KINABUKASAN, pagkatapos mag-agahan ni Simon James, sa kaniyang opisina na siya dumiretso dahil marami pa siyang trabaho na kailangan niyang tapusin na hindi na niya kinayang gawin kahapon dahil sa pagod. He may be his own boss, he may be the boss of his own company pero hindi siya pwedeng magpabaya na lamang sa kaniyang mga responsibilidad bilang may-ari at CEO ng kaniyang kompanya, idagdag pa na COO siya ng kompanya ng kaniyang ama. Sakit sa ulo palagi kapag nagsasabay ang trabaho niya sa dalawang kompanya. Now, he really need a secretary that could manage his schedule para hindi magkabanggaan ang mga trabaho niya, ngayon kasi na wala siyang sekretarya ay siya pa ang nagsusulat ng kaniyang schedule, madalas pa ay nakakalimutan niya kung saan niya inilagay ang kaniyang notebook dahil sa