Chapter 42 Lorenzo Iniwan ko na si Shany sa restaurant dahil may binili pa siya para sa mga kasamahan niya. Nagmamadali ako dahil nag-message ang secretary ko na dumating na si Miss Pamela ang isa sa model ng product na ini-endorso namin. Tulad ng bagong tiles na bagong design na ipapalabas. Ayaw ko maghintay ang modelo namin sa akin. Mahalaga rin ang oras niya dahil may pictorial pa siya sa iba niyang proyekto. Subalit nang patapos na kami mag-usap ni Pamela at nakuhanan na rin siya ng ilang photo ng photographer ay hinatid ko siya sa lobby ng building. Nakita ko naman si Shany na pumasok sa elevator at parang basa ito. Hinatid ko si Miss Pamela sa labas at pagkatapos kinausap ang security. “Nakita mo ba si Miss Johnson na sumakay ng taxi?’’ Umiling-iling ang gwardya sa tanong ko. “