Episode 41

2156 Words

Chapter 41 Shany Habang nasa byahe kami ni Lorenzo, walang umiimik sa aming dalawa. Hanggang nakarating kami sa isang boutique. Huminto ang kaniyang sasakyan sa gilid ng boutique. Bumaba na siya at hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pintuan. Napaka-ungentle man niya talaga. Kusa na lang akong bumaba at malakas na isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan. Masakit niya akong tiningnan sa ginawa kong iyon. Tiningnan ko rin siya ng masama at inirapan. Nauna akong pumasok sa kaniya sa boutique. Naroon sina Mommy, Tita Rosa, at ang Atribidang si Patricia na magiging sister in law ko na. “Narito na pala kayo, Iha, Iho,’’ nakangiting bati ni Mommy sa amin ni Lorenzo. “Iha, si Allysa, kaibigan siya ng Ate Crystal mo. Siya ang gagawa ng gown mo,’’ pakilala ni Mommy sa akin kay Ate Allysa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD