Chapter 44 Shany Pagkatapos ng kasal namin ni Lorenzo at ng umuwi na ang mga bisita hinayaan ko na ang mga regalo na nakatambak. Wala akong time na magbukas pa dahil pagod na pagod ang katawang lupa ko. Habang nag-uusap si Lorenzo at Kuya Reynold kasama si Kuya Enrico at iba pang business man nagtungo na ako sa aking silid upang ipahinga ang aking pagod na katawan. Si Patricia naman abala sa pakikipag-kuwentuhan kay Jason. Syempre invited din si Jason sa kasal ko. Ang hipag ko na atribida nagpapahalata talaga na may gusto kay Jason. Bahala nga siya nasa tamang katinuan naman siguro siya. Hinubad ko ang pangtatlong gown ko. Naka-two piece lang ako dahil pagod na ako punta sa walk in closet ko upang kumuha ng pamalit na damit. Ibinagsak ko ang likod ko sa malabot kong kama at pumikit. A