"JAKE! In my office! Now!" sabi ni Simon James sa anak na nagdadabog pumasok sa kanilang bahay. Hinarap siya ng kaniyang anak, kunot na kunot ang noo nito, buong byahe nga nila pauwi ay hindi ito nagsasalita at hindi siya kinakausap kahit anong pilit niyang pakikipag-usap dito kaya naman ay napikon na siya at naubusan ng pasensya. "What?!" "I said go to my office right now! I'll see you there because I want to talk to you!" sabi ni Simon James habang kontrolado ang boses. "I don't want to talk if you're just going to open a topic about that—Uh! I don't even know what to call her!" "I'm warning you, Young Man!" galit na sabi ni Simon James. "Tss!" Mabibigat ang yabag nito paakyat ng hagdan, nasisiguro niyang doon ito papunta sa kaniyang opisina. Huminga naman ng malalim si Simon Jame