Episode 6

2344 Words
Chapter 6 SHANY Nahiga ako sa katre na walang sapin. Basa pa kasi ang kotson. Kinabahan ako kanina dahil akala ko papalayasin na ako ni Lorenzo. Mabuti na lang binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon na mananatili dito sa bahay niya. Ayaw ko talagang umuwi pa sa mansion. Kinabukasan nagising ako na masakit ang aking buong katawan. Ang tigas kasi ng higaan ko. Hindi naman ako puwede magreklamo dahil kasalanan ko naman kung bakit sa matigas na higaan ako nakahiga ngayon. Okay lang sa akin kahit matigas ang higaan ko dahil masaya naman ako dahil kasama ko si Lorenzo. Sinuklay ko muna ang aking buhok bago ako lumabas ng silid na tinutulugan ko. Gising na rin si Lorenzo. Nagliligpit siya ng higaan niya. “Good morning,’’ nakangiti kong bati sa kaniya. “Magsaing kana,” malamig niyang utos sa akin. “Huwag na pala at baka masunog na naman ang bigas. Magwalis ka na lang sa labas.” Nagbago yata ang isip niya at iba na naman ang inutos niya sa akin. At least madali lang siguro magwalis kaysa magsaing. “Magto-tooth brush muna ako,’’ tipid kong sagot sa kaniya. Wala man lang reaksyon ang kaniyang mukha. Nagtungo ako sa kusina at kinuha ang aking tooth brush at tooth paste na binili ni Lorenzo para sa akin. Pagkatapos ko gawin ang routine ko sa tuwing umaga nagtungo na ako sa labas. Sa kusina ako dumaan para hindi ako makita ni Lorenzo. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko sa mga gamit niya. Kinuha ko ang walis na nasa gilid ng bahay saka sinubukan magwalis. Hindi ko alam kung bakit napakahirap sa akin gawin ang bagay na ito na parang simple lang gawin ng iba. Hindi ko alam kung pakaliwa kanan baa ng pagwalis ko. Pabalik-balik lang ang mga dahoon na winawalis ko. Ang hirap din pala lumaki sa maranyang buhay. Nakagisnan ko na lahat sa katulong inaasa. Pati ang paghanda ng pampaligo ko. Pati ang pagpalit ng sapin sa kama ko kasambahay namin ang gumagawa. “Bulate, aabutan ka ng next year diyan sa ginagawa mo! Pati ba naman ang pagwawalis hindi mo alam?” Napatingin ako kay Lorenzo na nakadungaw sa may bintana. Malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Baka dahil may amnesia ako, kaya pati ang pagwawalis nakalimutan ko na kung paano,’’ dahilan ko na lang kay Lorenzo. Ang hirap naman magpanggap na may amnesia. Mas lalong mahirap magsinungaling na wala akong maalala. “Ksskk… ksssk… Ang sabihin mo, hindi ka talga marunong sa gawaing bahay.” Kumibot pa ang kaniyang labi nang sinabi niya iyon sa akin. “Madali naman akong matuto, eh!” sagot ko sa sinabi niya. Hindi na siya sumagot at umalis na siya sa may bintana. Dagdagan pa kasi ang sakit ng katawan ko, kaya ang hirap yumuko upang magwalis. Nagulat na lang ako nang lumabas si Lorenzo at inagaw sa akin ang walis. “Ganito ang magwalis, tingnan mong mabuti,’’ aniya at sinimulan niya ng magwalis. “Kapag wala na akong ginagawa tuturuan kita sa mga gawaing bahay. Kawawa naman ang mapapangasawa mo dahil wala kang alam gawin, kundi ang kumain lang. Turuan din kita sa gawain dito sa farm para may pakinabang ka naman habang nakikituloy ka rito sa bahay.” Bahagyang napkibot ang labi ko sa sinabi niya. Seryoso lang ang kaniyang mukha habang nagwawalis. Mabilis naman akong natuto sa pagtuturo ni Lorenzo kung paano magwalis. Ibinigay niya sa akin ang walis at ako na ang nagpatuloy sa pagwawalis sa bakuran. Tagaktak ang mga pawis ko nang makatapos ako sa pagwawalis. Lumipas ang isang oras tinawag ako ni Lorenzo. “Bilisan mo na ang magwalis diyan dahil kakain na tayo. Ang bagal mo kumilos. Para ka talagang bulate. Bilisan mo at ihahatid ko pa ang tiyahin at pinsan ko sa bayan,’’ pagmamadali niya sa akin. Isinandal ko ang walis sa gilid at pumasok sa loob. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Pritong isda na malilit. Bago lang ito sa paningin ko at pang-amoy. Napangiwi ako na sinuri ang maliit na isda. “Bakit ganito ang amoy niya? Parang-‘’ hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil amoy pekpek na ilang linggong hindi nahugasan ang amoy ng maliit na isda na iyon. Kung nakaraan ham at pritong itlog ang nakahain palagi sa lamesa. “Kumain ka na, huwag ng maraming tanong,’’ utos niya sa akin. Kumuha siya ng kanin at kumuha rin siya ng maliliit na isda saka sinawsaw niya iyon sa suka na may kamatis. Sarap na sarap siya sa pagkain na nakakamay lang. Kumuha ako ng maliit na isda saka sinuri iyon. “Kawawa naman sila maliit pa lang sila kinakain na. Baby fish pa ang mga ito, eh!” malungkot kong sabi habang tinitingnan ang hawak kong baby fish. Napahinto ng pagsubo ng kanin si Lorenzo at tumingin sa akin. “Dilis ang tawag diyan. Masarap ‘yan try mong kainin. Maupo ka na, huwag mong pinaghihintay ang pagkain.” Pinagpatuloy niya na ang pagkain niya. Naupo ako at nagsalin ng kanin sa aking plato. Tinikman ko ang isang dilis na hawak ko. Medyo maalat siya saka nalalansahan ako, subalit hindi kalaunana nasarapan din ako lalo na kapag sinawsaw siya sa kamatis na may suka. “Masarap, ‘di ba?’’ Tumango-tango lang ako sa tanong ni Lorenzo sa akin. Lumipas pa ang ilang linggo na pamamalagi ko rito sa lugar na ito marami akong natututunan. Alam ko na ang mga basic na gawaing bahay. Tinuruan ako ni Lorenz, kung paano maglinis ng bahay. Tinuruan niya rin ako kung paano magpapatuka sa mga alaga niyang manok. Pati ang pagpapaligo sa mga alaga niyang kabayo tinuruan niya rin ako. Ngayong araw pupunta kami sa bukid. Doon daw sa taniman ng mga palay. Kasama namin si Bugoy na pinapaaral ni Lorenzo. Naglakbay kami ng ilang kilomtro bago kami nakarating sa palayan. May bahay na maliit roon na kung tawagin nila bahay kubo. “Ha li ka rito,’’ yaya ni Lorenzo sa akin. Lumusong siya sa palayan na may putik. Nag-aalangan ako na lumusong dahil nga maputik. “Ano pa ang hinihintay mo? Hali ka na, tulungan mo ako magtanin ng palay.’’ Sininyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Hinubad ko ang aking tsinilas saka lumusong. Lumubog ang mga paa ko sa putik at naaapakan ko ang mga palay. Natanggal ang pandidiri ko sa putik nang maramdaman ko na smooth sa paa ang putik. Tinuruan ako ni Lorenzo, kung paano magtanim ng palay. Nag-enjoy ako sa pagtatanim. Kahit masakit ang katawan ko parang bigla iyon nawala dahil masaya ako sa aking ginagawa. Lalo na kasing hot ni Lorenzo ang nagtuturo sa akin. Pakiramdam ko para lang ako naglalaro. Mabagal man ang pagtanim ko ng palay at naapakan ko pa ang ilang palay subalit may mga ngiti sa aking labi. Nagagawa ko na kasi kung ano ang gusto kong gawin. Ilang oras na ang lumipas hindi ko na napansin pa ang oras. Nakaramdam ako ng pangangalay sa aking likuran, kaya tumuwid muna ako ng tayo. Hindi ko napansin na nakaupo na pala si Lorenzo sa pilapil. Si Bugoy patuloy pa rin sa pagtatanim. Nagtama ang mga mata namin ni Lorenzo. Napaka-guwapo niya talaga. Kung panaginip lang ito na palagi kong kasama ang lalaking iginuhit ko, ayaw ko na talaga magising pa. Ako ang unang bumawi ng tingin dahil baka bigla na lang ako ma-praning at bigla na lang akong tumakbo at yakapin si Lorenzo. Inuyuko ko na lang muli ang balakang ko at nagpatuloy sa ginagawa ko. Sumapit ang tanghali, umahon na kaming tatlo. Nagsilong kami sa kubo sa gilid ng palayan. Nag-ihaw naman si Lorenzo ng baboy para pang-ulam namin. “Nagbubunga ba iyang palay?’’ tanong ko kay Lorenzo. Malamig ang ekpresyon ng mukha niya na tumingin sa akin. “Kahit palay hindi mo alam?” May halong pangungutya ang tanong niyang iyon sa akin. “Ah, may amnesia ka pala, kaya hindi moa lam kung ano ang palay,” dugtong niya pang sabi. Nahihiya tuloy ako at guilty sa pagsisinungaling ko. Nasimulan ko na rin magsinungaling, kaya lubos-lubusin ko na lang. “Pasensya na dahil hindi ko pa rin maalala ang lahat.” Pinalungkot ko ang aking mga mata upang maniwala siya na wala talaga akong maalala. “Huwag ka mag-alala, makakaalala ka rin kapag dinala kit sa police station. Subalit noong nagpunta ako sa police station, wala naman daw silang report na may nawawala o naghahanap sa’yo. Sana makaalala ka na dahil baka hinahanap ka na sa inyo.’’ Kinabahan at nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. “Please, huwag mo muna sabihin sa mga pulis ang tungkol sa akin. Malay mo at wala pala talaga akong pamilya, kaya walang naghahanap sa akin,’’ pakiusap ko sa kaniya. Alam ko na hindi magre-report sina Daddy at Mommy sa pulis o magsabi sa media na nawawala ako. Lalo na si Kuya Reynold. Pribado ang pamilya ko. Ayaw nila na pinag-uusapan sila sa media o ng mga kakilala nila. Kukuha lang ang mga iyon ng private investigator upang hanapin ako. “Huwag kang mag-alala. Hanggang hindi ka pa nakaalala sa bahay ka lang muna tumuloy, nang sa ganoon may magbabantay sa mga alaga kong hayop.’’ Napasimangot ako sa sinabi niyang iyon, subalit hindi ko na iyon pinakita sa kaniya. Ilang sandali pa ang lumipas kumain na kaming tatlo. Ang sarap ng niluto ni Lorenzo na inihaw na baboy. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Nakaupo kami sa sahig habang salo-salo kaming kumakain. Nakakamay sila ni Bugoy subalit ako naka-kutsara at tinidor pa. Sarap na sarap si Lorenzo sa pagsubo ng pagkain ganoon din si Bugoy. “Alam mo ba kung saan galing ang kanin na kinakain natin?’’ Nakataas ang dalawang kilay ni Lorenzo nang itanong niya iyon sa akin. Sinod-sunod ang pag-iling ko dahil hindi ko maibuka ang aking mga labi dahil puno ito ng kanin. Ang sarap kasi ng inihaw na baboy. “Itong kanin na kinakain natin, diyan galing iyan sa tinanim natin kanina. Kapag namunga na nagiging palay na at kapag naigiling na nagiging bigas na siya natin sinasaing. Kapag umuhay na ang palay ipapakita ko sa’yo,’’ malumanay niyang sabi subalit malamig pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Kahit minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti simula nang dumating ako rito. “Talaga? Diyan pala galing ang kanin na kinakain natin? Akala ko kasi galing sa kung saan ang kanin. Ang hirap pala magtanim ng kanin,’’ wika ko nang malunok ko ang kanin. “Pala yang tinatanim, hindi kanin,’’ koreksyon niya sa akin. “Kaya bawat butil ng kanin o bigas mahalaga dahil pawis at dugo ng magsasaka ang katumbas niyan. Kung wala ang mga magsasaka, walang kakainin ang mga tao na kanin.” Napapatango-tango ako sa sinabi ni Lorenzo. Kaya pala nagagalit si Kuya Reynold, kapag may tirang kanin sa plato ko. Ngayon naiintindihan ko na si Kuya. Bigla ko tuloy na miss ang pamilya ko. Kumusta na kaya sila at ang mga pamangkin ko? Alam ko na nag-aalala na sila sa akin, subalit ayaw ko munang bumalik hanggang hindi na nila ako pipilitin na ikakasal sa gusto nilang ipakasal sa akin. Mamaya ang pangit at masungit pa ang anak nila Tita Rosa. Hayaan ko na muna na dito ako sa tabi ni Lorenzo. E-enjoy ko muna ang sarili ko na manuod ng magandang tanawin rito sa farm. Isa sa magandang tanawin si Lorenzo na nakikita ko sa lugar na ito. Salamat talaga at nagka-pilot error ang piloto ni Kuya, dahil bumagsak ako sa lalake na matagal ko ng pinapangarap. Kumusta na kaya ang piloto na ‘yon? Buhay pa kaya, iyon? Nakatalon din kaya siya sa helicopter? Medyo madilim na ang paligid nang makauwi kami sa bahay. Umuwi na rin si Bugoy sa kanilang bahay sa kabilang bayan pa. Habang kumakain na kami ng hapunan ni Lorenzo may tumawag sa kaniya. Nagtungo siya sa labas ng bahay upang sagutin ang tumatawag sa kaniya. Patapos na akong kumain nang bumalik si Lorenzo. “Kaunti lang yata ang kinain mo?’’ tanong niya sa akin habang nakatingin sa plato ko. “Busog pa ako. Puwede ba ako sumama sa’yo sa baya?’’ Kumibot ang labi niya sa tanong ko. “Walang tao rito sa bahay at walang magpapakain sa mga alaga kong mga hayop. Saka wala ka naman gagawin sa bayan.’’ Napasimangot ako sa sagot niyang iyon sa akin. Nalungkot ako, kaya nagsalumbaba ako sa lamesa. “May bibilhin lang sana ako sa bayan,’’ malungkot kong sabi at sinadya ko na nakakaawa ang aking mukha. Tumaas ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin. “Kung may ipapabili ka, ako na ang bibili. Ano ba ang bibilhin mo?’’ Nahihiya akong sabihin kung ano ang ipapabili ko sa kaniya. Napkin kasi iyon dahil dinatnan ako ng kabuwanan kong dalaw. May patak na kasing dugo sa pantie ko. “Huwag na lang, nakakahiya kasi sa’yo,’’ nahihiya kong sabi. “Sabihin mo na kung ano ang ipapabili mo. Saka ka na mahiya kapag may ginawa kang masama.” Napakagat ako ng labi sa sinabi niyang iyon. Napaka-prangka niya magsalita. Kaysa naman magkalat ako ng regla ko, lakas loob ko na lang sinabi sa kaniya ang pinapapabili ko. “Papabili sana ako ng napkin. Nariyan kasi ang buwang ng dalaw ko.” Tumango-tango lang siya sa sinabi ko at bahagya siyang napahinto sa pagkain. “Anong brand ng napkin ang bibilhin ko?’’ tanong niya at sumubo ulit ng pagkain. “Kahit ano, basta dalawang klase. Iyong overnight at pang-regular flow para sa umaga.” Muli siyang napatango sa sinabi ko. Ang totoo mahal ang napkin na ginagamit ko ‘yong mayroong ion. Nakakahiya naman kapag nag-demand pa ako sa kaniya dahil wala naman akong pera na pambili. Libre na nga ang pagkain ko at tirahan, mag-demand pa ako? Parang abusado na ako kapag nagkaganoon sa kabaitan niya sa akin. “Ikaw ang maghugas ng palto, wala ka ng ipapabili?’’ Tapos na siya sa pagkain at dinala niya na sa lababo ang plato niya. Tumango lang ako sa tanong niya sa akin dahil may lotion, shampoo, feminine wash at sabon pa naman ako na siya rin ang bumili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD