Chapter 14 LORENZO “Good afternoon, Bro,’’ bati ko kay Daniel nang makalapit ako sa kinaroroonan nila. Ngumiti ito at suminyas sa aking ng upo. Umupo ako sa bakanting upuan sa tabi ng kasama niya. Napabaling ako sa katabi ko. “Oh, ikaw pala. Mr. Johnson,’’ medyo nagulat ako nang mapagsino ang kasama ni Daniel. “Nice to see you again.” Tipid itong ngumiti sa akin at nakipagkamayan kaming dalawa. “Magkakilala nap ala kayo? Mabuti naman kung ganoo,’’ nakangiting turan ni Daniel sa amin ni Reynold. “Dude, hindi ko talaga alam kung tama ba itong ginagawa natin. Ayaw kong humantong na malaman ng asawa ko ang tungkol sa amin ni Jennifer. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao? Lalo na ng asawa ko?’’ seryosong tanong ni Reynold kay Gabriel. Hindi ko man naiintindihan kung ano ang nagyayari,