Chapter 40 Shany "Bakit ka ba uminom na bata ka? Ang hirap talaga sa'yo mag-isa dahil napapahamak ka sa ginagawa mo," naririnig kong sermon ni Mommy sa akin. Kahit lasing ako nasa tamang kaisipan pa naman ako. "Eh, kasi, ang Dragon ng Paraiso, sinabihan akong malandi!" sagot ko sa lasing na boses sa sinabi ni Mommy. "Sinong Dragon ng Paraiso. Iha?" boses ni Daddy ang nagtanong. "Sino pa ba? Eh 'di si Kuya," sabat naman ni Patricia sa usapan. "Ano ang sinasabi ng kapatid mo, Lorenzo?" narinig kong tanong ni Tita Rosa. "Mom, si Shany ang pinakasalan ni Kuya Lorenzo. Magkakilala sila. Si Shany ang asawa ni Kuya at si Kuya ang naka-virgin kay Shany," daldal ng atribidang anak ni Tita Rosa. Nahihilo na ako, kaya gusto na naman lumabas ng laman ng aking tiyan. Inilabas ko ang sam