Chapter 13 Lorenzo “Aalis na ako. Mag-ingat ka rito. Sa susunod na linggo ako uuwi. Binilinan ko na rin si Titan a punta-puntahan ka rito,’’ bilin ko sa aking asawa na malungkot ang mukha dahil pansamantala kami munang maghihiwalay. Babalik na ako sa Holand. Mahigit isang linggo na ako rito matapos ang kasal namin. “Mag-ingat ka rin doon,’’ tipid niyang sabi habang nagtutubig ang kaniyang mga mata. Nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, subalit kailangan ko ng bumalik sa Holand. “Ayaw mo rin naman kasi sumama sa akin sa Holand. Sa susunod na uwi ko isasama kita,’’ turan ko sa kaniya at hinagkan ang ulo niya at labi. Ganito pala ang pakiramdam kapag may asawa na. Nakakalungkot kapag pansamantala kayong mawalay sa isa’t isa. Sa Ilang linggo namin pagsasama ni Shasha, parang ang h