Chapter 15 Shany Nakakalungkot naman mag-isa. ‘Yong mga hayop lang ang kausap ko dahil wala ang aswa ko. Ilanga raw na ang nakalipas nang umalis si Lorenzo. Namasyal ako sa taniman ng strawberry at nanguha ako ng mga tira-tira sa mga na harvest naming noong mga nakaraang linggo. Kasama ko palagi si Bantay. Mabuti na lang may aso na alaga si Lorenzo. Habang nangunguha ako ng strawberry, daretso na iyon sa bunganga ko. Pinupunasan ko lang iyong ng aking damit. “Shasha!” Lumingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ko si TIta Zonia; ang tiyahin ni Lorenzo. Kumaway ako sa kaniya bilang pagbati. Lumapit ito sa akin. “Kumusta ka naman rito?” nakangiti nitong tanong. “Heto, at nalulungkot ako minsan, Tita. Mabuti napadalaw po kayo. Ano po iyang dala ninyo?” tanong ko sabay n