pagkatapos kong kumain padabog kong inilapag ang pinagkainan ko sa lababo. Hindi pa siya tapos kumain. Ang bagal niya pakainin, kaya ang payat niya. “Ubusin mo ang ulam at kanin na inihanda ko sa lamesa. Kapag hindi ka tumaba sa loob ng isang linggo, dadalhin kita sa police station upang ihatid ka sa kung saan ka galing!’’ turan ko sa kaniya. Hindi siya umimik subalit nakita ko na binilisan niya ang pagkain. Napapailing na lang talaga ako sa kaniya. Bumalik ako sa sala at naglatag ng banig. Pagkatapos pumasok ako sa aking silid at kumuha ng damit sa aking cabinet. Pagkatapos nagtungo ako sa banyo upang mag-shower. Paglabas ko sa banyo tapos na siya kumain. Nakita ko na hinuhugasan niya na ang mga plato. Para bang wala talaga siyang alam sa gawain sa loob ng bahay. Isinuot ko ang t-shirt ko at pinunasan ang aking basang buhok. Inagaw ko sa kaniya ang mga hugasin. “Ganito ang maghugas ng plato. Tingnan mong mabuti para alam mo.” Alam ko na masungit ang dating ko subalit wala akong pakilam. “Itong mga kanin, tatanggalin mo iyan sa plato. Pagkatapos maglagay ka ng sabon rito sa bowl at isawsaw mo ang sponge. Kusot-kusutin mo para mabula. Pagkatapos unahin mo sabunan itong baso, sumunod itong kutsara at tinidor saka ang sumunod itong mga plato at bowl. Pagkatapos mo sabunan saka mo banlawan ng mabuti. Naintinidhan mo?’’ Nakaawang lang ang mga labi niya habang nakikinig sa pagtuturo ko sa kaniya. Sunod-sunod siyang tumago sa tanong ko. “Oo, naiintindihan ko. Ako na po ang magpatuloy.” Inagaw niya na sa akin ang mga plato. Binitiwan ko na ang mga plato at ibinigay sa kaniya. “Bukas tuturuan kita kung paano magsaing, kaya gumising ka ng maaga. Kalahating araw ako wala rito at baka ala-una na ako makauwi. Kung gusto mo tumagal dito, kailangan matuto ka sa gawain dito sa Farm. Sa susunod na araw tuturuan kita paano mag-alaga ng kambing. Magpakain sa mga manok. Magdamo dito sa gilid ng bahay. At turuan din kita kung paano magtanim sa palayan. Handa ka bang matuto?’’ Taas ang dalawa kong kilay na tanong sa kaniya. “Opo, sabi ko naman willing naman akong matuto,’’ tugon niya sa akin. Huwag mo akong po-po-in. Matanda lang siguro ako sa’yo ng ilang taon at hindi ka naman siguro apat na taon para mag-po sa akin,” malamig kong sabi sa kaniya. “Pagkatapos mo maghugas diyan, pakainini mo si Bantay. Siya nga pala pagkatapos mo pakainin si Bantay tingnan moa ng nasa malaking supot, mga pang-araw-araw mong gagamitin iyan saka binilhan na rin kita ng mga damit para hindi ang damit ko ang sinusuot mo.” Tinalikuran ko na siya at nagtungo ako sa sala pagkasabi ko sa kaniya. Ang damit ko kasi ang pinapasuot ko sa kaniya dahil wala siyang damit na pamalit araw-araw. Lagi ko kasi nakakalimutan na bilhan siya ng damit sa bayan. Kaya, kanina ko lang naalala na bilhan siya ng mga damit. Nagtungo rin ako sa police station at nagtanong kung may nag-report na may nawawala silang kamag-anak lulan ng Helicopter subalit wala namang naka-record doon na may nawawala. Pinatuyo ko ang aking buhok at nahiga sa nilatag kong banig. Bago ako nahiga pinatay ko na ang ilaw. Maaga pa ako magising bukas dahil ihahatid ko sina Zoey at Tita Zonia sa bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD